2. ANG KONSEPTO NG SUSTAINABLE
DEVELOPMENT
Ang sustainable development ay tumutukoy sa pag-unlad na
tumutugon sa mga pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon na
hindi naikukompromiso ang kakayahang tugunan ng susunod na
salinlahi ang kanilang pangangailangan.
May dalawang konseptong nakapaloob sa depinisyong ito:
pangangailangan at limitasyon.
Ang sustainable development ay tumutukoy rin sa paraan ng
patuloy na pagaalaga sa lipunan, ekonomiya, at kapaligiran habang
patuloy ang pag-unlad ng bansa. Ito ay matatamo sa pamamagitan
ng responsableng paggamit ng mga likas na yaman sa kasalukuyan
at pagtitiyak na may mga mapagkukunan pa rin
sa hinaharap.
Halimbawa, sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno, natitiyak
ang sustainable development dahil ang mga mamamayan sa
hinaharap ay may masasandigan pa rin.
Subalit, may mga hamon sa pagtamo ng sustainable development:
3. CONSUMERISM
Ang consumerism ay isang teorya o ideolohiyang panlipunan at
pangekonomiyang aspekto ng kapitalismo na kung saan ang sukatan ng
isang sibilisadong lipunan ay naaayon sa laganap na pagbebenta,
pamimili, at pagpapaikot ng pera sa ekonomiya.
Sa pananaw na ito, ang mga mamamayan ay malalayang nakapamimili
ng mga produkto at serbisyo sa mga merkado.
Nailalarawan din ang consumerism ng patuloy na paghahanap ng mga
tao ng mas bago, mas mahusay, o mas murang mga produkto at
serbisyo; ang pagdagsa sa mga shopping mall; ang pagkain sa mga fast
food at fine dining restaurant; at ang pagtangkilik sa mga mamahaling
kagamitan o luxury goods.
Sa USA, kung saan ito nagsimula, ang Black Friday Sale ay isang
okasyon tuwing Nobyembre na kung saan ang mga mamimili ay
dumadagsa sa mga pamilihan dahil ito ang panahong sila ay makabibili
ng anumang kanilang naisin sa pinakamababang presyo.
4. MGA HAMON SA PAGTATAMO NG SUSTAINABLE
DEVELOPMENT: CONSUMERISM
Para sa mga kritiko ng consumerism, ito ay ipinalalagay na pang-
ekonomiyang materyalismo at makasariling pag-uugali. Diumano, ito ay
walang kabuluhan at maaksayang paggamit ng salapi at mga likas na
yaman.
Nanganganib ang susunod na henerasyon dahil sa walang habas na
shopping sprees; pagpapatayo ng mga shopping mall at mga katulad
nito na nagpapakawala ng nakalalasong carbon dioxide; walang tigil na
paggamit at pagdami ng mga sasakyang nagdudulot ng polusyon;
maramihang paggawa ng mga produktong elektroniko, yari sa plastik, at
mga kagaya nito na nakasisira sa kalikasan at kapaligiran; at sa
sapilitang pagpaparami o pagpapalaki ng mga hayop upang matustusan
ang pangangailangan ng mga fast food restaurant.
Sa Pilipinas, ang consumerism ay binabatikos dahil sa epekto nito sa
bansa. Halimbawa, ang pagtambak dito ng mga basurang mula sa
mauunlad na bansang tulad ng Japan at Canada ay sinasabing epekto ng
5. MGA PAGTUGON SA MGA HAMON NG
CONSUMERISM
Ang consumerism ay balakid sa sustainable development dahil ito ang isa sa mga sanhi
kung bakit naisasantabi ang maraming banta sa kalikasan tulad ng climate change,
kasalatan sa tubig, at pagkawala ng mga halaman, hayop at iba pang maybuhay.
Ito ay paglabag sa pang-ekolohiyang limitasyon habang lumalago ang ekonomiya.
Nauubos ang mga likas na yaman. Patuloy ang pagdaragdag ng mga kompanya ng
mapaminsalang carbon footprint. Kinakalbo rin ang kagubatan upang bigyang-daan ang
mga makabagong urban center, shopping mall, at mga bagong komunidad.
Upang matupad ang minimithing sustainable development, ipinapayo at isinusulong
ang mga kampanya at mga disiplinadong reaksiyon gaya ng pagtataguyod sa simpleng
pamumuhay, pagtangkilik sa sariling produkto, at mga katulad nito na sa
pangkalahatang pananaw ay makababawas ng labis na materyalismo at basura.
Sa Pilipinas, sinimulang ipatupad ang Philippine Environment Code noong 1977 upang
pangalagaan ang kapaligiran.
Sa buong mundo, may malalaking kompanya ang nagsimulang tumutok sa proteksiyon
ng lipunan at kapaligiran. Layunin ng kanilang corporate social responsibility na
mapanatiling luntian ang kapaligiran, matustusan ang pangangailangan ng malinis na
tubig at edukasyon ng mga mamamayan sa mahihirap na bansa, at gumawa ng mga
produktong socially responsible na hindi nakasisira ng kalikasan.
6. ENERGY SUSTAINABILITY
Ang energy sustainability ay sumasaklaw sa pagtugon sa
pangangailangan sa enerhiya ng kasalukuyang panahon at
pagtiyak na hindi maisasa-alang-alang ang kakayahan ng
susunod na henerasyong tugunan ang kanilang
pangangailangan.
Ang sustainable energy ay tumutukoy sa kahit anong
enerhiya na potensiyal na magagamit nang maayos sa
hinaharap na hindi makapipinsala sa susunod na salinlahi.
Ito ay may dalawang sangkap: renewable energy at energy
efficiency.
Ang renewable energy tulad ng solar, wind, geothermal,
hydroelectric, at ocean energy ang nakikitang alternatibo sa
fossil fuels, kaya, hinihikayat ang malawakang paggamit
7. MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE
DEVELOPMENT: ENERGY SUSTAINABILITY
Sa kasalukuyan, laganap ang paggamit ng fossil fuels (karaniwang may
kasamang karbon, langis, at natural na gas) bilang tagatustos ng
enerhiya. Ang pagsusunog o paggamit ng fossil fuels ay
nangangahulugang pagpapakawala ng carbon dioxide sa papawirin. Ang
carbon dioxide ay greenhouse gas na nagdudulot ng climate change at
global warming.
Dahil dito, hindi makabubuting gawing pangmatagalang pinagkukunan
ng enerhiya ang fossil fuels. Hindi nito matitiyak ang energy
sustainability ng mga bansa dahil bukod sa banta sa kalusugan at
kalidad ng buhay, ito ay limitado at hindi nagagamit sa lahat ng panig
ng mundo. Isang mabigat na pasanin ng daigdig ang fossil fuels dahil sa
negatibong epekto nito sa kalikasan, kapaligiran, at karagatan.
Sanhi ng malawakang polusyon, ang paggamit ng fossil fuels ay
maaaring kumitil ng maraming buhay. Upang matamo ang sustainable
development, kailangang may ligtas na mapagkukunan ng enerhiya sa
8. MGA ALTERNATIBONG MAPAGKUKUNAN
Ang solar energy ay ang pinakamalinis, pinakalaganap, at
pinakamahusay na
pinagmumulan ng renewable energy. Laganap na ang paggamit nito sa
pamamagitan ng mga solar panels.
Malawakan na rin ang paggamit ng wind energy na nakatutulong nang
malaki sa
mga mandaragat sa kanilang paglalayag.
Marami nang kompanya ang namumuhunan sa paggawa ng windmills,
wind farms, at energy grids upang maipalaganap ang paggamit ng
enerhiyang ito.
Ang geothermal energy ay nakukuha sa ilalim ng lupa sa pamamagitan
ng geothermal energy stations. Bagaman limitado lamang ito (karaniwan
ay malapit sa mga bulkan), ito ay mainam na tagatustos ng electric
power.
Dahil halos 70% ng mundo ay katubigan, mataas din ang potensyal ng
9. MGA PROYEKTO, PROGRAMA AT BATAS
Noong 2015, tinatayang may 2.8 bilyong tao sa mundo ang
wala pa ring access sa modernong mga serbisyong pang-
enerhiya. Upang matugunan ang pangangailangang ito, may
proyekto ang United Nations Development Programme (UNDP)
hanggang 2030 na magbibigay ng pandaigdigang daan sa
makabagong mga serbisyong pang-enerhiya. Itinataguyod ng
samahang ito ang energy sustainability sa pamamagitan ng
mga patakaran, pagsuportang pampananalapi, at paglikha ng
kamalayan ukol dito.
May mga komprehensibong programa din ang UNDP na
tumututok sa energy access at energy efficiency. Ang mga ito
ay daan sa malawakang pagunlad, low-carbon energy, luntiang
ekonomiya, pagsupil sa kahirapan, at higit sa lahat, sa
10. MGA PROYEKTO, PROGRAMA AT BATAS
Ang Renewable Energy Act of 2008 ay batas sa Pilipinas na
nakatuong gawing 50% -nakasalig-sa-renewable energy ang
enerhiya sa bansa sa taong 2030.
Noong 2013, ang Climate Change Commission ay
nagsimulang makipagtulungan sa Worldwatch Institute para sa
isang Sustainable Energy Roadmap. Ito ay naglalayong gawing
100%-base-sa-renewable energy ang
pinagkukunan ng suplay ng koryente sa bansa sa loob ng isang
dekada.
Sa pribadong sektor naman, ang Shell Philippines ay
nangangako simula noong 1997 na mag-aambag sa
sustainable development ng bansa sa pamamagitan ng
responsableng pagbibigay ng serbisyong pang-enerhiya.
11. KAHIRAPAN
Ayon sa World Bank Organization ang kahirapan ay:
kagutuman,
kawalan ng tirahan,
pagiging masakitin at walang kakayahang magpagamot sa doktor,
kawalan ng access sa paaralan at walang kakayahang bumasa, at
kawalan ng hanapbuhay, may takot sa hinaharap, at nabubuhay lamang
sa kasalukuyan.
• Sa Pilipinas, base sa taunang survey na isinasagawa ng Philippine
Statistics Authority, ang poverty incidence ay tumaas ng 1.2% sa unang
semestre ng 2014 mula sa 24.6% noong unang anim na buwan ng
2013.
• Ang kahirapan ay patuloy na nararanasan ng maraming Pilipino kung
kaya nakikiisa ang Pilipinas sa pagpapatupad ng Millenium
Development Goals (MDG). Upang patuloy na maibsan ang kahirapan sa
Pilipinas, patuloy pa rin sa pagpapatupad ng bagong adyendang
Sustainable Development Goals (SDG) para sa taong 2030.
12. MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE
DEVELOPMENT: KAHIRAPAN
1. MABABANG KALIDAD NG
EDUKASYON
MARAMING PAARALAN ANG
KULANG SA KAGAMITAN AT
PASILIDAD. KULANG RIN ANG
KASANAYAN NG MGA GURO
SAPAGKAT HINDI SAPAT ANG
MGA OPORTUNIDAD SA
PAGLINANG NG KANILANG
KAALAMAN.
13. MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE
DEVELOPMENT: KAHIRAPAN
2. KAKULANGAN NG MGA
TRABAHO
NAKADEPENDE SA EKONOMIYA
AT KALAKALAN ANG
PAGKAKAROON NG MARAMING
TRABAHO. MARAMING OFW ANG
NAWAWALAN NG TRABAHO
DAHIL SA RECESSION.
14. MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE
DEVELOPMENT: KAHIRAPAN
3. TALAMAK NA GRAFT AND
CORRUPTION
MALAKI ANG KINALAMAN NG
MGA ITO SA KAHIRAPAN
SAPAGKAT HINDI NAGAGAMIT
AT NAIPAMAMAHAGI NANG
MAAYOS ANG YAMAN NG BAYAN
SA PAGPAPAUNLAD NG
PAMUMUHAY NG BAWAT
PILIPINO.
15. MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE
DEVELOPMENT: KAHIRAPAN
4. PAGTAMA NG MGA NATURAL
NA KALAMIDAD
ANG PILIPINAS AY KABILANG SA
MGA BANSANG LAGING
TINATAMAAN NG MGA
KALAMIDAD. MILYONG-
MILYONG ARI-ARIAN, PANANIM,
AT KABUHAYAN ANG
NAPIPINSALA DAHIL DITO.
16. MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE
DEVELOPMENT: KAHIRAPAN
5. PAGLAKI NG POPULASYON
ANG POPULATION GROWTH RATE NG
PILIPINAS AY 2.36% KADA TAON AT
ANG MABILIS NA PAGTAA NITO AY
NAGDUDULOT NG PROBLEMA SA
GOBYERNO SAPAGKAT MAHIRAP
MATUGUNAN ANG PANGANGAILANGAN
NG LUMALAKING POPULASYON GAMIT
ANG MGA PAMPUBLIKONG SERBISYO SA
KALUSUGAN, EDUKASYON, SUPLAY NG
TUBIG, AT MARAMI PANG IBA.
17. MGA PAGTUGON SA MGA HAMON NG KAHIRAPAN
1. CONDITIONAL CASH
TRANSFER PROGRAM
BINIBIGYAN NG CASH
ASSISTANCE ANG MAHIHIRAP NA
PAMILYA KAPAG NAIPASOK NA
NILA SA PAARALAN ANG
KANILANG MGA ANAK. NATAMO
NA RIN ANG MALAWAKANG
REPORMA SA EDUKASYON SA
PAMAMAGITAN NG
KINDERGARTEN ACT OF 2012 AT
18. MGA PAGTUGON SA MGA HAMON NG KAHIRAPAN
2. WASTE MANAGEMENT AT
REFORESTATION
ILAN LAMANG ANG MGA ITO SA
PROGRAMA NG PAMAHALAAN UPANG
MAIWASAN ANG MASASAMANG EPEKTO
NG MGA KALAMIDAD GAYA NG
PAGBAHA, FLASH FLOOD, AT
LANDSLIDE. BUKOD SA METRO MANILA,
PINAUUNLAD RIN ANG IBANG LUNGSOD
LALO NA ANG NASA REHIYON NG
MINDANAO UPANG MATULUNGAN ANG
MGA MAMAMAYANG MAGKATRABAHO
AT MALINANG ANG KANILANG
KAKAYAHAN.
19. MGA PAGTUGON SA MGA HAMON NG KAHIRAPAN
3. PAGSUPORTA SA KALUSUGAN
BINIBIGYANG-HALAGA NG GOBYERNO
ANG KALUSUGAN. DAHIL DITO,
NATAMO NA ANG TARGET NA SIYAM
MULA SA LABINLIMANG INDICATOR SA
LARANGANG ITO KAUGNAY NG MDG.
NABIGYANGPANSIN DIN ANG NATIONAL
HEALTH INSURANCE PROGRAM PARA SA
MAHIHIRAP NA SENIOR CITIZEN,
MAYROON DING DIRECT HOUSING
ASSISTANCE SA MAY 222,167 NA
PAMILYA MULA 2011 HANGGANG
2013.
20. MGA PAGTUGON SA MGA HAMON NG KAHIRAPAN
PAGSUGPO SA KORUSPYON
PUSPUSAN NA RIN ANG
PAGTUGON NG PAMAHALAAN SA
GRAFT AND CORRUPTION,
KAKULANGAN NG TRABAHO,
PAGLOBO NG POPULASYON,
DROGA, AT IBA PANG SALIK SA
PAGLALA NG KAHIRAPAN NA
HUMAHADLANG SA PAGTAMO
NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT.
21. HEALTH INEQUALITIES OR INEQUITIES
Ayon sa World Health Organization, ang health
inequalities (o health inequities) ay tumutukoy sa hindi
pagkakapantay-pantay ng kalagayan ng kalusugan sa
pagitan ng mga tao ng isang bansa at sa pagitan ng mga
bansa. Ang kawalang katarungang ito ay maaaring
maiwasan at malapatan ng karampatang solusyon.
Ang panlipunan at pang-ekonomiyang kalagayan at ang
mga epekto nito sa buhay ng mga tao ang
nagdedetermina ng karamdaman at ang mga ginawang
aksiyon upang maiiwas ang mga tao sa pagkakasakit.
Halimbawa:
Sa Pilipinas, mas mahaba ng limang taon ang inaasahang
tagal ng buhay ng kababaihan kaysa sa kalalakihan.
22. MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE
DEVELOPMENT: HEALTH INEQUALITIES
Sa Buong Mundo
Ang benepisyo ng paglago ng ekonomiya sa nakaraang dalawampu’t
limang taon ay hindi pantay na naipamamahagi. Halimbawa, noong 1990,
ang pinakamayamang bansang may 10% ng kabuuang populasyon ng
mundo ay may pambansang kita na animnapung ulit na mas malaki kaysa
sa pinakamahirap na bansa.
Ang pandaigdigang daloy ng tulong ay hindi sumasapat, mas mababa
sa antas na ipinangako. Ang resulta, sa maraming pagkakataon, may mga
financial outflow mula sa mas mahihirap hanggang sa mas mayayamang
bansa. Ito ay nakaaalarmang pangyayari.
Ang hindi maayos na estruktura ng mga organisasyon at palatuntunang
may pagkiling sa kasarian ay may malaking epekto sa kalusugan ng
kababaihan. Ang katayuan ng mga babae sa lipunan ay may kinalaman
din sa kalusugan at
23. MGA HAMON SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE
DEVELOPMENT: HEALTH INEQUALITIES
Sa Pilipinas
May kakulangan sa pondong inilalaan para sa sa sistemang
pangkalusugan at sa pagsasagawa ng mga reporma. Ang
organisasyon ng mga serbisyong pangkalusugan ay hindi
balanse sa pampribado at pampublikong sektor.
Ang presyo ng mga gamot at iba pang kagamitang
pangkalusugan pati na rin ang pamamahagi nito ay
humahadlang sa pagkamit ng patas na kalusugan. Mas mahal
pa ang mga gamot sa Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa sa
Europa at Amerika.
Ang mga serbisyong pangkalusugan ay desentralisado kung
kaya hindi ito napamamahalaan nang maigi. Dahil dito, hindi
24. IBA’T IBANG ESTRATEHIYA AT POLISIYA SA
PAGTAMO NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT
1. Integrasyon o pagsasama-sama ng layuning pang-
ekonomiya, panlipunan, at pangkapaligiran at
pagbabalanse nito sa mga sektor, mga teritoryo, at
mga henerasyon
2. Paninigurado ng malawak na partisipasyon at
epektibong pagsasama-sama
3. Pagsusulong ng pag-aangkin at pagtatalaga sa mga
programa
4. Paghuhubog ng kakayahan at ng isang kapaligirang
nakahahalina
25. MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG
PRINSIPYO
Integrasyon ng mga Polisiya
Ang sustainable development ay nakatuon sa
pagbabalanse ng mga layuning pangekonomiya,
pangkapaligiran, at panlipunan para sa kasalukuyan at
hinaharap.
Halimbawa:
Ang sustainable development ng New Zealand ay
nagbibigay ng pantay na tuon sa social sustainable
development na may espesyal na atensiyon sa
demographic trends, mga bagong papel ng kababaihan
sa lipunan (pagbabago sa kalusugan at pabahay), at
26. MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG
PRINSIPYO
Malayuang Pananaw sa Polisiya
Mahalaga rin ang pagbabalanse sa
pangangailangan ng kasalukuyan at ng susunod
na salinlahi. Ang ilang bansa ay bumuo ng mga
polisiyang may mahabang time frame.
Halimbawa:
Sa usaping pang-ekonomiya, ang estratehiya ng
Germany ay may kinalaman sa intergenerational
equity. Iniiwasan nitong magkaroon ng mabigat
na suliraning pinansiyal o pang-ekonomiyang
pasanin ang susunod na henerasyon.
27. MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG
PRINSIPYO
Pagsusuri at Pagtataya
Ang pagsusuri ay mahalagang sangkap sa
pagbabalanse ng mga layuning pangekonomiya,
panlipunan, at pangkapaligiran sa paggawa ng
mga polisiya at priyoridad sa sustainable
development.
Halimbawa:
Isa sa mga sukatan ng pagsusuri na ginagamit ng
mga bansa ay ang Environmental Impact
Assessment (EIA). Sa Canada, ginagamit ito upang
sukatin ang epekto ng mga polisiya sa kapaligiran
28. MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG
PRINSIPYO
Pagtutulungan ng mga Institusyon
Malaki ang bahagi ng mataas na pagtatalagang
pulitikal, maayos at gumaganang mga institusyon,
at pagkakaisa ng mga ahensiyang ito sa pagtamo
ng sustainable development ng bawat bansa.
Halimbawa:
Ang responsable sa paghahanda at
implementasyon ng pambansang estratehiya para
sa sustainable development ay ang National
Commission on Sustainable Development na
pinamumunuan mismo ng punong ministro ng
29. MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG
PRINSIPYO
Panlokal na Pamamahala
Ang mga pangunahing prinsipyo at direksiyon ay dapat
binubuo ng pambansang pamahalaan, subalit ang mas
detalyadong pagpaplano, implementasyon, at pagsubaybay
ay dapat nasa mababang antas ng pamahalaan kasama ang
pagbibigay ng angkop na kapangyarihan at kagamitan o
resources.
Halimbawa:
Ang UK ay may shared framework para sa sustainable
development (ang One Future, Different Paths) na
nagtatakda ng pare-parehong layunin para sa England,
Scotland, Wales, at Northern Ireland, subalit hindi
30. MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG
PRINSIPYO
Partispasyon ng mga Stakeholder
Ang aktibong pagsali ng mga stakeholder tulad ng mga
negosyante, unyon ng mga manggagawa, NGO, at mga
katutubo sa mga pagbabago at implementasyon ng mga
pambansang estratehiya para sa sustainable development ay
dapat likas na katangian ng isang magandang polisiya.
Halimbawa:
Ang Government Council for Sustainable Development ng
Czech Republic ay
kinabibilangan ng mga pamahalaan, negosyante, iskolar, NGO,
at ibang stakeholder at nagsisilbing umbrella group para sa
pagbubuo, implementasyon, at pagbabago ng pambansang
31. MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG
PRINSIPYO
Mga Indicator at Target
Ang paglalagay ng mga quantitative indicator at
target ay mahalaga at nakatutulong sa pag-alam ng
tunay na kalagayan o sitwasyon.
Halimbawa:
Sa Ireland, kasama sa ginawa ng pamahalaan upang
makabuo ng mga indicator ay ang paglalagay ng
green national accounts at satellite accounting
approaches para tulungan ang kanilang economic
accounts.
32. MGA POLISIYA AT ESTRATEHIYA BATAY SA LIMANG
PRINSIPYO
Pagmamasid at Pagtataya
Ang mga pambansang estratehiya para sa sustainable
development ay dapat nag-eevolve habang dumarami
ang impormasyon tungkol sa priyoridad, teknolohiya,
at polisiya upang mapagtagumpayan ang mga
problema.
Halimbawa:
Ang Austria ay may Learning Strategy na nagbibigay-
pansin sa pag-uulat at pagpapahayag para mas
malawak ang partisipasyon sa pagbabago at
implementasyon ng pambansang polisiya para sa
33. MGA ESTRATEHIYA NG PILIPINAS SA PAGTAMO NG
SUSTAINABLE DEVELOPMENT
Integrasyon ng pangkapaligirang konsiderasyon sa
pagbuo ng desisyon
Wastong pangangalaga ng mga likas na yaman
Reporma sa property rights
Rehabilitasyon ng masamang-lagay ng ecosystem
Pagpapatatag ng residual management sa industriya
(pagkontrol sa polusyon)
Integrasyon ng mga pampopulasyong malasakit at
kagalingang panlipunan sa pagpaplano
Paghikayat ng pag-unlad sa mga pook-rural
Promosyon ng pangkapaligirang kaalaman
Pagpapatatag ng pakikilahok ng mga mamamayan