2. Ang direktang pagtuturo ay itinuturing bilang
eksplisit na pagtuturo. Binibigyang diin ng eksplisit
na pagtuturo ang mga pag-unawa ng mag-aaral sa
kung kailan at bakit ng mga estratehiya sa pag-
uunawa. Ang tungkulin ng guro ng pagbasa ay
matiyak ang kung ano ang uri ng babasahin na
kailangang matutuhan ng mga nag-aaral kung
paano basahin, matukoy ang mga kailangan sa
pagbasa ng mga ito at pagdisenyo ng pagtuturo
para maituro ang mga istratehiya.
3. Ang mga katangian ng eksplisit o direktang pagtuturo
ay pagmomodelo, unti-unting pagbibigay ng
responsibilidad sa pagkatuto sa mga mag-aaral
at sa bandang huli ay ang pagkakaroon ng
kasanayan ng mga mag-aaral na gamitin ang
mga istratehiya sa kanilang sarili. Ang
pagmomodelo o pagpapakita ng pagsasagawa ay
mga gawain sa pagkatuto.
4. Ang eksplisit na pagtuturo ay nangangahulugang
pagbibigay sa mga estudyante ng direktang
atensyon kung paano matututuhan ang isang
kasanayan. Ito ang pagtuturo na nakatuon sa
pagtamo ng tiyak na pagkatuto. Ang mga paksa o
topiko ay hinati sa mga maliliit na bahagi at ituturo ng
paisa-isa. Ito ay ituturo sa pamamagitan ng
paliwanag, demonstrasyon/ modeling, at pagsasanay
– Presentasyon/ Introduksyon, Modeling,
Ginabayang Pagsasanay at Isahang Pagsasanay.
5. 4 G SA EKSPLISIT NA
PAGTUTURO SA FILIPINO
1. Gawin Ko (I Do)
2. Gawin Natin (We Do)
3. Gawin Ninyo (You Do it by Group)
4. Gawin Mo (You Do it Alone)