SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 28
MULLAH NASSREDIN
• Si Mullah Nassreddin ay kilala bilang isang
pinaka mahusay na komedyante sa
kanilang bansa. Pinaka mahusay siya sa
larangan ng pag kukwento ng katatawanan.
Ang akdang tungkol sa kanya ay
naghahatid ng isang praktikal na kaisipan.
• Mababasa mo sa akda kung gaano ka totoo
si Mullah. Siya ay isang mang-kukwento ng
katatawanan at pinangangatawanan niya
ito sa totoong buhay.
• Ang akda ay naglalayong magbigay
kawilihan at mag-iwan ng aral sa
mambabasa ukol sa isang magandang
karanasan.
TEMA O PAKSA
 Ang palaging paksa o tema ng ginagawang anekdota ni
Mullah Nassreddin o MND ay tungkol sa pag unawa sa
buhay at kaalaman.
 Ang paksa ng akda ay patungkol sa isang Iranian na
magaling magkwento ng katatawanan at ang
pinakaunang gumawa ng anekdota sa Iran.
 Makabuluhan ang akda sapagkat ipinapakita sa mga
mambabasa hindi lang kung gaano kaganda at kawili-
wiling basahin ang anekdota bilang isang panitikan
kundi rin ipinakikilala ang pilosopong pagkatao ng
naglalahad at napakahusay gumawa ng mga anekdota
(Si MND).
MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY
NG AKDA
 Minsan, kailangan ng mga anekdotang ganito upang
hindi malimutan ang mga taong malaki and
naiambag sa mundong ito.
 Hindi laging binibigay ang mga sagot ng diretso,
minsan kailangan mong pag-isipan at madiskubre
and sagot ng sarili mo upang mas lalo mong
pahalagahan.
 Hindi lahat ng mga sinasabi ay dapat na literal ang
pagkakaisip dito, isa lamang itong paraan para
mapaisip ka ng mas malalim
AKASYA
AT
KALABASA
Ang anekdotang "Akasya o
Kalabasa" ay tungkol sa mag-
amang si Mang Simon at Iloy.
Gusto sana ni Mang Simon na
maikling kurso lamang ang
kukunin ni Iloy sa haiskul upang
madali lang siyang matapos
ngunit ipinaliwanag ng punong
guro ang tunay na hangarin ng
pagugol ng mahabang panahon sa
pag-aaral at kung gaano ito
kahalaga sa pamamagitan ng
dalawang halaman, ang kalabasa
at akasya.
Ito ang kanyang wika; " Kung nais mong maghalaman ng
madali sa loob ng ilang buwan,makapaghalaman po kayo ng
kalabasa, ngunit kung kayo ay gugugol ng mahabang
panahon upang makapaghalaman kayo ng Akasyang
AKASYA
AT
KALABASA
Ang paksa sa
anekdotang Akasya o
Kalabasa ay ang
edukasyon, ang antas
ng edukasyon na iyong
pipiliin upang ang
lumago ang iyong
kaalaman at malinang
ang iyong pagkatao.
AKASYA AT
KALABASA
Makatotohan, kapana-panabik, may iisang paksa,
naisaalng-alang ang kakintalang maiiwan sa isip ng mga
mambabasa,payak ang pagbibigay ng pangyayari,may
konkretong pangalan at aktibing pandiwa
Ang katangian ng akdang “Akasya o Kalabasa” ay
nakapagbibigay ng aral. Ito din ay nakapagbibigay ng tamang
patnubay o direksyon. At ito ay akdang mayroong malalim na
kahulugan. Sapagkat ng makausap ng mag-ama ang punong-
guro ito ay nagwika ng mga matalinhagang salita na
nakapagbukas ng kanilang isip. At nagbigay ng tamang desisyon
kanilang gagawin.
Ang akdang “Akasya o Kalabasa’’ ay isang
anekdota. Ibigay ang mga katangian ng akda?
Mula sa mga Anekdota ni Saadi
Persia
ni Idries Shah
Isinalin sa Filipino ni Roderic P.
Urgelles
Mongheng Mohametano sa
kaniyang pag-iisa.
Isang araw, ang mongheng
Mohametano ay nagiisa at namamanata sa
disyerto. Ang Sultan naman na namamaybay
sa kaniyang ruta, sa kaniyang nasasakupan
ay matamang nagmamasid sa mga tao.
Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo
ang Mongheng Mohametano habang
dumadaan siya.
Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang
nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam,
tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay
ng paggalang at kababaang loob.”
Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mahametano! Ang Sultan
ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang
paggalang?”
Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng
paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa. Sabihin mo sa
kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha
ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.”
ANEKDOTA NI SAADI
Ang paksa anekdotang Saadi, ay ang mahalagang papel ng isang hari tungo sa
kanyang mamayan at ng mamamayan sa kanyang hari.
Binibigyang diin dito na ang isang hari o pinuno ay nilikha para sa kagalingan
ng kanyang nasasakupan at ang mamamayan naman ay hindi nilikha upang
personal na pagsilbihan o paglingkuran ang hari, kundi ang lipunan.
Na dapat tayo ang pinagsisilbuhan ng mga lider o pinuno hindi yung tayo ang
nagsisilbi, dapat din may paninindigan tayo sa ating sarili at may isang salita.
ANEKDOTA
• Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na
tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring
naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na
tao.
• isang maikling salaysay na karaniwang naglalarawan ng
panlahat na katotohanan o panuntunan o kaya’y isang
makatawag-pansing katangian ng isang tao.
• pangyayaring maikli, kawili-wili at nakalilibang. Ito’y bahagi ng
talambuhay at bilang isang akdang pampanitikan, ito’y mayaman sa
guni-guini. Ito’y maaaring totoo o kaya’y bunga ng isip na
nagwawakas sa isang katawa-tawang pangyayari. Ito’y nagbibigay-
buhay sa matamlay na usapan ng mga tauhan ng kuwento.
• Ang anekdota ay isang akdang tuluyan na nglalahad sa
kakaiba o kakatwang pangyayari na naganap sa buhay ng
isang sikat o tanyag na tao. Ito ay maaaring kata-kata o
hango sa totoong buhay. Ang anekdota ay maaaring
gamitin sa pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.
1.Dapat maging makatotohanan ang paksa- dapat batay sa
tunay na karanasan ang paksa.
2. Dapat maging kapana-panabik.
3. Dapat may isang paksa lamang.
4.Sa pagwawakas ng anekdota, dapat isaalang-alang ang
kakintalang maiiwan sa kaiisipan ng mga mambabasa
5.Dapat maging payak ang pagbibigay ng di
pangkaraniwang pangyayari.
6. Tuwirang isinusulat ang anekdota.
7. Dapat magtaglay ng mga konkretong pangalan,
aktibong pandiwa at ilan lamang ang pang-uri at
pang-abay ang mga pangungusap
Uri ng Anekdota
• Ang anekdotang hango sa tunay na buhay ng isang tao -
nagbibigay sa mga mambabasa ng pagkakataong lalong
makilala ang pansariling buhay ng taong iyon.
• Ang anekdotang hindi hango sa tunay na buhay -madalas
na katatawanan ngunit madalas ding may mahalagang
tinutukoy.
Elemento ng Anekdota
1. Tauhan - Sa anekdota, kailangang ang pangunahing tauhan ay
isang kilalang tao. Siya’y maaaring bayani o isang
pangkaraniwang taong nakagawa ng di-inaasahang gawain na
nagbigay pangalan sa kanya.
2. Tagpuan - Simple at kalimitan ay nagaganap lamang sa isang
lugar ang tagpuan sa anekdota.
3. Suliranin - Ang pangunahing tauhan ang madalas na
magkaroon ng suliranin sa kuwento. Bago magwakas ang
isang akda ay kinakailangang nalutas na ang suliranin.
4. Banghay - Ang banghay sa anekdota ay malinaw at maikli. Bukod dito, ang
pinakasentro sa pangyayari ay ang nakaaaliw na bahagi na nakapagbibigay-
aliw sa mga mambabasa o tagapakinig. Sa banghay matatagpuan ang
panimula, nilalaman, at wakas ng isang anekdota.
5. Tunggalian - Ang anekdota ay nagtataglay ng tunggalian ng tauhan laban sa
kanyang sarili, sa kanyang kapwa at sa kanyang paligid. Ito’y nakapaloob sa
banghay.
6. Kasukdulan - Ang kapana-panabik na bahagi sa anekdota ay ang kasukdulan.
Kadalasan, sa bahaging ito pa lamang ay natutukoy na ng mga mambabasa
ang magiging wakas ng kuwento. Ito’y nakapaloob din sa banghay.
7. Wakas - Sa bahaging ito ay nailalahad ang solusyon sa
problema ng pangunahing tauhan. Katulad ng pabula,
may aral sa anekdota na sa wakas lamang ng kuwento
nailalantad.
BUOD
• Sa Zamboaga, Nagkakagulo ang mga kasamahan ni Pangulong
Quezon. Hinahanap nila si Pangulong Quezon. Hanap dito
hanap doon ang kanilang ginagawa. Ngunit wala ang
Pangulong Quezon. Samantala, sa isang malaking bato sa
pangpang, isang lalaking kakisigan ang matiwasay na
nakikipagusap sa isang matandang may hawak na walis.
Naghihinaing ang matanda sa lalaking makisig.
• Batang bata pa daw nang siya’y magsimulang gampanan
ang kanyang tungkulin. Marami daw siyang anak. At
hanggang ngayon nagwawalis pa rin siya. Tinatanong niya
kung ano ang magagawa sa kanya ng pamahalaan.
Dinadaing niya na kulang ang kanyang arawang kita at
hirap makatungtong ng paaralan ang kanyang mga anak.
Pinapagaan ang pakiramdam ng lalaki ang kausap nitong
matandang nawawalan na ng pag-asa.
• At pagkatapos nito, bumalik na ang lalaki sa mga kasamahan
nito na gulat na gulat nang siya’y matagpuang kausap ng
magwawalis. Pagkaraan ng ilang araw , dumating ang
gantimpala sa matanda. Tuwang tuwa ito sapagkat tumaas ang
kanyang tungkulin at nadagdagan ang kanyang sahod. Hindi
alam ng matanda na si Pangulong Quezon na pala ang
nakausap niya.
1. Ang anekdota ay kuwentong naglalarawan ng isang kilalang tao.
2. Ang mga pangyayari sa anekdota ay maikli, kawili-wili at nakalilibang.
3. Ang anekdota ay maaaring totoo o kaya’y bungang isip lamang.
4. Ang di pagkaseryoso ng pangyayari ay isang katangian ng anekdota.
5. Ang anekdota ay nagbibigay-buhay sa matamlay na usapan ng mga tauhan.
6. Nagwawakas sa katawa-tawang pangyayari ang anekdota
7. Maaaring ang anekdota ay bahagi ng talambuhay.
8. Ang anekdota ay nagbibigay-aral gaya ng pabula.
9. Dapat isalaysay ang anekdota sa maikling paraan.
10. Dapat iwasan ang maligoy at mabulaklak na salita sa pagsasalaysay ng
anekdota.
TANDAAN!
Gamitin
Basahin mo ang mga sumusunod na pamagat at pumili ng isang aangkop sa
sariling anekdota na isusulat mo. Isulat ito sa jornal.
1. Buhay-Teen-ager 9. Tao lang Ako
2. Ang Nag-iisang Ako 10. Eh Kasi, Bata
3. Bunga ng Kamusmusan 11. Masarap Palang Mabuhay
4. Nagkamali Ako! 12. Hindi Ko na Uulitin
5. Huwag Mo Akong Hatulan 13. Sige na Nga!
6. Katotohanan o Guniguni? 14. Ako sa Nagbabagong Mundo
7. Masarap na Mapait ang Buhay 15. Wala Akong Pinagsisisihan
GAWIN
GRAMATIKA AT RETORIKA
 Ang pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga
karanasang magkakaugnay.
 Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man
o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag, at
tampok na paraan ng pagpapahayag.
 Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag
sapagkat dito nagsimula ang alamat o epiko, at mga kuwentong
bayan ng ninunong mga Pilipino maging sa ibang bansa man.
Ang pagpili ng paksa ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat
ng pagsasalaysay. Kailangang ito ay maganda at kawili-wili. Bukod
dito, mahalaga
ring napapanahon ito at may dalang lugod at kabutihan sa mga
mambabasa.
Ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa
1. Kawilihan ng Paksa – Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang
damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang
tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at
tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan – Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.
3. Kakayahang Pansarili – Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa
kahusayan, hilig, at layunin ng manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook – Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay
nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook
na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa
panahong sakop ng salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook na
pinangyarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang mambabasa – Sumusulat ang tao hindi para lamang sa
kaniyang pansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa
kaniyang mambabasa.
ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA
1. Sariling Karanasan – Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng
pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring
naranasan ng mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba – Maaaring usapan ng mga tao tungkol sa
isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa.
Subalit, tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat
paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
3. Napanood – Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba pa.
4. Likhang-isip – Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay
makalilikha ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap – Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari
ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
6. Nabasa – Mula sa anumang tekstong nabasa kailangangang ganap na
nauunawaan ang mga pangyayari.
MGA URI NG PAGSASALAYSAY
1. Maikling Kuwento – Nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabas sa
pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
2. Tulang Pasalaysay – Patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng
mga saknong.
3. Dulang Pandulaan – Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang
kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng
buhok at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kuwentong ito ay
isinulat upang itanghal.
4. Nobela – Nahati sa mga kabanata; punong-puno ng mga masalimuot na pangyayari.
5. Anekdota – Pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari
6. Alamat – Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
7. Talambuhay – “Tala ng buhay” ng isang tao, pangyayaring naganap sa buhay ng
isang tao mula sa kanyang wakas.
8. Kasaysayan – Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao,
pook o bansa.
9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) – Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran,
pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Paggamit ng mga matatalinghagang salita
Paggamit ng mga matatalinghagang salitaPaggamit ng mga matatalinghagang salita
Paggamit ng mga matatalinghagang salitaMartinGeraldine
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3jessacada
 
Filipino 10- Gamit ng Pandiwa
Filipino 10- Gamit ng PandiwaFilipino 10- Gamit ng Pandiwa
Filipino 10- Gamit ng PandiwaNemielynOlivas1
 
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere Jeremiah Castro
 
Mullah Nassreddin.pptx
Mullah Nassreddin.pptxMullah Nassreddin.pptx
Mullah Nassreddin.pptxEmmalyn Bagsit
 
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...Lily Salgado
 
Filipino 9 Ang Tauhan bilang Elemento ng Akdang Pasalaysay
Filipino 9 Ang Tauhan bilang Elemento ng Akdang PasalaysayFilipino 9 Ang Tauhan bilang Elemento ng Akdang Pasalaysay
Filipino 9 Ang Tauhan bilang Elemento ng Akdang PasalaysayJuan Miguel Palero
 
Nelson mandela modyul 3 filipino 10
Nelson mandela modyul 3 filipino 10Nelson mandela modyul 3 filipino 10
Nelson mandela modyul 3 filipino 10jessacada
 
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaAng Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaJenita Guinoo
 
Epiko at ang mga elemento nito
Epiko at ang mga elemento nitoEpiko at ang mga elemento nito
Epiko at ang mga elemento nitoeijrem
 
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Juan Miguel Palero
 
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralinJenita Guinoo
 
ANG MATANDA AT ANG DAGAT PP.pptx
ANG MATANDA AT ANG DAGAT PP.pptxANG MATANDA AT ANG DAGAT PP.pptx
ANG MATANDA AT ANG DAGAT PP.pptxChrisAncero
 

Was ist angesagt? (20)

Dula
DulaDula
Dula
 
Paggamit ng mga matatalinghagang salita
Paggamit ng mga matatalinghagang salitaPaggamit ng mga matatalinghagang salita
Paggamit ng mga matatalinghagang salita
 
Sanaysay
SanaysaySanaysay
Sanaysay
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
 
MITOLOHIYANG LIONGO .pptx
MITOLOHIYANG  LIONGO .pptxMITOLOHIYANG  LIONGO .pptx
MITOLOHIYANG LIONGO .pptx
 
Filipino 10- Gamit ng Pandiwa
Filipino 10- Gamit ng PandiwaFilipino 10- Gamit ng Pandiwa
Filipino 10- Gamit ng Pandiwa
 
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
 
Mullah Nassreddin.pptx
Mullah Nassreddin.pptxMullah Nassreddin.pptx
Mullah Nassreddin.pptx
 
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
 
Filipino 9 Ang Tauhan bilang Elemento ng Akdang Pasalaysay
Filipino 9 Ang Tauhan bilang Elemento ng Akdang PasalaysayFilipino 9 Ang Tauhan bilang Elemento ng Akdang Pasalaysay
Filipino 9 Ang Tauhan bilang Elemento ng Akdang Pasalaysay
 
Nelson mandela modyul 3 filipino 10
Nelson mandela modyul 3 filipino 10Nelson mandela modyul 3 filipino 10
Nelson mandela modyul 3 filipino 10
 
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaAng Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
 
Parabula
ParabulaParabula
Parabula
 
Epiko at ang mga elemento nito
Epiko at ang mga elemento nitoEpiko at ang mga elemento nito
Epiko at ang mga elemento nito
 
Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
 
Klino
KlinoKlino
Klino
 
Filipino 9 Parabula
Filipino 9 ParabulaFilipino 9 Parabula
Filipino 9 Parabula
 
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
 
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
 
ANG MATANDA AT ANG DAGAT PP.pptx
ANG MATANDA AT ANG DAGAT PP.pptxANG MATANDA AT ANG DAGAT PP.pptx
ANG MATANDA AT ANG DAGAT PP.pptx
 

Ähnlich wie Anekdota.pptx (20)

Anekdota Filipino 10 Mullah Nassredin hh
Anekdota Filipino 10 Mullah Nassredin hhAnekdota Filipino 10 Mullah Nassredin hh
Anekdota Filipino 10 Mullah Nassredin hh
 
GRADE 9 FILIPINO.pptx
GRADE 9 FILIPINO.pptxGRADE 9 FILIPINO.pptx
GRADE 9 FILIPINO.pptx
 
grade9filipino-maikling kwento.pptx
grade9filipino-maikling kwento.pptxgrade9filipino-maikling kwento.pptx
grade9filipino-maikling kwento.pptx
 
Maikling kwento
Maikling kwentoMaikling kwento
Maikling kwento
 
Akdang pampanitikan
Akdang pampanitikanAkdang pampanitikan
Akdang pampanitikan
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
M.k. hand out
M.k. hand outM.k. hand out
M.k. hand out
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
Las q2 filipino 8_w6
Las q2 filipino 8_w6Las q2 filipino 8_w6
Las q2 filipino 8_w6
 
Ang nobela
Ang nobelaAng nobela
Ang nobela
 
Maikling kwento
Maikling kwentoMaikling kwento
Maikling kwento
 
Maikling kuwento Handout
Maikling kuwento HandoutMaikling kuwento Handout
Maikling kuwento Handout
 
Ang
AngAng
Ang
 
Panitikang pilipino
Panitikang pilipinoPanitikang pilipino
Panitikang pilipino
 
Talakayan.pptx
Talakayan.pptxTalakayan.pptx
Talakayan.pptx
 
Maikling kwento fil
Maikling kwento fil Maikling kwento fil
Maikling kwento fil
 
maikling kwento
maikling kwentomaikling kwento
maikling kwento
 
Me
MeMe
Me
 
Katuturan ng maikling kuwento.13
Katuturan ng maikling kuwento.13Katuturan ng maikling kuwento.13
Katuturan ng maikling kuwento.13
 
anekdota-180226120044.pptx
anekdota-180226120044.pptxanekdota-180226120044.pptx
anekdota-180226120044.pptx
 

Mehr von Camiling Catholic School

Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfCamiling Catholic School
 
Inverse, Converse and Contrapositive Print.pptx
Inverse, Converse and Contrapositive Print.pptxInverse, Converse and Contrapositive Print.pptx
Inverse, Converse and Contrapositive Print.pptxCamiling Catholic School
 
MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING PANANAW.pptx
MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING PANANAW.pptxMGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING PANANAW.pptx
MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING PANANAW.pptxCamiling Catholic School
 
2nd Quarter Reviewer Tungkol sa Dula Filipino 10
2nd Quarter Reviewer Tungkol sa Dula Filipino 102nd Quarter Reviewer Tungkol sa Dula Filipino 10
2nd Quarter Reviewer Tungkol sa Dula Filipino 10Camiling Catholic School
 
Pokus ng Pandiwa (Pinaglalaanan at Kagamitan).pptx
Pokus ng Pandiwa (Pinaglalaanan at Kagamitan).pptxPokus ng Pandiwa (Pinaglalaanan at Kagamitan).pptx
Pokus ng Pandiwa (Pinaglalaanan at Kagamitan).pptxCamiling Catholic School
 
Polynomial Function Mathematics 10 Quiz Quarter 2
Polynomial Function Mathematics 10 Quiz Quarter 2Polynomial Function Mathematics 10 Quiz Quarter 2
Polynomial Function Mathematics 10 Quiz Quarter 2Camiling Catholic School
 

Mehr von Camiling Catholic School (18)

Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
Inverse, Converse and Contrapositive Print.pptx
Inverse, Converse and Contrapositive Print.pptxInverse, Converse and Contrapositive Print.pptx
Inverse, Converse and Contrapositive Print.pptx
 
MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING PANANAW.pptx
MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING PANANAW.pptxMGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING PANANAW.pptx
MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING PANANAW.pptx
 
2nd Quarter Reviewer Tungkol sa Dula Filipino 10
2nd Quarter Reviewer Tungkol sa Dula Filipino 102nd Quarter Reviewer Tungkol sa Dula Filipino 10
2nd Quarter Reviewer Tungkol sa Dula Filipino 10
 
Pokus ng Pandiwa (Pinaglalaanan at Kagamitan).pptx
Pokus ng Pandiwa (Pinaglalaanan at Kagamitan).pptxPokus ng Pandiwa (Pinaglalaanan at Kagamitan).pptx
Pokus ng Pandiwa (Pinaglalaanan at Kagamitan).pptx
 
Polynomial Function Mathematics 10 Quiz Quarter 2
Polynomial Function Mathematics 10 Quiz Quarter 2Polynomial Function Mathematics 10 Quiz Quarter 2
Polynomial Function Mathematics 10 Quiz Quarter 2
 
BICONDITIONAL STATEMENTS.pptx
BICONDITIONAL STATEMENTS.pptxBICONDITIONAL STATEMENTS.pptx
BICONDITIONAL STATEMENTS.pptx
 
WRITING PROOFS-Qtr 2.pptx
WRITING PROOFS-Qtr 2.pptxWRITING PROOFS-Qtr 2.pptx
WRITING PROOFS-Qtr 2.pptx
 
Elemento ng Tula.pptx
Elemento ng Tula.pptxElemento ng Tula.pptx
Elemento ng Tula.pptx
 
rene_descartes.ppt
rene_descartes.pptrene_descartes.ppt
rene_descartes.ppt
 
DEBATE.pdf
DEBATE.pdfDEBATE.pdf
DEBATE.pdf
 
Hygiene Kits.pdf
Hygiene Kits.pdfHygiene Kits.pdf
Hygiene Kits.pdf
 
Psychosocial Support.pptx
Psychosocial Support.pptxPsychosocial Support.pptx
Psychosocial Support.pptx
 
TULA.pptx
TULA.pptxTULA.pptx
TULA.pptx
 
Arithmetic Sequence.ppt
Arithmetic Sequence.pptArithmetic Sequence.ppt
Arithmetic Sequence.ppt
 
Group Quiz in Probability Version 2.pptx
Group Quiz in Probability Version 2.pptxGroup Quiz in Probability Version 2.pptx
Group Quiz in Probability Version 2.pptx
 
Linear Equations in Two Variables.pptx
Linear Equations in Two Variables.pptxLinear Equations in Two Variables.pptx
Linear Equations in Two Variables.pptx
 
Prayer
PrayerPrayer
Prayer
 

Kürzlich hochgeladen

Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointbinuaangelica
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaHelenMaeParacale
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfjulliennelopega1
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxmalouevangelio1
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyCindyManual1
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....jeynsilbonza
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanPaul649054
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)SittieAlyannaZacaria1
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptxPresentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptxRayYan950549
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptxHannaLingatong
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxChaRellon
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2OlinadLobatonAiMula
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxjcgabb0521
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byjohnpaulpestada09
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 

Kürzlich hochgeladen (20)

Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptxPresentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 

Anekdota.pptx

  • 1. MULLAH NASSREDIN • Si Mullah Nassreddin ay kilala bilang isang pinaka mahusay na komedyante sa kanilang bansa. Pinaka mahusay siya sa larangan ng pag kukwento ng katatawanan. Ang akdang tungkol sa kanya ay naghahatid ng isang praktikal na kaisipan. • Mababasa mo sa akda kung gaano ka totoo si Mullah. Siya ay isang mang-kukwento ng katatawanan at pinangangatawanan niya ito sa totoong buhay. • Ang akda ay naglalayong magbigay kawilihan at mag-iwan ng aral sa mambabasa ukol sa isang magandang karanasan.
  • 2. TEMA O PAKSA  Ang palaging paksa o tema ng ginagawang anekdota ni Mullah Nassreddin o MND ay tungkol sa pag unawa sa buhay at kaalaman.  Ang paksa ng akda ay patungkol sa isang Iranian na magaling magkwento ng katatawanan at ang pinakaunang gumawa ng anekdota sa Iran.  Makabuluhan ang akda sapagkat ipinapakita sa mga mambabasa hindi lang kung gaano kaganda at kawili- wiling basahin ang anekdota bilang isang panitikan kundi rin ipinakikilala ang pilosopong pagkatao ng naglalahad at napakahusay gumawa ng mga anekdota (Si MND).
  • 3. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA  Minsan, kailangan ng mga anekdotang ganito upang hindi malimutan ang mga taong malaki and naiambag sa mundong ito.  Hindi laging binibigay ang mga sagot ng diretso, minsan kailangan mong pag-isipan at madiskubre and sagot ng sarili mo upang mas lalo mong pahalagahan.  Hindi lahat ng mga sinasabi ay dapat na literal ang pagkakaisip dito, isa lamang itong paraan para mapaisip ka ng mas malalim
  • 4. AKASYA AT KALABASA Ang anekdotang "Akasya o Kalabasa" ay tungkol sa mag- amang si Mang Simon at Iloy. Gusto sana ni Mang Simon na maikling kurso lamang ang kukunin ni Iloy sa haiskul upang madali lang siyang matapos ngunit ipinaliwanag ng punong guro ang tunay na hangarin ng pagugol ng mahabang panahon sa pag-aaral at kung gaano ito kahalaga sa pamamagitan ng dalawang halaman, ang kalabasa at akasya. Ito ang kanyang wika; " Kung nais mong maghalaman ng madali sa loob ng ilang buwan,makapaghalaman po kayo ng kalabasa, ngunit kung kayo ay gugugol ng mahabang panahon upang makapaghalaman kayo ng Akasyang
  • 5. AKASYA AT KALABASA Ang paksa sa anekdotang Akasya o Kalabasa ay ang edukasyon, ang antas ng edukasyon na iyong pipiliin upang ang lumago ang iyong kaalaman at malinang ang iyong pagkatao.
  • 6. AKASYA AT KALABASA Makatotohan, kapana-panabik, may iisang paksa, naisaalng-alang ang kakintalang maiiwan sa isip ng mga mambabasa,payak ang pagbibigay ng pangyayari,may konkretong pangalan at aktibing pandiwa Ang katangian ng akdang “Akasya o Kalabasa” ay nakapagbibigay ng aral. Ito din ay nakapagbibigay ng tamang patnubay o direksyon. At ito ay akdang mayroong malalim na kahulugan. Sapagkat ng makausap ng mag-ama ang punong- guro ito ay nagwika ng mga matalinhagang salita na nakapagbukas ng kanilang isip. At nagbigay ng tamang desisyon kanilang gagawin. Ang akdang “Akasya o Kalabasa’’ ay isang anekdota. Ibigay ang mga katangian ng akda?
  • 7. Mula sa mga Anekdota ni Saadi Persia ni Idries Shah Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Mongheng Mohametano sa kaniyang pag-iisa. Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nagiisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan siya. Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.” Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mahametano! Ang Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang paggalang?” Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.”
  • 8. ANEKDOTA NI SAADI Ang paksa anekdotang Saadi, ay ang mahalagang papel ng isang hari tungo sa kanyang mamayan at ng mamamayan sa kanyang hari. Binibigyang diin dito na ang isang hari o pinuno ay nilikha para sa kagalingan ng kanyang nasasakupan at ang mamamayan naman ay hindi nilikha upang personal na pagsilbihan o paglingkuran ang hari, kundi ang lipunan. Na dapat tayo ang pinagsisilbuhan ng mga lider o pinuno hindi yung tayo ang nagsisilbi, dapat din may paninindigan tayo sa ating sarili at may isang salita.
  • 9.
  • 10. ANEKDOTA • Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao.
  • 11. • isang maikling salaysay na karaniwang naglalarawan ng panlahat na katotohanan o panuntunan o kaya’y isang makatawag-pansing katangian ng isang tao. • pangyayaring maikli, kawili-wili at nakalilibang. Ito’y bahagi ng talambuhay at bilang isang akdang pampanitikan, ito’y mayaman sa guni-guini. Ito’y maaaring totoo o kaya’y bunga ng isip na nagwawakas sa isang katawa-tawang pangyayari. Ito’y nagbibigay- buhay sa matamlay na usapan ng mga tauhan ng kuwento.
  • 12. • Ang anekdota ay isang akdang tuluyan na nglalahad sa kakaiba o kakatwang pangyayari na naganap sa buhay ng isang sikat o tanyag na tao. Ito ay maaaring kata-kata o hango sa totoong buhay. Ang anekdota ay maaaring gamitin sa pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.
  • 13. 1.Dapat maging makatotohanan ang paksa- dapat batay sa tunay na karanasan ang paksa. 2. Dapat maging kapana-panabik. 3. Dapat may isang paksa lamang. 4.Sa pagwawakas ng anekdota, dapat isaalang-alang ang kakintalang maiiwan sa kaiisipan ng mga mambabasa
  • 14. 5.Dapat maging payak ang pagbibigay ng di pangkaraniwang pangyayari. 6. Tuwirang isinusulat ang anekdota. 7. Dapat magtaglay ng mga konkretong pangalan, aktibong pandiwa at ilan lamang ang pang-uri at pang-abay ang mga pangungusap
  • 15. Uri ng Anekdota • Ang anekdotang hango sa tunay na buhay ng isang tao - nagbibigay sa mga mambabasa ng pagkakataong lalong makilala ang pansariling buhay ng taong iyon. • Ang anekdotang hindi hango sa tunay na buhay -madalas na katatawanan ngunit madalas ding may mahalagang tinutukoy.
  • 16. Elemento ng Anekdota 1. Tauhan - Sa anekdota, kailangang ang pangunahing tauhan ay isang kilalang tao. Siya’y maaaring bayani o isang pangkaraniwang taong nakagawa ng di-inaasahang gawain na nagbigay pangalan sa kanya. 2. Tagpuan - Simple at kalimitan ay nagaganap lamang sa isang lugar ang tagpuan sa anekdota. 3. Suliranin - Ang pangunahing tauhan ang madalas na magkaroon ng suliranin sa kuwento. Bago magwakas ang isang akda ay kinakailangang nalutas na ang suliranin.
  • 17. 4. Banghay - Ang banghay sa anekdota ay malinaw at maikli. Bukod dito, ang pinakasentro sa pangyayari ay ang nakaaaliw na bahagi na nakapagbibigay- aliw sa mga mambabasa o tagapakinig. Sa banghay matatagpuan ang panimula, nilalaman, at wakas ng isang anekdota. 5. Tunggalian - Ang anekdota ay nagtataglay ng tunggalian ng tauhan laban sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa at sa kanyang paligid. Ito’y nakapaloob sa banghay. 6. Kasukdulan - Ang kapana-panabik na bahagi sa anekdota ay ang kasukdulan. Kadalasan, sa bahaging ito pa lamang ay natutukoy na ng mga mambabasa ang magiging wakas ng kuwento. Ito’y nakapaloob din sa banghay.
  • 18. 7. Wakas - Sa bahaging ito ay nailalahad ang solusyon sa problema ng pangunahing tauhan. Katulad ng pabula, may aral sa anekdota na sa wakas lamang ng kuwento nailalantad.
  • 19.
  • 20. BUOD • Sa Zamboaga, Nagkakagulo ang mga kasamahan ni Pangulong Quezon. Hinahanap nila si Pangulong Quezon. Hanap dito hanap doon ang kanilang ginagawa. Ngunit wala ang Pangulong Quezon. Samantala, sa isang malaking bato sa pangpang, isang lalaking kakisigan ang matiwasay na nakikipagusap sa isang matandang may hawak na walis. Naghihinaing ang matanda sa lalaking makisig.
  • 21. • Batang bata pa daw nang siya’y magsimulang gampanan ang kanyang tungkulin. Marami daw siyang anak. At hanggang ngayon nagwawalis pa rin siya. Tinatanong niya kung ano ang magagawa sa kanya ng pamahalaan. Dinadaing niya na kulang ang kanyang arawang kita at hirap makatungtong ng paaralan ang kanyang mga anak. Pinapagaan ang pakiramdam ng lalaki ang kausap nitong matandang nawawalan na ng pag-asa.
  • 22. • At pagkatapos nito, bumalik na ang lalaki sa mga kasamahan nito na gulat na gulat nang siya’y matagpuang kausap ng magwawalis. Pagkaraan ng ilang araw , dumating ang gantimpala sa matanda. Tuwang tuwa ito sapagkat tumaas ang kanyang tungkulin at nadagdagan ang kanyang sahod. Hindi alam ng matanda na si Pangulong Quezon na pala ang nakausap niya.
  • 23. 1. Ang anekdota ay kuwentong naglalarawan ng isang kilalang tao. 2. Ang mga pangyayari sa anekdota ay maikli, kawili-wili at nakalilibang. 3. Ang anekdota ay maaaring totoo o kaya’y bungang isip lamang. 4. Ang di pagkaseryoso ng pangyayari ay isang katangian ng anekdota. 5. Ang anekdota ay nagbibigay-buhay sa matamlay na usapan ng mga tauhan. 6. Nagwawakas sa katawa-tawang pangyayari ang anekdota 7. Maaaring ang anekdota ay bahagi ng talambuhay. 8. Ang anekdota ay nagbibigay-aral gaya ng pabula. 9. Dapat isalaysay ang anekdota sa maikling paraan. 10. Dapat iwasan ang maligoy at mabulaklak na salita sa pagsasalaysay ng anekdota. TANDAAN!
  • 24. Gamitin Basahin mo ang mga sumusunod na pamagat at pumili ng isang aangkop sa sariling anekdota na isusulat mo. Isulat ito sa jornal. 1. Buhay-Teen-ager 9. Tao lang Ako 2. Ang Nag-iisang Ako 10. Eh Kasi, Bata 3. Bunga ng Kamusmusan 11. Masarap Palang Mabuhay 4. Nagkamali Ako! 12. Hindi Ko na Uulitin 5. Huwag Mo Akong Hatulan 13. Sige na Nga! 6. Katotohanan o Guniguni? 14. Ako sa Nagbabagong Mundo 7. Masarap na Mapait ang Buhay 15. Wala Akong Pinagsisisihan GAWIN
  • 25. GRAMATIKA AT RETORIKA  Ang pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay.  Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraan ng pagpapahayag.  Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat o epiko, at mga kuwentong bayan ng ninunong mga Pilipino maging sa ibang bansa man. Ang pagpili ng paksa ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng pagsasalaysay. Kailangang ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga ring napapanahon ito at may dalang lugod at kabutihan sa mga mambabasa.
  • 26. Ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa 1. Kawilihan ng Paksa – Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan. 2. Sapat na Kagamitan – Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari. 3. Kakayahang Pansarili – Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan, hilig, at layunin ng manunulat. 4. Tiyak na Panahon o Pook – Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop ng salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay. 5. Kilalanin ang mambabasa – Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniyang pansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa kaniyang mambabasa.
  • 27. ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA 1. Sariling Karanasan – Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay. 2. Narinig o napakinggan sa iba – Maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa. Subalit, tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna ang katotohanan bago isulat. 3. Napanood – Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba pa. 4. Likhang-isip – Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha ng isang salaysay. 5. Panaginip o Pangarap – Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay. 6. Nabasa – Mula sa anumang tekstong nabasa kailangangang ganap na nauunawaan ang mga pangyayari.
  • 28. MGA URI NG PAGSASALAYSAY 1. Maikling Kuwento – Nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabas sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan. 2. Tulang Pasalaysay – Patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga saknong. 3. Dulang Pandulaan – Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kuwentong ito ay isinulat upang itanghal. 4. Nobela – Nahati sa mga kabanata; punong-puno ng mga masalimuot na pangyayari. 5. Anekdota – Pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari 6. Alamat – Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid. 7. Talambuhay – “Tala ng buhay” ng isang tao, pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao mula sa kanyang wakas. 8. Kasaysayan – Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao, pook o bansa. 9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) – Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.