Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Nasyonalismo sa Japan. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang konsepto at dahilan sa Nasyonalismo sa Japan.
1. Lesson 31-H: Nasyonalismo sa Japan
• Ang nasyonalismong umusbong sa Japan ay umusbong para sa pagkakaisa ng mga Hapones
• Sakoku Effect of 1635 – Ito ay isang decree na ang layunin ay mapuksa o itanggal lahat ng mga
impluwensiyang dayuhan. Kung sinumang Hapones ang gustong pumunta sa iba pang bansa, ay
papatayin. Pinagbabawal din ang relihiyong Kristiyanismo. Pinayagan ang mga Chinese Merchants at
Dutch East India Company na makipag-kalakalan sa Nagasaki lamang. Ang ganitong sitwasyon ng
Japan ay nagtagal sa loob ng 200 na taon.
• Commodore Matthew Perry – Siya ang tinaguriang “Ama ng Steam Navy”. Siya ay nanguna sa
ekspedisyon upang makipag-usap sa mga shogun na buksan ang Japan sa buong mundo. Sinabihan
niya ang mga pinuno na kapag hindi sila nakisama o pumayag sa kanyang gusto, magkakaroon ng
digmaan. Pagkatapos niya ipresenta ang kanyang liham o kasulatan sa mga pinuno, pumunta siya sa
Hong Kong at doon siya naghintay para sa sagot ng mga Hapones. Pagkatapos ng kalahating taon,
bumalik siya sa Japan, at pinayagan siyang dumaong sa Kanagawa o Yokohama. Nilagdaan niya ang
kasunduan na pumapayag sa pakikipag-kalakalan ng mga Hapones sa mga Amerikano. Pagbalik niya sa
Amerika, ginawaran siya ng $20,000 na gantimpala ng Kongreso para sa pagkilala ng kanyang ginawa.
• Treaty of Kanagawa – Ito ay isang tratado (treaty) sa pagitan ng Estados Unidos at ng Hapon. Ito ay
nilagdaan noong Marso 31, 1854. Ito ang nagwakas sa halos 220 na taon ng Sakoku, o isolasyon ng
bansang Japan sa buong mundo. Alinsunod sa tratadong ito, binuksan ang mga himpilan ng Shimoda at
Hakodate sa mga barkong pangkalakalan ng mga Amerikano.
• Emperor Komei – Siya ang pang-121st
na emperador ng Japan. Ang totoong pangalan niya ay
“Osahito”. Siya ay nanungkulan mula Marso 10, 1846 hanggang Enero 30, 1867.
“Order to Expel Barbarians” – ito ay isang edict na inisyu ni Emperador Komei noong 1863 laban sa
Westernisasyon ng Hapon kasunod ng pagbubukas nito sa buong mundo sa pangunguna ni Commodore
Matthew Perry noong 1854.
• Emperor Meiji (Mutsuhito) – Siya ang pang-122nd
na emperador ng Japan. Tinatawag din siya bilang
Meiji the Great. Siya ay nanungkulan mula Pebrero 3, 1867 hanggang Hulyo 29, 1912.
• Meiji Period – Ito ay isang panahon sa Japan mula Oktubre 23, 1868 hanggang Hulyo 30, 1912.
Meiji Restoration – Ito ay isang serye ng mga pangyayari na ang layunin ay ipanumbalik ang imperial
rule sa Japan. Isa sa pangyayari dito ang Pagbagsak ng Tokugawa Shogunate noong Nobyembre 9,
1867. Noong Nobyembre 3, 1868, nagkaroon ng pormal na deklarasyon ang emperor sa pagbabalik ng
kaniyang kapangyarihan. Ang Meiji Restoration ang nagpabalis sa industriyalisasyon ng Japan.
Charter of Oath – Ito ay isang oath na tumatalakay sa mga kagustuhan ni Emperador Meiji sa kanyang
pamumuno. Ito ay itinatag noong Abril 7, 1868.
Mga Tekstong Nakapaloob sa Charter of Oath:
1. Ang mga asemblea ay malawakang itatatag at doong pag-uusapan ang iba’t-ibang usapin
2. Anumang katayuan sa lipunan, Kahit mataas man o mababa, ay kailangang magkaisa sa pagpapakita
ng mga anumang gusto ng administrasyon patungkol sa affairs of state
3. Ang mga normal o common na mga tao ay puwedeng sundin ang kanilang sariling pagtawag o
2. kagustuhan na walang restriksyon
4. Ang lahat na masasamang paniniwala ng nakaraan ay iwaksi at lahat ay ibase sa Batas ng Kalikasan.
5. Ang Kaalaman ay hanapin sa anumang sulok ng daigdig para din sa pagtatag ng pundasyon ng
Imperyong Hapones.
Pamahalaan ng Meiji Japan:
Noong mga unang bahagi ng 1869, pinalitan na ang kabisera ng Hapon mula sa Kyoto patungo sa Edo,
na pinalitan na sa pangalang Tokyo.
Nagkaroon din ng walong ministrong nabuo:
1. Civil Affairs (Home Ministry mula taong 1873)
2. Foreign Affairs
3. Finance
4. Army
5. Navy
6. Imperial Household
7. Public Works
8. Education
Konstitusyong Meiji (Meiji Constitution) – Ito ang konstitusyong sinusunod ng Imperyong Hapones
mula Nobyembre 29, 1890 hanggang Mayo 2, 1947. Sinasaad sa konstitusyong ito na ang anyo ng
pamahalaan ay ang paghahalo ng Constitutional at Absolute na uri ng Monarkiya, na nakuha ng mga
Hapones sa uri ng pamahalaan ng Prussia at Great Britain. Ayon sa Article IV ng konstitusyong Meiji,
“Ang Emperador ang pinuno ng Imperyo at pinag-isa niya sa kanya ang lahat ng karapatan ng mga taong
Hapones”. Sinsabi naman ng Article XI ng konstitusyong Meiji, “Ang Emperador ang komander ng army
at navy”.
Mga Katungkulan ng Emperador ng Hapon (Japan):
1. Pag-ensayo ng kanyang executive authority
2. Pag-appoint at pag-dismiss ng mga opisyales na pamahalaan
3. Pagdedeklara ng digmaan
4. Pamumuno sa Imperial Japanese Army at Imperial Japanese Navy
Ekonomiya ng Meiji Japan:
Ang pamahalaan ay nagpatayo ng mga railroad system, mga kalsada, at nagpatupad ng land reform.
Bank of Japan – Ito ay ang pangunahing bangko sa Japan. Ito ay itinatag noong Hunyo 27, 1882.
Umusbong din ang modernong industriya patungkol sa mga textiles, kabilang ang cotton at seda.
Isa sa mga pinakamagandang nagawa ng pamahalaan sa ekonomiya ay ang pagwawakas sa Sistemang
Piyudal na umiiral sa Hapon
3. Sistemang Pangmilitar ng Meiji Japan:
Imperial Japanese Army – Ito ay ang opisyal na ground-based armed forces ng Japan mula taong 1871
hanggang 1945. Ito ay kinokontrol ng Imperial Japanese Army General Staff Office at Ministry of
War.
Imperial Japanese Navy – Ito ay ang opisyal na navy ng Imperyong Japan mula 1868 hanggang 1945.
Ito ang pangatlong pinakamalaking navy sa buong mundo noong 1920, kasunod ng United States Navy
at British Royal Navy. Ito ay kinokontrol ng Imperial Japanese Navy General Staff Office at Ministry of
Navy.
Imperial Japanese Navy Air Service – Ito ay ang pang-himpapawid na katulong ng imperial navy ng
Japan. Mas nakilala ito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay kinokontrol ng Navy Staff ng
Imperial Japanese Navy.
Kōtetsu – Ito ay ang kauna-unahang ironclad na barkong pandigma ng Imperial Japanese Navy. Ito ay
ginawa sa Bordeaux, France noong 1864, at binili ng mga Hapones sa Estados Unidos noong Pebrero
1869. Ito ay may habang umaabot sa 193.5 feet at may bigat na 95 na tonelada.
• First Sino-Japanese War – Ito ay ang paglalaban ng China (Qing Dynasty) at ng Imperyong Hapones
dahil sa kagustuhan nilang dalawang sakupin ang Korea. Ito ay mula Agosto 1, 1894 hanggang Abril 17,
1895. Dito pinapakita ang pagpalya ng Dinastiyang Qing sa pag-modernize ng kanilang army. Ang
estado ng Imperial Japanese Navy noon ay nakabase sa istruktura ng British Royal Navy.
Labanan sa Pungdo (Battle of Pungdo) – Ito ay ang unang labanan pandagat na nangyari sa Unang
Digmaang Sino-Japanese. Ito ay nangyari noong Hulyo 25, 1894. Ayon sa mga tala ng pangyayari, alas-
siyete ng umaga ng nagsimula ang labanan, at ang dahilan ay ang hindi pagsaludo o hindi nagbigay-
galang ang mga Tsino sa mga Hapones, at noong pumunta ang mga barkong Hapones sa Timog-
kanluran, pinaputukan sila ng mga Tsino. Ang labanan na ito ay may direktang Epekto sa mga labanan
nagaganap sa kalupaan.
Battle of Pyongyang (1894) – Ito ay ang pangalawang pangunahing labanan sa kalupaan ng digmaang
ito. Ito ay nangyari noong Setyembre 15, 1894 sa Pyongyang, Korea. Ito ay pinangungunahan ni Marshal
Yamagita Aritomo sa mga Hapones at Ye Zhichao sa mga Tsino. Noong una, malakas ang depensa ng
mga Tsino kumpara sa mga umaatakeng mga Hapones, pero napagbagsak nila ito dahil sa hindi
inaasahang pag-atake ng mga Hapones sa mga sulok ng depensa, kaya bumagsak ang kanilang
depensa. Napilitan sumuko ang mga Tsino ng mga alas-kuwarto ng hapon. Pagkatapos ng labanang ito,
umabanse ang mga Hapones sa may Ilog Yalu ng walang oposisyon sa mga Tsino.
Battle of the Yalu River (1884) – Ito ang pinakamalaking labanan sa dagat noong Unang Digmaang
Sino-Hapones. Ito ay nangyari noong Setyembre 17, 1884. Ito ang labanan kung saan bumagsak ang
kapangyarihan ng Beiyang Fleet.
Treaty of Shimonoseki – Ito ay ang tratadong nilagdaan ng Dinastiyang Qing at ng Imperyong
Hapones. Ito ay nilagdaan noong Abril 17, 1885, na nagpatapos ng Unang Digmaang Sino-Japanese.
Dito kinikilala ng Tsina ang buo at kumpletong kalayaan at awtonomiya ng Korea.
4. Ang digmaang ito ang nagpakita ng superioridad ng mga Hapones pagdating sa mga taktika at pag-
eensayo dahil na rin sa paggaya nito sa paraan ng mga Kanluranin. Ito ang naging daan sa mga
Hapones para maging dominanteng kapangyarihan sa Asya.
• Anglo-Japanese Alliance – Ito ay isang alyansa na nilagdaan ng Hapones at ng United Kingdom noong
Enero 30, 1902 sa Lansdowne Club sa London. Ang pangunahing layunin ng Anglo-Japanese Alliance
ay ang pagpigil sa paglawak o pagsakop ng Imperyong Russia.
• Russo-Japanese War – Ito ay isang labanan sa pagitan ng Imperyong Russia at ng Imperyong
Hapones. Ito ay nangyari mula Pebrero 8, 1904 hanggang Setyembre 5, 1905.
Ang Imperyong Hapones, sa panahong Meiji, ay ginamit ang mga ideyang Kanluranin at nagkaroon ng
industriyalisasyon. Gusto ng mga Hapones na kilalanin sila bilang kapantay ng mga kanluranin.
Ang Imperyong Russian o mas kilala bilang Tsarist Russia, ay may ambisyon na manakop sa Asya. Sa
taong 1890s, nasakop na niya ang Sentrong Asya hanggang Afghanistan. Gusto rin nilang magkaroon
ng himpilan sa may Port Arthur, na may interest din ang mga Hapones dito.
Noong Pebrero 8, 1904 ay Nagdeklara ang Hapones ng digmaan sa mga Russian at nasorpresa si Tsar
Nicholas II sa aktong ito ng mga Hapones. Ang mga Russian ay Nagdeklara ng digmaan, walong araw
pagkatapos ng pagdedeklara ng digmaan ng mga Hapones.
Battle of Port Arthur – Ito ay ang labanan na nagpasimula ng Digmaang Russo-Japanese. Ito ay
nangyari mula Pebrero 8-9, 1904. Ito ay nagsimula sa surpresang pag-atake ng mga Hapones sa plota
ng mga Russian ng gabi ng Pebrero 8, 1904 sa may Port Arthur, Manchuria. Umatake ang mga Hapones
gamit ang mga torpedo kaya nabigla ang mga Russian.
Noong Pebrero 12-13, 1905, pinasabog ng mga Hapones ang mga several concrete-filled steamers sa
malalim na tubig sa himpilan at gusto rin gumawa ng mga Hapones ng isang blockade sa Port Arthur.
Battle of Yalu River (1904) – Ito ang kauna-unahang pangunahing labanan sa kalupaan ng Digmaang
Russo-Japanese. Ito ay nangyari mula Abril 30 hanggang Mayo 1, 1904 sa may Wiju (Uiju, North Korea)
sa may babang bahagi ng Ilog Yalu. Ito ay nagsimula ng madaling araw ng Abril 30, 1904 ng sinugod ng
mga Hapones (12th
division) ang mga Ruso. Ginamit nila ang kanilang 4.7 inch howitzers para bombahin
ang mga Ruso. Ang labanan sa Ilog Yalu ay napanalunan ng mga Hapones.
Battle of Tsushima – Ito ang katangi-tanging labanan sa karagatan ng Digmaang Russo-Japanese. Ito
ay nangyari mula Mayo 27-28, 1905. Ito ang unang labanang sa karagatan sa kasaysayan na gumamit
ng radio o wireless telegraphy. Ang labanang ito ang nagpabagsak sa halos lahat ng barkong pandigma
ng mga Russian. Halos 4,500 ang namatay na mga Ruso sa labang ito.
Treaty of Portsmouth – Ito ay isang tratado na nilagdaan sa pagitan ng Imperyong Russian at
Imperyong Hapon noong Setyembre 5, 1905 sa may Portsmouth sa may Maine, New Hampshire. Ito ang
opisyal na nagtapos sa digmaang Russo-Japanese.
5. Ang pagkanapalo ng mga Hapones sa digmaang ito ang kauna-unahang major victory ng isang
Asyanong bansa sa isang Europeong bansa. Ito ang nagdulot ng malaking pagkabigla sa mga
Kanluraning bansa. Tumaas ang pagtingin ng mga Europeo at ng mga Kanluranin sa mga Hapones.
Sa panig ng mga Russian, nawala ang mga teritoryo nito sa may Pasipiko at Baltic at nawala din ang
mataas na pagtingin ng mga tao sa mga Russian, lalo na ang mga German at Austro-Hungarian.
Ito ang unang digmaan na ginamit ang lahat ng mga inobasyon ng Rebolusyong Industrial.
6. Ang pagkanapalo ng mga Hapones sa digmaang ito ang kauna-unahang major victory ng isang
Asyanong bansa sa isang Europeong bansa. Ito ang nagdulot ng malaking pagkabigla sa mga
Kanluraning bansa. Tumaas ang pagtingin ng mga Europeo at ng mga Kanluranin sa mga Hapones.
Sa panig ng mga Russian, nawala ang mga teritoryo nito sa may Pasipiko at Baltic at nawala din ang
mataas na pagtingin ng mga tao sa mga Russian, lalo na ang mga German at Austro-Hungarian.
Ito ang unang digmaan na ginamit ang lahat ng mga inobasyon ng Rebolusyong Industrial.