Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Wir verwenden Ihre LinkedIn Profilangaben und Informationen zu Ihren Aktivitäten, um Anzeigen zu personalisieren und Ihnen relevantere Inhalte anzuzeigen. Sie können Ihre Anzeigeneinstellungen jederzeit ändern.
Bb. Jo Marie Nel C. Garcia
 Hindi tamang kaligayahan ang gawing layunin
sa pagsasagawa ng kilos.
 Hindi rin sapat na ang layunin o maging ang
kahih...
 Sa kabila ng katotohanang LIKAS SA TAO ANG
KABUTIHAN at nakaukit sa ating puso ang
Likas na Batas Moral, marami pa rin a...
“GAWIN MO ANG IYONG TUNGKULIN
ALANG-ALANG SA TUNGKULIN.”
 Ito ay ang pagkilos sa ngalan ng
tungkulin.
 Ginagawa ng tao a...
 Ngunit hindi agad maituturing na mabuti o masama ang isang
kilos. Nakabatay ito sa DAHILAN kung bakit ito ginagawa o
gag...
1. Dapat kumilos ang tao sa paraan na maaari nyang gawing
pangkalahatang batas ang paninindigan. (Ang paninindigan
ay ang ...
2. Inaasahan na dapat mangibabaw ang
paggalang sa bawat isa, pagtrato ayon sa
kanilang pagkatao bilang taong may
dignidad,...
“HUWAG MONG GAWIN SA IBA ANG AYAW MONG
GAWIN NILA SA IYO.”
 Mahalagang isaalang-alang ang mabuting
pakikisama at kapakana...
 Kung ang paninindigan ay dahilan (isip) ng
pagkilos ayon sa Kautusang Walang Pasubali
ni Immanuel Kant, ang pagnanais na...
 Ninanais ng tao na gawin ang isang kilos
dahil makabubuti ito para sa kanyang sarili at
sa iba.
 Sa bawat kilos na atin...
 Ayon kay Max Scheler, ang tao ay may
kakayahang humusga kung mabuti o masama
ang isang gawi o kilos ayon sa
pagpapahalag...
1. Kakayahang tumagal at manatili
(timelessness o ability to endure)
2. Mahirap o hindi mabawasan ang kalidad ng
pagpapaha...
Nächste SlideShare
Wird geladen in …5
×

Modyul 7 ang kabutihan o kasamaan ng kilos ayon sa paninindigan gintong aral at pagpapahalaga

25.227 Aufrufe

Veröffentlicht am

ang kabutihan o kasamaan ng kilos ayon sa paninindigan gintong aral at pagpapahalaga

Veröffentlicht in: Bildung
  • Als Erste(r) kommentieren

Modyul 7 ang kabutihan o kasamaan ng kilos ayon sa paninindigan gintong aral at pagpapahalaga

  1. 1. Bb. Jo Marie Nel C. Garcia
  2. 2.  Hindi tamang kaligayahan ang gawing layunin sa pagsasagawa ng kilos.  Hindi rin sapat na ang layunin o maging ang kahihinatnan ng kilos ang gawing batayan sa paghuhusga kung naging mabuti o masama ang isang kilos.  Tandaan: Kapag masama ang panloob na kilos, magiging masama ang buong kilos kahit na naging mabuti ang panlabas na kilos.
  3. 3.  Sa kabila ng katotohanang LIKAS SA TAO ANG KABUTIHAN at nakaukit sa ating puso ang Likas na Batas Moral, marami pa rin ang mas isinasaalang-alang ang pansariling kapakanan kaysa sa kabutihang panlahat.
  4. 4. “GAWIN MO ANG IYONG TUNGKULIN ALANG-ALANG SA TUNGKULIN.”  Ito ay ang pagkilos sa ngalan ng tungkulin.  Ginagawa ng tao ang mabuti hindi dahil sa kasiyahang matatamo dito kundi dahil ito ang nararapat na gawin.  Ang mismong tungkulin ang syang kondisyon.
  5. 5.  Ngunit hindi agad maituturing na mabuti o masama ang isang kilos. Nakabatay ito sa DAHILAN kung bakit ito ginagawa o gagawin. Halimbawa, ang paghinga (breathing) Likas sa Tao o HILIG (INCLINATION) TUNGKULIN (DUTY) Bagaman tinutupad natin ang ating tungkuling mabuhay, walang katangiang moral ang paghinga dahil likas ito sa tao. Subalit hindi likas sa tao na pigilin ang paghinga kahit pa puro problema na sa buhay. Sa kabila ng lahat ng pagsubok, humihinga pa rin sya kaya malinaw na sya’y kumikilos batay sa kanyang tungkuling mabuhay. ANG PAGGANAP SA TUNGKULIN AY GINAGAWA DAHIL SA ITO’Y TUNGKULIN, NA SIYANG ITINUTURING NA MABUTING KILOS.
  6. 6. 1. Dapat kumilos ang tao sa paraan na maaari nyang gawing pangkalahatang batas ang paninindigan. (Ang paninindigan ay ang dahilan ng pagkilos ng tao sa isang sitwasyon.) Dalawang Paraan sa Pagtaya ng Paninindigan Maisapangkalahatan (Universability) Maaaring gawin sa sarili ang gagawin sa iba (Reversibility) 1. Maaari bang maging paninindigan ng iba ang paninindigan ng isa sa isang sitwasyon? 2. Maaari bang ilapat ang paninindigan sa isang kaparehong sitwasyon? 1. Maaari bang ilapat ang paninindigang ito sa iba tulad ng paglalapat ko nito sa aking sarili? Kung oo ang sagot sa mga tanong na ito, masasabing ang paninindigan ay tungkulin na dapat gampanan.
  7. 7. 2. Inaasahan na dapat mangibabaw ang paggalang sa bawat isa, pagtrato ayon sa kanilang pagkatao bilang taong may dignidad, hindi lamang bilang isang kasangkapan kundi bilang isang layunin mismo.  Ito ang naging batayan ng Karapatang Pantao: Ang paggalang sa dignidad ng tao ay ang pagbibigay-halaga sa kanya bilang isang rasyonal na indibidwal.
  8. 8. “HUWAG MONG GAWIN SA IBA ANG AYAW MONG GAWIN NILA SA IYO.”  Mahalagang isaalang-alang ang mabuting pakikisama at kapakanan ng kapwa sa bawat kilos na gagawin mo.  Itinuturing ni Confucius na matibay na batayan ng moral na kilos ang reciprocity o reversibility.  Higit na mapatutunayan kung mabuti o masama ang kilos kung ito ay pinag-isipan bago isinagawa pati ang magiging epekto nito sa iba.
  9. 9.  Kung ang paninindigan ay dahilan (isip) ng pagkilos ayon sa Kautusang Walang Pasubali ni Immanuel Kant, ang pagnanais naman na gawin ang isang kilos ay bunga ng damdamin (puso).  Hindi bulag ang damdamin dahil nakikita nito ang kahalagahan ng isang mabuting kilos kaya’t obligado ang tao na gawin ito.
  10. 10.  Ninanais ng tao na gawin ang isang kilos dahil makabubuti ito para sa kanyang sarili at sa iba.  Sa bawat kilos na ating ginagawa, may nakikita tayong pagpapahalaga (values) na nakatutulong sa pagpapaunlad ng ating pagkatao tungo sa pagiging personalidad.
  11. 11.  Ayon kay Max Scheler, ang tao ay may kakayahang humusga kung mabuti o masama ang isang gawi o kilos ayon sa pagpapahalaga.  Ang pagpapahalaga ay ang obheto ng ating intensiyonal na damdamin. Obheto ito ng puso at hindi ng isip kaya nga nauunawaan natin ang pagpapahalaga sa pamamagitan ng pagdama rito.  Ang mga pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao.
  12. 12. 1. Kakayahang tumagal at manatili (timelessness o ability to endure) 2. Mahirap o hindi mabawasan ang kalidad ng pagpapahalaga (indivisibility) 3. Lumilikha ng iba pang pagpapahalaga 4. Nagdudulot ng higit na malalim na kasiyahan o kaganapan (depth of satisfaction) 5. Malaya sa organismong dumaranas nito

×