1. PAGHIHIMIG (ONOMATOPEIA)
Ito ay gumagamit ng kaugnay sa tunog o himig ng mga salita upang
ipahiwatig ang kahulugan
• Halimbawa:
• Ang busina ng bus ang nangibabaw sa kalye.
• Nagulat ang tumatawid na matanda sa lakas ng
potpot ng dumaraang bus.
• Ngumingiyaw ang pusa sa ibabaw ng bubong.
• Ang tahol ng aso ay nangibabaw sabuong kalye.
• Sinundan niya ang twit twit na narinig niya. Mula pala
ito sa ibong nakadapo sa kanilang balkonahe.
2. TANDAAN:
• Paggamit ng mga salitang may angkop na
tunog.
• Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang
tunog ay siyang kahulugan.
3. PAG-UULIT (“ALLITERATION”)
Ang pagpapahayag ay gumagamit ng magkakatulad na titik o
pantig sa simula ng dalawa o mahigit na salitang ginagamit sa
isang taludtod o pangungusap.
• Halimbawa:
• Ipinanganganib ay baka mabigla, matuloy hiningang
mapatid.
• Dito nakabangon ang naglulugami at napasa-tuwa
ang napipighati.
• Napalayo siya at naligalig sa nagawa niyang
napakabilis na pagpapasiya sa kanyang pusong
umiibig.
5. PAGDARAMDAM O “EXCLAMATION”
Ang pagpapahayag ay nagsasaad ng di-pangkaraniwang
damdamin. Ginagamitan ng tandang pandamdam (!) sa dulo ng
taludtod o pangungusap.
• Halimbawa:
• O, araw na lubhang kakila-kilabot! Araw na
sinumpa ng galit ng Diyos!
• Biba si Floranteng hari sa Albanya, Mabuhay,
mabuhay ang Prinsesa Laura!
6. PAGTAWAG O “APOSTROPHE”
Ang pagpapahayag ay ginagawa sa pakikipag-usap sa mga
bagay na karaniwan na maaring may buhay o wala na parang
naroroon at kaharap niya ngunit sa katotohanan ay wala naman
ito.
• Halimbawa:
• Halina, giliw ko’t gapos ko’y kalagin Kung
mamatay ako’y gunitain mo rin.
• Tigil, aking musa’t kusa kang lumagay sa yapak
ni Selya.
7. TANDAAN:
• Isang madamdaming pakikipag-usap sa isang
tauhan na malayo, patay na o hindi kaharap na
para bang nasa harap.
• Pakikipag-usap sa mga bagay na walang buhay.