SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 6
Aralin 2

Oo Nga’t Pagong
• Alam kong batid mo na ang kwento ng pagong at matsing na
nakapulot ng punong saging. Natapos ang kwento nang
itapon ng hangal na matsing ang pagong sa ilog. Hindi ba't
malaking kahangalan iyon? Pero hindi doon natapos ang
kwento. Ganito iyon.
Matagal-tagal ding hindi umahon ang pagong. Natatakot kasi
siyang muling magkita sila ni matsing. Nang inaakala niyang
matagal nang panahon ang lumipas, naglakas-loob siyang
umahon sa ilog at maglakad-lakad naman sa dalampasigan.
Nakarating si Pagong sa isang taniman ng mga sili.
Marahang-marahang naglalakad si Pagong sa paligid ng
taniman. Natutuwang minamasdan ni Pagong ang mga puno
ng sili na hitik na hitik sa bungang pulang-pula dahil sa
kahinugan. Wiling-wili siya sa panonood sa mga mapupulang
sili at hindi niya namalayan ang paglapit ni matsing.
"Aha! Nahuli rin kita! Hindi ka na makaliligtas ngayon sa
akin," ang sabi ni Matsing sabay sunggab sa nagulat na
pagong. "Kung naloko mo ako noon, ngayon ay hindi na.
Hinding hindi na," nanggigigil na sigaw ni Matsing.
• "Teka, teka, Ginoong Matsing, hindi ko kayo naiintindihan sa
pinagsasasabi ninyo," ani Pagong.
"Ano? Hindi ba't ikaw ang pagong na nagtanim ng saging? Ikaw
ang pagong na inihagis ko sa ilog?" sabi ni Matsing.
"Aba! Hindi po. Hindi ko po nalalaman iyon. At hindi ko rin kilala
kung sino mang pagong iyong inihagis nyo sa ilog," tugon ni
Pagong.
"Hindi nga ba ikaw iyong damuhong pagong na iyon?" tanong
ni Matsing na pinakasipat-sipat ang hawak na pagong.
"Talaga pong hindi!" ani Pagong. "Matagal na po ako rito. Ang
gawain ko po ay magbantay ng mga mapupulang bungang
ito," dugtong pa ni Pagong.
"Bakit, ano ba ang mga mapupulang bungang iyan?" ang
tanong ni Matsing.
"A, e, ito po ay gamot sa mata ng lola ko. Inilalagay niya po ito
sa mata kapag kumakati. Pero hindi po kayo maaaring kumuha
nito, para sa lola ko lamang ito," sabi ni Pagong.
• "Makati rin ang mata ko. At sa ayaw mo't sa gusto, kukuha ako
nito," ani Matsing at namitas agad ng maraming pulang sili. Piniga
niya't niligis ang mga sili sa dalawang palad at kanya itong ipinahid sa
kanyang mga mata.
"Kra-kra-kra..." nagtatatarang na sigaw ni Matsing pagkat halos
umusok ang dalawang mata nya sa hapdi at kirot. Mainit na mainit
ang mga mata niya. Kinapa-kapa ni Matsing si Pagong. Subalit wala
na ito at nakalayo nang nagtatawa. Naisahan na naman ang hangal
na matsing.
Maraming araw ding nangapa-ngapa ng mga bagay sa kanyang
paligid si Matsing. At si Pagong naman ay malayang
nakapamamasyal.
Isang araw, nasa isang bakuran si Pagong. May handaan doon at
nagkakatay ng baboy. Sa malapit sa kinalalagyan ni Pagong ay may
mga taong nagpapakulo ng tubig sa isang malaking kawa. Tahimik na
nagmamasid-masid doon si Pagong. Nagulat siya. Bigla kasi siyang
sinunggaban ni Matsing.
"Nahuli na naman kita. Niloko mo ako noon. Hinding hindi na kita
paliligtasin ngayon," ang sabi ni Matsing. "Dahil sa iyo, matagal akong
hindi nakakita."
•

"Ako po ang dahilan? Bakit po?" tanong ni Pagong.
"E, ano pa! Hindi ba't ikaw ang Pagong na kinunan ko ng sabi mo'y gamot
sa mata ng lola mo? E iyon pala'y nakabubulag," ang sabi ni Matsing.
"Aba, naku! Hindi po. Ako po'y matagal na rito sa pwesto kong ito. Ako po'y
nagbabantay ng kawang iyon na paliguan ng aking nanay," ang sabi ni
Pagong. Itinuro kay matsing ang tubig na kumukulo sa kawa.
"Iyang tubig na iyan ang pampaligo ng nanay mo?" manghang tanong ni
Matsing.
"Opo! Pero sekreto po namin iyan. Huwag po ninyong sasabihin kahit
kanino. Iyan po ang pampapula ng pisngi ng Nanay ko," paliwanag ni
Pagong.
"Ibig ko ring pumula ang pisngi ko," sabi ni Matsing.
"Ay hindi po maaari ito para sa inyo. Talagang para sa nanay ko lamang po
iyan," sabi ni Pagong.
"A, basta! Gusto ko ring pumula ang pisngi ko," sabi ng hangal na matsing
at tumakbong mabilis at lumundag sa loob ng kawa ng kumukulong tubig.

•

At doon natapos ang makulay na buhay ng hangal na matsing.

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Rich Elle
 
Was ist angesagt? (20)

Filipino 6 dlp 21 mga katangian ng tauhan
Filipino 6 dlp 21   mga katangian ng tauhanFilipino 6 dlp 21   mga katangian ng tauhan
Filipino 6 dlp 21 mga katangian ng tauhan
 
Pamilyar at Di- Pamilyar na Salita
Pamilyar at Di- Pamilyar na SalitaPamilyar at Di- Pamilyar na Salita
Pamilyar at Di- Pamilyar na Salita
 
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
 
Pandiwa
PandiwaPandiwa
Pandiwa
 
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
 
Jose ang batang magalang
Jose ang batang magalangJose ang batang magalang
Jose ang batang magalang
 
Pangngalan
PangngalanPangngalan
Pangngalan
 
Si langgam at tipaklong
Si langgam at tipaklongSi langgam at tipaklong
Si langgam at tipaklong
 
Pagsagot sa Tanong na Bakit at Paano
Pagsagot sa Tanong na Bakit at PaanoPagsagot sa Tanong na Bakit at Paano
Pagsagot sa Tanong na Bakit at Paano
 
Si Pagong at si Kuneho
Si Pagong at si KunehoSi Pagong at si Kuneho
Si Pagong at si Kuneho
 
Mga Magkasalungat at Magkasingkahulugan
Mga Magkasalungat at MagkasingkahuluganMga Magkasalungat at Magkasingkahulugan
Mga Magkasalungat at Magkasingkahulugan
 
YUNIT II ARALIN 11: Likas Kayang Pag-unlad
YUNIT II ARALIN 11: Likas Kayang Pag-unladYUNIT II ARALIN 11: Likas Kayang Pag-unlad
YUNIT II ARALIN 11: Likas Kayang Pag-unlad
 
paggamit nang wasto ng antas ng pang uri sa paglalarawan sa
paggamit nang wasto ng antas ng pang uri sa paglalarawan sapaggamit nang wasto ng antas ng pang uri sa paglalarawan sa
paggamit nang wasto ng antas ng pang uri sa paglalarawan sa
 
Uri ng Pangngalan
Uri ng PangngalanUri ng Pangngalan
Uri ng Pangngalan
 
Filipino 6 dlp 10 mga pangyayari, pagsunud-sunurin natin
Filipino 6 dlp 10   mga pangyayari, pagsunud-sunurin natinFilipino 6 dlp 10   mga pangyayari, pagsunud-sunurin natin
Filipino 6 dlp 10 mga pangyayari, pagsunud-sunurin natin
 
Aralin 7 Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
Aralin 7   Pananakop ng mga Espanyol sa PilipinasAralin 7   Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
Aralin 7 Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
 
Pagsunod sa Panuto
Pagsunod sa PanutoPagsunod sa Panuto
Pagsunod sa Panuto
 
Kaugaliang pilipino
Kaugaliang pilipinoKaugaliang pilipino
Kaugaliang pilipino
 
Ang komunidad noon at ngayon [autosaved]
Ang komunidad noon at ngayon [autosaved]Ang komunidad noon at ngayon [autosaved]
Ang komunidad noon at ngayon [autosaved]
 
Ang Uhaw na Uwak
Ang Uhaw na UwakAng Uhaw na Uwak
Ang Uhaw na Uwak
 
Andere mochten auch

Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
rosemelyn
 
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
arseljohn120
 
Andere mochten auch (15)

Alamat ng Pinya ppt
Alamat ng Pinya pptAlamat ng Pinya ppt
Alamat ng Pinya ppt
 
Ang Matsing at Pagong
Ang Matsing at PagongAng Matsing at Pagong
Ang Matsing at Pagong
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN MTB-MLE Binisaya (MTB – Quarter 3)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN MTB-MLE Binisaya (MTB – Quarter 3) K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN MTB-MLE Binisaya (MTB – Quarter 3)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN MTB-MLE Binisaya (MTB – Quarter 3)
 
Ang batang babae at ang uod
Ang batang babae at ang uodAng batang babae at ang uod
Ang batang babae at ang uod
 
Naay Bagyo, Mangandam Ta!
Naay Bagyo, Mangandam Ta!Naay Bagyo, Mangandam Ta!
Naay Bagyo, Mangandam Ta!
 
Ang Lion ug ang Ilaga
Ang Lion ug ang IlagaAng Lion ug ang Ilaga
Ang Lion ug ang Ilaga
 
Ang Walo Ka Wati
Ang Walo Ka WatiAng Walo Ka Wati
Ang Walo Ka Wati
 
Ang alamat ng_saging
Ang alamat ng_sagingAng alamat ng_saging
Ang alamat ng_saging
 
Kuwentong Pambata
Kuwentong PambataKuwentong Pambata
Kuwentong Pambata
 
Ang Alamat Ng Buko
Ang Alamat Ng BukoAng Alamat Ng Buko
Ang Alamat Ng Buko
 
Ang Mapahitas-on nga Mariposa
Ang Mapahitas-on nga MariposaAng Mapahitas-on nga Mariposa
Ang Mapahitas-on nga Mariposa
 
Manok at uwak
Manok at uwakManok at uwak
Manok at uwak
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
Nganong Gidaladala Ni Bao Ang Iyang Balay
Nganong Gidaladala Ni Bao Ang Iyang BalayNganong Gidaladala Ni Bao Ang Iyang Balay
Nganong Gidaladala Ni Bao Ang Iyang Balay
 
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
 
Kürzlich hochgeladen

Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
diannesofocado8
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
jessysilvaLynsy
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
VALERIEYDIZON
 
values education - how to choose your course
values education - how to choose your coursevalues education - how to choose your course
values education - how to choose your course
FatimaCayusa2
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
MaamCle
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
HannaLingatong
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
RosemarieGaring
 
Kürzlich hochgeladen (20)

POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
values education - how to choose your course
values education - how to choose your coursevalues education - how to choose your course
values education - how to choose your course
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
 
PAGONG AT MATSING PART 2

  • 2. • Alam kong batid mo na ang kwento ng pagong at matsing na nakapulot ng punong saging. Natapos ang kwento nang itapon ng hangal na matsing ang pagong sa ilog. Hindi ba't malaking kahangalan iyon? Pero hindi doon natapos ang kwento. Ganito iyon. Matagal-tagal ding hindi umahon ang pagong. Natatakot kasi siyang muling magkita sila ni matsing. Nang inaakala niyang matagal nang panahon ang lumipas, naglakas-loob siyang umahon sa ilog at maglakad-lakad naman sa dalampasigan. Nakarating si Pagong sa isang taniman ng mga sili. Marahang-marahang naglalakad si Pagong sa paligid ng taniman. Natutuwang minamasdan ni Pagong ang mga puno ng sili na hitik na hitik sa bungang pulang-pula dahil sa kahinugan. Wiling-wili siya sa panonood sa mga mapupulang sili at hindi niya namalayan ang paglapit ni matsing. "Aha! Nahuli rin kita! Hindi ka na makaliligtas ngayon sa akin," ang sabi ni Matsing sabay sunggab sa nagulat na pagong. "Kung naloko mo ako noon, ngayon ay hindi na. Hinding hindi na," nanggigigil na sigaw ni Matsing.
  • 3. • "Teka, teka, Ginoong Matsing, hindi ko kayo naiintindihan sa pinagsasasabi ninyo," ani Pagong. "Ano? Hindi ba't ikaw ang pagong na nagtanim ng saging? Ikaw ang pagong na inihagis ko sa ilog?" sabi ni Matsing. "Aba! Hindi po. Hindi ko po nalalaman iyon. At hindi ko rin kilala kung sino mang pagong iyong inihagis nyo sa ilog," tugon ni Pagong. "Hindi nga ba ikaw iyong damuhong pagong na iyon?" tanong ni Matsing na pinakasipat-sipat ang hawak na pagong. "Talaga pong hindi!" ani Pagong. "Matagal na po ako rito. Ang gawain ko po ay magbantay ng mga mapupulang bungang ito," dugtong pa ni Pagong. "Bakit, ano ba ang mga mapupulang bungang iyan?" ang tanong ni Matsing. "A, e, ito po ay gamot sa mata ng lola ko. Inilalagay niya po ito sa mata kapag kumakati. Pero hindi po kayo maaaring kumuha nito, para sa lola ko lamang ito," sabi ni Pagong.
  • 4. • "Makati rin ang mata ko. At sa ayaw mo't sa gusto, kukuha ako nito," ani Matsing at namitas agad ng maraming pulang sili. Piniga niya't niligis ang mga sili sa dalawang palad at kanya itong ipinahid sa kanyang mga mata. "Kra-kra-kra..." nagtatatarang na sigaw ni Matsing pagkat halos umusok ang dalawang mata nya sa hapdi at kirot. Mainit na mainit ang mga mata niya. Kinapa-kapa ni Matsing si Pagong. Subalit wala na ito at nakalayo nang nagtatawa. Naisahan na naman ang hangal na matsing. Maraming araw ding nangapa-ngapa ng mga bagay sa kanyang paligid si Matsing. At si Pagong naman ay malayang nakapamamasyal. Isang araw, nasa isang bakuran si Pagong. May handaan doon at nagkakatay ng baboy. Sa malapit sa kinalalagyan ni Pagong ay may mga taong nagpapakulo ng tubig sa isang malaking kawa. Tahimik na nagmamasid-masid doon si Pagong. Nagulat siya. Bigla kasi siyang sinunggaban ni Matsing. "Nahuli na naman kita. Niloko mo ako noon. Hinding hindi na kita paliligtasin ngayon," ang sabi ni Matsing. "Dahil sa iyo, matagal akong hindi nakakita."
  • 5. • "Ako po ang dahilan? Bakit po?" tanong ni Pagong. "E, ano pa! Hindi ba't ikaw ang Pagong na kinunan ko ng sabi mo'y gamot sa mata ng lola mo? E iyon pala'y nakabubulag," ang sabi ni Matsing. "Aba, naku! Hindi po. Ako po'y matagal na rito sa pwesto kong ito. Ako po'y nagbabantay ng kawang iyon na paliguan ng aking nanay," ang sabi ni Pagong. Itinuro kay matsing ang tubig na kumukulo sa kawa. "Iyang tubig na iyan ang pampaligo ng nanay mo?" manghang tanong ni Matsing. "Opo! Pero sekreto po namin iyan. Huwag po ninyong sasabihin kahit kanino. Iyan po ang pampapula ng pisngi ng Nanay ko," paliwanag ni Pagong. "Ibig ko ring pumula ang pisngi ko," sabi ni Matsing. "Ay hindi po maaari ito para sa inyo. Talagang para sa nanay ko lamang po iyan," sabi ni Pagong. "A, basta! Gusto ko ring pumula ang pisngi ko," sabi ng hangal na matsing at tumakbong mabilis at lumundag sa loob ng kawa ng kumukulong tubig. • At doon natapos ang makulay na buhay ng hangal na matsing.
  • 6. • "Ako po ang dahilan? Bakit po?" tanong ni Pagong. "E, ano pa! Hindi ba't ikaw ang Pagong na kinunan ko ng sabi mo'y gamot sa mata ng lola mo? E iyon pala'y nakabubulag," ang sabi ni Matsing. "Aba, naku! Hindi po. Ako po'y matagal na rito sa pwesto kong ito. Ako po'y nagbabantay ng kawang iyon na paliguan ng aking nanay," ang sabi ni Pagong. Itinuro kay matsing ang tubig na kumukulo sa kawa. "Iyang tubig na iyan ang pampaligo ng nanay mo?" manghang tanong ni Matsing. "Opo! Pero sekreto po namin iyan. Huwag po ninyong sasabihin kahit kanino. Iyan po ang pampapula ng pisngi ng Nanay ko," paliwanag ni Pagong. "Ibig ko ring pumula ang pisngi ko," sabi ni Matsing. "Ay hindi po maaari ito para sa inyo. Talagang para sa nanay ko lamang po iyan," sabi ni Pagong. "A, basta! Gusto ko ring pumula ang pisngi ko," sabi ng hangal na matsing at tumakbong mabilis at lumundag sa loob ng kawa ng kumukulong tubig. • At doon natapos ang makulay na buhay ng hangal na matsing.