2. May isang bus na bumibyahe galing Baguio patungong
Maynila. Ito ay naglalaman ng humigi’t kumulang na
limampung pasahero. Mayroon silang iisang tunguhin: ang
makarating sa Maynila. May iisa silang paraan uoang
makarating sa paroroonan – ang bus. Sila ay may ugnayang
ginagawa tulad ng simpleng kwentuhan tuwing hihinto ang
bus para sa pagtugon sa mga pangunahing
pangangailangan ng bawat pasahero. May mga batas
silang sinusunod upang huwag mapahamak habang
naglalakbay at alituntunin gaya ng dapat may tiket ka
upang makasakay. Nagbabayad ang lahat para sa gastusin
ng saakyan at sweldo ng driver at konduktor.
3. » Ang bawat tagapagsalita ng grupo ang
magpapaliwanag sa klase ng sagot ng kanilang
pangkat.
Anu-ano ang mga katangiang nakita sa sitwasyon na
hawig sa isang lipunan?
Mula sa mga katangiang ito, maaari bang ituring na
isang lipunang pampolitika ang sitwasyong ito?
Pangatwiranan.
4. » Sa pagkakataong ito,ang bawat pangkat naman ang
mag-iisip ng katulad na sitwasyon. Anong
pagkakataon na inyong nararanasan sa
pang-araw-araw na buhay ang
maaaring maihalintulad sa prosesong
pinagdadaanan ng pamahalaan at ng
lipunan?
» Maaaring sagutin ang tanong sa pamamagitan ng
pagsasadula, paggawa ng poster/drawing, pagsulat
ng tula, pag-awit, o pag-uulat sa harap ng klase.
5. » Kailangang masagot ang mga sumusunod na tanong:
a. Bakit mahalagang mayroong samahan?
b. Bakit mahalagang mayroong namumuno?
c. Paano magkakaroon ng katiwasayan sa isang grupo?
d. Anu-ano ang mga pangangailangan ng tao na hindi
nya kayang tugunan ng mag-isa?
e. Sino ang makakatulong sa kanya upang matugunan
ito? Sa paanong paraan?
f. Sa paanong paraaan makakamit ng samahan ang
kanilang mga layunin? Anu-ano ang mga bahaging
gagampanan ng mga kasapi sa pagkamit nito?
6. » Hawig sa barkadahan ang isang pamayanan.
» Ang kuwentong nililikha nila at ang mga pagkilos upang
ingatan at paunlarin ang kanilang pamayanan ay kilos
ng pagbuo ng kultura.
7. » Sa isang lipunan, dahil sa dami ng interes na
kailangang pansinin, sa laki ng lugar na sakop, sa
pagkakaroon ng iba’t ibang kulturang nagbabanggaan,
nangangailangan na ng isang mas malinaw na sistema
sa pagpapasya at pagpapatakbo.
8. » Magtatatag ang pamahalaan ng mga estruktura na
maninigurong nakakamit ng mga tao ang kanilang
batayang pangangailangan.
» Ang pamahalaan ang magpapatupad ng batas upang
matiyak ang soberanya at mapanatili ang seguridad at
kapayapaan sa loob ng bansa na kailangan sa pagiging
produktibo ng lipunan.
9. » Ang pamamahala ay usapin ng pagkakaloob ng tiwala.
» Ito ay kaloob ng tao sa kapwa nila tao dahil sa nakikita
nilang husay at galing ng mga ito sa pamumuno at
pangangasiwa.
» Ang mga lider o namumuno ay may talas ng paningin
upang makita ang potensyal ng grupo. Malay sila sa
layuning komyunal. Mulat sila sa mga katutubong
yaman ng grupo at mga potensyal sa pag-unlad nila nang
sama-sama. May husay din sila sa pagsasalita upang
ipahayag ang kanilang nakikita at may kakayahan silang
pag-alabin ang damdamin ng kanilang mga kasama
tungo sa isang hangarin.
10. » Ang lipunan ay hindi pinapatakbo ng iilan.
» Ang proyekto ng namumuno ay dapat na hindi
lamang para sa kanyang sarili o sa kanyang pamilya.
Ito ay proyekto ng at para sa kanyang
pinamumunuan.
11. » Tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan
na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila.
» Sisiguraduhin nito na walang hahadlang sa
kalayaan ng mga mamamayan mula sa mga pinuno
sa pamamagitan ng pag-aambag sa estado ng
kanilang buwis, lakas at talino.
» Hindi panghihimasukan ng lider ng pamahalaan
kung paano mapauunlad ng mga mamamayan ang
kanilang sarili.
12. » Tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at
ng pamahalaan ang magtayo ng mga akmang
estruktura upang makapagtulungan ang mga
mamamayan.
13. » Ang lipunang pampulitika ay isang ugnayang
nakaangkla sa pananagutan – ang pananagutan ng
pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan
ng pamayanan at ang pananagutan ng bawat isa na
maging mabuting kasapi ng lipunan.
Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng
pinuno o ng mga mamamayan lamang. Gawa ito ng
pag-aambag ng talino at lakas ng bawat isang kasapi
sa kabuuang pagsisikap ng lipunan.
14. » “Hindi rin naman mahalagang magsalita pa. Nag-iisa
lamang ako. Ang masusunod naman ay ang marami.”
» “Matagal na akong tumutulong sa pamahalaan. Tapat
ako sa pagbabayad ng buwis. Naglilingkod ako nang
wagas sa bayan. Ang lahat ng paghihirap ko ay
inuubos lamang ng mga kurap sa pamahalaan.”
Martin
Luther King
Malala
Yousafzai
Benigno
“Ninoy”
Aquino
15. Ang kapangyarihan ay ipinagkatiwala
lamang sa mga namumuno. Ang mga
lider ay hindi espesyal na nilalang na
hiwalay sa kasaysayan ng tao at bayan.
Nangunguna lamang sila sa grupo, hindi
nasa itaas ng iba. Utang na loob nila sa
taumbayan na ipinaubaya sa kanila ang
pangungna sa mga hangarin ng bayan.
16. » Sa lipunang pampulitika ang ideal ay mabigyang
prayoridad at pagpapahalaga ang mga ugnayan sa
loob nito.
» Kapwa “boss” ang pangulo at ang mamamayan.
» Boss ng bayan ang pinuno – magtitiwala ang bayan
sa pangunguna ng lider dahil may nakikitang higit
at dakila ang pinuno para sa kasaysayan at
kabutihang palahat.
» Boss ng pinuno ang taumbayan – walang gagawin
ang pinuno kundi paunlarin at ingatan ang mga
karapatan, kapakanan at kalayaan ng bawat kasapi.
17. » Ang lipunang pampulitika ay ang proseso ng
paghahanap sa kabutihang panlahat at
pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang
higit na matupad ang layuning ito.
» Ang tunay na “boss” ay ang kabutihang
panlahat – ang pag-iingat sa ugnayang
pamayanan at ang pagpapalawig ng mga
tagumpay ng lipunan.