2. Layunin:
• Alamin kung ano ang buhay ng tao nung
Panahon ng Kadiliman
• Pangyayari kung paano naisilang ang mga bayan
sa Europa noong Panahong Medieval
• Dahilan kung paano umunlad ang mga bayan at
lungsod sa Europa
• Pagbabagong dulot o epekto ng pag-unlad ng
mga bayan at lungsod
• Mga Tanyag na mga bayan ng Europa
• Kontribusyon ng mga bayang Medieval sa
sangkatauhan
3. 1.1 Buhay sa Panahon Ng Dark Ages
- Ang Panahon ng Kadiliman o
Dark Ages ang siyang nagdala
sa mga barbaro sa Europa na siya
namang hudyat sa pagkawasak ng
isang kulturang pinili, iginagalang
at pinagyaman.
- Naging malupit ang mga ito hindi lamang sa mga tao
kundi sa mga ari-ariang maaaring mapakinabangan ngunit
sinira upang maglahong tuluyan.
- Napilitan ang mga tao na manirahan sa mga liblib na
pook na kadalasan ay napakalungkot.
4. - Sa tulong ng Sistemang Pyudal, nakaahon
sa paghihirap ang mga tao, maging ang mga
alipin ay nakatiyak ng ikabubuhay.
- Malaki ang papel na ginampanan ng
pananampalataya sa iisang Diyos sa mga tao.
- Nagkaroon sila ng lakas ng loob upang
pahalagahan ang sarili at sariling kakayahan.
- Kumpleto na ang buhay nila subalit
muling nalambungan ng dilim nang
dumating ang mga turkong Seljuk at
mapilitan silang magsagawa ng mga krusada.
5. - Marami sa mga malalaking
lupain ng Roma ang nakalimutan
ngunit sa unti unting pagbagsak ng
Pyudalismo at pag-akyat na muli ng
mga hari sa kapangyarihan, nabuksan
ang bagong sistema at uri ng
pamumuhay na higit na nagdulot ng
malaking pagbabago hndi lamang sa
relihiyon kundi sa kabuuang kultura
ng Europa.
6. 1.2 Pagsilang ng mga Bayan sa Europa
- Noong Gitnang Panahon, karamihan
sa mga tao sa Europa ang nakatira sa
mga nayon. Ang mga kabahayang
matatagpuan na magkakatabi ay siyang
tinatawag na village. Ito ay kadalasang
napapaligiran ng mga lupain na siyang
taniman.
- Pag-aari ng panginoon o kabalyero ang lahat ng lupain sa loob ng
nayon. Kadalasan, nakamit ng mga magsasaka ang karapatang magtanim
sa kani-kanilang bahagi ng sakahan. Ngunit may mga malalayang
magsasakang nagbabayad ng salapi o pagkain sa panginoon, at may mga
magsasaka ring kinakailangang manilbihan nang mga takdang oras o
paminsan minsan para sa panginoon.
- Nagtratrabaho sa lupain lahat ang mga naninirahan sa nayon, pero
may mga ibang taong tulad ng mga tagagiling ng trigo, panday, o iba pang
binabayaran ang kanilang mga serbisyo.
7. - Nakikipagkalakalan ang mga nayon sa mga kalapit na
mga nayon. Ang mga produktong ikinalakal nila ay ang
mga produktong wala sa mga nayon at patok sa kanila.
- Nagkaroon ng ugnayan ang dalawa at sila ay umunlad
at sila ay naging bayan.
- May isa ring paraan kung paano nabuo ang mga
bayan at lungsod tulad ng ang isang nayon o isang
manor ay madaming produktong iniluluwas, ibig sabihin
madaming pagawaan ang nasa nayon na iyon. Yung mga
pagawaan ay may supplier ng materyales. Ang mga
supplier na iyon ay nakatayo malapit sa mga pagawaan na
kanilang iniluluwas. Hanggang sa dumami ng dumami
ito, dumami rin ang bilang ng tao, at umunlad ang isang
nayon na kalaunan ay magiging bayan.
8. - Bago maging isang malayang bayan ang isang bayan sa kanilang
mga panginoon dumaan sila sa dalawang paraan - sa
pamamagitan ng pakikipaglaban at a pagbili. Ito ay tinatawag na
Charter of Freedom.
- Maraming bayan ang pumilit sa kanilang mga pinuno na
pagkalooban sila ng isang nagsasariling pamahalaan sa
pamamagitan ng paghihimagsik. Subalit marami sa mga bayan
ang binili na lamang ang kanilang karta ng kalayaan sa kanilang
mga panginoon. Ang kartang ito ng kalayaan ang nagging daan
upang sila ay maging malaya at nagbigay sa kanila n karapatang
magtatag ng kanilang sariling pamahalaang local, makapili ng
kanilang sariling opisyal, magkaroon ng kanilang sariling
hukuman ng batas at makagawa ng kanilang sariling buwis.
- Sa pamagitan ng kasunduan, ang panginoon ay hindi maaaring
makapasok sa malalayang bayan nang walang pahintulot ng mga
pinunong lokal.
9. 1.3 Dahilan ng Pag-unlad ng mga Bayan sa Europa
• Perya
- Ang mga bayan o malalaking permanenteng sentro ng
kalakalan at propesyonal ay mula sa medieval fairs. Ito ay isang
festival ng palengke na karaniwang ginaganap kung piyesta
opisyal.
- Noong panahong ito, ang mga biyahero mula sa iba’t
ibang bahagi ng Europa ay dumarayo para magbenta at bumili
ng produkto.
- Umakit ito ng mga mamamayang mamimili.
- Dahil dito, umunlad ang kabuhayan nila na nagpaunlad
pa lalo sa mga bayan at lungsod.
• Pagbabalik ng mga mangangalakal na sumama sa
krusada
- Ang mga mangangalakal na sumama sa krusada ay
nagsibalik na may dalang mga produkto na galing s silangan.
Ang mga produkto na galing sa silangan ay naging patok sa mga
tao sa Europa.
- Dahil doon, ang mga tao ay naglakbay rin at humanap
ng mga produkto na wala sa kanluran.
• Paglago ng Komersyo
- Nagkaroon ng paglago ng komersyo noong
Gitnang Panahon.
- Nagkaroon ng tuwirang ugnayan ang mga
bansa sa Silangan at Kanluran sa pamamagitan ng
kalakalan.
10. • Pag- usbong ng Sistemang Kapitalismo
at Pagbabangko
- Habang nangyayari ang krusada , sumilang
at umusbong ang sistemang kapitalismo at
pagbabangko.
- Ang kapitalismo ay isang sistemang pang-
ekonomiya na nakabatay sa malayang kalakalan
at pagbukas ng komunikasyon.
- Dahil sa mga bangko, madami ang
nagnegosyo dahil ang layunin ng bangko ang
magpautang sa mga magsisimulang
magnegosyo at ang kanilang inutang ay ito yung
kanilang kapital o puhunan.
- May dalawa uri ng kapitalismo: pansamantalang pagsososyo at
pagsososyo ng pamilya. Ang pansamantalang pagsososyo ay binubuo ng
dalawang pangkat: mangangalakal at pangkat ng namimili sa ibang pook na
kasamang nagbibiyahe ng produkto at tiyak na kabayaran. Ang pagsososyo
naman ng pamilya na humigit na tumagal. Sa paraang ito, pinagsamasama
ng mga kasapi ng isang pamilya ang kanilang puhunan.
11. 1.4 Pagbabagong Dulot o Epekto ng Pag-unlad ng mga Bayan at
Lungsod
• Paglago ng Kalakalan
- umusbong ang kalakalan sa pagitan ng 12th
– 13th na siglo.
- Umusbong ang komersyo noong Gitnang
panahon at nagkaroon ng ugnayan ang kanluran
at silangan sa pamamagitan ng kalakalan.
- Dahil may ugnayan ang Silangan at
Kanluran, nagkaroon ng pagsigla ng kalakalan sa
pagitan nila na nagresulta ng pag-unlad lalo ng
mga bayan at lungsod.
• Pagsilang ng Sistemang Guild
- Dahil sa pag-unlad ng mga bayan at naging
lungsod , dumami ang mga nagnegosyo at ang mga
negosyador na ito ay mga mangangalakal na bumuo
ng isang samahan na kung tawagin ay guild.
- Ang guild ay isang unyon ng manggagawa ng
may kasanayan.
- Layunn nitong mapatatag ang kanilang
kalagayan, maipagtanggol ang kanilang karapatan, at
mapanatli ang mataas na uri ng gawain o produkto.
12. • Simula ng Moneyed Economy
- Sa unang bahagi ng Panahong Midyibal,
nasusukat sa lupang pag-aari ang kayamanan at
lakas ng kapangyarihan ng mga maharlika.
- Ngunit dahil sa mabilis na pag-unlad ng
kalakalan, natuklasan ang paggamit ng salapi
bilang midyum ng pakikipagkalakalan.
- Ito ngayon ang naging isa pang sukatan
ng yaman ng tao.
• Paghina ng Pyudalismo
- Nakapagpabago sa antas ng lipunan ang mabilis na
pag-unlad ng kalakalan at paglitaw ng mga salaping
pangkabuhayan.
- Nakuhang ibagsak ang kapangyarihan ng maharlikang
pyudal ang pangkat ng mangangalakal at magbabangko na
siyang mayaman sa salapi.
- Noong huling bahagi ng Medieval Period, nagbago ang
pamumuhay ng mga alipin.
- Sa pag- uunlad ng bayan, nabili ng mga aliping ito ang
kanilang kalayaan. Sa paggamit ng lupa , hindi na
paglilingkod ang kabayaran kundi salapi na.
- Pumayag ang mga maharlika na palayain ang ibang
alipin kapalit ang salapi.
- May alituntunin sa Europe na kapag naglayas ang isang
alipin at nagtago sa isang bayan nang isang taon at isang
araw, matatamo na niya ang kanyang kalayaan.
13. 1.4 Mga Tanyag na mga Bayan sa Europa
1. Bayang sentro ng pakikipagkalakalan
- Venice - Milan
- Florence - Genoa
2. Bayang sentro ng paglalakbay
- Canterbury - Santiago de Compostella
3. Bayang tanyag sa mga unibersidad
- Oxford - Bologne
- Cambridge - Laouvain
- Paris - Coimbra
- Salamanca
4. Bayang tanyag sa gawaing kamay
- Venice ( bubog ) - Toledo ( espada )
- Jerez ( sherry) - Munich ( beer )
- Dreden ( porselana )
18. 1.5 Pamanang Ambag o Kontribusyon ng Bayan at Lungsod Medieval
1. Bilang sentrong pang- industriya, sila ang naglalagay ng pundasyon
sa kalakalan at paglalayag na pandaigdigan.
2. Pinaunlad ng mga bayang medieval ang sining- pagpipinta,
iskultura, at arkitekura. Ang pinakaispesimen ng sining ay makikita sa
kasalukuyan sa mga lungsod na noong una ay mga bayang medieval.
Ang mayamang negosyanteng prisipe ng Middle Ages ay mga patron ng
mga pintor, eskultor, at mga arkitekto.
3. Ang mga bayang medieval ang sinilangan ng makabagong
kalayaang pulitikal. Mula sa bayan lumitaw ang diwa ng malayang
pagkamamamayan. Nagtagumpay ang mga mamamayan sa
konsensyang pulitikal sa maharlika, kanilang tinamo ang karapatang
gumawa ng kanilang sariling batas. Ang mga binhi ng pamahalaang
parlamentaryo ay inihasik ng mga bayang medieval.
4. Ang mga bayang medieval, lalo ang mga lungsod ng Italya, ang
nagtaguyod sa pagbuti ng kaisipan, na nagbigay sa daigdig ng
pinakadakilang kilusang pangkaisipan sa lahat ng panahon.