2. Pamilya muna
• Kailangan mong pahalagahan ang pamilya
• Utang na loob muna sa pamilya, lalo na sa mga nag-alaga
sa’yo, ang dapat na umiral habang lumalaki ka at lalo’t higit
kapag ikaw ay may trabaho na
• Habang lumalaki ang tao sa ika-20 at 21 siglo, mas
mahalaga ang pag-aaral kaysa sa ibang bagay lalo na kung
ito ay libre
• Kapag ikaw ay lumaki na at nakatapos na ng pag-aaral, ang
dapat mong pahalagahan ay ang pagtatrabaho at pagbuhay
sa pamilya mo at pinagkakautangang loob
• Mas mahalaga sa isang tao ang sakripisyo upang
makatulong muna sa pamilya kaysa ang iisipin ng ibang tao
sa kanya
3. Pamilya muna
• Sa buhay ng tao, sa iyong pamilya ka unang natututo
• Ang pamilya ang nagsisilbing gabay kung ano ang tama
at mali, ano ang dapat at hindi at ano ang katanggap
tanggap sa pampubliko at pribadong buhay
• Ang pamilya ang nagiging sandigan at sandalan ng tao
sa kanyang paglaki
• Ang pamumuhay kasama ang pamilya ay isang
pangmatagalang pagsasama kung saan ang bawat isa
ay may dapat na gampanang papel upang ang isang
buong tahanan ay tumagal at lumago
4. Pamilya muna
• Ang ama ang haligi ng tahanan na umaagapay sa lahat ng
anak, maging sa ina, kung paano itataguyod ang pamilya.
Kung sakaling walang ama ang isang tahanan, ang ina, lolo,
lola o nakatatandang kapatid ang dapat na maging otoridad
ng isang pamilya
• Ang haligi o puno ng tahanan ang nagsisilbing huwaran at
gabay ng pamilya. Siya ang magsasabi kung ano ang mga
dapat na isa-prayoridad ng pamilya lalo na sa mga gastusin
ng tahanan at mga nais nitong gawin habang ang pamilya
ay lumalago o nabubuhay
• Sa isang pamilya, ang utos ng haligi o puno ng tahanan, lalo
na kung ito ay batay sa mga utos ng Diyos at simbahan, ay
dapat na masunod at walang sinuman ang dapat na
sumuway lalo na ang mga anak
5. Pamilya muna
• Sa isang pamilya na mayroong isang ama, ang tatay ang
magiging huwes ng tama at maling gawi ng mga anak
• Kailangan ng ama, bilang isang puno ng isang pamilya,
ang gabay ng isa pang higit na nakatataas sa kanya –
ang mga tagapag-taguyod ng batas ng lipunan at
kaluluwa – ang gobyerno at simbahan
• Ang ama ay kailangang patuloy na nakikihalubilo sa
mga ibang tao upang matuto pa kung paano ang tama
o wastong pagpapamilya at pagtatrabaho
• Ang ama ang magiging taga-desisyon kung saan at
paano gagastahin ang ipon ng pamilya
6. Pamilya muna
• Sa desisyon ng isang ama, ang mga anak ay mag-aaral
ng batay lamang sa kung ano ang praktikal na paraan
upang mas madaling makapag-trabaho. Kung sakaling
iba man ang gustong maging kurso ng anak, sisikapin
dapat ng ama na ipaintindi sa anak ang kanilang
sitwasyon at kukuha siya ng lahat ng taong dapat
kumausap sa anak kung ano lamang ang dapat niyang
kuning kurso, ayon na rin sa kanilang kakayahang
pampinansiyal
• Ang ama ay dapat na maparaan sa mga bagay-bagay at
kayang kontrolin ang kanyang asawa sa kung ano ang
magandang gawin para sa mga anak
7. Pamilya muna
• Higit sa barkada, ang pamilya lalo na ang mga
magulang and dapat na masusunod kung ano ang
makabubuti sa mga anak
• Tungkulin ng ama, kasama ng ina, na ipaalala sa mga
anak ng paulit ulit na ang layunin ng pamilya ay maging
buo ito at mas tumagal pa, kung hindi man lumago o
yumaman
• Kung sakaling napariwara na ang mga anak dahil sa
barkada, tungkulin ng ama, kasama ng ina, lolo, lola at
nakatatandang mga kapatid na nakakaintindi, na
gamitin lahat ng taktika o paraan upang ang bata ay
magbalik-loob sa nanay at tatay at sundin ang kalooban
ng lahat ng miyembro ng pamilya
8. Pamilya muna
• Sa buhay ng pamilya at lahat ng miyembro nito,
kailangang iwasan ang mga bagay na magdudulot ng
sakit, pighati o kamatayan
• Kailangang matutunan ng lahat ng miyembro ng
pamilya na ang mga bagay na nasa loob at labas ng
kanilang tahanan ay maaaring mawala kung sila ay
magkakawatak-watak
• Ang pagiging Kristiyano ng mga miyembro ng pamilya
ay kailangang mapahalagahan
• Ang pamilya ay dapat na buo lalo na sa paniniwala sa
Diyos at kung maaari ay iisang relihiyon lang dapat ang
kinaaaniban
9. Pamilya muna
• Sa mga panahong wala ng inspirasyon ang pamilya sa
pagtatagumpay nito, dapat na isipin ng mga magulang
na ang pangunahing layunin ng pamilya ay mabuhay ng
mas matagal kumpara sa iba
• Kung maaari ay gawing halimbawa ang ibang pamilya
sa paglago ng sariling pamilya
• Ang mga kaaway ng pamilya, kung mayroon man, ay
magsisilbi namang dahilan upang higit pang
magsumikap ang lahat ng miyembro nang sa gayon ay
hindi sila matalo sa labanan at hindi maangkin ang
kanilang mga yaman o ari-arian
10. Pamilya muna
• Ang ina ang magsisilbing ilaw ng tahanan
• Sa pagiging isang ina, mas mahalaga sa pamilya ang
pagiging praktikal na nanay lalo na kung kakaunti
lamang ang badyet
• Ang pagkakaroon ng anak ay isang praktikal na layunin
na kailangan upang magkaroon ng gagabay sa magasawa kung sakaling sila ay tumanda na. Isa rin itong
emosyonal na katuparan ng pagiging babae at lalaki
kung saan ang inyong seksuwal na pagkakaugnay bilang
babae at lalaki na mag-asawa ay nagiging buo at
makabuluhan
11. Pamilya muna
• Sa konteksto ng pagkakapasa ng RH o Reproductive
Health Bill, ang pagkakaroon ng anak ay dapat na
nakabatay sa sosyo-ekonomikal na kakayahan ng mga
magulang. Ang pagkakaroon ng mga anak ay magiging
desisyon ng mga magulang lalo na ng nanay na
magdadala ng mga ito at mag-aalaga sa bahay
• Sa isang ideyal na pamilya, ang ina ang dapat na
masusunod sa kung ano ang kakainin at iinumin ng
mga anak batay sa mga umiiral na pamantayan ng
pamahalaan at ng lipunan
• Ang ina ay dapat na nagpapasuso ng anak at walang
bisyo na maaaring makasira sa anak lalo na habang siya
ay nasa sinapupunan pa lamang
12. Pamilya muna
• Ang nanay ay kailangang patuloy na makihalubilo
sa mga kapwa niya nanay upang mas marami pa
siyang matutunan sa pag-aalaga at pagpapalaki
ng mga anak
• Anumang bisyo na makasasama sa pamilya ay
dapat na iwasan kapwa ng ina at ama habang
maliliit pa ang kanilang mga anak
• Sa pagpapaaral ng mga anak, kailangang
mayroong tumutulong sa bata na maintindihan
ang kanyang mga leksiyon tuwing gabi o kaya ay
weekend
13. Pamilya muna
• Ang pagkakaroon ng weekend at holidays ay dapat na
samantalahin ng mga magulang lalo na kapag ang mga
anak ay wala ng ibang magawa sa bahay
• Sa isang mahirap na pamilya, higit na mas mahalaga
ang pagsasama-sama ng pamilya lalo na kapag walang
pasok ang mga bata
• Sa tuwing may kaarawan na kailangang ipagdiwang,
kailangan na nariyan ang mga magulang lalo na kapag
kakain na. Di bale kung wala mang handa, basta may
mapagsasaluhan at buo ang pamilya
14. Pamilya muna
• Ang mga magulang ang magiging tulay ng mga anak sa
labas na mundo. Sila ang magtuturo ng tamang asal sa
kanilang pakikihalubilo sa iba pang mga tao lalo na sa mga
kamag-anak
• Maliban sa mga itinuturo sa paaralan, ang mga magulang
ay dapat na nagsisilbi ring guro ng mga anak sa kung paano
ang tama at wastong pakikipag-kapwa-tao at pagpapakatao
• Kapag may mga reunion ang mga magkakamag-anak,
kailangang samantalahin ito ng mga magulang upang
maipakilala ang kanilang mga anak at makilala nila ang iba
pang mga kamag-anak
• Ang pakikitungo sa mga kamag-anak ang magsisilbing daan
ng mga bata upang matuto pa silang makisalamuha sa
ibang tao
15. Pamilya muna
• Ang mga anak ay nagsisilbing ekstensyon ng mga
magulang. Sila ang sumasalamin sa katauhan ng
kanilang mga magulang. Ika nga, kung ano ang puno,
siya rin dapat ang bunga. Kailangang sikapin ng isang
huwarang mag-asawa na maging mabuti ang gawi ng
kanilang mga anak
• Ang mga bata ay dapat na matuto kung paano maging
katulad ng kanilang mga magulang. Sila ay dapat na
magpakita rin ng tama at wastong pakikipagkapwa-tao
at pakikisama sa iba
• Ang mga anak ang magpapatuloy ng nasimulan ng mga
magulang
16. Pamilya muna
• Sa pagpapalaki ng mga anak, anumang natutunan ng
mga bata ay dapat na igalang ng mga magulang at
sikaping iwasto ang anumang mga mali na kanilang
nakukuha sa labas ng tahanan. Tandaan, ang layunin ng
isang pamilya ay maging buo ito at mabuhay nang mas
matagal ang lahat ng miyembro
• Sa lahat ng pagkakataon, lagi dapat na isipin ng anak
ang kapakanan ng buong pamilya, lalo na ng kanilang
mga magulang
• Ang pagiging isang anak ay nangangahulugan ng
pagiging isang bunga ng paghihirap at pagsisikap ng
mga magulang
17. Pamilya muna
• Ang pagiging anak ay nagsisimula sa pananaw
kung nasaan ka sa isang pamilya at kung
paano ka dapat matuto sa iyong mga
magulang. Ang awiting “Anak” ni Ka Freddie
Aguilar at ang “Batang-Bata Ka Pa” ng Apo
Hiking Society ay mga magagandang gabay sa
pagiging isang anak
18. Pamilya muna
• Sa pagiging isang anak, dapat na alam mo kung para
saan ang iyong mga ginagawa. Isipin lagi na ikaw ay
repleksiyon ng iyong mga magulang. Kung maaari ay
dapat na umayon ka sa kung ano ang reputasyon at
karakter ng iyong mga magulang lalo na kung sila ay
mabubuting mga tao
• Sa pagkakaroon ng mga anak, mahalaga na ang
pangalan nila ay alinsunod sa mabubuting tao sa
kasaysayan. Maaaring pangalanan sila sunod sa
pangalan ng mga santo at santa o kaya mga bayani at
huwarang mga tao dito man o sa labas ng bansa. Diba
may mga tao na pinangalanan base sa Bibliya? Ito ay
upang sila ay sumunod sa yapak ng mga nasa Bibliyang
ito
19. Pamilya muna
• Ang mga anak ay dapat na mapag-sikapang
mapagtapos ng pag-aaral sapagkat sa pagaaral, may yaman silang mamanahin. Sa pagaaral, matututo sila sa buhay at magkakaroon
ng hangaring mas mapakaganda pa ang
kanilang katayuan sa buhay.
• Madalas sa mga nagtatrabaho ngayon sa mga
magagandang kumpanya ay produkto ng
mahusay na pag-aaral at paaralan
20. Pamilya muna
• Ang edukasyon ay isang napaka-halagang
bagay na dapay ay pinahahalagahan ng isang
mabuting anak
• Ang pagkakaroon ng magandang edukasyon ay
isa ring paraan upang hindi basta-bastang
apihin ang pamilya lalo na ang mga anak
• Ang mga taong may magandang edukasyon ay
bibihira ring hamakin ng mga kamag-anak na
nakapagtapos
21. Pamilya muna
• Sa pag-aaral, lagi dapat nating isipin na ang
tunguhin natin bilang mga anak ay ang
pagkakaroon ng ating mga magulang ng
maipagmamalaki. Sikapin dapat ng ating mga
anak na sila ay maging kapuri-puri sa paningin
ng ibang tao. Lagi nating tandaan, nabubuhay
ang pamilya para sa lahat ng miyembro nito at
dapat na maging mas matagal ang buhay ng
lahat ng miyembro kung maaari
22. Pamilya muna
• Sa pagkakaroon ng kaaway ng pamilya, maaari itong
gamitin upang higit pang maging buo at matibay ang
pamilya. Lagi dapat nating isipin na anumang oras ay
matatalo tayo ng ating mga kaaway kung kaya ay dapat
na matuto tayong makipag-kompetensiya sa kanila
• Sinumang mga tao na gustong sirain ang imahe at
katiwasayan ng ating pamilya ay maituturing nating
kaaway. Sa mga magulang, magagamit natin ang ating
mga kaaway upang pagsabihan ang ating mga anak na
dapat pa silang maging mas magaling upang hindi
matalo ng mga kaaway ang pamilya
23. Pamilya muna
• Sa sinumang pamilya na naniniwala sa family planning at
talagang hindi pa kayang magpalaki ng mga anak lalo na
kung sila ay higit sa isa, dapat na isipin na ang gastos ay
maaaring magpabagsak sa pamilya. Panatilihin dapat ng
pamilya ang tamang bilang o dami ng mga anak na kaya
lamang tustusan. Sa panahon ngayon, iba na ang praktikal
• Sa ekonomikong pag-aaral ng pagpapamilya, anumang
makaaapekto sa negatibong pamamaraan sa kakayanan ng
mga magulang upang tustusan ang mga pangangailangan
ng mga anak ay “masama” o hindi makabubuti sa buong
mag-anak. Samakatuwid, kung ang buong mag-anak ay
hindi na wasto ang paggastos, dapat itong maitama at
humingi na ng tulong sa mga eksperto sa pananalapi