Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa mga kababaihan sa Kuwait. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang kalagayang panlipunan ng mga babae sa Kuwait.
1. Lesson 23-H: Kababaihan sa Kuwait
Ito ay ang mga kababaihan sa bansang Kuwait na namumuhay sa Kuwait, na nagbabago ang estado o
kalagayan sa lipunan sa paglipas ng panahon
Bago matuklasan ang langis sa Kuwait noong 1950s, ang mga babae ay nananatili sa kani-kanilang
Tirahan at sila din ang kumokontrol sa kani-kanilang pamilya. Kakaunti lamang ang mga babae na sumali
sa gobyerno
Noong 1916, binuksan ang isang paaralan para sa iskriptura ng Qur’an. Maraming kababaihan ang
pumasok sa paaralang ito
Base sa mga istatistika, noong 2013, 53% ng kababaihan sa Kuwait ay aktibo sa lakas-paggawa
Nagsimula ang laban para sa Karapatan ng mga babae na bumoto noong 1971 ngunit ito’y nabigo
Sheikh Jaber Al-Ahmad Al-Sabah – siya ay ang ikatlong emir ng Kuwait; nanungkulan siya simula
noong Disyembre 31, 1977 hanggang sa kanyang kamatayan noong Enero 15, 2006. Naglabas siya ng
decree, noong 1999, para bigyan ng Karapatan ang mga babae na bumoto, ngunitibinasura ng
parlyamento ang desisyon ng emir
Noong 2005, opisyal na Binigyan ng Karapatan ang mga kababaihan na bumoto
Massouma Al-Mubarak – unang babaeng opisyal na naihalal sa gabinete ng Kuwait
Noong sinakop ng Iraq noong 1990, ang mga babae ay may mahalagang gampanin na ginampanan.
Prinotektahan nila ang kanilang bansa.