Nakatuon sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe. Ito ay tumatalakay sa mga ginawang paglalayag at pananakop ng mga Kanluranin sa Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.
3. Paunang kaalaman…
Nagsimula noong ika-15 na siglo ang eksplorasyon ng mga Europeo sa mga lugar
na hindi pa nararating. Ang eksplorasyon ay nagbigay-daan sa kolonyalismo o
ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.
Noong ika-15 hanggang ika-17 na siglo naganap ang unang yugto ng
Imperyalismong kanluranin.
Imperyalismo – panghihimasok, pag-iimpluwensiya at pagkontrol ng isang
makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.
Ang eksplorasyon ng mga Europeo ay nagkaroon ng matinding epekto sa
nagging takbo ng kasaysayan ng daigdig.
Ang panahon ng ekplorasyon ay nagging dahilan upang ang mga karagatan ay
maging daan tungo sa pagpapalawak ng imperyong Europeo.
4. Motibo para sa kolonyalismo…
Paghahanap ng kayamanan
Pagpapalaganap ng Kristyanismo
Paghangad ng kantayagan at karaganlan
Mga Salik ng pagdating ng mga kanluranin sa Asya
Renaissance
Ang paglakbay ni Marco Polo at Ibn Battuta
Merkantilismo
Krusada
5. Dalawang bansa sa Europe ang nagpasimula ng paglalayag at pagtuklas ng bagong
lupain – ang Portugal at Spain.
Prinsipe Henry (the Navigator) – Inspirasyon ng mga manlalayag. Pinamunuan niya
ang pangunguna ng Portugal sa mga bansang Europeo.
Limitado lamang sa Spain at Portugal ang paglalayag ng mga Europeo noong ika-16
na siglo. Naitatag din sa panahong ito ang unang pinakamalaking imperyo ng
Europeo.
6. 1469 – nagsimula ang imperyo sa panig ng Espanol nang magpakasal si Isabella kay Ferdinand ng
Aragon.
Sa pamumuno ni Ferdinand at Isabella ay napanatili nila ang kapangyarihan ng dugong bughaw sa
Castilla. Nasupil din nila ang mga Muslim sa Granada at nagwakas ang Reconquista.
Noong ika-17 na siglo, naitatag ang mga bagong imperyo sa hilagang Europe, Great Britain, France at
Netherlands.
Ang mga ito ang nagbigay lakas sa mga Europeo upang palakihin ang pakikipagkalakalan at
pagpapalaganap ng mga produktong galling sa Silangan.
7. What’s in a pic?
Paghahanap ng kayamanan
Mga ___________ at _____________ ng Spain at Portugal sa ________________.
8. Ang paghahanap ng Spices…
Noong ika-13 na siglo ay naka depende ang Europe
sa spices na matatagpuan sa Asya particular sa India.
Ang mga spices na malaking demand para sa Europeo ay
ang paminta, cinnamon at nutmeg.
Ang kalakalan ng spices sa Europe at Asya ay kontrolado ng mga Muslim
at ng mga taga-Venice, Italy.
Naging monopolyo ang kalakalan kaya naghangad ang Europe ng
direktang kalakalan ng spices sa Asya.
Spices – ito ay ginagamit nila bilang pampalasa sa kanilang mga pagkain
at upang mapreserba ang mga karne. Ginagamit din nila ito para sa
kanilang pabango, kosmetics at medisina.
9. Spices.. Spices.. Spices…
Bakit ibig ng mga Europeo ang mga
Spices?
Maliban sa mga spices, mayroon pa
bang ibang nakukuha ang mga Europeo
sa kanilang eksplorasyon?
10. Pinangunahan ng Portugal ang
Paggagalugad
Portugal – kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa
panggagalugad sa karagatan ng Atlantic upang makahanap ng mga spices at ginto.
Dahil sa banta ng Mongol minabuti ng Europeo na gamitin ang rutang katubigan
hanggang sa Africa upang mahanap ang rutang Asya.
Bartholomeu Dias – Natagpuan ang pinakatimog na bahagi ng
Africa noong Agosto 1488, na kilala sa tawag na Cape of Good Hope.
Ang paglalakbay ni Dias ay patunay na pwedeng makarating sa Asya
sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa.
11. Vasco de Gama – pinamunuan ang apat na sasakyang pandagat na
naglakbay mula Portugal hanggang India noong 1497.
Ang kanyang Ekspedisyon ay umikot sa Cape of Good Hope, tumigil
sa ilang mga trade post sa Africa upang makipagkalakalan at
nakarating matapos ang 10 buwan sa Calicut, India
Natagpuan niya na ang mga Hindu at Muslim na nakikipagkalakalan
ng mahusay na seda, porselana at pampalasa na pangunahing
kailangan ng mga Portuges sa kanilang bansa.
Hinimok niya ang Asya na direktang makipagkalakal ngunit hindi siya
nagtagumpay.
Kinilala si de Gama sa Portugal bilang bayani dahil sa kanyan nalaman
ng Portugese ang yamang meron ang Silanganin at ang maunlad na
kalakalan nito.
12.
13. Prinsipe Henry
Si Prinsipe Henry ay anak ni Haring Juan ng
Portugal, ang naging pangunahing
tagapagtaguyod ng mga maglalayag sa
pamamagitan ng pag-aanyaya ng mga
mandaragat. Siya ay tagagawa ng mapa,
matematisyan, astrologo, at mag-aaral ng
siyensya na nabigasyon sa bansa. Siya ang
nagging patron ng mga manlalakbay kaya
ikinabit sa kaniyang pangalan ang katawagang
“The Navigator”. Dahil sa kaniyang itinaguyod
na paglalakbay ay nakarating siya sa Azores,
isla ng Madeira at sa mga isla ng Cape Verde.
14. The Mystery One…
Sino-sino ang mga Portugese na yan?
Ano-anong lugar ang kanilang narating?
Ano ang kanilang ambag at nagawa?
15. Ang Paghahangad ng Spain ng Kayamanan Mula sa
Silangan…
Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille
noong 1469 ay naging daan sa Spain na maghangad ng mga kayamanan sa Silangan.
Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian ang naging daan sa pagpapadala ng mga
ekspedisyon sa Silangan.
Christopher Columbus – isang Italyanong manlalayag na kauna-
unahang namuno sa ekspedisyon sa Silangan. Noong 1492 ay
tinulungan siya na ilunsadd ang kaniyang ekspidasyon patungong India na
dumaan pakanluran ng Atlantiko.
16. Ang ekspedisyon ni Columbus ay nakaranas ng maraming
paghihirap gaya ng walang kasiguraduhan na mararating nila
ang Silangan, pagod at gutom sa kanilang paglalakbay at
haba ng panahon na kanilang inilagi sa katubigan.
Naabot din niya ang isla ng Bahamas dahil sa maling akala
na Indians ang mga tao doon dahil sa kulay ng mga balat.
Tatlong buwan ang inilagi ng kanilang paglalakbay ng
maabot nila ang Hispanioala (kasalukuyang nasa bansa ng
Haiti at Dominican Republic) at ang Cuba.
Maraming ginto siyang natagpuan dito ngunit sa tingin niya
ay hindi pa din nararating ang Sibilisasyon ng Asya.
Pagbalik niya ng Spain ay ipinagbunyi ang resulta ng kaniyang
ekspedisyon at binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea,
Viceroy at Gobernador ng mga islang kaniyang natagpuan sa
Indies.
Tatlong ekspedisyon pa ang kaniyang pinamunuan bago siya
namatay noong 1506. Narating niya ang mga isla sa Carribean at sa
South America ngunit di siya nagtagumpay sa paghahanap ng
bagong ruta patungo sa Silangan.
17. Amerigo Vespucci – Italyanong nabigador na
nagpaliwanang na si Columbus ay nakatagpo ng
Bagong Mundo noong 1507.
Ang lugar na ito nang lumaon ay isinunod sa
pangalan ni Amerigo kaya nakilala ito bilang America.
Ito ay naitala sa mapa ng Europe.
19. Paghahati ng Mundo
Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga
ekspedisyon ng Portugal at Spain humingi ang mga bansang ito ng
tulong sa Papa sa Rome upang mamagitan sa kanilang mga
paglalabanan.
Line of demarcation – noong 1493 ay ginuhit ito ng papa, isang
hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang
Pola hanggang sa Timugang Pola. Ipinaliliwanag nito na ang lahat
na matatagpuang kalupaan at katubigan sa Kanlurang bahagi ng
linya ay para sa Spain at sa Silangang bahagi ng linya ay para
naman sa Portugal.
Pope Alexander VI – naglabas ng papal bull na naghahati sa lupaing
maaring tuklasin ng Portugal at Spain.
20. Nagduda ang mga Portuguese sa nagging kinalabasan ng kanilang pagtatanong kaya
nagpetisyon sila na baguhin ang naunang linya na dapat mapunta sa kanila at Spain.
Nakita nila na baka lumawak ang paggagalugad ng Spain sa Kanluran at maaaring
maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa Silangan.
Kasunduan sa Tordesillas (1494) – nagkasundo ang Portugal at Spain na bagohin at
ilayo pakanluran ang line of demarcation.
22. Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan
o Ferdinand Magellan – isang Portuges na ang paglalakbay ay
pinondohan ng Spain taong 1519 nang magsimula ang kaniyang
ekspedisyon.
o Nilakbay ng kanyang ekspedisyon ang rutang pakanluran tungong
Silangan. Natagpuan nila ang silangang baybayin ng South America
o bansang Brazil sa kasalukuyan.
o Nilakbay din nila ang isang makitid na daanan ng tubig; ang Strait
of Magellan ngayon, pinasok ang malawak na Karagatang Pasipiko
hanngang marating ang Pilipinas.
o Sa haba ng paglalakbay, nakaranas sila ng pag-aalsa ng mga
kasamahan at pagkagutom. Ngunit nalagpasan nila ang lahat ng ito
at nakatagpo ng malaking kayamanang ginto at mga pampalasa.
23. Naging matagumpay din sila na
madala sa Katolisismo ang mga
katutubo.
Napatunayan ng ekspedisyon na
kayang ikotin ang mundo ay muling
makabalik sa pinanggalingan.
Pinatunayan ito ng nang barkong
Victoria na nakabalik sa Spain kahit na
napatay si Magellan sa Spain.
Ito ang unang circumnavigation o pag-ikot sa mundo. Itinama nito ang lumang
kaalaman ng mga Europeo na ang mundo ay patag. Naitala sa mapa ang iba pang
kalipaan sa Silangan kaya’t lalo pang nakilala ang yaman nito.
25. Ang mga Dutch…
Dutch – Pumalit sa mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya
noong ika-17 na siglo.
Inigaw nila ang Moluccas mula sa Portugal at nagtatag ng bagong sistemang
plantasyon kung saan ang mga lupain ay pinatanniman ng mga halamang mabili sa
pamilihan.
Henry Hudson – nanguna sa pagtatag ng kolonya sa North America. Napasok niya ang
New York Bay noong 1609 at pinangalanan itong New Netherland.
Trade Outpost – isang himpilang pangkalakalan na itinatag noong 1624 sa rehiyon ng
New Amsterdam (kasalukuyang New York City).
Dutch East India Compony – dahilan kung bakit mas tumagal pa ang pananakop ng
mga Dutch sa Asya kysa sa America.
26. Ilog Hudson – ilog na pinangalan galing kay
Henry Hudson na matatagpuan sa Manhattan,
USA.
Nagtatag din ng pamayanan sa Africa ang mga
Dutch sa pamamagitan ng mga Boers; mga
magsasakang nanirahan sa may Cape of Good
Hope.
Noong ika-17 na siglo, humina ang kapangyarihang
pangkomersiyo ng mga Dutch at napalitan ng England
bilang pinakamalakas na imperyong pangkatubigan ng
Emperyo.
28. Kahalagahan ng mga Paglalayag at
Pagtutuklas ng mga Lupain…
Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang pagtuklas at paglalayag
noong ika-15 at ika-16 na siglo.
Nawala sa dating kinalalagyan ang Italy sa kalakalan na kaniyang pinamumunuan
sa Medieval Period.
Naging sentro ng kalakalan ang mga pantalan sa babay dagat ng Atlantic mula sa
Spain, Portugal, France, Flanders, Netherlands at England.
Ang mga kalakal na matatagpuan sa Bansa:
Spices – Asia
Kape, Ginto at Pilak – North America
Asukal at Molasses – South America
Indigo – Kanlurang Indies
29. Ang mga produktong ito ang nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping ginto
at pilak galing sa Mexico, Peru at Chile. Ito ang nagpasimula sa pagtatag ng
bangko.
Kapitalismo – ang Sistema kung saan mamumumuhunan ng kaniyang salapi ang
isang tao upang magkaroon ng tubo.
Noong Medivial Period, hindi alam ng mga tao ang pag-iipon ng salapi.
Nasiyahan na sila kung sapat na ang kanilang kita. Ngunit sa pag-unlad ng
kalakalan, dumami ang kanilang salaping naipon. Hindi nila ito itinago, bagkus
ginamit nila itong puhunan para higit na lumago pa.
31. Epekto ng Unang Yugto ng
Kolonisasyon
Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Espanol at Portuguese ay
nagbigay-daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa
nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan.
Nakapukaw ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at
teknolohiya sa heograpiya at paglalayag.
Sumigla ang paglaganap ng sibilasasyong kanluranin sa silangan.
Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad ng
pagkawala ng kasarinlan, paninikil at pagsasamantala sa kanilang likas na
yaman.
Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa
pagpapalitan ng mga hayop, halaman, pati na sa mga sakit sa pagitan ng
Old World at New World.
32. Complete the Word…
1. _ _ i _ _ s – ginagamit na pampalasa ng mga Europeo na
kadalasan hinahanap hanap nila sa Asya.
2. _ _ r _ _ _ a _ - kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng
interes sa panggagalugad sa karagatan ng Atlantic
upang makahanap ng mga spices at ginto.
3. A _ _ r _ _ _ V _ _ _ u _ _ _ _ - sa kanyang pangalan nanggaling
ang America.
4. _ a _ _ o _ _ _ a _ a - pinamunuan ang apat na sasakyang pandagat
na naglakbay mula Portugal hanggang India noong 1497.
5. C _ _ _ _ _ _a _ i _ _ t _ _ n - pag-ikot sa mundo