1. KAHALAGAHAN NG
PAGLINANG NG
KASANAYAN SA
MABISANG
PAGSASALITA
“Ang isang taong epektib na magsalita sa
harap ng pangkat ng mga tao ay higit na
madaling nakakakuha ng respeto ng ibang
tao.”
2. KAHALAGAHAN NG
PAGLINANG NG KASANAYAN
SA MABISANG PAGSASALITA
Lahat ng mga pangunahing pinunong
natanyag sa kasaysayan ng daidig ay may
mataas ng antas ng kakayahang
magpahayag ng ideya ng kanilang naging
kasangkapan upang umakit ng mga
tagahanga at tagasunod.
3. MGA PINUNO
ABRAHAM LINCOLN
Dating pangulo ng Estados Unidos, ay natanyag at
nagiwan ng hindi na mabuburang bahagi sa
kasaysayan hindi lamang sa Amerika kundi
maging sa buong mundo.
Hindi ,mataas ang pinag-aralan sapagkat wala
siyang pormal na edukasyon at siya’y mahirap na
mamamayan lamang.
Ang tagumpay ni Lincoln ay maiuugnay sa
kanyang determinasyon na linangin at paunlarin
ang kanyang kakayahang magsalita sa harap ng
publiko
4. Dahil sa kakulangan ng “speech schools”,
matamang inobserbahan at pinakinggan ni Lincoln
ang paraan ng pagsasalita ng ibang tao kahit noong
bata pa lamang siya.
Hanggang sa kasalukuyan, ipinapalagay na ang
kanyang Gettysburg Address at ikalawang
Inaugural Speech ay ilan sa natatanging
pinakamahusay na talumpati sa buong kasaysayan
ng daigdig.
5. FRANKLIN DELANO ROOSEVELT
Nanatali sa White House nang apat na
sunud-sunod na termino mula 1923-1945.
Nilinang niya ang kanyang kakayahan sa
pagsasalita sa pamamagitan ng pagbibigay ng
matamang atensyon sa mga malalayang simulain
ng pagsasalita.
Halos lahat ng kanyang talumpati sa radyo ay
praktisado ng lubusan.
Maging ang kanyang mga kalaban sa pulitika ay
umaming ang kanyang sunud-sunod na tagumpay
ay nakaugat sa kanyang impluwensya sa kanyang
tagapakinig.
6. JOHN F. KENNEDY
Isa sa mga susi ng kanyang tagumpay ay ang
husay na ipinakita niya sa serye ng mga debateng
ipinalabas ng mga programang pantelebisyon.
Dahil sa Kanyang epektib na pagsasalita, tinalo
niya si Nixon sa nasabing halalalan.
7. DEMOSTHENES
tanyag na isang dakilang orador.
Pautal magsalita ngunit tinuruan niya ang kanyang
sarili magsalita nang tuluy-tuloy at tuwid sa
pamamagitan ng pagtatalumpati sa harap ng
hampas ng alon sa dalampasigan.
Madalas na nagsusubo siya ng maliit na bato upang
maituwid lamang ang kanyang pananalita.
8. “Ang pagsasalita sa harap ng publiko ay hindi
naiiba sa pakikipag-usap nang pribado sa
isang tao”.
“Ang paglinang sa kasanayang ito ay malamang na
magbunga ng mga positibong pagbabago hindi
lamang sa iyong personalidad kundi maging sa
iyong buhay”.
9. MGA PANGANGAILANGAN SA
MABISANG PAGSASALITA
“Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang
malaki sa mga partisipant nito. Kung gayon, malaki
ang impluwensiya ng mabisang pagsasalita sa
epektibong proseso ng komunikasyon”.
10. KAALAMAN
“Upang maging isang epektib na
tagapagsalita, kailangang may sapat kang
kaalaman hinggil sa iba’t ibang bagay.”
Una, kailangang alam mo ang paksa ng
isang usapan.
Ikalawa, kailangang may sapat na kaalaman
sa gramatika.
Ikatlo, kailangang may sapat na kaalaman
sa kultura ng pinanggalingan ng wikang
ginagamit mo, sariling kultura at kultura ng
iyong kausap.
11. KASANAYAN
“Ang pagsasalita ay isa sa apat na
makrong kasanayan kung kaya’t ito ay
isang kasanayang maaaring linangin.”
Una, kailangang may sapat na kasanayan sa
pag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling
panahon. (May mga sitwasyon kasing
nangangailangan ng presence of mind.)
Ikalawa, kailangang may sapat na
kasanayan sa paggamit ng mga
kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig,
tindig, kumpas at iba pang anyong di-
berbal.
12. Ikatlo,
kailangang may sapat siyang
kasanayan sa pagpapahayag sa iba’t ibang
genre tulad ng pagsasalaysay,
paglalarawan, paglalahad at
pangangatwiran.
13. TIWALA SA SARILI
Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay
karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo.
Madalas din silang kabado lalo na sa harap
ng pangkat ng tagapakinig o sa harap ng
publiko.
Mahihirapan silang papaniwalain ang ibang
tao sa kanilang mensahe.
Ang mga ganitong tao ay mahirap
makaakit, makakumbinsi o makahikayat ng
pagsang-ayon sa mga tagapakinig.
14. MGA KASANGKAPAN SA
PAGSASALITA
“Masusukat ang bisa ng isang tagapagsalita
sa lakas ng kanyang panghikayat sa
kanyang tagapakinig o di kaya’y sa
kakayahan niyang mapanatili ang interes ng
kanyang tagapakinig sa kanyang sinasabi.
Ito ay makikita sa reaksyon ng kanyang
tagapakinig sakanya”.
15. Ngunit paano nga ba maging isang mahusay
na tagapagsalita?
Sa pamamagitan ng mabisang paggamit ng
kanyang mga kasangkapan sa pagsasalita.
16. TINIG
Pinaka mahalagang puhunan sa isang
nagsasalita.
Kinakailangang ito ay mapanghikayat at
nakakaakit talagang pakinggan.
May mga sitwasyon na hindi
nangangailangan ng malakas na tinig.
Ano mang lakas o hina ng tinig, dapat ito ay
angkop sa partikular na sitwasyon at sa
damdaming nais na ipahiwatig ng isang
nagsasalita.
17. Kaakibat ng tinig ay ang himig.
May himig na mabagal, may himig na
pataas at mayroon ding pababa.
Katulad ng lakas kailangan ang himig ay
angkop din.
18. BIGKAS
Napakahalang maging wasto ang bigkas ng
isang nagsasalita.
Kailangan ito ay mataas at malinaw sa
pagbigkas ng mga salita.
Ang maling pagbigkas ay maaaring
magdulot ng maling interpretastyon para sa
mga tagapakinig.
Lalo na’t ang ating wika ay napakaraming
Homonimo.
Maaari din maging katawa tawa ang salita
kung mali ang pagbibigkas dito.
19. Kaugnay nito, kailangang maging maingat
din siya sa pagbibigay diin o stress sa mga
salita at sa paghinto at paghinga sa loob ng
mga pangungusap at talata upang maging
malinaw ang mensahe ng kanyang
pahayag.
20. TINDIG
Ang isang tagapagsalita lalo na sa isang pagtitipon
ay kailangan may magandang tindig.
Kinakailangang my tikas mula ulo hanggang paa.
Hindi magiging kapani paniwala ang isang
mambibigkas kung siya’y parang nanghihina o
kung siya’y mukhang sakitin.
Ang isang tagapagsalita ay kinakailangan maging
kalugud-lugod hindi lamang sa pandinig ng
tagapakinig.
Kailangan din niyang maging kalugud-lugod sa
kanilang paningin upang siya’y maging higit na
mapanghikayat.
21. KUMPAS
Kumpas ng kamay ay importante rin sa
pagsasalita.
Kung walang kumpas ang nagsasalita ay
magmumukhang tood o robot.
Ngunit ang paglumpas ay kinakailangan
maging angkop sa diwa o salitang
binabanggit.
Tandaan na ang bawat kumpas ay may
kalakip ding kahulugan.
22. Kung gayon ang kahulugan ng kumpas ay
tumutugma sa kahulugan ng nagsasalitang
binibigkas kasabay ng kumpas.
Tandaan na kailangang maging natural ang
kumpas.
Hindi rin maganda tignan ang labis, maging
ang kulang o alanganing kumpas ng kamay.
23. KILOS
Sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng
katawan ay maaaring gumalaw.
Mga mata, balikat, paa, at ulo. –ang
pagkilos ng mga ito ay maaaring
makatulong o makasira sa isang nagsasalita.
Isang halimbawa ay ang labis na paggalaw
ng mga mata o kawalan ng panuunan ng
paningin sa kausap.
24. Samantala, ang mabisang pagpapanatili ng
pakikipagugnayan sa tagapakinig sa
pamamagitan ng panuunan ng paningin ay
maaaring makatulong sa kanya.
Ang labis na paggalaw naman ng ulo ay
hindi angkop kagaya ng pagtango o
pagiling ay maaaring makapagpalabo sa
mensaheng ipinahahatid ng isang
nagsasalit.
Ang labis na paggalaw o paglalakas naman
ay pwedeng maging dahilan ng pagkahilo
ng kanyang kausap.
25. TAKOT SA PAGSASALITA SA
HARAP NG MADLA
Lahat ng tao ay may kinatatakutan. Ang iba’y takot
sa dilim, ay mga takot naman sa matataas na lugar.
May ibang takot sa pagsakay ng eroplano o barko.
May mga tao din na takot sa insekto.
Minsang sinabi ng dating Pangulo ng Amerika na
si Franklin D. Roosevelt na “walang dapat
katakutan kundi ang takot mismo”.
26. Ang pinakamabuting paraan ng paglaban
sa takot , kung gayon, ay ang pagharap, at
hindi ang pagtalikod dito.
Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla
ay tinatawag na “XENOPHOBIA” o
“STAGE FRIGHT” . Ito ang takot na
mapagtawanan bunga ng maling gramar,
maling bigkas, o masagwang tindig o
postyur.
27. MANIPESTASYON NG
“STAGE FRIGHT”
Panginginig ng kamay.
Pangangatog ng tuhod.
Kawalan ng ganang kumain.
Pananakit ng tiyan.
Di-pagkatulog.
Pananakit ng ulo.
Pagkautal.
Pagkalimot ng sasabihin.
Paninigas ng pagkakatayo.
Kawalan ng panuunan ng paningin.
Biglang pagbilis ng pulso.
Mataas na presyon ng dugo.
28. IBA’T IBANG DAHILAN NG
“STAGE FRIGHT”
Takot sa malaki at di-pailyar na madlang
tagapakinig.
Di kaaya-ayang karanasan sa pagsasalita sa
harap ng madla.
Damdaming kakulangan o isekyuriti bunga
ng anyong pisikal tulad ng kabataan,
kapayatan, di kaaya ayang mukha o kulay o
di magandang postyur.
Kakulangan o kawalan ng kahandaan
Kakulangan o kawalang ng pamilyaridad sa
lugar o okasyon.
29. Ngunit kailangan ng bawat tagapagsalita
ang tensyon. Ito kasi ang magtritriger sa
katawan ng lumikha ng adrenalin upang
magtulak ng isang indibidwal na mag-
perporm ng higit na mabuti.
Nagagawa ng isang matalinong
tagapagsalita na maging positibo ang
tensyon at hindi negatibo.
Ngunit kung labis ang takot, hindi na ito
magiging produktibo.
Samakatwid, kailangan itong kontrolin.
30. MUNGKAHI KUNG PAANO
MAAAYOS ANG “STAGE
FRIGHT”
Magkaroon ng positibong atityud. Isiping
kayang mong magsalita sa harap ng madla.
Isiping di ka nagiisa.
Magtiwala sa iyong sarili. Isiping mayroon
kang mahalagang ideya na ibabahagi sa madla.
Tanggapin mo ang iyong sarili, iyong
tagumpay at kabiguan, ang iyong mga
kasalanan at hahinaan, ang iyong mga
kagandahan at kapintasan.
Magkaroon ng marubdob na pagnanasang
maging mahusay na tagapagsalita.
Harapin ang takot, huwag mong takasan.
31. Magpraktiska ng magpraktis. Magsimula sa
pagharap sa maliliit na pangkat hanggang sa
pagharap sa malalaking madla.
Isipingang tagapakinig ay palakaibigan at
hindi mapanghusga.
Magbihis ng naayon sa okasyon.
Mag-imbak ng maraing kaalaman.
Dumating nang maaga upang maging
pamilyar sa lugar at mga taga pakinig.
Magdasal. Humingi ka ng lakas ng loob at
dunong sa Poong Maykapal.
32. PROPAYL NG EPEKTIBONG
ISPIKER
a. Responsable
b. Magiliw at kawili – wiling pakinggan
c. Malawak ang kaalaman
d. Palabasa
e. Palaisip
f. Mayaman ang koleksyon ng ideya
g. May interes sa paksang tinatalakay
h. Obhetibo
i. May sense of humor
33. j. Gumagamit ng mga angkop na salita
k. Nirerespeto ang pagkakaiba-iba ng
tagapakinig
l. Sapat at angkop ang lakas ng tinig
m. Malinaw at wasto ang pagbigkas ng salita
n. Gumagamit ng angkop na kumpas at kilos
ñ. Hindi iniinsulto o sinasaktan ang
damdamin ng tagapakinig
ng. Maingat sa paggawa ng kongklusyon,
paratang at batikos
34. o. May panuunan ng paningin sa tagapakinig
p. Angkop ang kasuotan sa okasyon
q. Pinaniniwalaan at isinasabuhay ang
sinasabi
r. Walang nakakadistrak na mannerisms
s. Mainam ang tindig o postyur
t. Maayos at lohikal ang presentasyon mula sa
simula, gitna hanggang wakas
u. Iniiwasan ang mapalabok na pananalita
35. v. Binibigyang-diin ang mahahalagang
konsepto o kaisipan
w. Alam kung kailan tatapusin ang
pagsasalita
x. Iniiwasan ang pagyayabang
y. Mayaman ang bokabularyo
z. Taglay ang mga angkop at inaasahang
gawi, personalidad at karakter
37. INIHANDA NINA: H1A
Evangelista, Catherine Endozo, Geneva
De Guzman, Leona Esteban, Shermie
Jose, Love Joy Eleponga, Twinkle Joy
Layco, Daniel Huesca, Kenneth
Garcia, Kim Carlo Esper, Sir
De Dios, Raymond Cruz, Laurence
G. Jesus M. Purificacion