SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 26
A.Nibubuod ang nilalaman ng tekstong binasa;
B.Nabibigyang-kahulugan ang mga salita ayon
sa iba’t ibang paraan ng pagpapakahulugan;
at
C.Napahahalagahan ang gamit ng mga salita o
pangungusap na tinalakay tungo sa pagiging
mahusay na komyunikeytor sa Filipino.
Pagbasa:
Anak, Wala Kang Utang
Ni Bernardo F. Ramos
Ang kuwento ay tungkol sa isang anak na nagngangalang
Eugene. Siya ay nagtratrabaho bilang manedyer ng bangko. Isang
araw, kinausap niya ang kanyang ina na hindi na siya magbibigay ng
pera tuwing kinsenas at katapusan ng buwan, sa halip, ipagpapatayo
na lamang niya ng sari-sari store ang kanyang ina. Pumayag naman
ang ina at dahil sa kasipagan sa pag-aasikaso sa anak at sa tindahan
at dala na ring ng katandaan, siya ay nagkasakit. Isang araw, dinatnan
ni Eugene na magulo ang bahay. Labis itong nagalit dahil wala siyang
malinis na damit na maisuot, walang pagkaing nakahanda, wala ang
kanyang paboritong dyaryo. Sa madaling salita, walang kaayusan ang
bahay. Nang tawagin na niya ang kanyang ina, ito ay nauubong
lumapit. Humingi ito ng pera para sa pambili ng gamot. Dito lalong
nagalit si Eugene.
Pagbasa:
Anak, Wala Kang Utang
Ni Bernardo F. Ramos
“Ano? Pera na naman? Tingnan n’yo nga ang
bahay, ang gulo-gulo. Wala akong malinis na damit na
maisuot, walang pagkaing nakahanda, wala ang aking
paboritong dyaryo, wala sa kaayusan ang bahay !”
Dinukot niya ang kanyang pitaka sa bulsa. Sa halip
na pera ang kunin, isang pagkahaba-habang listahan ang
kanyang inilabas mula rito.
“Alam n’yo ba kung ano ito? Listahan ito ng utang
n’yo. “’Yong singkwenta pesos, bente, isangdaan na
hinihiram n’yo sa akin, nakalista lahat ‘yon.” At isinabit
niya sa leeg ng ina ang listahan. “‘Yan lahat ang utang
n’yo sa akin! Bayaran n’yong lahat ‘yan ha!”At padabog
nitong isinara ang pinto sa paglabas niya ng bahay.
Pagbasa:
Anak, Wala Kang Utang
Ni Bernardo F. Ramos
Nang sumunod na araw, nadatnan niya na
malinis na ang kanilang bahay. Mayroon na siyang
malinis na mga damit, may pagkain nang nakahanda,
at nasa mesa na ang kanyang paboritong dyaryo. Sa
madaling salita, nasa kayusan na ang bahay. Lamang,
walang inang lumapit nang siya’y tumawag. Napag-
alaman niya mula sa isang kapitbahay na nagdala ng
sulat ng ina na ang kanyang hinahanap ay isinugod sa
ospital dahil sa malubha nitong karamdaman.
Pagdating sa ospital, dahil sa hindi nga siya
makapasok sa operating room, napagdesisyonan
niyang basahin ang sulat ng ina.
Pagbasa:
Anak, Wala Kang Utang
Ni Bernardo F. Ramos
Eugene, anak,
Alam mo noong maliit ka, nagkasakit ka ng tipus. Ang taas-
taas ng lagnat mo noon. Noong pinaospital ka namin anak, ang
ginastos namin sa iyo, siguro, nasa trenta mil. Noong nag-aral ka na,
ipinasok ka namin sa nursery, kindergarten, at preschool; ang
ginastos namin sa iyo, siguro, nasa singkwenta mil. Noong nag-aral
ka ng grade 1 hanggang grade 6 sa isang exclusive school, ang
ginastos namin sa’yo, siguro, nasa isandaang libong piso. Noong
naghayskul ka naman, sa exclusive school pa rin, siguro, ang
ginastos namin sa’yo ay nasa dalawang daang libong piso. Noong
magkolehiyo ka naman at kumuha ng management, ang ginastos
namin sa’yo, siguro, nasa tatlongdaang libong piso. Anak, pwera pa
d’yan ang baon mo, damit mo, libro mo, pamasahe mo, mga proyekto
mo sa iskul, at mga gimmick mo. Pero, anak, ni minsan ba narinig
mo sa akin na “Eugene, anak, ‘yan lahat ang utang mo sa akin.
Bayaran mo lahat ‘yan ha.? Narinig mo bang sinabi ko sa’yo ‘yon?”
Pagbasa:
Anak, Wala Kang Utang
Ni Bernardo F. Ramos
Puno ng luha ang mga mata na nagpunta sa kapilya
si Eugene upang magdasal. Ni hindi nito alam kung paano
mag-antanda, kung paano mag-reflect, kung paano
lumakad nang paluhod. Ang tanging alam niya ay ihingi ng
tawad ang kanyang malaking pagkakasala na nagawa niya
sa kanyang ina. Dahil sa labis na pighati, bumagsak si
Eugene. Sa kanyang pangitain ay kanyang nakita ang ina
na nakasuot ng puti habang kanyang nilalapitan ay
lumalayo naman ang kanyang ina. Nang siya’y magising,
dali-dali niyang pinuntahan ang operating room. Puno ng
katahimikan ang silid. Naroon na ang puting kumot sa
higaan. Siya ay napasigaw ng
“Nanayyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!”
Pagbasa:
Anak, Wala Kang Utang
Ni Bernardo F. Ramos
Sa kanyang nanghihinang balikat ay may
dumantay na malamig na kamay at sa kanyang
paglingon, narinig niya ang mga katagang: “Anak,
wala kang utang.”
Makatotohanan ba ang mga pangyayari sa
kuwento?
Sino ang dapat sisihin sa pagkamatay ng
ina sa kuwento?
Batay sa ikinilos ng anak, makatuwiran pa
bang tawaging anak si Eugene? Ipaliwanag
pagtalakay
May pagbabago o mababago ba sa iyong pag-
uugali o pagkatao matapos basahin ang
kuwento? Ilahad ito.
pag-isipan
Ang wika ay kumakatawan sa
personalidad at kasaysayan ng isang tao.
Mahihinuha mo sa kanyang pananalita
ang kanyang kalagayan sa buhay, interes,
paniniwala, at damdamin.
Mapatutunayan ang pahayag sa itaas sa
pamamagitan ng daloy ng usapan – may
usapang pormal at usapang di-pormal.
Sa usapang di-pormal, nagagawa ng tao na
magbigay ng iba’t ibang kahulugan ng salita
batay sa pagkakagamit nito sa
pangungusap...
1. Kontekstuwal na kahulugan – Kahulugan
ng salita buhat sa pagkakagamit ng iba
pang salita sa loob ng pangungusap
Hal.Madaling mahikayat ang ilang kabataan
na gumamit ng ipinagbabawal na gamot
kaya dapat maimpluwensiyahan ka ng
mga mabubuting kaibigan.
2.Kasingkahulugan – Pareho ng
kahulugan
Hal. pagmamahal = pag-ibig
3.Kasalungat – Kabaligtarang kahulugan
Hal. pagmamahal = pagkapoot
4.Homonyms - pareho ng baybay at
bigkas subalit magkaiba ang kahulugan.
Hal.bata – (child)
bata – (sweetheart)
5.Heteronyms - pareho ng baybay subalit
magkaiba ang bigkas at kahulugan.
Hal.paso ... paso
pusod ... pusod
6.Kaalaman sa kayarian ng salita – paggamit
ng payak, maylapi, inuulit at tambalang salita.
7.Kaalaman sa hiram na salita – paggamit ng
mga nababago at hindi nababagong ispeling
ng salitang hiniram patungong Filipino.
7.Denotasyon – karaniwan o
payak na kahulugang
pandiksyonaryo.
Hal. kalabasa = gulay
8.Konotasyon – kahulugang iba
sa karaniwang pakahulugan.
Hal. kalabasa = bagsak o zero
ang marka
Paggamit ng mga matatalinghagang
pananalita - ang Sawikain o Salawikain o
Kawikaan/Idyomatikong Ekspresyon ay
mga patalinghagang butil ng karunungang
hango sa karanasan ng mga matatanda
upang magbigay ng mabubuting payo o
pangaral tungkol sa kagandahang-asal,
matuwid na paraan ng pamumuhay, at
paalaala tungkol sa batas ng kaugalian sa
pamayanan.
Hal.
#Ang naghangad ng kagitna, Isang salop
ang mawawala.
#Ang walang hirap mag-ipon, Walang
hinayang magtapon.
#Bago mo pansinin ang dungis ng iba, Ang
sariling dungis ay pahirin muna.
#Ang pag-aasawa’y di-kaning isinubo; Na
iluluwa kapag ika’y napaso.
Hal.
#lumagay sa tahimik
#panakip-butas
#kinain ng apoy
#hulog ng langit
#di-makabasag-pinggan
#pabalat-bunga
Suriing mabuti ang mga sumusunod na
pahayag at tukuyin ang kahulugan ng mga
ito batay sa konteksto ng pangungusap.
1.“Matigas ang kanyang ulo, kaya siya
napahamak.”
2.“Ako ang itinuring na bulaklak ng kanyang
buhay.”
3.“Kamay na bakal ang ginamit ng pangulo
upang mapasunod ang taumbayan.”
4.“May mataas na pader na namamagitan sa
amin ng aking mga magulang.”
Suriing mabuti ang mga sumusunod na
pahayag at tukuyin ang kahulugan ng mga
ito batay sa konteksto ng pangungusap.
5. Patuloy ang paglobo ng populasyon ng
Pilipinas na pinangangambahan ng mga
eksperto.
6. Maaaring kahirapan at pagdurusa ang hatid
ng patuloy na paglaki ng populasyon ng
bansa.
7. Maraming kabataan ang nakikipagtalik nang
hindi kasal.
Suriing mabuti ang mga sumusunod na
pahayag at tukuyin ang kahulugan ng mga
ito batay sa konteksto ng pangungusap.
8. Malakas ang loob ng maraming kabataan na
magkaanak kahit may gatas pa sa labi.
9. Ang pagkakaroon ng edukasyon sa
sekswalidad ang nakikitang solusyon ng
pamahalaan sa pagkontrol ng populasyon ng
bansa na hindi makakanti ang balat-sibuyas
na damdamin ng Simbahang Katoliko.
Suriing mabuti ang mga sumusunod na
pahayag at tukuyin ang kahulugan ng mga
ito batay sa konteksto ng pangungusap.
1.“Bato ang kanyang puso sa lahat ng mga
problemang nararanasan sa buhay.”
matigas na bagay manhid
2.“Kahit bata pa lamang ay marami na siyang
alam sa buhay.”
kasintahan musmos
3.“Natisod ako sa bato.”
mineral mula sa lupa walang pakiramdam
Suriing mabuti ang mga sumusunod na
pahayag at tukuyin ang kahulugan ng mga
ito batay sa konteksto ng pangungusap.
4.“Laylay ang kanyang balikat nang umuwi
siya galing sa trabaho.”
pagod na pagod may pilay sa balikat
5.“Masyadong mataas ang bundok na inakyat
naming magkakaibigan.”
problema anyong-lupa
6.“Pabalat-bunga lang ‘yan kaya mag-ingat
ka.” hindi totoo bunga ng puno
Suriing mabuti ang mga sumusunod na
pahayag at tukuyin ang kahulugan ng mga
ito batay sa konteksto ng pangungusap.
7.“Ang kaunting tapik ay hindi masama pero
ang hagupitin ang anak ay sobra na.”
phampasin ng latigo paluin
8.“Napakaganda ng mga naging bunga ng mag-
asawa.”
anak prutas
9.“Mabuti at masama, ito ang 2 klase ng tao sa
mundo.” mabait tama
Suriing mabuti ang mga sumusunod na
pahayag at tukuyin ang kahulugan ng mga
ito batay sa konteksto ng pangungusap.
10. Alam mo, frend, panakip-butas lamang ang
turing sa akin ni Gelo.
pantapal pamalit
Minsan may Isang Doktor
Isang doktor ang nagmamadaling nagpunta sa
emergency room dahil pinatawag siya para sa isang
emergency operation. Habang tumatakbo papuntang
emergency room, nakita ng doktor ang tatay ng bata.
"Bakit ba ang tagal n'yo? Alam mo bang nanganganib
ang buhay ng anak ko?" sabi ng tatay.
Ngumiti ang doktor at sumagot "Pasensya na po.
Wala po kasi ako sa ospital kanina. Pinatawag lang
po ako kaya po nagmamadali akong nagpunta dito.
Maging mahinahon po kayo." "Maging mahinahon?
Paano kung ang anak mo ang nasa loob ng
emergency room na yan? Magiging mahinahon ka
ba?" pabalang na sagot naman ng tatay. "Gagawin ko
po ang lahat ng aking makakaya para mailigtas ang
inyong anak" mahinanong tugon naman ng doktor.
"Napakadaling sabihin para sa'yo" bulong ng tatay.
Inabot ng oras ang operasyon at hindi pa rin
mapakali ang tatay ng bata sa loob ng emergency
room. Makalipas pa ang ilang oras ay lumabas na ang
doktor sa emergency room na may ngiti sa kaniyang
mukha. "Ligtas na po ang inyong anak." sabi ng
doktor at bigla na lamang itong nagmamadaling
umalis.
"Napakayabang ng doktor n'yo dito" sabi ng tatay
sa isang papadaang nurse. "Hindi man lamang
manatili kahit saglit para maitanong ko ang kondisyon
ng aking anak" tuloy pa niya. "Maayos na po ang
lagay ng inyong anak, ginawa po ng doktor ang lahat
ng kaniyang makakaya para po hindi mawalay ang
inyong anak sa inyo. Kaya po siya nagmamadali dahil
hahabulin pa po niya ang huling burol ng kaniyang
anak.”

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Elementongtula 090311172947-phpapp02
Elementongtula 090311172947-phpapp02Elementongtula 090311172947-phpapp02
Elementongtula 090311172947-phpapp02
Mica Lois Velasco
 

Was ist angesagt? (20)

Ang Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Ang Kapanahunan ng Nobelang FilipinoAng Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Ang Kapanahunan ng Nobelang Filipino
 
Unang markahang pagsusulit sa Filipino 8 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit sa Filipino 8 w/ TOSUnang markahang pagsusulit sa Filipino 8 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit sa Filipino 8 w/ TOS
 
Alamat ng Bundok Kanlaon.pptx
Alamat ng Bundok Kanlaon.pptxAlamat ng Bundok Kanlaon.pptx
Alamat ng Bundok Kanlaon.pptx
 
Halimbawa ng pagsasaling wika
Halimbawa ng pagsasaling wikaHalimbawa ng pagsasaling wika
Halimbawa ng pagsasaling wika
 
SI PINKAW
SI PINKAWSI PINKAW
SI PINKAW
 
AGINALDO NG MAGO.pptx
AGINALDO NG MAGO.pptxAGINALDO NG MAGO.pptx
AGINALDO NG MAGO.pptx
 
Sanaysay
SanaysaySanaysay
Sanaysay
 
ang matanda at ang dagat.pptx
ang matanda at ang dagat.pptxang matanda at ang dagat.pptx
ang matanda at ang dagat.pptx
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Elementongtula 090311172947-phpapp02
Elementongtula 090311172947-phpapp02Elementongtula 090311172947-phpapp02
Elementongtula 090311172947-phpapp02
 
Pagsasanay sa Pangatnig at Transitional Devices
Pagsasanay sa Pangatnig at Transitional DevicesPagsasanay sa Pangatnig at Transitional Devices
Pagsasanay sa Pangatnig at Transitional Devices
 
Kaligirang-Kasaysayan.pptx
Kaligirang-Kasaysayan.pptxKaligirang-Kasaysayan.pptx
Kaligirang-Kasaysayan.pptx
 
Ano ang sanaysay
Ano ang sanaysayAno ang sanaysay
Ano ang sanaysay
 
PPT MUNTING PAGSINTA - SIR BINASBAS.pptx
PPT MUNTING PAGSINTA - SIR BINASBAS.pptxPPT MUNTING PAGSINTA - SIR BINASBAS.pptx
PPT MUNTING PAGSINTA - SIR BINASBAS.pptx
 
elemento ng sanaysay.pptx
elemento ng sanaysay.pptxelemento ng sanaysay.pptx
elemento ng sanaysay.pptx
 
ANG MATANDA AT ANG DAGAT PP.pptx
ANG MATANDA AT ANG DAGAT PP.pptxANG MATANDA AT ANG DAGAT PP.pptx
ANG MATANDA AT ANG DAGAT PP.pptx
 
Aralin 2.2-SARSWELA.pptx
Aralin 2.2-SARSWELA.pptxAralin 2.2-SARSWELA.pptx
Aralin 2.2-SARSWELA.pptx
 
EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptx
EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptxEKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptx
EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptx
 
Alamat
AlamatAlamat
Alamat
 
Balita sa Pamamahayag
Balita sa PamamahayagBalita sa Pamamahayag
Balita sa Pamamahayag
 

Ähnlich wie Kahulugan ng SalitaALS.pptx

Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1onlyHiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Carlo Precioso
 
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd  QuarterFilipino 3 Learner's Manual 2nd  Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
EDITHA HONRADEZ
 
Reviewer12345678910 Math Science AP TLE CLE
Reviewer12345678910 Math Science AP TLE CLEReviewer12345678910 Math Science AP TLE CLE
Reviewer12345678910 Math Science AP TLE CLE
ScribblesBinan
 

Ähnlich wie Kahulugan ng SalitaALS.pptx (20)

Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptx
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptxIba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptx
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptx
 
Grade 9 filipino week 4 las
Grade 9 filipino week 4 lasGrade 9 filipino week 4 las
Grade 9 filipino week 4 las
 
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1onlyHiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
 
FILIPINO GRADE 5 K-12 ALAB FILIPINO 1ST QUARTEER WEEK 3
FILIPINO GRADE 5 K-12 ALAB FILIPINO 1ST QUARTEER WEEK  3FILIPINO GRADE 5 K-12 ALAB FILIPINO 1ST QUARTEER WEEK  3
FILIPINO GRADE 5 K-12 ALAB FILIPINO 1ST QUARTEER WEEK 3
 
Q1W1_AP4_0.docx
Q1W1_AP4_0.docxQ1W1_AP4_0.docx
Q1W1_AP4_0.docx
 
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptxFil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
 
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekModyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
 
DISS 11-HUMSS
DISS 11-HUMSSDISS 11-HUMSS
DISS 11-HUMSS
 
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikanModyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
 
Q4 W4 filipino grade 6
Q4 W4 filipino grade 6 Q4 W4 filipino grade 6
Q4 W4 filipino grade 6
 
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd  QuarterFilipino 3 Learner's Manual 2nd  Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
 
3 fil lm q2
3 fil lm q23 fil lm q2
3 fil lm q2
 
FIL-3-WEEK-2-DAY-1-4.pptx
FIL-3-WEEK-2-DAY-1-4.pptxFIL-3-WEEK-2-DAY-1-4.pptx
FIL-3-WEEK-2-DAY-1-4.pptx
 
Reviewer12345678910 Math Science AP TLE CLE
Reviewer12345678910 Math Science AP TLE CLEReviewer12345678910 Math Science AP TLE CLE
Reviewer12345678910 Math Science AP TLE CLE
 
PANGATNIG
PANGATNIGPANGATNIG
PANGATNIG
 
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismoModyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
 
FIL Q1 W1- DAY 2.pptx
FIL Q1 W1- DAY 2.pptxFIL Q1 W1- DAY 2.pptx
FIL Q1 W1- DAY 2.pptx
 
FILIPINO_Q1W3_PANGANGALAN-PANGHALIP.pptx
FILIPINO_Q1W3_PANGANGALAN-PANGHALIP.pptxFILIPINO_Q1W3_PANGANGALAN-PANGHALIP.pptx
FILIPINO_Q1W3_PANGANGALAN-PANGHALIP.pptx
 
NOV-16.pptx
NOV-16.pptxNOV-16.pptx
NOV-16.pptx
 

Kürzlich hochgeladen

669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
KathlyneJhayne
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Paul649054
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
AizaStamaria3
 
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
vh27pvs4b5
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
Joren15
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
VillasoClarisse
 

Kürzlich hochgeladen (20)

ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusapAyos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
 

Kahulugan ng SalitaALS.pptx

  • 1. A.Nibubuod ang nilalaman ng tekstong binasa; B.Nabibigyang-kahulugan ang mga salita ayon sa iba’t ibang paraan ng pagpapakahulugan; at C.Napahahalagahan ang gamit ng mga salita o pangungusap na tinalakay tungo sa pagiging mahusay na komyunikeytor sa Filipino.
  • 2. Pagbasa: Anak, Wala Kang Utang Ni Bernardo F. Ramos Ang kuwento ay tungkol sa isang anak na nagngangalang Eugene. Siya ay nagtratrabaho bilang manedyer ng bangko. Isang araw, kinausap niya ang kanyang ina na hindi na siya magbibigay ng pera tuwing kinsenas at katapusan ng buwan, sa halip, ipagpapatayo na lamang niya ng sari-sari store ang kanyang ina. Pumayag naman ang ina at dahil sa kasipagan sa pag-aasikaso sa anak at sa tindahan at dala na ring ng katandaan, siya ay nagkasakit. Isang araw, dinatnan ni Eugene na magulo ang bahay. Labis itong nagalit dahil wala siyang malinis na damit na maisuot, walang pagkaing nakahanda, wala ang kanyang paboritong dyaryo. Sa madaling salita, walang kaayusan ang bahay. Nang tawagin na niya ang kanyang ina, ito ay nauubong lumapit. Humingi ito ng pera para sa pambili ng gamot. Dito lalong nagalit si Eugene.
  • 3. Pagbasa: Anak, Wala Kang Utang Ni Bernardo F. Ramos “Ano? Pera na naman? Tingnan n’yo nga ang bahay, ang gulo-gulo. Wala akong malinis na damit na maisuot, walang pagkaing nakahanda, wala ang aking paboritong dyaryo, wala sa kaayusan ang bahay !” Dinukot niya ang kanyang pitaka sa bulsa. Sa halip na pera ang kunin, isang pagkahaba-habang listahan ang kanyang inilabas mula rito. “Alam n’yo ba kung ano ito? Listahan ito ng utang n’yo. “’Yong singkwenta pesos, bente, isangdaan na hinihiram n’yo sa akin, nakalista lahat ‘yon.” At isinabit niya sa leeg ng ina ang listahan. “‘Yan lahat ang utang n’yo sa akin! Bayaran n’yong lahat ‘yan ha!”At padabog nitong isinara ang pinto sa paglabas niya ng bahay.
  • 4. Pagbasa: Anak, Wala Kang Utang Ni Bernardo F. Ramos Nang sumunod na araw, nadatnan niya na malinis na ang kanilang bahay. Mayroon na siyang malinis na mga damit, may pagkain nang nakahanda, at nasa mesa na ang kanyang paboritong dyaryo. Sa madaling salita, nasa kayusan na ang bahay. Lamang, walang inang lumapit nang siya’y tumawag. Napag- alaman niya mula sa isang kapitbahay na nagdala ng sulat ng ina na ang kanyang hinahanap ay isinugod sa ospital dahil sa malubha nitong karamdaman. Pagdating sa ospital, dahil sa hindi nga siya makapasok sa operating room, napagdesisyonan niyang basahin ang sulat ng ina.
  • 5. Pagbasa: Anak, Wala Kang Utang Ni Bernardo F. Ramos Eugene, anak, Alam mo noong maliit ka, nagkasakit ka ng tipus. Ang taas- taas ng lagnat mo noon. Noong pinaospital ka namin anak, ang ginastos namin sa iyo, siguro, nasa trenta mil. Noong nag-aral ka na, ipinasok ka namin sa nursery, kindergarten, at preschool; ang ginastos namin sa iyo, siguro, nasa singkwenta mil. Noong nag-aral ka ng grade 1 hanggang grade 6 sa isang exclusive school, ang ginastos namin sa’yo, siguro, nasa isandaang libong piso. Noong naghayskul ka naman, sa exclusive school pa rin, siguro, ang ginastos namin sa’yo ay nasa dalawang daang libong piso. Noong magkolehiyo ka naman at kumuha ng management, ang ginastos namin sa’yo, siguro, nasa tatlongdaang libong piso. Anak, pwera pa d’yan ang baon mo, damit mo, libro mo, pamasahe mo, mga proyekto mo sa iskul, at mga gimmick mo. Pero, anak, ni minsan ba narinig mo sa akin na “Eugene, anak, ‘yan lahat ang utang mo sa akin. Bayaran mo lahat ‘yan ha.? Narinig mo bang sinabi ko sa’yo ‘yon?”
  • 6. Pagbasa: Anak, Wala Kang Utang Ni Bernardo F. Ramos Puno ng luha ang mga mata na nagpunta sa kapilya si Eugene upang magdasal. Ni hindi nito alam kung paano mag-antanda, kung paano mag-reflect, kung paano lumakad nang paluhod. Ang tanging alam niya ay ihingi ng tawad ang kanyang malaking pagkakasala na nagawa niya sa kanyang ina. Dahil sa labis na pighati, bumagsak si Eugene. Sa kanyang pangitain ay kanyang nakita ang ina na nakasuot ng puti habang kanyang nilalapitan ay lumalayo naman ang kanyang ina. Nang siya’y magising, dali-dali niyang pinuntahan ang operating room. Puno ng katahimikan ang silid. Naroon na ang puting kumot sa higaan. Siya ay napasigaw ng “Nanayyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!”
  • 7. Pagbasa: Anak, Wala Kang Utang Ni Bernardo F. Ramos Sa kanyang nanghihinang balikat ay may dumantay na malamig na kamay at sa kanyang paglingon, narinig niya ang mga katagang: “Anak, wala kang utang.”
  • 8. Makatotohanan ba ang mga pangyayari sa kuwento? Sino ang dapat sisihin sa pagkamatay ng ina sa kuwento? Batay sa ikinilos ng anak, makatuwiran pa bang tawaging anak si Eugene? Ipaliwanag pagtalakay
  • 9. May pagbabago o mababago ba sa iyong pag- uugali o pagkatao matapos basahin ang kuwento? Ilahad ito. pag-isipan
  • 10. Ang wika ay kumakatawan sa personalidad at kasaysayan ng isang tao. Mahihinuha mo sa kanyang pananalita ang kanyang kalagayan sa buhay, interes, paniniwala, at damdamin. Mapatutunayan ang pahayag sa itaas sa pamamagitan ng daloy ng usapan – may usapang pormal at usapang di-pormal.
  • 11. Sa usapang di-pormal, nagagawa ng tao na magbigay ng iba’t ibang kahulugan ng salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap... 1. Kontekstuwal na kahulugan – Kahulugan ng salita buhat sa pagkakagamit ng iba pang salita sa loob ng pangungusap Hal.Madaling mahikayat ang ilang kabataan na gumamit ng ipinagbabawal na gamot kaya dapat maimpluwensiyahan ka ng mga mabubuting kaibigan.
  • 12. 2.Kasingkahulugan – Pareho ng kahulugan Hal. pagmamahal = pag-ibig 3.Kasalungat – Kabaligtarang kahulugan Hal. pagmamahal = pagkapoot 4.Homonyms - pareho ng baybay at bigkas subalit magkaiba ang kahulugan. Hal.bata – (child) bata – (sweetheart)
  • 13. 5.Heteronyms - pareho ng baybay subalit magkaiba ang bigkas at kahulugan. Hal.paso ... paso pusod ... pusod 6.Kaalaman sa kayarian ng salita – paggamit ng payak, maylapi, inuulit at tambalang salita. 7.Kaalaman sa hiram na salita – paggamit ng mga nababago at hindi nababagong ispeling ng salitang hiniram patungong Filipino.
  • 14. 7.Denotasyon – karaniwan o payak na kahulugang pandiksyonaryo. Hal. kalabasa = gulay 8.Konotasyon – kahulugang iba sa karaniwang pakahulugan. Hal. kalabasa = bagsak o zero ang marka
  • 15. Paggamit ng mga matatalinghagang pananalita - ang Sawikain o Salawikain o Kawikaan/Idyomatikong Ekspresyon ay mga patalinghagang butil ng karunungang hango sa karanasan ng mga matatanda upang magbigay ng mabubuting payo o pangaral tungkol sa kagandahang-asal, matuwid na paraan ng pamumuhay, at paalaala tungkol sa batas ng kaugalian sa pamayanan.
  • 16. Hal. #Ang naghangad ng kagitna, Isang salop ang mawawala. #Ang walang hirap mag-ipon, Walang hinayang magtapon. #Bago mo pansinin ang dungis ng iba, Ang sariling dungis ay pahirin muna. #Ang pag-aasawa’y di-kaning isinubo; Na iluluwa kapag ika’y napaso.
  • 17. Hal. #lumagay sa tahimik #panakip-butas #kinain ng apoy #hulog ng langit #di-makabasag-pinggan #pabalat-bunga
  • 18. Suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin ang kahulugan ng mga ito batay sa konteksto ng pangungusap. 1.“Matigas ang kanyang ulo, kaya siya napahamak.” 2.“Ako ang itinuring na bulaklak ng kanyang buhay.” 3.“Kamay na bakal ang ginamit ng pangulo upang mapasunod ang taumbayan.” 4.“May mataas na pader na namamagitan sa amin ng aking mga magulang.”
  • 19. Suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin ang kahulugan ng mga ito batay sa konteksto ng pangungusap. 5. Patuloy ang paglobo ng populasyon ng Pilipinas na pinangangambahan ng mga eksperto. 6. Maaaring kahirapan at pagdurusa ang hatid ng patuloy na paglaki ng populasyon ng bansa. 7. Maraming kabataan ang nakikipagtalik nang hindi kasal.
  • 20. Suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin ang kahulugan ng mga ito batay sa konteksto ng pangungusap. 8. Malakas ang loob ng maraming kabataan na magkaanak kahit may gatas pa sa labi. 9. Ang pagkakaroon ng edukasyon sa sekswalidad ang nakikitang solusyon ng pamahalaan sa pagkontrol ng populasyon ng bansa na hindi makakanti ang balat-sibuyas na damdamin ng Simbahang Katoliko.
  • 21. Suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin ang kahulugan ng mga ito batay sa konteksto ng pangungusap. 1.“Bato ang kanyang puso sa lahat ng mga problemang nararanasan sa buhay.” matigas na bagay manhid 2.“Kahit bata pa lamang ay marami na siyang alam sa buhay.” kasintahan musmos 3.“Natisod ako sa bato.” mineral mula sa lupa walang pakiramdam
  • 22. Suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin ang kahulugan ng mga ito batay sa konteksto ng pangungusap. 4.“Laylay ang kanyang balikat nang umuwi siya galing sa trabaho.” pagod na pagod may pilay sa balikat 5.“Masyadong mataas ang bundok na inakyat naming magkakaibigan.” problema anyong-lupa 6.“Pabalat-bunga lang ‘yan kaya mag-ingat ka.” hindi totoo bunga ng puno
  • 23. Suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin ang kahulugan ng mga ito batay sa konteksto ng pangungusap. 7.“Ang kaunting tapik ay hindi masama pero ang hagupitin ang anak ay sobra na.” phampasin ng latigo paluin 8.“Napakaganda ng mga naging bunga ng mag- asawa.” anak prutas 9.“Mabuti at masama, ito ang 2 klase ng tao sa mundo.” mabait tama
  • 24. Suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin ang kahulugan ng mga ito batay sa konteksto ng pangungusap. 10. Alam mo, frend, panakip-butas lamang ang turing sa akin ni Gelo. pantapal pamalit
  • 25. Minsan may Isang Doktor Isang doktor ang nagmamadaling nagpunta sa emergency room dahil pinatawag siya para sa isang emergency operation. Habang tumatakbo papuntang emergency room, nakita ng doktor ang tatay ng bata. "Bakit ba ang tagal n'yo? Alam mo bang nanganganib ang buhay ng anak ko?" sabi ng tatay. Ngumiti ang doktor at sumagot "Pasensya na po. Wala po kasi ako sa ospital kanina. Pinatawag lang po ako kaya po nagmamadali akong nagpunta dito. Maging mahinahon po kayo." "Maging mahinahon? Paano kung ang anak mo ang nasa loob ng emergency room na yan? Magiging mahinahon ka ba?" pabalang na sagot naman ng tatay. "Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya para mailigtas ang inyong anak" mahinanong tugon naman ng doktor.
  • 26. "Napakadaling sabihin para sa'yo" bulong ng tatay. Inabot ng oras ang operasyon at hindi pa rin mapakali ang tatay ng bata sa loob ng emergency room. Makalipas pa ang ilang oras ay lumabas na ang doktor sa emergency room na may ngiti sa kaniyang mukha. "Ligtas na po ang inyong anak." sabi ng doktor at bigla na lamang itong nagmamadaling umalis. "Napakayabang ng doktor n'yo dito" sabi ng tatay sa isang papadaang nurse. "Hindi man lamang manatili kahit saglit para maitanong ko ang kondisyon ng aking anak" tuloy pa niya. "Maayos na po ang lagay ng inyong anak, ginawa po ng doktor ang lahat ng kaniyang makakaya para po hindi mawalay ang inyong anak sa inyo. Kaya po siya nagmamadali dahil hahabulin pa po niya ang huling burol ng kaniyang anak.”