SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 18
Downloaden Sie, um offline zu lesen
1
Alam mo ba na ang rehiyon ng Timog Katagalugan ay hinati na sa dalawa?
Matututuhan mo sa modyul na ito ang tungkol sa Rehiyon IV-A. Malalaman mo ang
mga sumusunod tungkol sa rehiyong ito:
 mga lalawigang sakop ng rehiyon
 katangiang pangheograpiya at klima rito
 mga likas na yaman at yaman tao ng rehiyon
 mga industriya, produkto at hanapbuhay
Bago mo pag-aralan ang tungkol sa Rehiyon IV, pagbalik-aralan mo muna ang
Rehiyon I, II at III. Buong husay mong gawin ang mga sumusunod sa bawat bilang.
A. Isa-isang tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang.
1. Mga Lalawigan sa Rehiyon I
Kabisera Kabisera
1. __________ __________ 3. __________ __________
2. __________ __________ 4. __________ __________
2. Mga Lalawigan sa Rehiyon II
Kabisera Kabisera
1. __________ __________ 4. __________ __________
2. __________ __________ 5. __________ __________
3. __________ __________ 6. __________ __________
ALAMIN MO
PAGBALIK-ARALAN MO
GRADE IV
REHIYON IV-A CALABARZON
2
3. Mga Lalawigan sa Rehiyon III
Kabisera Kabisera
1. __________ __________ 5. __________ __________
2. __________ __________ 6. __________ __________
3. __________ __________ 7. __________ __________
4. __________ __________
B. Pagtapatin. Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa kuwadernong sagutan.
HANAY A HANAY B
_____ 1. Ilocos ang tawag sa Rehiyong ito A. Ilog Cagayan
_____ 2. Lambak ng Cagayan ang tawag sa
Rehiyong ito
B. Ilog Agno
_____ 3. Ang rehiyong ito ay nasa Gitnang
Luzon
C. Luwad
_____ 4. Bangan ng palay sa Gitnang Luzon D. Lahar
_____ 5. Lalawigan sa Rehiyon II na madalas
daanan ng bagyo
E. apog
_____ 6. Pinakamahabang ilog sa Pilipinas F. Bundok Natib
_____ 7. Mainit na putik na dumadaloy mula sa
bulkan
G. Batanes
_____ 8. Ang minang matatagpuan sa Pampanga H. Rehiyon III
_____ 9. Yamang mineral sa Bulacan I. Rehiyon II
_____ 10. Isa sa mga bundok na matatagpuan sa
Bataan
J. Rehiyon I
K. Bundok Arayat
L. Nueva Ecija
C. Isulat ang TAMA sa patlang kung ang pangungusap ay wasto. Isulat naman ang
MALI kung ang pangungusap ay di-wasto. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.
3
_____ 1. Nasa hilagang-kanluran ng Luzon ang Rehiyon I.
_____ 2. Malalaki ang ilog sa Rehiyon ng Ilocos.
_____ 3. Ang Ilog Angat ay pinagkukunan ng enerhiya ng mga Ilokano.
_____ 4. May parteng mabundok at maburol sa Rehiyon I.
_____ 5. Ang Rehiyon II ay nasa pagitan ng dalawang bundok.
_____ 6. Dahil sa Ilog Cagayan, nagkaroon ng mabilis na palitan ng mga
kalakal sa Rehiyon II.
_____ 7. Ang mga lalawigan sa Rehiyon III ay nasa Gitnang Luzon.
_____ 8. Pangingisda ang pangunahing hanapbuhay sa Lambak ng Cagayan.
_____ 9. Bukod sa palay, nag-aani rin ng mais at tubo sa Gitnang Luzon.
_____ 10. Nasa Rehiyon III ang pinakamaraming deposito ng ginto.
Binabati kita at napagtagumpayan mong sagutin ang mga pagsasanay sa
bahaging ‘Pagbalik-aralan Mo’. Maaari mo nang umpisahan ang bahaging ‘Pag-
aralan Mo’.
PAG-ARALAN MO
4
Suriin mong mabuti ang mapa ng Rehiyon IV. Ano ang masasabi mo?
Kung lumabas sa pagsusuri mo ang mga pangungusap sa loob ng kahon, magaling
ang ginawa mong pagsusuri.
- ang Rehiyon IV ay binubuo ng 10 mga lalawigan
- sinasakop nito ang katimugang bahagi ng Luzon.
5
Ipinalabas noong Mayo 17, 2002 ang Utos Tagapagpaganap Bilang 103. Itinatadhana
nito ang pagkakahati sa dalawa ng Rehiyon IV. Ang Rehiyon IV-A ay binubuo ng
magkakalapit na lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Ang rehiyon ay
tinatawag na CALABARZON. Sa isang banda, ang Rehiyon IV-B naman ay binubuo ng
mga pulong lalawigan. Ang mga ito ay ang Occidental Mindoro, Oriental Mindoro,
Marinduque, at Romblon. MIMAROPA ang tawag sa ikalawang hati ng rehiyon.
Sa ngayon, Rehiyon IV-A muna ang pag-aralan mo. Tingnan mong mabuti ang
mapa ng Rehiyon IV-A sa ibaba.
Rehiyon IV-A (CALABARZON)
Basahin mo ang mga datos sa ibaba.
LAWAK AT SUKAT
6
Ang Rehiyong ito ay may kabuuang lawak na 16,228.6 kilometrong parisukat (km2
).
Pag-aralan ang tsart sa ibaba.
Lawak ng Lupa sa Kilometrong Parisukat ng mga Lalawigan
Sa Rehiyon IV-A
Mga Lalawigan Lawak ng Lupa sa Kilometrong Parisukat
Cavite 1,287.6 km2
Laguna 1,759.7 km2
Batangas 3,165.8 km2
Rizal 1,308.9 km2
Quezon 8,706.6 km2
KABUUANG LAWAK 16,228.6 km2
Ang pangalan ng rehiyong ito ay hinango sa mga lalawigang bumubuo rito. Ang
Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ang pinagmulan ng katawagang
CALABARZON para sa Rehiyon IV-A.
Suriin ang tsart sa ibaba. Mababasa mo ang mga Lungsod sa bawat lalawigan.
Ang mga Lungsod at Kabisera ng Bawat Lalawigan
Mga Lalawigan Mga Lungsod Kabisera
Cavite Cavite City
Tagaytay
Trece Martires
Trece Martires
Laguna Sta. Rosa
Calamba
Sta. Cruz
Batangas Batangas
Lipa
Tanauan
Batangas City
Rizal Antipolo Antipolo City
Quezon Lucena Lucena City
ANG MGA LUNGSOD
TOPOGRAPIYA
7
Sa mga lalawigan sa Rehiyong ito ang Laguna lamang ang may malawak na
kapatagan. Ang ibang mga lalawigan ay mabundok at maburol.
Narito ang pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas. Ito ang bulkan ng Taal. Matatagpuan
ito sa Lawa ng Taal. Ito ay nabuo mula sa bunganga ng isang malaking bulkan. Ang
bulkan ng Taal ay isa sa pinakamapanganib na bulkan sa Pilipinas.
Makikita naman sa Los Baños, Laguna ang Bundok Makiling. Ang Bundok Banahaw
ay nasa Dolores, Quezon. Nagkalat din ang mga talon sa rehiyong ito. Matatagpuan ang
dinarayong Talon ng Pagsanjan sa Laguna; at ang Lungsod ng mga Lawa, ang Sang
Pablo City; Hinulugang Taktak sa Antipolo; Talon ng Tingga, Calijon, Iljan at Bulalacao
sa Batangas; at Talon ng Malicbilic at Balite sa Amadeo, Cavite. Sa Laguna naman
makikita ang pitong lawa.
Magkasingtagal ang tag-ulan at tag-araw sa Rizal, Cavite, Laguna at Batangas. Tag-
araw rito mula sa Disyembre hanggang Mayo. Tag-ulan naman mula Hunyo hanggang
Nobyembre. Sa kabilang banda ang Quezon ay inuulan halos sa buong taon.
Pag-aralan mo naman ngayon ang mga pangunahing industriya/serbisyo at produkto
ng Rehiyon IV-A. Suriin mong mabuti ang tsart sa ibaba.
MGA PANGUNAHING INDUSTRIYA AT PRODUKTO NG REHIYON IV-A
Lalawigan Pangunahing Industriya Pangunahing Produkto
Cavite Agrikultura palay, mais, gulay, bungang
kahoy, kape, niyog at tubo
Laguna Agrikultura, pangingisda, at
Industriyang Pantahanan
niyog, palay, tubo, prutas,
pag-uukit ng kahoy, at
materyales para sa barong
tagalog
Batangas Agrikultura burdadong telang jusi o
piña, palay, tubo, niyog,
kape, kakaw, bakahan
Rizal Pangkalakal at iba pang
negosyo
palay, prutas, kape, kakaw,
yaring damit
Quezon Agrikultura niyog, palay, mais, saging,
kape
KLIMA
PANGKABUHAYAN
8
Agrikultura ang pangunahing industriya sa Rehiyon IV-A. Pagsasaka ang karaniwang
hanapbuhay ng mga tao rito. May mga magagaling din sa pagbuburda sa Batangas.
Kilala rin sila sa paggawa ng Balayan bagoong at balisong. Kilala naman ang Rizal sa
paggawa ng mga kasuotan. Di naman pahuhuli ang mga taga-Paete, Laguna. Isa sa
pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-Paete ay ang paglililok at pag-uukit ng kahoy.
Sa Laguna pa rin makakakita ng mga murang tsinelas, sandalyas, sapatos at bag.
Magaganda naman ang hinabing bag at sumbrero ng mga taga-Quezon. Ang mga ito ay
yari sa buli.
Ang pangingisda ay isa ring pinagkakakitaan ng mga taong malapit sa Baybayin ng
Batangas, Look ng Laguna, Look ng Tayabas at Look ng Lamon sa Quezon.
Ang malalagong damuhan sa Batangas at Laguna ay pinakikinabangan din ng mga
tao. Ginagawa itong pastulan ng mga baka. Nagmumula sa bakahan ang sari-saring
produktong tulad ng gatas, mantikilya at keso.
Subuking sagutin ang mga pagsasanay sa ibaba upang masukat mo ang iyong
natutuhan tungkol sa Rehiyon IV-A. Isulat sa sagutang kuwaderno ang sagot.
A. Tukuyin ang hinihinging impormasyon sa bawat bilang.
1. Ang mga Lalawigang sakop ng Rehiyon IV-A
A. D.
B. E.
C.
2. Ang mga Kabisera ng bawat lalawigang tinutukoy sa bilang 1
A. D.
B. E.
C.
3. Ang mga Lungsod sa:
Cavite - A.
PAGSANAYAN MO
9
B.
C.
Batangas - A.
B.
C.
Laguna- A.
B.
C.
Rizal -
Quezon -
B. Basahing mabuti ang mga gabay na tanong. Hanapin sa lipon ng mga titik sa loob ng
kahon ang tinututukoy sa bawat bilang. Bilugan ito upang mabuo ang salita.
1. Ano ang isang katawagan para sa Rehiyon IV-A?
2. Ano ang pangunahing industriya ng Rehiyon IV-A?
3. Ano ang pangalan ng pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas?
4. Ano ang tawag sa bundok na matatagpuan sa Los Baños, Laguna?
5. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa Rehiyon IV-A?
6. Ano ang gawaing pinagkakakitaan ng mga taga-Batangas sa pamamagitan ng
telang pinya o jusi?
7. Saang look sa lalawigan ng Quezon maraming nangingisda?
8. Saang bayan sa Laguna ang tanyag sa paglililok ng kahoy?
9. Anong hayop ang mainam alagaan sa mga malalawak na pastulan sa Batangas at
Laguna?
10. Anong tawag sa ginagawa ng mga taga-Quezon sa kanilang produktong bag at
sombrero?
C P A G H A B I Y O
10
P A G S A S A K A W
A G L T B C K T S N
G R N A A D A I L M
B I M A B E P E G H
U K O L Z A D D K L
B U P P Y F R A B A
U L Q A X G N Z U M
R T R E W H M W O O
D U S T V I L X I N
A R T E U J K Y I O
M A K I L I N G A E
C. Pag-aralan mong mabuti ang mapa ng Rehiyon IV-A. Sagutin mo ang mga
sumusunod na tanong.
11
1. Anong pulo ang nasa hilagang-silangan ng Rehiyon IV-A?
2. Anong lalawigan ang nasa pagitan ng Cavite at Quezon?
3. Anong lalawigan ang malapit sa Pulo ng Polilio?
4. Anong lalawigan ang nasa gawing hilaga ng Rehiyon IV-A?
5. Anong lalawigan ang nasa gawing silangan ng Rehiyon IV-A?
6-7. Kung ikaw ay nasa Batangas, anong direksiyon ang tatahakin mo
patungong Rizal? Quezon?
8. Kung ikaw ay nasa Quezon, anong lalawigan ang madadaanan mo upang
makarating sa Cavite?
9-10. Kung ikaw ay nasa Rizal, anong direksiyon ang tatahakin mo patungong
Cavite? Quezon?
TANDAAN MO
12
 Ang Rehiyon IV-A ay binubuo ng limang (5) lalawigan. CALABARZON ang tawag
dito.
 Agrikultura ang pangunahing industriya ng rehiyon.
 Mayaman din sa anyong- lupa at anyong- tubig ang rehiyong ito.
 Pagsasaka, pangingisda, mga industriyang pantahanan, pangkasuotan at iba pang
negosyo ang ikinabubuhay sa rehiyong ito.
Lagyan ng tsek ang hanay ng iyong reaksiyon o nadarama sa mga isinasaad sa bawat
bilang.
Sang-
ayon
Di-
sigurado
Di-Sang-
ayon
1. Dapat tumulong ang mga bata sa mga gawaing
pang-industriyang pantahanan.
2. Makiisa sa kampanya sa paglilinis ng ating mga
katubigan.
3. Sumunod sa mga babalang makikita sa mga pook
pasyalan ng inyong rehiyon.
4. Ipagmalaki ang mga produktong gawa sa inyong
rehiyon.
5. Huwag pansinin ang mga nagkakalat ng basura sa
inyong pamayanan.
Sang-
ayon
Di-
sigurado
Di-Sang-
ayon
6. Isumbong sa may kapangyarihan ang gumagamit
ng dinamita sa mangingisda.
7. Magtapon ng basura sa maruming ilog.
8. Mamulot ng mga makikitang kalat sa inyong
ISAPUSO MO
13
paligid at itapon ito sa basurahan.
9. Tangkilikin ang mga produktong gawa sa inyong
rehiyon.
10. Sumali sa mga proyektong magtataguyod sa
kabuhayan ng inyong rehiyon.
A. Gumawa ng ‘PUZZLE’ ng mapa ng Rehiyon IV-A. Ihanda ang mga sumusunod na
kagamitan sa paggawa ng puzzle:
- malinis na papel (coupon bond)
- lapis - pentel pen
- pandikit o glue
- gunting
- water color
- karton, cardboard o illustration board
- pentel pen
Paraan ng pagsasagawa:
1. Iguhit ang mapa ng CALABARZON sa isang malinis na papel o coupon bond.
2. Sulatan ang angkop na pangalan ng mga lalawigan ang bawat bahagi ng mapa.
Gumamit ng pentel pen.
3. Sa pamamagitan ng paggamit ng pentel pen, patungan ang mga linya ng iginuhit na
mapa.
4. Sa tulong ng watercolor, kulayan ng iba’t ibang kulay ang bawat lalawigan sa mapa.
(Huwag gumamit ng kulay asul o bughaw sa mga lalawigan).
5. Patuyuin ang kinulayang papel. Pagkatuyo, lagyan ng pandikit ang mapa. Idikit ito
sa matigas na karton. (Siguraduhing matibay ang pagkakadikit nito).
6. Pagkatuyo ng pandikit, isa-isang gupitin ang bawat lalawigan sa mapa upang
magmukha itong ‘puzzle’.
GAWIN MO
14
7. Balasahin ito, Ilatag sa patag na lugar. Buuin ang ‘puzzle’ ng mapa ng Rehiyon IV-
A.
Ipakita sa guro ang ginawa mong ‘puzzle’ upang ito ay mamarkahan.
B. Pag-aralan mo ang awitin sa ibaba.
Awitin mo ito sa himig ng Paruparong Bukid.
Ang Rehiyong IV-A
(Himig: Paruparong Bukid)
Ang rehiyong IV-A
Ngala’y CALABARZON
Kaniyang kabukiran
Maraming taniman
Sariwa ang hangin
Sa tabing baybayin
Kaniyang kagubatan
Bundok ay luntian.
May gintong palayan
At mga pastulan (uy)
Punong matataas
Ibong makukulay
Ika’y aawitan (uy)
Sa ‘yong kalungkutan
Halinang magpunta
Sa rehiyong maganda
May hatid itong tuwa at ligaya
SAGUTIN MO
15
Tayahin mo ang iyong natutuhan. Sagutin mo ang pagtataya sa ibaba. Isulat ang
sagot sa kuwadernong sagutan.
A. Pag-aralang mabuti ang mapa ng Rehiyon IV-A.
Isulat ang pangalan ng lalawigan sa bawat bilang.
B. Punan ang kahon ng tamang mga titik upang mabuo ang salitang tinutukoy sa
pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang nabuong salita sa kuwadernong sagutan.
1. Ang ng ang pinakamaliit na bulkanb n
1
5
2
3
4
16
sa buong Pilipinas.
2. Ang Rehiyon IV-A ay tinatawag ng
3. Ang lalawigan ng ang pinakamalawak na lalawigan
ng Rehiyon IV-A.
4. Sa ng matatagpuan ang bulkan ng Taal,
Laguna.
5. Ang ay makikita sa
Los Baños, Laguna.
6. Matatagpuan naman sa Dolores, Quezon ang
7. Ang ng ang dinarayong
talon sa Laguna.
8. Magaganda ang bag at sombrero sa
lalawigan ng Quezon.
9. Kilala sa pagtahi ng iba’t ibang ang
lalawigan ng Rizal.
10. Kilala ang , Laguna sa paglililok at pag-uukit ng kahoy.
C A
B k
B
B
T
g
N
17
C. Isulat ang TAMA sa patlang kung ang isinasaad ng pangungusap sa bawat bilang ay
wasto. Isulat naman ang MALI kung ito’y di-wasto at iwasto ang pangungusap.
_____ 1. Ang mga lalawigan sa Rehiyon IV-A ay pawang mga hiwa-hiwalay na
pulong lalawigan. _________________________
_________________________________________________
_____ 2. Ang Rehiyon IV-A ay tinatawag na MIMAROPA. __________
_________________________________________________
_____ 3. Pagmimina ang pangunahing industriya ng Rehiyon IV-A.
_________________________________________________
_____ 4. Ang bulkan ng Taal ay nasa lawa ng Taal. _______________
_________________________________________________
_____ 5. Magkasingtagal ang tag-ulan at tag-araw sa Rizal, Cavite, Laguna at
Batangas. ________________________________
__________________________________________________
_____ 6. Halos inuulan sa buong taon ang lalawigan ng Quezon.
__________________________________________________
_____ 7. Agrikultura, pangingisda at industriyang pantahanan ang industriya ng
lalawigan ng Laguna. _____________________
__________________________________________________
_____ 8. Matatagpuan sa Rizal ang mga industriyang pangkasuotan at iba pang
negosyo. __________________________________
__________________________________________________
_____ 9. Kilala ang lalawigan ng Batangas sa paggawa ng Balayan Bagoong at
balisong. ________________________________
__________________________________________________
_____ 10. Ang malalagong damuhan ay mainam sa pag-aalaga ng baka.
__________________________________________________
Binabati kita at matagumpay mong natapos ang
modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang
susunod na modyul.
18

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Topograpiya ng Bansa Grade IV
Topograpiya ng Bansa Grade IVTopograpiya ng Bansa Grade IV
Topograpiya ng Bansa Grade IVJamaica Olazo
 
Rehiyon II- Lambak ng Cagayan
Rehiyon II- Lambak ng CagayanRehiyon II- Lambak ng Cagayan
Rehiyon II- Lambak ng CagayanDivine Dizon
 
Filipino 6 dlp 10 mga pangyayari, pagsunud-sunurin natin
Filipino 6 dlp 10   mga pangyayari, pagsunud-sunurin natinFilipino 6 dlp 10   mga pangyayari, pagsunud-sunurin natin
Filipino 6 dlp 10 mga pangyayari, pagsunud-sunurin natinAlice Failano
 
Populasyon ng mga Lalawigan sa Rehiyon
Populasyon ng mga Lalawigan sa RehiyonPopulasyon ng mga Lalawigan sa Rehiyon
Populasyon ng mga Lalawigan sa RehiyonRitchenMadura
 
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...
Araling Panlipunan 3 Yunit  III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...Araling Panlipunan 3 Yunit  III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...Desiree Mangundayao
 
K TO 12 GRADE 4 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 UNANG MARKAHANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 4 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 UNANG MARKAHANG PAGSUSULITLiGhT ArOhL
 
Rehiyon VIII- Silangang Visayas
Rehiyon VIII- Silangang VisayasRehiyon VIII- Silangang Visayas
Rehiyon VIII- Silangang VisayasDivine Dizon
 
Rehiyon VII- Gitnang Visayas
Rehiyon VII- Gitnang VisayasRehiyon VII- Gitnang Visayas
Rehiyon VII- Gitnang VisayasDivine Dizon
 
Filipino 6 dlp 14 naku! mga grapiko
Filipino 6 dlp 14   naku! mga grapikoFilipino 6 dlp 14   naku! mga grapiko
Filipino 6 dlp 14 naku! mga grapikoAlice Failano
 
Mga Pangunahing Pangkatng mga Tao sa Pilipinas
Mga Pangunahing Pangkatng mga Tao sa PilipinasMga Pangunahing Pangkatng mga Tao sa Pilipinas
Mga Pangunahing Pangkatng mga Tao sa PilipinasRitchenMadura
 
Pamahalaang Barangay
Pamahalaang BarangayPamahalaang Barangay
Pamahalaang BarangayDarmo Timario
 
ESP3 Q2 LAS docs.docx
ESP3 Q2 LAS docs.docxESP3 Q2 LAS docs.docx
ESP3 Q2 LAS docs.docxalcel
 

Was ist angesagt? (20)

Topograpiya ng Bansa Grade IV
Topograpiya ng Bansa Grade IVTopograpiya ng Bansa Grade IV
Topograpiya ng Bansa Grade IV
 
Mga rehiyon sa pilipinas
Mga rehiyon sa pilipinasMga rehiyon sa pilipinas
Mga rehiyon sa pilipinas
 
Rehiyon II- Lambak ng Cagayan
Rehiyon II- Lambak ng CagayanRehiyon II- Lambak ng Cagayan
Rehiyon II- Lambak ng Cagayan
 
Rehiyon iv a
Rehiyon iv aRehiyon iv a
Rehiyon iv a
 
Filipino 6 dlp 10 mga pangyayari, pagsunud-sunurin natin
Filipino 6 dlp 10   mga pangyayari, pagsunud-sunurin natinFilipino 6 dlp 10   mga pangyayari, pagsunud-sunurin natin
Filipino 6 dlp 10 mga pangyayari, pagsunud-sunurin natin
 
Populasyon ng mga Lalawigan sa Rehiyon
Populasyon ng mga Lalawigan sa RehiyonPopulasyon ng mga Lalawigan sa Rehiyon
Populasyon ng mga Lalawigan sa Rehiyon
 
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...
Araling Panlipunan 3 Yunit  III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...Araling Panlipunan 3 Yunit  III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...
 
Rehiyon III: Gitnang Luzon
Rehiyon III: Gitnang LuzonRehiyon III: Gitnang Luzon
Rehiyon III: Gitnang Luzon
 
K TO 12 GRADE 4 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 UNANG MARKAHANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 4 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
 
Rehiyon VIII- Silangang Visayas
Rehiyon VIII- Silangang VisayasRehiyon VIII- Silangang Visayas
Rehiyon VIII- Silangang Visayas
 
Rehiyon VII- Gitnang Visayas
Rehiyon VII- Gitnang VisayasRehiyon VII- Gitnang Visayas
Rehiyon VII- Gitnang Visayas
 
Region 6 kanlurang visayas
Region 6   kanlurang visayasRegion 6   kanlurang visayas
Region 6 kanlurang visayas
 
Rehiyon I
Rehiyon IRehiyon I
Rehiyon I
 
Rehiyon iv a ok
Rehiyon iv a okRehiyon iv a ok
Rehiyon iv a ok
 
Filipino 6 dlp 14 naku! mga grapiko
Filipino 6 dlp 14   naku! mga grapikoFilipino 6 dlp 14   naku! mga grapiko
Filipino 6 dlp 14 naku! mga grapiko
 
Mga Pangunahing Pangkatng mga Tao sa Pilipinas
Mga Pangunahing Pangkatng mga Tao sa PilipinasMga Pangunahing Pangkatng mga Tao sa Pilipinas
Mga Pangunahing Pangkatng mga Tao sa Pilipinas
 
Pamahalaang Barangay
Pamahalaang BarangayPamahalaang Barangay
Pamahalaang Barangay
 
Rehiyon IV-A: CALABARZON
Rehiyon IV-A: CALABARZONRehiyon IV-A: CALABARZON
Rehiyon IV-A: CALABARZON
 
ESP3 Q2 LAS docs.docx
ESP3 Q2 LAS docs.docxESP3 Q2 LAS docs.docx
ESP3 Q2 LAS docs.docx
 
Rehiyon 5 (v)
Rehiyon 5 (v)Rehiyon 5 (v)
Rehiyon 5 (v)
 

Andere mochten auch

Andere mochten auch (11)

Aralin 2 mga produkto at kalakal sa ibat ibang lokasyon ng bansa
Aralin 2 mga produkto at kalakal sa ibat ibang lokasyon ng bansaAralin 2 mga produkto at kalakal sa ibat ibang lokasyon ng bansa
Aralin 2 mga produkto at kalakal sa ibat ibang lokasyon ng bansa
 
Final tg feb. 28
Final tg feb. 28Final tg feb. 28
Final tg feb. 28
 
Cagayan Valley Region 2
Cagayan Valley Region 2Cagayan Valley Region 2
Cagayan Valley Region 2
 
Region 4a
Region 4aRegion 4a
Region 4a
 
ang panitikan ng rehiyon 1
ang panitikan ng rehiyon 1ang panitikan ng rehiyon 1
ang panitikan ng rehiyon 1
 
Region II: Cagayan Valley
Region II: Cagayan Valley Region II: Cagayan Valley
Region II: Cagayan Valley
 
Region 2
Region 2Region 2
Region 2
 
Epp v 4th grading
Epp v 4th gradingEpp v 4th grading
Epp v 4th grading
 
Mga kasangkapan at kagamitan sa paggawa
Mga kasangkapan at kagamitan sa paggawaMga kasangkapan at kagamitan sa paggawa
Mga kasangkapan at kagamitan sa paggawa
 
Semi detailed lesson plan
Semi detailed lesson planSemi detailed lesson plan
Semi detailed lesson plan
 
Lesson plan K12 Araling Panlipunan
Lesson plan K12 Araling PanlipunanLesson plan K12 Araling Panlipunan
Lesson plan K12 Araling Panlipunan
 

Ähnlich wie 17 rehiyon iv-a-calabarzon

AP-WEEK 1 Q2.pptx
AP-WEEK 1 Q2.pptxAP-WEEK 1 Q2.pptx
AP-WEEK 1 Q2.pptxMmCarandang
 
Hekasi 4 misosa 22. rehiyon viii gçô silangang visayas
Hekasi 4 misosa   22. rehiyon viii gçô silangang visayasHekasi 4 misosa   22. rehiyon viii gçô silangang visayas
Hekasi 4 misosa 22. rehiyon viii gçô silangang visayasGlaiza Loquib
 
CLASSROOM OBSERVATION 1 LESSONS PRESENTATION.pptx
CLASSROOM OBSERVATION 1 LESSONS PRESENTATION.pptxCLASSROOM OBSERVATION 1 LESSONS PRESENTATION.pptx
CLASSROOM OBSERVATION 1 LESSONS PRESENTATION.pptxMarifePeaflor
 
Topograpiyangbansa
Topograpiyangbansa Topograpiyangbansa
Topograpiyangbansa janehbasto
 
Rehiyon ng Pilipinas
Rehiyon ng PilipinasRehiyon ng Pilipinas
Rehiyon ng PilipinasDivine Dizon
 
Rehiyon IV-B (Mimaropa)
Rehiyon IV-B (Mimaropa)Rehiyon IV-B (Mimaropa)
Rehiyon IV-B (Mimaropa)Divine Dizon
 
araling panlipunan AP4q2week1araling panlipunan AP4q2week1
araling panlipunan AP4q2week1araling panlipunan AP4q2week1araling panlipunan AP4q2week1araling panlipunan AP4q2week1
araling panlipunan AP4q2week1araling panlipunan AP4q2week1AyithPascualBayudan
 
K TO 12 GRADE 4 IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 IKALAWANG  LAGUMANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 4 IKALAWANG  LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULITLiGhT ArOhL
 
Mga rehiyon sa luzon
Mga rehiyon sa luzonMga rehiyon sa luzon
Mga rehiyon sa luzonNeilfieOrit1
 
Modyul 2 pilipinas lupain ng ating lahi
Modyul 2 pilipinas lupain ng ating lahiModyul 2 pilipinas lupain ng ating lahi
Modyul 2 pilipinas lupain ng ating lahi南 睿
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 3_Q1_W8.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 3_Q1_W8.docxDLL_ARALING PANLIPUNAN 3_Q1_W8.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 3_Q1_W8.docxfinnfinn14
 
Cordillera Administrative Region Quiz
Cordillera Administrative Region QuizCordillera Administrative Region Quiz
Cordillera Administrative Region QuizMavict De Leon
 
AP 4_Q1_week 8.pptx
AP 4_Q1_week 8.pptxAP 4_Q1_week 8.pptx
AP 4_Q1_week 8.pptxJeanneGamiao
 

Ähnlich wie 17 rehiyon iv-a-calabarzon (20)

AP-WEEK 1 Q2.pptx
AP-WEEK 1 Q2.pptxAP-WEEK 1 Q2.pptx
AP-WEEK 1 Q2.pptx
 
Hekasi 4 misosa 22. rehiyon viii gçô silangang visayas
Hekasi 4 misosa   22. rehiyon viii gçô silangang visayasHekasi 4 misosa   22. rehiyon viii gçô silangang visayas
Hekasi 4 misosa 22. rehiyon viii gçô silangang visayas
 
CLASSROOM OBSERVATION 1 LESSONS PRESENTATION.pptx
CLASSROOM OBSERVATION 1 LESSONS PRESENTATION.pptxCLASSROOM OBSERVATION 1 LESSONS PRESENTATION.pptx
CLASSROOM OBSERVATION 1 LESSONS PRESENTATION.pptx
 
Topograpiyangbansa
Topograpiyangbansa Topograpiyangbansa
Topograpiyangbansa
 
Ap module
Ap moduleAp module
Ap module
 
Ap3 2nd pt calabarzon
Ap3 2nd pt calabarzonAp3 2nd pt calabarzon
Ap3 2nd pt calabarzon
 
Rehiyon ng Pilipinas
Rehiyon ng PilipinasRehiyon ng Pilipinas
Rehiyon ng Pilipinas
 
Rehiyon IV-B (Mimaropa)
Rehiyon IV-B (Mimaropa)Rehiyon IV-B (Mimaropa)
Rehiyon IV-B (Mimaropa)
 
araling panlipunan AP4q2week1araling panlipunan AP4q2week1
araling panlipunan AP4q2week1araling panlipunan AP4q2week1araling panlipunan AP4q2week1araling panlipunan AP4q2week1
araling panlipunan AP4q2week1araling panlipunan AP4q2week1
 
K TO 12 GRADE 4 IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 IKALAWANG  LAGUMANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 4 IKALAWANG  LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
 
Mga rehiyon sa luzon
Mga rehiyon sa luzonMga rehiyon sa luzon
Mga rehiyon sa luzon
 
Unit 2 hekasi
Unit 2 hekasiUnit 2 hekasi
Unit 2 hekasi
 
AP 4 WEEK 6_Q1.pptx
AP 4 WEEK 6_Q1.pptxAP 4 WEEK 6_Q1.pptx
AP 4 WEEK 6_Q1.pptx
 
Rehiyon ng Pilipinas
Rehiyon ng PilipinasRehiyon ng Pilipinas
Rehiyon ng Pilipinas
 
AP-PPT-Q2.pptx
AP-PPT-Q2.pptxAP-PPT-Q2.pptx
AP-PPT-Q2.pptx
 
Modyul 2 pilipinas lupain ng ating lahi
Modyul 2 pilipinas lupain ng ating lahiModyul 2 pilipinas lupain ng ating lahi
Modyul 2 pilipinas lupain ng ating lahi
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 3_Q1_W8.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 3_Q1_W8.docxDLL_ARALING PANLIPUNAN 3_Q1_W8.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 3_Q1_W8.docx
 
Cordillera Administrative Region Quiz
Cordillera Administrative Region QuizCordillera Administrative Region Quiz
Cordillera Administrative Region Quiz
 
1ST PT AP4.docx
1ST PT AP4.docx1ST PT AP4.docx
1ST PT AP4.docx
 
AP 4_Q1_week 8.pptx
AP 4_Q1_week 8.pptxAP 4_Q1_week 8.pptx
AP 4_Q1_week 8.pptx
 

17 rehiyon iv-a-calabarzon

  • 1. 1 Alam mo ba na ang rehiyon ng Timog Katagalugan ay hinati na sa dalawa? Matututuhan mo sa modyul na ito ang tungkol sa Rehiyon IV-A. Malalaman mo ang mga sumusunod tungkol sa rehiyong ito:  mga lalawigang sakop ng rehiyon  katangiang pangheograpiya at klima rito  mga likas na yaman at yaman tao ng rehiyon  mga industriya, produkto at hanapbuhay Bago mo pag-aralan ang tungkol sa Rehiyon IV, pagbalik-aralan mo muna ang Rehiyon I, II at III. Buong husay mong gawin ang mga sumusunod sa bawat bilang. A. Isa-isang tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. 1. Mga Lalawigan sa Rehiyon I Kabisera Kabisera 1. __________ __________ 3. __________ __________ 2. __________ __________ 4. __________ __________ 2. Mga Lalawigan sa Rehiyon II Kabisera Kabisera 1. __________ __________ 4. __________ __________ 2. __________ __________ 5. __________ __________ 3. __________ __________ 6. __________ __________ ALAMIN MO PAGBALIK-ARALAN MO GRADE IV REHIYON IV-A CALABARZON
  • 2. 2 3. Mga Lalawigan sa Rehiyon III Kabisera Kabisera 1. __________ __________ 5. __________ __________ 2. __________ __________ 6. __________ __________ 3. __________ __________ 7. __________ __________ 4. __________ __________ B. Pagtapatin. Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwadernong sagutan. HANAY A HANAY B _____ 1. Ilocos ang tawag sa Rehiyong ito A. Ilog Cagayan _____ 2. Lambak ng Cagayan ang tawag sa Rehiyong ito B. Ilog Agno _____ 3. Ang rehiyong ito ay nasa Gitnang Luzon C. Luwad _____ 4. Bangan ng palay sa Gitnang Luzon D. Lahar _____ 5. Lalawigan sa Rehiyon II na madalas daanan ng bagyo E. apog _____ 6. Pinakamahabang ilog sa Pilipinas F. Bundok Natib _____ 7. Mainit na putik na dumadaloy mula sa bulkan G. Batanes _____ 8. Ang minang matatagpuan sa Pampanga H. Rehiyon III _____ 9. Yamang mineral sa Bulacan I. Rehiyon II _____ 10. Isa sa mga bundok na matatagpuan sa Bataan J. Rehiyon I K. Bundok Arayat L. Nueva Ecija C. Isulat ang TAMA sa patlang kung ang pangungusap ay wasto. Isulat naman ang MALI kung ang pangungusap ay di-wasto. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.
  • 3. 3 _____ 1. Nasa hilagang-kanluran ng Luzon ang Rehiyon I. _____ 2. Malalaki ang ilog sa Rehiyon ng Ilocos. _____ 3. Ang Ilog Angat ay pinagkukunan ng enerhiya ng mga Ilokano. _____ 4. May parteng mabundok at maburol sa Rehiyon I. _____ 5. Ang Rehiyon II ay nasa pagitan ng dalawang bundok. _____ 6. Dahil sa Ilog Cagayan, nagkaroon ng mabilis na palitan ng mga kalakal sa Rehiyon II. _____ 7. Ang mga lalawigan sa Rehiyon III ay nasa Gitnang Luzon. _____ 8. Pangingisda ang pangunahing hanapbuhay sa Lambak ng Cagayan. _____ 9. Bukod sa palay, nag-aani rin ng mais at tubo sa Gitnang Luzon. _____ 10. Nasa Rehiyon III ang pinakamaraming deposito ng ginto. Binabati kita at napagtagumpayan mong sagutin ang mga pagsasanay sa bahaging ‘Pagbalik-aralan Mo’. Maaari mo nang umpisahan ang bahaging ‘Pag- aralan Mo’. PAG-ARALAN MO
  • 4. 4 Suriin mong mabuti ang mapa ng Rehiyon IV. Ano ang masasabi mo? Kung lumabas sa pagsusuri mo ang mga pangungusap sa loob ng kahon, magaling ang ginawa mong pagsusuri. - ang Rehiyon IV ay binubuo ng 10 mga lalawigan - sinasakop nito ang katimugang bahagi ng Luzon.
  • 5. 5 Ipinalabas noong Mayo 17, 2002 ang Utos Tagapagpaganap Bilang 103. Itinatadhana nito ang pagkakahati sa dalawa ng Rehiyon IV. Ang Rehiyon IV-A ay binubuo ng magkakalapit na lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Ang rehiyon ay tinatawag na CALABARZON. Sa isang banda, ang Rehiyon IV-B naman ay binubuo ng mga pulong lalawigan. Ang mga ito ay ang Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon. MIMAROPA ang tawag sa ikalawang hati ng rehiyon. Sa ngayon, Rehiyon IV-A muna ang pag-aralan mo. Tingnan mong mabuti ang mapa ng Rehiyon IV-A sa ibaba. Rehiyon IV-A (CALABARZON) Basahin mo ang mga datos sa ibaba. LAWAK AT SUKAT
  • 6. 6 Ang Rehiyong ito ay may kabuuang lawak na 16,228.6 kilometrong parisukat (km2 ). Pag-aralan ang tsart sa ibaba. Lawak ng Lupa sa Kilometrong Parisukat ng mga Lalawigan Sa Rehiyon IV-A Mga Lalawigan Lawak ng Lupa sa Kilometrong Parisukat Cavite 1,287.6 km2 Laguna 1,759.7 km2 Batangas 3,165.8 km2 Rizal 1,308.9 km2 Quezon 8,706.6 km2 KABUUANG LAWAK 16,228.6 km2 Ang pangalan ng rehiyong ito ay hinango sa mga lalawigang bumubuo rito. Ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ang pinagmulan ng katawagang CALABARZON para sa Rehiyon IV-A. Suriin ang tsart sa ibaba. Mababasa mo ang mga Lungsod sa bawat lalawigan. Ang mga Lungsod at Kabisera ng Bawat Lalawigan Mga Lalawigan Mga Lungsod Kabisera Cavite Cavite City Tagaytay Trece Martires Trece Martires Laguna Sta. Rosa Calamba Sta. Cruz Batangas Batangas Lipa Tanauan Batangas City Rizal Antipolo Antipolo City Quezon Lucena Lucena City ANG MGA LUNGSOD TOPOGRAPIYA
  • 7. 7 Sa mga lalawigan sa Rehiyong ito ang Laguna lamang ang may malawak na kapatagan. Ang ibang mga lalawigan ay mabundok at maburol. Narito ang pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas. Ito ang bulkan ng Taal. Matatagpuan ito sa Lawa ng Taal. Ito ay nabuo mula sa bunganga ng isang malaking bulkan. Ang bulkan ng Taal ay isa sa pinakamapanganib na bulkan sa Pilipinas. Makikita naman sa Los Baños, Laguna ang Bundok Makiling. Ang Bundok Banahaw ay nasa Dolores, Quezon. Nagkalat din ang mga talon sa rehiyong ito. Matatagpuan ang dinarayong Talon ng Pagsanjan sa Laguna; at ang Lungsod ng mga Lawa, ang Sang Pablo City; Hinulugang Taktak sa Antipolo; Talon ng Tingga, Calijon, Iljan at Bulalacao sa Batangas; at Talon ng Malicbilic at Balite sa Amadeo, Cavite. Sa Laguna naman makikita ang pitong lawa. Magkasingtagal ang tag-ulan at tag-araw sa Rizal, Cavite, Laguna at Batangas. Tag- araw rito mula sa Disyembre hanggang Mayo. Tag-ulan naman mula Hunyo hanggang Nobyembre. Sa kabilang banda ang Quezon ay inuulan halos sa buong taon. Pag-aralan mo naman ngayon ang mga pangunahing industriya/serbisyo at produkto ng Rehiyon IV-A. Suriin mong mabuti ang tsart sa ibaba. MGA PANGUNAHING INDUSTRIYA AT PRODUKTO NG REHIYON IV-A Lalawigan Pangunahing Industriya Pangunahing Produkto Cavite Agrikultura palay, mais, gulay, bungang kahoy, kape, niyog at tubo Laguna Agrikultura, pangingisda, at Industriyang Pantahanan niyog, palay, tubo, prutas, pag-uukit ng kahoy, at materyales para sa barong tagalog Batangas Agrikultura burdadong telang jusi o piña, palay, tubo, niyog, kape, kakaw, bakahan Rizal Pangkalakal at iba pang negosyo palay, prutas, kape, kakaw, yaring damit Quezon Agrikultura niyog, palay, mais, saging, kape KLIMA PANGKABUHAYAN
  • 8. 8 Agrikultura ang pangunahing industriya sa Rehiyon IV-A. Pagsasaka ang karaniwang hanapbuhay ng mga tao rito. May mga magagaling din sa pagbuburda sa Batangas. Kilala rin sila sa paggawa ng Balayan bagoong at balisong. Kilala naman ang Rizal sa paggawa ng mga kasuotan. Di naman pahuhuli ang mga taga-Paete, Laguna. Isa sa pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-Paete ay ang paglililok at pag-uukit ng kahoy. Sa Laguna pa rin makakakita ng mga murang tsinelas, sandalyas, sapatos at bag. Magaganda naman ang hinabing bag at sumbrero ng mga taga-Quezon. Ang mga ito ay yari sa buli. Ang pangingisda ay isa ring pinagkakakitaan ng mga taong malapit sa Baybayin ng Batangas, Look ng Laguna, Look ng Tayabas at Look ng Lamon sa Quezon. Ang malalagong damuhan sa Batangas at Laguna ay pinakikinabangan din ng mga tao. Ginagawa itong pastulan ng mga baka. Nagmumula sa bakahan ang sari-saring produktong tulad ng gatas, mantikilya at keso. Subuking sagutin ang mga pagsasanay sa ibaba upang masukat mo ang iyong natutuhan tungkol sa Rehiyon IV-A. Isulat sa sagutang kuwaderno ang sagot. A. Tukuyin ang hinihinging impormasyon sa bawat bilang. 1. Ang mga Lalawigang sakop ng Rehiyon IV-A A. D. B. E. C. 2. Ang mga Kabisera ng bawat lalawigang tinutukoy sa bilang 1 A. D. B. E. C. 3. Ang mga Lungsod sa: Cavite - A. PAGSANAYAN MO
  • 9. 9 B. C. Batangas - A. B. C. Laguna- A. B. C. Rizal - Quezon - B. Basahing mabuti ang mga gabay na tanong. Hanapin sa lipon ng mga titik sa loob ng kahon ang tinututukoy sa bawat bilang. Bilugan ito upang mabuo ang salita. 1. Ano ang isang katawagan para sa Rehiyon IV-A? 2. Ano ang pangunahing industriya ng Rehiyon IV-A? 3. Ano ang pangalan ng pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas? 4. Ano ang tawag sa bundok na matatagpuan sa Los Baños, Laguna? 5. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa Rehiyon IV-A? 6. Ano ang gawaing pinagkakakitaan ng mga taga-Batangas sa pamamagitan ng telang pinya o jusi? 7. Saang look sa lalawigan ng Quezon maraming nangingisda? 8. Saang bayan sa Laguna ang tanyag sa paglililok ng kahoy? 9. Anong hayop ang mainam alagaan sa mga malalawak na pastulan sa Batangas at Laguna? 10. Anong tawag sa ginagawa ng mga taga-Quezon sa kanilang produktong bag at sombrero? C P A G H A B I Y O
  • 10. 10 P A G S A S A K A W A G L T B C K T S N G R N A A D A I L M B I M A B E P E G H U K O L Z A D D K L B U P P Y F R A B A U L Q A X G N Z U M R T R E W H M W O O D U S T V I L X I N A R T E U J K Y I O M A K I L I N G A E C. Pag-aralan mong mabuti ang mapa ng Rehiyon IV-A. Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong.
  • 11. 11 1. Anong pulo ang nasa hilagang-silangan ng Rehiyon IV-A? 2. Anong lalawigan ang nasa pagitan ng Cavite at Quezon? 3. Anong lalawigan ang malapit sa Pulo ng Polilio? 4. Anong lalawigan ang nasa gawing hilaga ng Rehiyon IV-A? 5. Anong lalawigan ang nasa gawing silangan ng Rehiyon IV-A? 6-7. Kung ikaw ay nasa Batangas, anong direksiyon ang tatahakin mo patungong Rizal? Quezon? 8. Kung ikaw ay nasa Quezon, anong lalawigan ang madadaanan mo upang makarating sa Cavite? 9-10. Kung ikaw ay nasa Rizal, anong direksiyon ang tatahakin mo patungong Cavite? Quezon? TANDAAN MO
  • 12. 12  Ang Rehiyon IV-A ay binubuo ng limang (5) lalawigan. CALABARZON ang tawag dito.  Agrikultura ang pangunahing industriya ng rehiyon.  Mayaman din sa anyong- lupa at anyong- tubig ang rehiyong ito.  Pagsasaka, pangingisda, mga industriyang pantahanan, pangkasuotan at iba pang negosyo ang ikinabubuhay sa rehiyong ito. Lagyan ng tsek ang hanay ng iyong reaksiyon o nadarama sa mga isinasaad sa bawat bilang. Sang- ayon Di- sigurado Di-Sang- ayon 1. Dapat tumulong ang mga bata sa mga gawaing pang-industriyang pantahanan. 2. Makiisa sa kampanya sa paglilinis ng ating mga katubigan. 3. Sumunod sa mga babalang makikita sa mga pook pasyalan ng inyong rehiyon. 4. Ipagmalaki ang mga produktong gawa sa inyong rehiyon. 5. Huwag pansinin ang mga nagkakalat ng basura sa inyong pamayanan. Sang- ayon Di- sigurado Di-Sang- ayon 6. Isumbong sa may kapangyarihan ang gumagamit ng dinamita sa mangingisda. 7. Magtapon ng basura sa maruming ilog. 8. Mamulot ng mga makikitang kalat sa inyong ISAPUSO MO
  • 13. 13 paligid at itapon ito sa basurahan. 9. Tangkilikin ang mga produktong gawa sa inyong rehiyon. 10. Sumali sa mga proyektong magtataguyod sa kabuhayan ng inyong rehiyon. A. Gumawa ng ‘PUZZLE’ ng mapa ng Rehiyon IV-A. Ihanda ang mga sumusunod na kagamitan sa paggawa ng puzzle: - malinis na papel (coupon bond) - lapis - pentel pen - pandikit o glue - gunting - water color - karton, cardboard o illustration board - pentel pen Paraan ng pagsasagawa: 1. Iguhit ang mapa ng CALABARZON sa isang malinis na papel o coupon bond. 2. Sulatan ang angkop na pangalan ng mga lalawigan ang bawat bahagi ng mapa. Gumamit ng pentel pen. 3. Sa pamamagitan ng paggamit ng pentel pen, patungan ang mga linya ng iginuhit na mapa. 4. Sa tulong ng watercolor, kulayan ng iba’t ibang kulay ang bawat lalawigan sa mapa. (Huwag gumamit ng kulay asul o bughaw sa mga lalawigan). 5. Patuyuin ang kinulayang papel. Pagkatuyo, lagyan ng pandikit ang mapa. Idikit ito sa matigas na karton. (Siguraduhing matibay ang pagkakadikit nito). 6. Pagkatuyo ng pandikit, isa-isang gupitin ang bawat lalawigan sa mapa upang magmukha itong ‘puzzle’. GAWIN MO
  • 14. 14 7. Balasahin ito, Ilatag sa patag na lugar. Buuin ang ‘puzzle’ ng mapa ng Rehiyon IV- A. Ipakita sa guro ang ginawa mong ‘puzzle’ upang ito ay mamarkahan. B. Pag-aralan mo ang awitin sa ibaba. Awitin mo ito sa himig ng Paruparong Bukid. Ang Rehiyong IV-A (Himig: Paruparong Bukid) Ang rehiyong IV-A Ngala’y CALABARZON Kaniyang kabukiran Maraming taniman Sariwa ang hangin Sa tabing baybayin Kaniyang kagubatan Bundok ay luntian. May gintong palayan At mga pastulan (uy) Punong matataas Ibong makukulay Ika’y aawitan (uy) Sa ‘yong kalungkutan Halinang magpunta Sa rehiyong maganda May hatid itong tuwa at ligaya SAGUTIN MO
  • 15. 15 Tayahin mo ang iyong natutuhan. Sagutin mo ang pagtataya sa ibaba. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan. A. Pag-aralang mabuti ang mapa ng Rehiyon IV-A. Isulat ang pangalan ng lalawigan sa bawat bilang. B. Punan ang kahon ng tamang mga titik upang mabuo ang salitang tinutukoy sa pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang nabuong salita sa kuwadernong sagutan. 1. Ang ng ang pinakamaliit na bulkanb n 1 5 2 3 4
  • 16. 16 sa buong Pilipinas. 2. Ang Rehiyon IV-A ay tinatawag ng 3. Ang lalawigan ng ang pinakamalawak na lalawigan ng Rehiyon IV-A. 4. Sa ng matatagpuan ang bulkan ng Taal, Laguna. 5. Ang ay makikita sa Los Baños, Laguna. 6. Matatagpuan naman sa Dolores, Quezon ang 7. Ang ng ang dinarayong talon sa Laguna. 8. Magaganda ang bag at sombrero sa lalawigan ng Quezon. 9. Kilala sa pagtahi ng iba’t ibang ang lalawigan ng Rizal. 10. Kilala ang , Laguna sa paglililok at pag-uukit ng kahoy. C A B k B B T g N
  • 17. 17 C. Isulat ang TAMA sa patlang kung ang isinasaad ng pangungusap sa bawat bilang ay wasto. Isulat naman ang MALI kung ito’y di-wasto at iwasto ang pangungusap. _____ 1. Ang mga lalawigan sa Rehiyon IV-A ay pawang mga hiwa-hiwalay na pulong lalawigan. _________________________ _________________________________________________ _____ 2. Ang Rehiyon IV-A ay tinatawag na MIMAROPA. __________ _________________________________________________ _____ 3. Pagmimina ang pangunahing industriya ng Rehiyon IV-A. _________________________________________________ _____ 4. Ang bulkan ng Taal ay nasa lawa ng Taal. _______________ _________________________________________________ _____ 5. Magkasingtagal ang tag-ulan at tag-araw sa Rizal, Cavite, Laguna at Batangas. ________________________________ __________________________________________________ _____ 6. Halos inuulan sa buong taon ang lalawigan ng Quezon. __________________________________________________ _____ 7. Agrikultura, pangingisda at industriyang pantahanan ang industriya ng lalawigan ng Laguna. _____________________ __________________________________________________ _____ 8. Matatagpuan sa Rizal ang mga industriyang pangkasuotan at iba pang negosyo. __________________________________ __________________________________________________ _____ 9. Kilala ang lalawigan ng Batangas sa paggawa ng Balayan Bagoong at balisong. ________________________________ __________________________________________________ _____ 10. Ang malalagong damuhan ay mainam sa pag-aalaga ng baka. __________________________________________________ Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
  • 18. 18