SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 27
Downloaden Sie, um offline zu lesen
Kuwento ni
Melvin John B. Atole
Likhang-sining ni
Sarah M. Geneblazo
Nagmadali na naman ang kaibigan
kong si Ponyang umuwi pagkatapos
ng aming klase. Nagtataka man ako sa
ikinikilos niya, kakikitaan naman ang
kaniyang mukha ng kasiyahan.
Dati ay sabay kaming naglalakad mula
sa paaralan pauwi. Binabaybay namin ang
dalampasigan kung saan nakahimpil ang
mga bangka ng mga mangingisda sa aming
pamayanan. Kabilang sa mga bangkang ito
ang sa mga tatay namin.
Ngunit nitong mga nakaraang araw ay
hindi na siya sumasabay sa akin o sa aming
mga kaklase.
“Ponyang! Sabay na
tayong umuwi!” tawag
ko sa kaniya matapos ang
aming klase.
“Di ako makakasabay sa iyo,
Potpot. May pupuntahan pa kasi ako.”
“Saan ka ba pupunta? Hindi ka pa ba
nagugutom? Saka magdidilim na. Di ka ba
natatakot umuwing mag-isa?’’
“Basta!” Tanging salita na narinig ko sa kaniya at
tuluyan na niya akong iniwan.
Nahihiwagaan pa rin ako sa kakatwang
gawi ni Ponyang. Kinabukasan, di ko natiis
na di magtanong sa kaniya.
“Kumusta ang lakad mo kahapon?”
“Okay naman, Potpot.” Pansin ko ang
galak na minsan lang masilayan sa kaniyang
mga mata at labi.
“Saan ka ba nagpupunta? Puwede
mo ba akong isama minsan?”
“Sige, pag-iisipan ko,” matipid
niyang tugon.
Madalas na walang kibo sa
aming klase si Ponyang. Ngunit
kapag tumunog na ang batingaw,
hudyat na tapos na ang klase,
nanunumbalik ang sigla at galak,
na nakikita sa kaniyang mukha.
Minsan, palihim ko siyang sinundan,
ngunit napakabilis niyang maglakad.
Bigla na lamang siyang nawala sa aking paningin nang mapadaan kami sa may kakahuyan.
Nangangamba rin ako para sa
kaniyang kaligtasan dahil madilim
na sa daan. Pero naiisip kong
napakatapang niya at di niya
alintana ang panganib.
Kinaumagahan, nagtungo ako sa
kanilang bahay upang kumustahin
siya. Sabi ng kaniyang ina, maaga
raw siyang umalis ng kanilang bahay.
Nagtaka ako dahil Sabado at wala
naman kaming klase.
Sinubukan kong balikan ang lugar na
dinaanan namin noong nakaraang gabi. Masukal
ang kakahuyan. Binabawalan kaming pumunta
roon ng mga matatanda nang mag-isa.
May naglalakihang puno na may makakapal
na sanga at dahon, at nakaharang ito sa
daraanan, tila nagbabanta na huwag nang
tumuloy.
May matutulis at madudulas ding mga bato
na sa isang maling hakbang ay makasusugat o
nakadudulas. Nadaanan ko rin ang makipot na
daan na may bangin sa dulo.
“Paano ito nakakayanan ni Ponyang? Ano
ba ang mayroon sa kaniyang pinupuntahan?”
Tanong ko sa sarili habang tinatalunton ang
daan patungo sa kinaroroonan ni Ponyang.
Malakas ang kalabog ng aking dibdib
sa pagsunod ko kay Ponyang kaya saglit
akong nagpahinga. Ilang sandali pa ay
bumuhos ang malakas na ulan.
Sa di kalayuan ay may natanaw akong
malaking tipak ng batong hugis-puno.
Naisip kong baka maaari akong sumilong
sa lilim nito. Hindi naging madali ang
pagtungo ko roon ­
—madulas ang daan, at
matataas ang mga talahib.
Nang matunton ko iyon, namangha
ako sa aking nakita. Bungad pala ito
ng isang kuweba. Kahit madilim sa
loob, nagmadali akong pumasok upang
makapagpatuyo.
Sa loob, nakaramdam ako ng
kakaibang uri ng lamig. Lalo
akong kinabahan nang may
marinig akong tunog na di ko
mawari kung huni ba ng ibon o
atungal ng mabangis na hayop.
Takot man, pilit kong ginalugad
ang loob ng kuweba.
Nanlaki ang aking mga mata
at napasigaw ako sa pagdapo sa
balikat ko ng kabag, isang maliit
na paniki.
Nagtatakbo ako sa loob
ng kuweba hanggang sa may
matanaw akong liwanag.
Sinundan ko ito at natagpuan
ko si Ponyang sa dulo ng
kuweba. May lagusan ito na
nakabungad sa tabing-dagat.
Nakaupo siya at tila may
kinakausap. Sinipat ko ang
kinatatayuan niya ngunit wala akong
nakitang ibang tao.
Nilakasan ko na ang aking loob at
tinawag ko na siya.
“Paano ka napadpad dito?” gulat na
usisa ni Ponyang.
“Galing ako sa inyo. Sabi ng nanay
mo, maaga ka raw umalis. Kaya
sinundan kita patungo sa lugar na ito.
Ngunit napakabilis mong maglakad
kaya di na kita naabutan.”
Napangiti si Ponyang. Hinawakan
niya ang aking kamay at inalalayan
pababa. Mayroon daw siyang
ipapakita sa akin.
Ilang hakbang mula sa dulo ng
kuweba ay may mga malililit na ulong
sumisilip mula sa buhangin, mga ulo
ng maliliit na pawikan!
Nanlaki ang aking mga mata.
Isa palang kanlungan ng mga pawikan ang dulo ng kuwebang pinupuntahan
ni Ponyang. Nasaksihan ko ang pagpupumiglas ng mga munting pawikan
mula sa mga itlog, maging ang maliliit na pagkaripas patungo sa dagat.
Talagang kagila-gilalas ang aking natunghayan!
“Sila ang dahilan kung bakit lagi akong nagmamadali galing sa eskuwela. Tinitiyak kong
ligtas sila sa anumang maaaring kumain o kumuha sa kanila,” paliwanag ni Ponyang.
Kuwento pa niya, una niyang nakita ang ilang inang pawikan noong minsang nangisda sila ng
kaniyang tatay. Natanaw niya ang mga ito na pumapasok sa kuweba. “Bawal daw pasukin ang
kuwebang iyon at mapanganib,” banggit sa kaniya ng kaniyang ama.
Ngunit nanaig ang kagustuhan niyang makita sila nang malapitan kaya tinalunton niya
ang kuweba. Sa kaniyang paniniktik, nakita niya ang pangingitlog ng mga inang pawikan, na
bumabalik rin kinalaunan sa dagat.
Dagdag pa niya, binabakuran niya ito ng mga putol na sanga ng kahoy upang
di lapitan ng mga hayop na maaaring kumain sa kanila.
Pinanood namin at sinundan ang maliliit na pawikang lumabas ng kuweba.
Mula sa bungad nito,
natanaw ko ang iba pang
kamangha-manghang
lihim ng kuweba. Sa taas
ng yungib ay may mga
batong tila nakalambiting
espada. Mayroon ding maliit
na batis na dumadaloy sa
loob ng kuweba. Bukod sa
mga kabag, may maliliit na
mayang lumilipad palabas.
Pambihira itong lugar na ito!
“Masaya ako na hindi na
lang ako ang nakakaalam sa
kuweba,” sabay hagikgik ni
Ponyang.
Habang papalapit sa dalampasigan,
nag-uunahang tumakbo ang mumunting
pawikan. Tinatawag sila ng dagat sa
pamamagitan ng indayog ng mga
alon at tilamsik ng tubig.
Dahan-dahan, pinulot ko ang
isang pawikan at binulungan ng
paalam at pagkatapos ay ibinaba
uli sa buhangin at pinanood na lumayo.
Maliliit man ang kanilang paghakbang,
tiyak silang manunumbalik sa kanilang
tunay na tahanan — ang karagatan.
Tungkol sa Manunulat
Tungkol sa Pintor
Si MELVIN B. ATOLE ay isang guro sa Mababang Paaralan ng Sumilang sa Antipolo. Natapos niya ang
kanyang M.A. sa Educational Management mula sa Thomas Claudio Colleges sa Morong, Rizal. Kinikilala si
Melvin bilang isang mahusay na adviser. Kamakailan lang, ginawaran ng ikatlong gantimpala sa 2018 National
Schools Press Conference na ginananap sa siyudad ng Dumaguete ang “Ang Pagsilang,” ang kanilang pahayagang
pampaaralang elementarya sa wikang Filipino. Ganundin, kinilala siya ni Mayor Casimiro Ynares III ng Antipolo
bilang Most Outstanding School Paper Adviser sa kanilang lungsod, at pati na rin ng Hamaka Awards of Excellence
in Education nitong 2018.
Sumali siya sa sa Romeo Forbes Storywriting Contest para subukan ang kanyang galing sa pagsusulat. Sa
pamamagitan ng kanyang kwento, nais niyang mag-ambag sa pagmumulat tungkol sa kalikasan at sa kalagahan ng
pagmamahal at pag-aalaga rito.
Si SARAH M. GENEBLAZO ay nagtapos ng kursong fine arts major in visual communication mula sa
Kolehiyo ng Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas, at kasalukuyang pangulo ng Neo Angono Artists’ Collective, Inc.
Ang kanyang mga obra ay nagsisiwalat ng kanyang masalimuot na mga karanasan noong kabataan at nagsisilbing
maka-sining na prosesong therapeutic tungo sa sariling paghilom. Isa siya sa mga ginawarang premyo sa
Pambansang Timpalak para sa Sining ng PLDT-NPC taong 2010. Siya rin ay nagtamo ng pangunahing gantimpala
sa patimpalak ng Department of Agrarian Reform para sa pagpipinta ng sining sa pader taong 2006 sa Siyudad ng
Lipa, Batangas, kung saan ang nalikom na premyo’y ginamit niyang pantustos sa unang taon ng kanyang pag-aaral
sa UP Diliman.
Naitanghal na ang kanyang mga likhang-sining sa ibayong dagat at sa Art Fair Philippines 2016, kabilang na
din dito sa mga lokal na gallery para sa sining tulad ng Galerie Stephanie, Blanc Gallery, West Gallery, at J Studio.
CANVAS’ 1 Million Books for One Million Filipino Children Campaign aims to inspire in children
a love for reading by donating its award-winning books to public schools, hospitals,
and disadvantaged communities throughout the country.
Imagine and believe. A child with art and stories can change the world.
You can help us!
For more information, visit www.canvas.ph, email info@canvas.ph,
or find us on Facebook: Center for Art, New Ventures and Sustainable Development.
CANVAS, a non-profit organization,
works with the creative community to promote children’s literacy,
explore national identity, and broaden public awareness
of Philippine art, culture, and the environment.
SI+PONYANG+AT+ANG+LIHIM+NG+KUWEBA+(FIL).pdf
SI+PONYANG+AT+ANG+LIHIM+NG+KUWEBA+(FIL).pdf

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Risk Management Process in Islamic Banks
Risk Management Process in Islamic BanksRisk Management Process in Islamic Banks
Risk Management Process in Islamic BanksMahyuddin Khalid
 
Sleeping Beauty Analyzing Story
Sleeping Beauty Analyzing StorySleeping Beauty Analyzing Story
Sleeping Beauty Analyzing Storysanti widya
 
PROHIBITION OF RIBA IN ISLAMIC COUNTRY
PROHIBITION OF RIBA IN ISLAMIC COUNTRYPROHIBITION OF RIBA IN ISLAMIC COUNTRY
PROHIBITION OF RIBA IN ISLAMIC COUNTRYnordiyana shokif
 
Elimination of riba from the economy and islamic
Elimination of riba from the economy and islamicElimination of riba from the economy and islamic
Elimination of riba from the economy and islamicheartbreakid32
 
Risk management in islamic banking
Risk management in islamic bankingRisk management in islamic banking
Risk management in islamic bankingMUISTD
 
Financing methods part 1\ Waqf
Financing methods   part 1\ WaqfFinancing methods   part 1\ Waqf
Financing methods part 1\ WaqfAbdullah Rabaya
 

Was ist angesagt? (11)

The importance of shari’ah governance
The importance of shari’ah governanceThe importance of shari’ah governance
The importance of shari’ah governance
 
Risk Management Process in Islamic Banks
Risk Management Process in Islamic BanksRisk Management Process in Islamic Banks
Risk Management Process in Islamic Banks
 
Introduction to IMU252
Introduction to IMU252Introduction to IMU252
Introduction to IMU252
 
Al-Wadiah
Al-WadiahAl-Wadiah
Al-Wadiah
 
Sleeping Beauty Analyzing Story
Sleeping Beauty Analyzing StorySleeping Beauty Analyzing Story
Sleeping Beauty Analyzing Story
 
PROHIBITION OF RIBA IN ISLAMIC COUNTRY
PROHIBITION OF RIBA IN ISLAMIC COUNTRYPROHIBITION OF RIBA IN ISLAMIC COUNTRY
PROHIBITION OF RIBA IN ISLAMIC COUNTRY
 
Introduction to Risk
Introduction to RiskIntroduction to Risk
Introduction to Risk
 
Elimination of riba from the economy and islamic
Elimination of riba from the economy and islamicElimination of riba from the economy and islamic
Elimination of riba from the economy and islamic
 
Risk management in islamic banking
Risk management in islamic bankingRisk management in islamic banking
Risk management in islamic banking
 
Financing methods part 1\ Waqf
Financing methods   part 1\ WaqfFinancing methods   part 1\ Waqf
Financing methods part 1\ Waqf
 
Bay' al-Sarf
Bay' al-SarfBay' al-Sarf
Bay' al-Sarf
 

Ähnlich wie SI+PONYANG+AT+ANG+LIHIM+NG+KUWEBA+(FIL).pdf

Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7Rich Elle
 
Filipino Grade 7 MODULE
Filipino Grade 7 MODULEFilipino Grade 7 MODULE
Filipino Grade 7 MODULEghelle23
 
Maikling kwento
Maikling kwentoMaikling kwento
Maikling kwentoShaw Cruz
 
Tambalang Salita powerpoint.pptx
Tambalang Salita powerpoint.pptxTambalang Salita powerpoint.pptx
Tambalang Salita powerpoint.pptxEmerCDeLeon
 
Summer class
Summer classSummer class
Summer classmayorlim
 
TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdf
TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdfTAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdf
TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdfJosephEnoviso
 
Nobela - kamalayang walang dangal
Nobela -   kamalayang walang dangalNobela -   kamalayang walang dangal
Nobela - kamalayang walang dangalgluisito1997
 
Uri ng Akdemikong Sulatin.pptx
Uri ng Akdemikong Sulatin.pptxUri ng Akdemikong Sulatin.pptx
Uri ng Akdemikong Sulatin.pptxLOURENEMAYGALGO
 
Ang kuwento ni mabuti
Ang kuwento ni mabutiAng kuwento ni mabuti
Ang kuwento ni mabutiMildred Datu
 
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)StemGeneroso
 
Grade 7 Learning Module in Filipino (Learning Package - Quarter 1 to 4)
Grade 7 Learning Module in Filipino (Learning Package - Quarter 1 to 4)Grade 7 Learning Module in Filipino (Learning Package - Quarter 1 to 4)
Grade 7 Learning Module in Filipino (Learning Package - Quarter 1 to 4)R Borres
 
Ang Lumang Aparador ni Lola
Ang Lumang Aparador ni LolaAng Lumang Aparador ni Lola
Ang Lumang Aparador ni LolaBren Dale
 
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling LarangAkademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling LarangStemGeneroso
 
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulat
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulatKompilasyon ng mga akademikong pagsulat
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulatStemGeneroso
 
Gabay sa-guro baitang-7-ikalawang-markahan
Gabay sa-guro baitang-7-ikalawang-markahanGabay sa-guro baitang-7-ikalawang-markahan
Gabay sa-guro baitang-7-ikalawang-markahanBaita Sapad
 
Learning package baitang-7-unang-markahan-revised
Learning package baitang-7-unang-markahan-revisedLearning package baitang-7-unang-markahan-revised
Learning package baitang-7-unang-markahan-revisedBaita Sapad
 

Ähnlich wie SI+PONYANG+AT+ANG+LIHIM+NG+KUWEBA+(FIL).pdf (20)

Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
 
Filipino Grade 7 MODULE
Filipino Grade 7 MODULEFilipino Grade 7 MODULE
Filipino Grade 7 MODULE
 
Maikling kwento
Maikling kwentoMaikling kwento
Maikling kwento
 
Present(1)ggg
Present(1)gggPresent(1)ggg
Present(1)ggg
 
Tambalang Salita powerpoint.pptx
Tambalang Salita powerpoint.pptxTambalang Salita powerpoint.pptx
Tambalang Salita powerpoint.pptx
 
Summer class
Summer classSummer class
Summer class
 
TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdf
TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdfTAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdf
TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdf
 
Nobela - kamalayang walang dangal
Nobela -   kamalayang walang dangalNobela -   kamalayang walang dangal
Nobela - kamalayang walang dangal
 
Uri ng Akdemikong Sulatin.pptx
Uri ng Akdemikong Sulatin.pptxUri ng Akdemikong Sulatin.pptx
Uri ng Akdemikong Sulatin.pptx
 
Shin Jin
Shin JinShin Jin
Shin Jin
 
Ang kuwento ni mabuti
Ang kuwento ni mabutiAng kuwento ni mabuti
Ang kuwento ni mabuti
 
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)
 
Grade 7 Learning Module in Filipino (Learning Package - Quarter 1 to 4)
Grade 7 Learning Module in Filipino (Learning Package - Quarter 1 to 4)Grade 7 Learning Module in Filipino (Learning Package - Quarter 1 to 4)
Grade 7 Learning Module in Filipino (Learning Package - Quarter 1 to 4)
 
Ang Lumang Aparador ni Lola
Ang Lumang Aparador ni LolaAng Lumang Aparador ni Lola
Ang Lumang Aparador ni Lola
 
Kwento
KwentoKwento
Kwento
 
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling LarangAkademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
 
Panandang Anaporik.pptx
Panandang Anaporik.pptxPanandang Anaporik.pptx
Panandang Anaporik.pptx
 
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulat
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulatKompilasyon ng mga akademikong pagsulat
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulat
 
Gabay sa-guro baitang-7-ikalawang-markahan
Gabay sa-guro baitang-7-ikalawang-markahanGabay sa-guro baitang-7-ikalawang-markahan
Gabay sa-guro baitang-7-ikalawang-markahan
 
Learning package baitang-7-unang-markahan-revised
Learning package baitang-7-unang-markahan-revisedLearning package baitang-7-unang-markahan-revised
Learning package baitang-7-unang-markahan-revised
 

Mehr von irvingrei gamit

EDITORIAL CARTOONING for campus journalism
EDITORIAL CARTOONING for campus journalismEDITORIAL CARTOONING for campus journalism
EDITORIAL CARTOONING for campus journalismirvingrei gamit
 
Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita
Pamilyar at Di-Pamilyar na SalitaPamilyar at Di-Pamilyar na Salita
Pamilyar at Di-Pamilyar na Salitairvingrei gamit
 
basic-chemistry-for-pre-k.pptx
basic-chemistry-for-pre-k.pptxbasic-chemistry-for-pre-k.pptx
basic-chemistry-for-pre-k.pptxirvingrei gamit
 
Mapeh 4 - Week 4 Day 2.pptx
Mapeh 4 - Week 4 Day 2.pptxMapeh 4 - Week 4 Day 2.pptx
Mapeh 4 - Week 4 Day 2.pptxirvingrei gamit
 
MATH 4 PPT Q3 W4 - Lesson 52 - Quadrilateral 2.pptx
MATH 4 PPT Q3 W4 - Lesson 52 - Quadrilateral 2.pptxMATH 4 PPT Q3 W4 - Lesson 52 - Quadrilateral 2.pptx
MATH 4 PPT Q3 W4 - Lesson 52 - Quadrilateral 2.pptxirvingrei gamit
 
DAUGHTER+AND+THE+GREAT+FISH+WEB.pdf
DAUGHTER+AND+THE+GREAT+FISH+WEB.pdfDAUGHTER+AND+THE+GREAT+FISH+WEB.pdf
DAUGHTER+AND+THE+GREAT+FISH+WEB.pdfirvingrei gamit
 
1pp_TLE_roles and responsibility of entrepreneurship.pptx
1pp_TLE_roles and responsibility of entrepreneurship.pptx1pp_TLE_roles and responsibility of entrepreneurship.pptx
1pp_TLE_roles and responsibility of entrepreneurship.pptxirvingrei gamit
 
W7 Kultura at paniniwala ng sinaunang Pilipino.pptx
W7 Kultura at paniniwala ng sinaunang Pilipino.pptxW7 Kultura at paniniwala ng sinaunang Pilipino.pptx
W7 Kultura at paniniwala ng sinaunang Pilipino.pptxirvingrei gamit
 
Likhang Guhit sa Mapa at Globo W2.pptx
Likhang Guhit sa Mapa at Globo W2.pptxLikhang Guhit sa Mapa at Globo W2.pptx
Likhang Guhit sa Mapa at Globo W2.pptxirvingrei gamit
 
W8_PP_Mathematics_Comparing dissimilar and Similar Fraction.pptx
W8_PP_Mathematics_Comparing dissimilar and Similar Fraction.pptxW8_PP_Mathematics_Comparing dissimilar and Similar Fraction.pptx
W8_PP_Mathematics_Comparing dissimilar and Similar Fraction.pptxirvingrei gamit
 
Reroductive parts in Plants
Reroductive parts in PlantsReroductive parts in Plants
Reroductive parts in Plantsirvingrei gamit
 

Mehr von irvingrei gamit (16)

EDITORIAL CARTOONING for campus journalism
EDITORIAL CARTOONING for campus journalismEDITORIAL CARTOONING for campus journalism
EDITORIAL CARTOONING for campus journalism
 
Dialogue.pptx
Dialogue.pptxDialogue.pptx
Dialogue.pptx
 
Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita
Pamilyar at Di-Pamilyar na SalitaPamilyar at Di-Pamilyar na Salita
Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita
 
basic-chemistry-for-pre-k.pptx
basic-chemistry-for-pre-k.pptxbasic-chemistry-for-pre-k.pptx
basic-chemistry-for-pre-k.pptx
 
Mapeh 4 - Week 4 Day 2.pptx
Mapeh 4 - Week 4 Day 2.pptxMapeh 4 - Week 4 Day 2.pptx
Mapeh 4 - Week 4 Day 2.pptx
 
MATH 4 PPT Q3 W4 - Lesson 52 - Quadrilateral 2.pptx
MATH 4 PPT Q3 W4 - Lesson 52 - Quadrilateral 2.pptxMATH 4 PPT Q3 W4 - Lesson 52 - Quadrilateral 2.pptx
MATH 4 PPT Q3 W4 - Lesson 52 - Quadrilateral 2.pptx
 
DAUGHTER+AND+THE+GREAT+FISH+WEB.pdf
DAUGHTER+AND+THE+GREAT+FISH+WEB.pdfDAUGHTER+AND+THE+GREAT+FISH+WEB.pdf
DAUGHTER+AND+THE+GREAT+FISH+WEB.pdf
 
1pp_TLE_roles and responsibility of entrepreneurship.pptx
1pp_TLE_roles and responsibility of entrepreneurship.pptx1pp_TLE_roles and responsibility of entrepreneurship.pptx
1pp_TLE_roles and responsibility of entrepreneurship.pptx
 
W7 Kultura at paniniwala ng sinaunang Pilipino.pptx
W7 Kultura at paniniwala ng sinaunang Pilipino.pptxW7 Kultura at paniniwala ng sinaunang Pilipino.pptx
W7 Kultura at paniniwala ng sinaunang Pilipino.pptx
 
Likhang Guhit sa Mapa at Globo W2.pptx
Likhang Guhit sa Mapa at Globo W2.pptxLikhang Guhit sa Mapa at Globo W2.pptx
Likhang Guhit sa Mapa at Globo W2.pptx
 
Week5_Science5_.pptx
Week5_Science5_.pptxWeek5_Science5_.pptx
Week5_Science5_.pptx
 
ISG Events.pptx
ISG Events.pptxISG Events.pptx
ISG Events.pptx
 
GMRC sample.pptx
GMRC sample.pptxGMRC sample.pptx
GMRC sample.pptx
 
W8_PP_Mathematics_Comparing dissimilar and Similar Fraction.pptx
W8_PP_Mathematics_Comparing dissimilar and Similar Fraction.pptxW8_PP_Mathematics_Comparing dissimilar and Similar Fraction.pptx
W8_PP_Mathematics_Comparing dissimilar and Similar Fraction.pptx
 
Reroductive parts in Plants
Reroductive parts in PlantsReroductive parts in Plants
Reroductive parts in Plants
 
Ppt socdi
Ppt socdiPpt socdi
Ppt socdi
 

Kürzlich hochgeladen

edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdJoren15
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikoErwinPantujan2
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................VALERIEYDIZON
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxPundomaNoraima
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAprilJeannelynFeniza
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-diannesofocado8
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxFameIveretteGalapia
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxChaRellon
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxRheaGarciaPoyaoan
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptxHannaLingatong
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsJeielCollamarGoze
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKALovellAzucenas
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanPaul649054
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxmalouevangelio1
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxANNALYNBALMES2
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePatriciaJamesEstrada1
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byjohnpaulpestada09
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 

Kürzlich hochgeladen (20)

edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 

SI+PONYANG+AT+ANG+LIHIM+NG+KUWEBA+(FIL).pdf

  • 1.
  • 2. Kuwento ni Melvin John B. Atole Likhang-sining ni Sarah M. Geneblazo
  • 3. Nagmadali na naman ang kaibigan kong si Ponyang umuwi pagkatapos ng aming klase. Nagtataka man ako sa ikinikilos niya, kakikitaan naman ang kaniyang mukha ng kasiyahan. Dati ay sabay kaming naglalakad mula sa paaralan pauwi. Binabaybay namin ang dalampasigan kung saan nakahimpil ang mga bangka ng mga mangingisda sa aming pamayanan. Kabilang sa mga bangkang ito ang sa mga tatay namin. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay hindi na siya sumasabay sa akin o sa aming mga kaklase.
  • 4. “Ponyang! Sabay na tayong umuwi!” tawag ko sa kaniya matapos ang aming klase. “Di ako makakasabay sa iyo, Potpot. May pupuntahan pa kasi ako.” “Saan ka ba pupunta? Hindi ka pa ba nagugutom? Saka magdidilim na. Di ka ba natatakot umuwing mag-isa?’’ “Basta!” Tanging salita na narinig ko sa kaniya at tuluyan na niya akong iniwan.
  • 5. Nahihiwagaan pa rin ako sa kakatwang gawi ni Ponyang. Kinabukasan, di ko natiis na di magtanong sa kaniya. “Kumusta ang lakad mo kahapon?” “Okay naman, Potpot.” Pansin ko ang galak na minsan lang masilayan sa kaniyang mga mata at labi.
  • 6. “Saan ka ba nagpupunta? Puwede mo ba akong isama minsan?” “Sige, pag-iisipan ko,” matipid niyang tugon.
  • 7. Madalas na walang kibo sa aming klase si Ponyang. Ngunit kapag tumunog na ang batingaw, hudyat na tapos na ang klase, nanunumbalik ang sigla at galak, na nakikita sa kaniyang mukha.
  • 8. Minsan, palihim ko siyang sinundan, ngunit napakabilis niyang maglakad.
  • 9. Bigla na lamang siyang nawala sa aking paningin nang mapadaan kami sa may kakahuyan.
  • 10. Nangangamba rin ako para sa kaniyang kaligtasan dahil madilim na sa daan. Pero naiisip kong napakatapang niya at di niya alintana ang panganib.
  • 11. Kinaumagahan, nagtungo ako sa kanilang bahay upang kumustahin siya. Sabi ng kaniyang ina, maaga raw siyang umalis ng kanilang bahay. Nagtaka ako dahil Sabado at wala naman kaming klase.
  • 12. Sinubukan kong balikan ang lugar na dinaanan namin noong nakaraang gabi. Masukal ang kakahuyan. Binabawalan kaming pumunta roon ng mga matatanda nang mag-isa. May naglalakihang puno na may makakapal na sanga at dahon, at nakaharang ito sa daraanan, tila nagbabanta na huwag nang tumuloy. May matutulis at madudulas ding mga bato na sa isang maling hakbang ay makasusugat o nakadudulas. Nadaanan ko rin ang makipot na daan na may bangin sa dulo. “Paano ito nakakayanan ni Ponyang? Ano ba ang mayroon sa kaniyang pinupuntahan?” Tanong ko sa sarili habang tinatalunton ang daan patungo sa kinaroroonan ni Ponyang.
  • 13. Malakas ang kalabog ng aking dibdib sa pagsunod ko kay Ponyang kaya saglit akong nagpahinga. Ilang sandali pa ay bumuhos ang malakas na ulan. Sa di kalayuan ay may natanaw akong malaking tipak ng batong hugis-puno. Naisip kong baka maaari akong sumilong sa lilim nito. Hindi naging madali ang pagtungo ko roon ­ —madulas ang daan, at matataas ang mga talahib. Nang matunton ko iyon, namangha ako sa aking nakita. Bungad pala ito ng isang kuweba. Kahit madilim sa loob, nagmadali akong pumasok upang makapagpatuyo.
  • 14. Sa loob, nakaramdam ako ng kakaibang uri ng lamig. Lalo akong kinabahan nang may marinig akong tunog na di ko mawari kung huni ba ng ibon o atungal ng mabangis na hayop. Takot man, pilit kong ginalugad ang loob ng kuweba. Nanlaki ang aking mga mata at napasigaw ako sa pagdapo sa balikat ko ng kabag, isang maliit na paniki.
  • 15. Nagtatakbo ako sa loob ng kuweba hanggang sa may matanaw akong liwanag. Sinundan ko ito at natagpuan ko si Ponyang sa dulo ng kuweba. May lagusan ito na nakabungad sa tabing-dagat.
  • 16. Nakaupo siya at tila may kinakausap. Sinipat ko ang kinatatayuan niya ngunit wala akong nakitang ibang tao. Nilakasan ko na ang aking loob at tinawag ko na siya. “Paano ka napadpad dito?” gulat na usisa ni Ponyang. “Galing ako sa inyo. Sabi ng nanay mo, maaga ka raw umalis. Kaya sinundan kita patungo sa lugar na ito. Ngunit napakabilis mong maglakad kaya di na kita naabutan.” Napangiti si Ponyang. Hinawakan niya ang aking kamay at inalalayan pababa. Mayroon daw siyang ipapakita sa akin.
  • 17. Ilang hakbang mula sa dulo ng kuweba ay may mga malililit na ulong sumisilip mula sa buhangin, mga ulo ng maliliit na pawikan!
  • 18. Nanlaki ang aking mga mata. Isa palang kanlungan ng mga pawikan ang dulo ng kuwebang pinupuntahan ni Ponyang. Nasaksihan ko ang pagpupumiglas ng mga munting pawikan mula sa mga itlog, maging ang maliliit na pagkaripas patungo sa dagat. Talagang kagila-gilalas ang aking natunghayan!
  • 19. “Sila ang dahilan kung bakit lagi akong nagmamadali galing sa eskuwela. Tinitiyak kong ligtas sila sa anumang maaaring kumain o kumuha sa kanila,” paliwanag ni Ponyang. Kuwento pa niya, una niyang nakita ang ilang inang pawikan noong minsang nangisda sila ng kaniyang tatay. Natanaw niya ang mga ito na pumapasok sa kuweba. “Bawal daw pasukin ang kuwebang iyon at mapanganib,” banggit sa kaniya ng kaniyang ama. Ngunit nanaig ang kagustuhan niyang makita sila nang malapitan kaya tinalunton niya ang kuweba. Sa kaniyang paniniktik, nakita niya ang pangingitlog ng mga inang pawikan, na bumabalik rin kinalaunan sa dagat.
  • 20. Dagdag pa niya, binabakuran niya ito ng mga putol na sanga ng kahoy upang di lapitan ng mga hayop na maaaring kumain sa kanila. Pinanood namin at sinundan ang maliliit na pawikang lumabas ng kuweba.
  • 21. Mula sa bungad nito, natanaw ko ang iba pang kamangha-manghang lihim ng kuweba. Sa taas ng yungib ay may mga batong tila nakalambiting espada. Mayroon ding maliit na batis na dumadaloy sa loob ng kuweba. Bukod sa mga kabag, may maliliit na mayang lumilipad palabas. Pambihira itong lugar na ito! “Masaya ako na hindi na lang ako ang nakakaalam sa kuweba,” sabay hagikgik ni Ponyang.
  • 22. Habang papalapit sa dalampasigan, nag-uunahang tumakbo ang mumunting pawikan. Tinatawag sila ng dagat sa pamamagitan ng indayog ng mga alon at tilamsik ng tubig.
  • 23. Dahan-dahan, pinulot ko ang isang pawikan at binulungan ng paalam at pagkatapos ay ibinaba uli sa buhangin at pinanood na lumayo. Maliliit man ang kanilang paghakbang, tiyak silang manunumbalik sa kanilang tunay na tahanan — ang karagatan.
  • 24. Tungkol sa Manunulat Tungkol sa Pintor Si MELVIN B. ATOLE ay isang guro sa Mababang Paaralan ng Sumilang sa Antipolo. Natapos niya ang kanyang M.A. sa Educational Management mula sa Thomas Claudio Colleges sa Morong, Rizal. Kinikilala si Melvin bilang isang mahusay na adviser. Kamakailan lang, ginawaran ng ikatlong gantimpala sa 2018 National Schools Press Conference na ginananap sa siyudad ng Dumaguete ang “Ang Pagsilang,” ang kanilang pahayagang pampaaralang elementarya sa wikang Filipino. Ganundin, kinilala siya ni Mayor Casimiro Ynares III ng Antipolo bilang Most Outstanding School Paper Adviser sa kanilang lungsod, at pati na rin ng Hamaka Awards of Excellence in Education nitong 2018. Sumali siya sa sa Romeo Forbes Storywriting Contest para subukan ang kanyang galing sa pagsusulat. Sa pamamagitan ng kanyang kwento, nais niyang mag-ambag sa pagmumulat tungkol sa kalikasan at sa kalagahan ng pagmamahal at pag-aalaga rito. Si SARAH M. GENEBLAZO ay nagtapos ng kursong fine arts major in visual communication mula sa Kolehiyo ng Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas, at kasalukuyang pangulo ng Neo Angono Artists’ Collective, Inc. Ang kanyang mga obra ay nagsisiwalat ng kanyang masalimuot na mga karanasan noong kabataan at nagsisilbing maka-sining na prosesong therapeutic tungo sa sariling paghilom. Isa siya sa mga ginawarang premyo sa Pambansang Timpalak para sa Sining ng PLDT-NPC taong 2010. Siya rin ay nagtamo ng pangunahing gantimpala sa patimpalak ng Department of Agrarian Reform para sa pagpipinta ng sining sa pader taong 2006 sa Siyudad ng Lipa, Batangas, kung saan ang nalikom na premyo’y ginamit niyang pantustos sa unang taon ng kanyang pag-aaral sa UP Diliman. Naitanghal na ang kanyang mga likhang-sining sa ibayong dagat at sa Art Fair Philippines 2016, kabilang na din dito sa mga lokal na gallery para sa sining tulad ng Galerie Stephanie, Blanc Gallery, West Gallery, at J Studio.
  • 25. CANVAS’ 1 Million Books for One Million Filipino Children Campaign aims to inspire in children a love for reading by donating its award-winning books to public schools, hospitals, and disadvantaged communities throughout the country. Imagine and believe. A child with art and stories can change the world. You can help us! For more information, visit www.canvas.ph, email info@canvas.ph, or find us on Facebook: Center for Art, New Ventures and Sustainable Development. CANVAS, a non-profit organization, works with the creative community to promote children’s literacy, explore national identity, and broaden public awareness of Philippine art, culture, and the environment.