SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 2
Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English?
Isang Balagtasan ni Gng. Resy A. Felipe (New Era Elementary School)
Lakandiwa:
Minamahal naming mga kamag-aral
Mga magulang, mga guro at prinsipal
Mga panauhing pinagpipitaganan
Na naririto ngayon sa’ting paaralan.
Magandang umaga po, ang bating marangal
Ang Buwan ng Wika ating ipagdiwang
Ikalimang baitang ang amin pong alay
Ipagmamalaki, isang balagtasan.
Wikang Filipino ay sariling wika
At ang wikang English ay wikang banyaga
Kapwa ginagamit ng may pang-unawa
Higit na mahalaga, alin na nga kaya?
Sa umaga pong ito, aking ipinakikilala
Dalawang mahusay, maganda at batikang makata
Sa pangangatuwiran, hahanga ka sa kanila
Masigabong palakpakan pasalubungan natin sila.
Sa wikang Filipino ang mangangatuwiran
Si Bb. ____________ ng Grade ______________
At sa wikang English ang makakalaban
Bb. _____________ ng Grade _________________.
Wikang Filipino:
Sa puso at diwa, ako’y Pilipino
Magandang Pilipinas ito ang bayan ko
May sariling wika, wikang Filipino
Na s’yang nagbubuklod sa sambayanan ko.
Wikang Filipino ay wikang panlahat
Ang ilaw at lakas ng tuwid na landas
Sa pagkakaisa naipahahayag
Mabisang kalasag tungo sa pag-unlad.
Wikang English:
Alam nating itong English, isang wikang pandaigdig
Sa lahat ng pag-aaral pangunahing ginagamit
Ang mga asignaturang Science, English at Mathematics
Paano mo ililiwat, di malirip, di maisip.
Ang bagong alpabeto hindi mo ba napapansin
Ang dating A B K D ngayon ay A B C D na
May computer, may internet, Facebook at may Google plus pa
Ito’y mga pagbabagong Wikang English ang simula.
Wikang Filipino:
Alam nating sa’ting mundo marami ng pagbabago
Makabagong teknolohiya patuloy sa pag-asenso
Mentalidad na kolonyal dayuhan ang pasimuno
Ngunit naghihirap pa rin ang maraming Pilipino.
Sariling wika ay salamin nitong ating pagkatao
Matibay na pundasyon ng ating pagka-Pilipino
Isang wikang kinagisnan minana pa sa ninuno
Nararapat alagaan, itaguyod nang lumago.
Wikang English:
Sapagkat itong English isang wikang unibersal
Wikang ating ginagamit sa pakikipagtalastasan
Sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan
Upang itong mga bansa ay magkaunawaan.
Kahit hindi ka nakatapos sa iyong pag-aaral
Kung mahusay kang mag-English sa call center ka mag-apply
Siguradong matatanggap at kikita rin kaagad
Kaya nga lang, mga dayuhang makukulit, kausap mo sa magdamag.
Wikang Filipino:
Sa mahal kong katunggali na kapwa ko Pilipino
Huwag nating kalimutan, dapat nating isapuso
Itong wikang kinagisnan, ang Wikang Filipino
Gamitin nating sandigan sa pag-unlad, pag-asenso.
Wikang English:
Hindi ko nalilimot na ako ay Pilipino
Mahalaga rin ang English at ‘yan ay nababatid mo
Lalo na kung may balak kang sa ibang bansa ay magtungo
Ang pandaigdig na wika, dapat pag-aralan mo.
Lakandiwa:
Tama na, sukat na, mahuhusay na makata
Ang pagtatalo n’yo ay h’wag nang palawigin pa
Sa madlang nanonood kayo na po ang magpasiya
Alin ang mas mahalaga, sariling wika o wikang banyaga?
Kaming tatlo ay narito, sa inyo’y nagpapasalamat
Mahal naming mga panauhin, mga guro at magulang
Taos pusong bumabati, maligayang pagdiriwang
Ang hiling po namin, masigabong palakpakan.

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Nasyonalismo sa silangan at timog silangang asya
Nasyonalismo sa silangan at timog silangang asyaNasyonalismo sa silangan at timog silangang asya
Nasyonalismo sa silangan at timog silangang asyaJared Ram Juezan
 
PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO
PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO        PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO
PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO Lyka Zulueta
 
Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda
Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatandaPagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda
Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatandaYhanzieCapilitan
 
Ang limang tema ng heograpiya
Ang limang tema ng heograpiyaAng limang tema ng heograpiya
Ang limang tema ng heograpiyalornaraypan
 
Mga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at lauraMga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at lauralorelyn ortiza
 
Balagtasan
BalagtasanBalagtasan
BalagtasanJousee
 
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
[FILIPINO 8] - Kaugnayang LohikalJohn Elmos Seastres
 
NEOKOLONYALISMO-KAHULUGAN, ANYO, EPEKTO.pptx
NEOKOLONYALISMO-KAHULUGAN, ANYO, EPEKTO.pptxNEOKOLONYALISMO-KAHULUGAN, ANYO, EPEKTO.pptx
NEOKOLONYALISMO-KAHULUGAN, ANYO, EPEKTO.pptxJuliet Cabiles
 
Aralin 7 Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
Aralin 7   Pananakop ng mga Espanyol sa PilipinasAralin 7   Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
Aralin 7 Pananakop ng mga Espanyol sa PilipinasForrest Cunningham
 
Grade 8 Filipino- Week 1 Karunungang Bayan
Grade 8 Filipino- Week 1 Karunungang BayanGrade 8 Filipino- Week 1 Karunungang Bayan
Grade 8 Filipino- Week 1 Karunungang BayanMalorie Arenas
 
Ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang AsyaAng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asyasevenfaith
 
Araling Panglipunan: Kabihasnang shang
Araling Panglipunan: Kabihasnang shangAraling Panglipunan: Kabihasnang shang
Araling Panglipunan: Kabihasnang shangJenny Vinluan
 
Kolonyalismo at imperyalismo ppt
Kolonyalismo at imperyalismo pptKolonyalismo at imperyalismo ppt
Kolonyalismo at imperyalismo pptKateDionzon
 
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo atMga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo atOlhen Rence Duque
 
AP 7 Lesson no. 20: Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang at Timog Asya
AP 7 Lesson no. 20: Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang at Timog AsyaAP 7 Lesson no. 20: Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang at Timog Asya
AP 7 Lesson no. 20: Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang at Timog AsyaJuan Miguel Palero
 
Mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo
Mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismoMga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo
Mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismocrisanta angeles
 

Was ist angesagt? (20)

Nasyonalismo sa silangan at timog silangang asya
Nasyonalismo sa silangan at timog silangang asyaNasyonalismo sa silangan at timog silangang asya
Nasyonalismo sa silangan at timog silangang asya
 
PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO
PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO        PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO
PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO
 
Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda
Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatandaPagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda
Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda
 
Ang limang tema ng heograpiya
Ang limang tema ng heograpiyaAng limang tema ng heograpiya
Ang limang tema ng heograpiya
 
Epekto Ng Neokolonyalismo
  Epekto Ng Neokolonyalismo   Epekto Ng Neokolonyalismo
Epekto Ng Neokolonyalismo
 
Mga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at lauraMga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at laura
 
Balagtasan
BalagtasanBalagtasan
Balagtasan
 
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
 
NEOKOLONYALISMO-KAHULUGAN, ANYO, EPEKTO.pptx
NEOKOLONYALISMO-KAHULUGAN, ANYO, EPEKTO.pptxNEOKOLONYALISMO-KAHULUGAN, ANYO, EPEKTO.pptx
NEOKOLONYALISMO-KAHULUGAN, ANYO, EPEKTO.pptx
 
Aralin 7 Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
Aralin 7   Pananakop ng mga Espanyol sa PilipinasAralin 7   Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
Aralin 7 Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
 
Grade 8 Filipino- Week 1 Karunungang Bayan
Grade 8 Filipino- Week 1 Karunungang BayanGrade 8 Filipino- Week 1 Karunungang Bayan
Grade 8 Filipino- Week 1 Karunungang Bayan
 
Paghahambing
PaghahambingPaghahambing
Paghahambing
 
Ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang AsyaAng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
 
Araling Panglipunan: Kabihasnang shang
Araling Panglipunan: Kabihasnang shangAraling Panglipunan: Kabihasnang shang
Araling Panglipunan: Kabihasnang shang
 
Kolonyalismo at imperyalismo ppt
Kolonyalismo at imperyalismo pptKolonyalismo at imperyalismo ppt
Kolonyalismo at imperyalismo ppt
 
Eupemistikong Pahayag
Eupemistikong PahayagEupemistikong Pahayag
Eupemistikong Pahayag
 
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo atMga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
 
AP 7 Lesson no. 20: Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang at Timog Asya
AP 7 Lesson no. 20: Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang at Timog AsyaAP 7 Lesson no. 20: Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang at Timog Asya
AP 7 Lesson no. 20: Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang at Timog Asya
 
Mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo
Mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismoMga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo
Mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo
 
MGA RELIHIYON SA ASYA
MGA RELIHIYON SA ASYAMGA RELIHIYON SA ASYA
MGA RELIHIYON SA ASYA
 

Andere mochten auch

Andere mochten auch (7)

Balagtasan
BalagtasanBalagtasan
Balagtasan
 
Balagtasan: Isang Pagbabalik-tanaw
Balagtasan: Isang Pagbabalik-tanawBalagtasan: Isang Pagbabalik-tanaw
Balagtasan: Isang Pagbabalik-tanaw
 
Balagtasan
BalagtasanBalagtasan
Balagtasan
 
tulang Pilipino 'Hibik'
tulang Pilipino 'Hibik'tulang Pilipino 'Hibik'
tulang Pilipino 'Hibik'
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan
Kaligirang Pangkasaysayan ng BalagtasanKaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan
Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan
 
Ppt balagtasan
Ppt balagtasanPpt balagtasan
Ppt balagtasan
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
 

Ähnlich wie Balagtasan

Ang sarili nating_wika
Ang sarili nating_wikaAng sarili nating_wika
Ang sarili nating_wikaicgamatero
 
Alternative Learning System: Ang sarili nating Wika
Alternative Learning System: Ang sarili nating WikaAlternative Learning System: Ang sarili nating Wika
Alternative Learning System: Ang sarili nating WikaMirasol C R
 
ppt-sa-sitwasyong-pangwika.pptx
ppt-sa-sitwasyong-pangwika.pptxppt-sa-sitwasyong-pangwika.pptx
ppt-sa-sitwasyong-pangwika.pptxAprilboyAbes
 
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptx
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptxKAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptx
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptxPamelaOrtegaOngcoy
 
dagliang talumpati 2022.docx
dagliang talumpati 2022.docxdagliang talumpati 2022.docx
dagliang talumpati 2022.docxNioAbaoCasyao
 
Presentation69.pptx
Presentation69.pptxPresentation69.pptx
Presentation69.pptxBrentLanuza
 
Monolingguwalismo, bilingguwalismo, at multilingguwalismo
Monolingguwalismo, bilingguwalismo, at multilingguwalismoMonolingguwalismo, bilingguwalismo, at multilingguwalismo
Monolingguwalismo, bilingguwalismo, at multilingguwalismochxlabastilla
 
Monolingguwalismo, Bilingguwalismo at Multilingguwalismo.pptx
Monolingguwalismo, Bilingguwalismo at Multilingguwalismo.pptxMonolingguwalismo, Bilingguwalismo at Multilingguwalismo.pptx
Monolingguwalismo, Bilingguwalismo at Multilingguwalismo.pptxEdelaineEncarguez1
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika.pptx
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika.pptxKomunikasyon at Pananaliksik sa Wika.pptx
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika.pptxJackielouMejarse
 
Q3-SLM-5.pptx
Q3-SLM-5.pptxQ3-SLM-5.pptx
Q3-SLM-5.pptxMarvie33
 
Sitwasyong Pangwika.pptx
Sitwasyong Pangwika.pptxSitwasyong Pangwika.pptx
Sitwasyong Pangwika.pptxjoshua Santos
 
Linggwalismo,Una at Ikalawang Wika.pptx
Linggwalismo,Una at Ikalawang Wika.pptxLinggwalismo,Una at Ikalawang Wika.pptx
Linggwalismo,Una at Ikalawang Wika.pptxAldrinDeocares
 
ESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptx
ESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptxESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptx
ESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptxBandalisMaAmorG
 
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptxANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptxDindoArambalaOjeda
 

Ähnlich wie Balagtasan (20)

Ang sarili nating_wika
Ang sarili nating_wikaAng sarili nating_wika
Ang sarili nating_wika
 
Alternative Learning System: Ang sarili nating Wika
Alternative Learning System: Ang sarili nating WikaAlternative Learning System: Ang sarili nating Wika
Alternative Learning System: Ang sarili nating Wika
 
Filipino gawain1.docx
Filipino gawain1.docxFilipino gawain1.docx
Filipino gawain1.docx
 
ppt-sa-sitwasyong-pangwika.pptx
ppt-sa-sitwasyong-pangwika.pptxppt-sa-sitwasyong-pangwika.pptx
ppt-sa-sitwasyong-pangwika.pptx
 
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptx
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptxKAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptx
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptx
 
Talumpati
TalumpatiTalumpati
Talumpati
 
Modyul-1.pptx
Modyul-1.pptxModyul-1.pptx
Modyul-1.pptx
 
dagliang talumpati 2022.docx
dagliang talumpati 2022.docxdagliang talumpati 2022.docx
dagliang talumpati 2022.docx
 
Presentation69.pptx
Presentation69.pptxPresentation69.pptx
Presentation69.pptx
 
Tingcoy Report Thursday.pdf
Tingcoy Report Thursday.pdfTingcoy Report Thursday.pdf
Tingcoy Report Thursday.pdf
 
Monolingguwalismo, bilingguwalismo, at multilingguwalismo
Monolingguwalismo, bilingguwalismo, at multilingguwalismoMonolingguwalismo, bilingguwalismo, at multilingguwalismo
Monolingguwalismo, bilingguwalismo, at multilingguwalismo
 
Monolingguwalismo, Bilingguwalismo at Multilingguwalismo.pptx
Monolingguwalismo, Bilingguwalismo at Multilingguwalismo.pptxMonolingguwalismo, Bilingguwalismo at Multilingguwalismo.pptx
Monolingguwalismo, Bilingguwalismo at Multilingguwalismo.pptx
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika.pptx
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika.pptxKomunikasyon at Pananaliksik sa Wika.pptx
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika.pptx
 
Q3-SLM-5.pptx
Q3-SLM-5.pptxQ3-SLM-5.pptx
Q3-SLM-5.pptx
 
Sitwasyong Pangwika.pptx
Sitwasyong Pangwika.pptxSitwasyong Pangwika.pptx
Sitwasyong Pangwika.pptx
 
Linggwalismo,Una at Ikalawang Wika.pptx
Linggwalismo,Una at Ikalawang Wika.pptxLinggwalismo,Una at Ikalawang Wika.pptx
Linggwalismo,Una at Ikalawang Wika.pptx
 
batas
batasbatas
batas
 
ESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptx
ESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptxESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptx
ESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptx
 
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptxANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
 
KOMPAN WEEK1.pptx
KOMPAN WEEK1.pptxKOMPAN WEEK1.pptx
KOMPAN WEEK1.pptx
 

Kürzlich hochgeladen

PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...CristinaLoyola5
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxPundomaNoraima
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.niquomacarampat2
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...AlliyahMonsanto
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....jeynsilbonza
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaHelenMaeParacale
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxFameIveretteGalapia
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointbinuaangelica
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...jaysonvillano
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxRoselynGabatHernande
 
values education - how to choose your course
values education - how to choose your coursevalues education - how to choose your course
values education - how to choose your courseFatimaCayusa2
 
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxSummary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxShynaNorraineDestura
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)SittieAlyannaZacaria1
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikoErwinPantujan2
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 

Kürzlich hochgeladen (20)

PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
values education - how to choose your course
values education - how to choose your coursevalues education - how to choose your course
values education - how to choose your course
 
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxSummary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 

Balagtasan

  • 1. Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English? Isang Balagtasan ni Gng. Resy A. Felipe (New Era Elementary School) Lakandiwa: Minamahal naming mga kamag-aral Mga magulang, mga guro at prinsipal Mga panauhing pinagpipitaganan Na naririto ngayon sa’ting paaralan. Magandang umaga po, ang bating marangal Ang Buwan ng Wika ating ipagdiwang Ikalimang baitang ang amin pong alay Ipagmamalaki, isang balagtasan. Wikang Filipino ay sariling wika At ang wikang English ay wikang banyaga Kapwa ginagamit ng may pang-unawa Higit na mahalaga, alin na nga kaya? Sa umaga pong ito, aking ipinakikilala Dalawang mahusay, maganda at batikang makata Sa pangangatuwiran, hahanga ka sa kanila Masigabong palakpakan pasalubungan natin sila. Sa wikang Filipino ang mangangatuwiran Si Bb. ____________ ng Grade ______________ At sa wikang English ang makakalaban Bb. _____________ ng Grade _________________. Wikang Filipino: Sa puso at diwa, ako’y Pilipino Magandang Pilipinas ito ang bayan ko May sariling wika, wikang Filipino Na s’yang nagbubuklod sa sambayanan ko. Wikang Filipino ay wikang panlahat Ang ilaw at lakas ng tuwid na landas Sa pagkakaisa naipahahayag Mabisang kalasag tungo sa pag-unlad. Wikang English: Alam nating itong English, isang wikang pandaigdig Sa lahat ng pag-aaral pangunahing ginagamit Ang mga asignaturang Science, English at Mathematics Paano mo ililiwat, di malirip, di maisip.
  • 2. Ang bagong alpabeto hindi mo ba napapansin Ang dating A B K D ngayon ay A B C D na May computer, may internet, Facebook at may Google plus pa Ito’y mga pagbabagong Wikang English ang simula. Wikang Filipino: Alam nating sa’ting mundo marami ng pagbabago Makabagong teknolohiya patuloy sa pag-asenso Mentalidad na kolonyal dayuhan ang pasimuno Ngunit naghihirap pa rin ang maraming Pilipino. Sariling wika ay salamin nitong ating pagkatao Matibay na pundasyon ng ating pagka-Pilipino Isang wikang kinagisnan minana pa sa ninuno Nararapat alagaan, itaguyod nang lumago. Wikang English: Sapagkat itong English isang wikang unibersal Wikang ating ginagamit sa pakikipagtalastasan Sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan Upang itong mga bansa ay magkaunawaan. Kahit hindi ka nakatapos sa iyong pag-aaral Kung mahusay kang mag-English sa call center ka mag-apply Siguradong matatanggap at kikita rin kaagad Kaya nga lang, mga dayuhang makukulit, kausap mo sa magdamag. Wikang Filipino: Sa mahal kong katunggali na kapwa ko Pilipino Huwag nating kalimutan, dapat nating isapuso Itong wikang kinagisnan, ang Wikang Filipino Gamitin nating sandigan sa pag-unlad, pag-asenso. Wikang English: Hindi ko nalilimot na ako ay Pilipino Mahalaga rin ang English at ‘yan ay nababatid mo Lalo na kung may balak kang sa ibang bansa ay magtungo Ang pandaigdig na wika, dapat pag-aralan mo. Lakandiwa: Tama na, sukat na, mahuhusay na makata Ang pagtatalo n’yo ay h’wag nang palawigin pa Sa madlang nanonood kayo na po ang magpasiya Alin ang mas mahalaga, sariling wika o wikang banyaga? Kaming tatlo ay narito, sa inyo’y nagpapasalamat Mahal naming mga panauhin, mga guro at magulang Taos pusong bumabati, maligayang pagdiriwang Ang hiling po namin, masigabong palakpakan.