3. Tugmaang Pambata
Maiiksing tula na walang diwa, kung
mayroon man ito ay mababaw lang
Halimbawa:
“Ulan-ulan pantay kawayan
Bagyo- bagyo pantay kabayo”
4. Tugmaang Matatalinghaga
Maiikling tula ngmay sukat at tugma, may
malalim na paksa at humahasa sa
kaisipan
Halimbawa:
a. Bugtong
b. Kawikaan o kasabihan
c. salawikain
5. Bugtong
- ay isang pangungusap o tanong na may
doble o nakatagong kahulugan na
nilulutas bilang
isang palaisipan (tinatawag
ding palaisipanang bugtong)
Halimbawa:
“Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga
pari.” - Zipper
7. Salawikain
ay mga maiiksing pangungusap na lubhang
makahulugan at naglalayong magbigay
patnubay sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay. Naglalaman ito ng mga
karunungan.
Halimbawa:
“Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo”
“Anhin pa ang bahay na bato kung ang nakatira ay
kwago. Mabuti pa ang bahay kubo na ang
nakatira ay tao”
8. Tugmaang ganap na tula
Gumagamit ito ng maririkit na salita na may
sukat, tugma, talinghaga at kaisipan.
Nabibilang dito ang tinatawag na tanaga ng
katagalugan at ambahan ng mga taga-
Mindoro.
Halimbawa
Ang tubig na malalim
Malilirip kung libdiw
Itong birheng magaling
Maling paghanapin
9. Ambahan
Ang ambahan ay isang katutubong tula na
nililikha ng mga Mangyan. Ito ay may
sukat na pitong pantig sa bawat taludtod
maliban sa unang taludtod na maaaring
higit o kulang sa pitong pantig dahil may
mga pagkakataong ang nagsasalita ay
maaaring may mahaba o maigsing
pangalan.
10. Halimbawa:
Huwag ka ngang umiyak
Hala ka at mapukaw
Pusang-ligaw sa gubat
Ngumiyaw, maghihiyaw
Wala kitang pambugaw
Sibat nati'y nawasak
Gulok nati'y nabingaw!
11. Tanaga
Ang tanaga ay isang maikling
katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-
aral agimas at payak na pilosopiyang ginagamit ng
matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.
May estrukturang itong apat (4) na taludtod at
pitong (7) pantig kada taludtod.
Halimbawa:
Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko;
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto
(PALAY)
12. b. Awiting Bayan
Naglalarawan ito kung anong uri ng
pamumuhay ang ating mga ninuno.
May sukat at tugma na kinapapalooban
ng iba’t ibang damdamin na may marikit
na pananalita.
13. Iba’t ibang uri ng Awiting
Bayan
Uyayi o hele – awit sa pagpapatulog ng
bata.
Soliranin – awit sa paggaod o
pamamangka
Kalusan – awit sa sama-samang
paggawa
Diona – awit sa kasal
Kundiman – awit sa pag-ibig
14. Kumintang o Tikam Hiliraw o Tagumpay –
awit ng pakikidigma
Dalit – awit para sa mga anito,
pagsamba at paggalang ang himig nito
Dung-aw – awit para sa patay bilang
pagdadalamhati
Umbay – awit ng nangungulila dahil sa
kawalan ng nagmamahal na magulang
Ditso – awit na mula sa mga batang
naglalaro sa lansangan
15. c. Epiko
Tinatawag na tulang pasalaysay
Nagsasalaysay ito ng kabayanihan ng
pangunahing tauhan.
Napapaloob dito ang kultura ng isang
lalawigan kung saan nagmula ang na
napabantog.
16. Mga halimbawa ng Epiko
Lam-ang – Ilocos
Handiong – Bicol
Hudhud at Alim – Ifugao
Hinilawod – Bisaya
Bantugan – Maranaw
Indarapatra at Sulayman - Maguindanao