BALITAAN
Ano ang mga maiinit na balita na inyong napanood sa telebisyon, narinig sa radyo o nabasa sa dyaryo at
maging sa Facebook?
May ilan sa mga ito ang marahil ay nakasentro sa mga sumusunod:
1. Implasyon o pagtaas ng presyo ng mga bilihin
2. Kalagayan ng ekonomiya
3. Mga pangunahing lakad o aktibidad ng pangulo
4. Viral videos and personalities
5. Showbiz
PAGBABALIK-ARAL
AVERAGE LEARNERS
1. Ano ang dalawang panukat sa
pambansang kita? Ibigay ang kanilang
kahulugan.
ADVANCED LEARNERS
1. Sabihin ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng GNI at GDP.
GDP GNI
GDP
GNI
PAGBABALIK-ARAL
•Natutuhan natin na ang dalawang panukat sa pagsulong ng eknomiya ay ang
GDP at GNP.
•Ang GDP ay Gross Domestic Product na sinusukat ang kabuuang kita ng mga
mamamayan ng bansa sa loob nito sa buong taon o kwarter.
•Samantala ang GNI/GNP ay kabuuang produkto sa buong taon ng mamamayang
Pilipino at dayuhan sa loob at labas ng Pilipinas.
MGA KATANUNGAN:
1. Anu-ano ang mga nabuong konsepto sa word
puzzle?
2. May kaugnayan ba ang mga ito sa buhay ng tao?
3. Bakit mo nasabi ang mga ito?
PAGHAHABI SA LAYUNIN
•Narinig mo na ba ang magulang mong nag-dialogue
nang ganito:
•“Saka ko na ibibigay yung hinihingi mo pagdating ng
sweldo” o kaya’y “tiis-tiis muna wala pang pera ang
tatay niyo, sa makalawa pa ang sweldo.”
PAGHAHABI SA LAYUNIN
•Ano kaya ang ibig ipahiwatig nito?
•Ibig lamang sabihin nito na sakto lamang ang kita ng magulang ninyo sa pang
araw-araw na pangangailangan. Samakatwid, wala kayong ipon! Madalas, iisa
lang ang napupuntahan ng kita ng isang tao, ang pagkonsumo. Hindi natin
alintana na maliban sa pagkonsumo mayroon pang isang bagay na maaari
nating gawin sa ating kita na higit na kapaki-pakinabang, ito ay ang pag-iimpok.
Ang layunin ng ating gawain ngayong araw ay ang mga sumusunod:
MGA LAYUNIN
Inaasahang ang mga mag-aaral ay:
1. Natatalakay ang ugnayan ng kita, pagkonsumo at
pag-iimpok;
2. Nasusuri ang nakapaloob sa seven (7) Habits of a
Wise Saver; at
3. Natataya ang kahalagahan ng tamang pagbabadyet
at pag-iimpok.
PAGPAPAKITA NG BIDYO
Pagpapakita ng “video presentation:” “Ipon-Ipon Din: A Savings Video (W/ English Subtitles)”
Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=diuslre8gq
PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA
Suriin natin ang graph kaugnay ng mga salitang hinulaan mula sa naunang gawain. Ano ang
inyong masasabi ukol sa graph na ito?
I
P
O
N
K
U
R
Y
E
N
T
E
T
U
B
I
G
P
A
G
K
A
I
N
MGA PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang ipinapahiwatig ng grap?
2. Bakit mahalaga ang pag-iimpok?
3. Sadya nga bang mahirap ang mag-
impok dahil maliit ang kita?
4. Saan dapat inilalagak ang pera o
savings ? Bakit?
I
P
O
N
K
U
R
Y
E
N
T
E
T
U
B
I
G
P
A
G
K
A
I
N
MGA KASAGUTAN
1. Makikita natin sa grap na ang ipon
ay ginugugulan madalas ng maliit na
halaga ng mga pamilya. Samantalang
mas malaki ang gastos na inilalaan sa
mga pangunahing pangangailangan
tulad ng kuryente, tubig at pagkain.
I
P
O
N
K
U
R
Y
E
N
T
E
T
U
B
I
G
P
A
G
K
A
I
N
MGA KASAGUTAN
2. Mahalaga na may naimpok na pera
ang pamilya sapagkat ang halagang ito
ang maaaring igugol sa mga
kagustuhan o luxury at maging sa mga
hindi inaasahang pangyayari o gastos
(emergency fund) tulad halimbawa ng
sakuna o pagkakasakit.
I
P
O
N
K
U
R
Y
E
N
T
E
T
U
B
I
G
P
A
G
K
A
I
N
MGA KASAGUTAN
3. Sadyang mahirap talaga ang pag-iimpok kapag
huli nang naitatabi ang perang dapat impukin. Sa
katunayan, dapat nauuna ang pagtatabi ng perang
iniipon galing sa kita sa hanapbuhay, trabaho o
negosyo bago pa gumastos para sa mga
pangangailangan o kagustuhan. Kahit pa maliit
ang kita, kung nakasanayan na ang pag-iimpok ay
magkakaroon talaga ng sapat na ipon.
I
P
O
N
K
U
R
Y
E
N
T
E
T
U
B
I
G
P
A
G
K
A
I
N
MGA KASAGUTAN
4. Sa bangko at sa iba pang financial intermediaries, tulad ng
mga kooperatiba, mutual funds, Modified Pag-Ibig Savings 2
(MP2), tayo dapat mag-ipon dahil ito lamang ang mga
institusyon na may sapat na kakayahan para pangalagaan at
palaguin ang ating pera sa pamamagitan ng tubo, interes at
dibidendo. Kung itatago natin ito sa bahay o alkansiya, hindi
ito lalago. Maaari pa itong makadagdag sa implasyon at
magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng salapi sa
pamilihan. Subalit kung nasa financial intermediaries, ito ay
babalik sa pamilihan.
I
P
O
N
K
U
R
Y
E
N
T
E
T
U
B
I
G
P
A
G
K
A
I
N
PAGTALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT
PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN #1
Paano tayo magiging matalino sa pag-iimpok?
Magkakaroon tayo ng pangkatang gawain. Hahatiin kayo sa
__________ pangkat. May tekstong ibibigay sa bawat pangkat.
Ngayon, susuriin ninyo kung papaano makatutulong ang Habits of a
Wise Saver at ipaliliwanag ng kinatawan ng bawat pangkat gamit ang
graphic organizer ang inyong mga kasagutan.
RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN
Pamantayan
5
Napakagaling
4
Magaling
3
Medyo Magaling
1
Kailangan ng pag-
unlad
Kabuuan
Mga Sagot X2
Lahat ng mga sagot
ay tama
May isang (1) mali
May dalawang (2)
mali
May tatlo (3) o higit
pang mali
Ang Pagkakasulat X2
Malinis at walang
bura ang kanilang
ginawa
Malinis ngunit may
isa (1) hanggang
tatlong (3) bura ang
kanilang ginawa
Malinis ngunit may
apat (4) hanggang
anim (6) na bura
ang kanilang
ginawa
May pito (7) o higit
pang bura ang
kanilang ginawa
Pag-uulat X2
Naiulat ang lahat ng
mga mahahalagang
detalye
Halos lahat ng mga
mahahalagang
detalye ang naiulat
Kaunti lang sa mga
mahahalagang
detalye ang naiulat
Hindi naiulat ang
lahat ng mga
mahahalagang
detalye
Kabuuan
RUBRIKS SA PAGSAGOT SA PAGTATAYA
Pamantayan
5
Napakagaling
4
Magaling
3
Medyo Magaling
1
Kailangan ng pag-
unlad
Kabuuan
Nilalaman
Kumpleto at wasto ang
lahat ng detalyeng
nakasaad sa ulat
Wasto ang mga
detalyeng nakasaad
sa ulat
May ilang detalye na
hindi dapat isama sa
ulat
Maraming
kakulangan sa
nilalaman ng ulat
Presentasyon
Organisado at sinuring
mabuti ang
pagkakasunod-sunod
ng mga ideya o
kaisipan
Maayos ang
pagkakalahad ng mga
detalye
Hindi gaanong
maayos ang nailahad
na ulat
Hindi gaanong
maunawaan ang
nilalaman ng ulat
Wastong Baybay
at Bantas
Tama ang
pagkakabaybay at
paggamit ng mga
bantas
Tama ang baybay
ngunit may ilan na
hindi nagamit nang
wasto ang mga
bantas
Tama ang mga bantas
ngunit may ilang
kamalian sa baybay
Hindi wasto ang
baybay at gamit ng
mga bantas
Kabuuan
SEVEN (7)
HABITS OF A
WISE
SAVER:
7 Habits of a Wise Saver Kahalagahan
1
2
3
4
5
6
7
SEVEN (7)
HABITS OF
A WISE
SAVER:
7 Habits of a Wise Saver Kahalagahan
1 Kilalanin ang iyong bangko
2 Alamin ang produkto ng iyong bangko
3 Alamin ang mga serbisyo at mga bayarin
sa iyong bangko
4 Ingatan ang iyong bank records at
siguraduhing up-to-date
5 Makipagtransaksyon lamang sa loob ng
bangko at awtorisadong tauhan nito
6 Alamin ang tungkol sa PDIC deposit
insurance
7 Maging maingat!
PAGLALAHAD NG BAGONG KONSEPTO AT
PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN #2
Pagsusuri at bukas na talakayan tungkol sa Habits of a Wise
Saver
1. Bakit kailangan nating kilalanin ang ating bangko?
2. Kailangan bang malaman ang nilalaman ng kontrata mo sa
bangko?
3. Ano ang ibig sabihin ng confidentiality at ATM?
4. Ano ang ginagampanang papel ng PDIC, SEC, at BSP?
PAGLINANG SA
KABIHASAAN (TUNGO SA
FORMATIVE
ASSESSMENT) #3
Ngayon lalo pa
nating linangin ang
ating nalaman sa
mga tinalakay. Punan
ng impormasyon ang
talahanayan:
PERA
Ano ang Pera?
KITA
Saan nanggagaling ang kita?
PAGKONSUMO
Ano ang pagkonsumo?
PAG-IIMPOK
Paano tayo nag-iimpok?
FINANCIAL INTERMEDIARIES
Ano ang papel ng Financial
Intermediaries?
PDIC
Ano ang tungkulin ng PDIC?
INTEREST
Paano tumatanggap ng interes
ang nag-iimpok?
PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG ARAW-
ARAW NA BUHAY
Alin ang angkop o nararapat na pormula sa pag-iimpok?
Pangatwiranan ang iyong napili.
Pormula 1
Income – Expenses =
Savings
Pormula 2
Income – Savings =
Expenses
PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG ARAW-
ARAW NA BUHAY
1. Ilan sa inyo ang nag-iimpok? Maaari bang itaas ang kanang kamay? Ngayon,
ilang bahagdan o porsiyento sa inyo ang nag-iimpok? Ilang posiyento rin ba ang
inyong naiimpok mula sa inyong kita o baon kada buwan? Paano ka nag-iimpok at
bakit? (INTEGRATION: M5ns-llla-140 – week 1 and 2 – solves routine and non-
routine problems involving percentage using appropriate strategies and tools;
m6ns-llc-142 – week 3 – finds the percentage or rate or percent in a given
problem)
PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG ARAW-
ARAW NA BUHAY
2. Anu-ano ang mga bagay na pinahahalagahan ng isang taong nag-
iimpok dahil sa hanapbuhay o maging sa pagnenegosyo? Paano mo
isinasabuhay ang mga ito? (INTEGRATION: Esp9kp-llle-12.1/1.2 – week 5
– natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa
paggawa, nagtitipid at pinamamahalaan ang naimpok)
PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG ARAW-
ARAW NA BUHAY
3. Ano ang mga bagay na nagawa mo na ukol sa pagbabadyet ng iyong sariling kita at
gastusin, lalo na kung ikaw ay may hanapbuhay, trabaho o negosyong ginagawa? Paano
ka nagbabadyet? (INTEGRATION: TLE7/TLE8 week 2 – use calculations involving fractions,
percentage, and mixed numbers to complete workplace tasks; CS_ICT11/12-ictpt-llm-p18
– weeks 2-4 savings and financial literacy drives; abm_bf12-ivo-p-27 – week 3-4 –
illustrate the money management cycle and give examples of sound practices in earning,
spending, saving, and investing money; tle6he-0b-3 – week 1 – allocates budget for basic
and social need and savings/emergency budget such as health, house repair)
PAGLALAHAT NG ARALIN
Kumpletuhin ang concept
map ng mga salita na
nagpapahiwatig sa
kahalagahan ng pag-iimpok.
Isang salita lamang sa
bawat bilog.
Pag-
iimpok
PAGTATAYA NG ARALIN
Tukuyin kung ang mga
sumusunod na pangungusap ay
TAMA o MALI. Ipaliwanag ang
sagot at sabihin kung PAANO ang
proseso upang ang bawat aytem
ay magiging tama sa paningin
ng nakararami.
1. Ang perang naimpok sa bangko ay
kumikita ng interes.
2. Kapag nagsara ang bangko, ang
perang naimpok ay hindi na makukuha.
3. Ang gastos ng tao ay dapat nakabatay
sa matalinong pagdedesisyon sa
kaniyang kita.
4. Mahalaga ang may ipon para may
magagamit kung kinakailangan.
5. Hindi masama ang pagiging impulse
buyer dahil nasusunod mo ang uso at
gusto mo.
TAKDANG-ARALIN
1. Tanungin ang mga magulang o tagapag-gabay ukol sa badyet ng
inyong pamilya.
2. Gumawa ng chart ng badyet ng inyong pamilya na nagpapakita ng
mga nakalaang pondo o pera sa bawat aytem na kanilang babanggitin.
Halimbawa: pagkain, tubig, tirahan, mga kasuotan o damit, pamasahe,
kuryente, LPG o panggatong, mga espesyal na bayarin, mga
kagustuhan o luxury items, ipong pera, mga gamot at bayarin sa
ospital, mga kagamitan sa pag-aaral, atbp.
MGA SANGGUNIAN
1. BE-LCP most essential learning competencies (melcs) pahina 54
2. Ekonomiks, araling panlipunan modyul para sa mag-aaral, pahina 259-268
3. Gawaing Pagkatuto Bilang 6, Pag-iimpok at Pamumuhunan
4. Ekonomiks, araling panlipunan modyul para sa mag-aaral, (bagong edisyon), pahina 287-
301
5. LRMDS sample daily lesson log - ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok at
pagkonsumo
6. LRMDS teacher’s guide o gabay sa pagtuturo yunit 3 - ugnayan ng pangkalahatang kita,
pag-iimpok at pagkonsumo
7. Prototype and contextualized daily lesson plan (dlps) araling panlipunan 9 (ikatlong
markahan), pahina 23-27
Hinweis der Redaktion
Isang mapagpalaya at magandang hapon mga bata. Handa na ba kayo para sa ating talakayan sa araw na ito? Kung gayon, maging bagay tayo sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng paglilinis sa ating paligid upang maging kaaya-aya ang ating silid-aralan.
Bago ang lahat, atin munang ilagay ang ating mga sarili sa presensya ng Panginoon at sabay-sabay na manalangin sa pamamagitan ng pangunahing panalangin na itinuro sa atin ng ating Panginoong Hesus.
Sa puntong ito ay titingnan natin kung may liban ba sa ating klase. Meron ba? Kung wala naman ay magpatuloy na tayo sa ating aralin sa araw na ito. Balitaan muna tayo. Magaling! Tatlong bagsak!
Para sa pagbabalik-aral, hahatiin ko kayo sa dalawang uri, ang average learners at advanced learners. Bale, dalawa lang sa ngayon. Pero sa nakasanayan talaga ay mayroong tatlong klasipikasyon: ang mga ito ay ang slow learners, average learners at fast o advanced learners. So, simple lamang, ang gustong sagutan ang tanong para sa average learners, yon lang ang sasagot at sasagutan ninyo. Samantalang ang maiibigan naman ang para sa advanced learners, yon ang sasagutan ninyo.
Ang GNI nga o sa ibang termino ay GNP o Gross National Product ay tumutukoy sa Gross National Income.
Ang kaibahan ng dalawa ay nakasentro sa kung saan ginagawa ang mga produkto, kung sa loob lamang ng Pilipinas o sa labas.
Sa ngayon ay magkakaroon tayo ng isang gawain para sa ating pagganyak. Suriin ninyo ang mga larawan na ibabahagi ko at sagutan ang word puzzle na kasunod ng bawat larawan. Para sa unang larawan. Ano kaya ito? Monggo? Magaling! Mayroon kang cloud-9. Bigyan ng jacket yan! Joke lang. Hehehe.
Sa ikalawang larawan. PiggyOink? PiggyBank? Ano kaya? Magaling! Bigyan ng cloud-9!
Sa ikatlong larawan. Ano kaya ito? So Pare, Pari? Magaling! Bigyan ng Cloud-9! Sa ikaapat na larawan, ano kaya ito? Pagpasmo? Pagkonsumo. Magaling! Bigyan ng cloud-9 yan!
Sa ngayon ay magkakaroon tayo ng isang gawain para sa ating pagganyak. Suriin ninyo ang mga larawan na ibabahagi ko at sagutan ang word puzzle na kasunod ng bawat larawan. Para sa unang larawan. Ano kaya ito? Monggo? Magaling! Mayroon kang cloud-9. Bigyan ng jacket yan! Joke lang. Hehehe.
Sa ikalawang larawan. PiggyOink? PiggyBank? Ano kaya? Magaling! Bigyan ng cloud-9!
Sa ikatlong larawan. Ano kaya ito? So Pare, Pari? Magaling! Bigyan ng Cloud-9! Sa ikaapat na larawan, ano kaya ito? Pagpasmo? Pagkonsumo. Magaling! Bigyan ng cloud-9 yan!
May apat na konsepto na nabuo. Malapit nga ang mga ito sa ating sarili at mga buhay-buhay. Ang pagiging manggagawa ay ang ating mga pinagkukunan ng kita o bread and butter. Lahat tayo ay mga manggagawa sa iba’t ibang paraan. Maging mga housewife o nanay ay itinuturing na ngayon na mga manggagawa sa tahanan. May mga panukala pa nga na bigyan sila ng suweldo. Ang pag-iimpok ay bahagi ng ating badyet sa bawat tahanan. Ang pera ay mahalaga sa atin. Sabi pa nga buti pa ang pera may tao pero ang tao, walang pera. Tama.hehe. At ang ikaapat ay pagkonsumo. Lahat tayo ay kumukunsumo. Hindi ito mawawala sa atin. Kung ang gobyerno nga ay kumukunsumo, tayo pa kaya? Kung may mga bagay na hindi mawawala sa mundo, yan ay ang tatlong bagay na kinapapalooban ng pagbabago, pagbubuwis at pagkonsumo.
Baguhin ang boses.
Hintayin munang sumagot ang mga mag-aaral. Elaborate.
May tanong ba ukol sa mga layuning nabanggit?
Magtanong ukol sa video. Ano ang napansin ninyo? Ano ang binibigyang-diin sa video na inyong napanood? Tama ba ang mga nakasaad sa video? Bakit?
Tingnang mabuti ang graph. Ano ang napapansin niyo?
Mayroon din ba kayong badyet? Ako, meron. iSaveMoney Application o App. Sa Dimasalang, may isang teacher na nagbahagi sa isa naming Financial Literacy Seminar na meron siyang mahiwagang mga sobre. Ipaliwanag. Ipon ang pinakamadalas na maliit ang laman. Bakit?
Dito ay makikita natin ang integrasyon ng leksiyon sa Mathematics at TLE.
Tingnan uli nang mabuti ang graph. Sagutin natin ang mga katanungan. Hintayin ang mga sagot ng mga mag-aaral.
Elaborate.
Elaborate.
Elaborate.
Elaborate. Tell about automated savings account and salary in bank.
Gaya ng nabanggit na, magbibigay ako ng mga teksto na naglalaman ng mga suliranin o problema ukol sa pag-iimpok lalo na sa bangko. Susulat kayo ng mga sitwasyon kung saan reresolbahin ninyo ang bawat problema sa pamamagitan ng pitong pag-uugali ng wais na mag-iimpok o 7 habits of a wise saver. Samakatwid, tanging ang mga item lamang sa pitong nabanggit na may kinalaman o mag-aapply sa inyong nakuhang teksto ang inyong isusulat o ilalapat sa inyong graphic organizer. Malinaw ba?
Mayroong limang grupo. Bawat grupo ay may nakatalagang pangalan. Aalamin natin yan maya maya lamang.
Mayroon akong tinatawag na magic mirror. Random na lalabas ang mga mukha ng mga taong bubuo sa bawat pangkat. Ang unang imahe o mukhang lalabas ang magiging lider ng pangkat. Ok? Exciting diba?Hehe.
Narito ang rubriks. So hahayaan ko kayo na i-rate ang inyong kapwa estudyante.
Bigyan natin ng mga papremyo ang mga nanguna sa klase!
Ano kaya ang ibig sabihin ng Sipnayan? Anong salita ito? Isa ito sa mga malalalim na salitang Tagalog o Filipino. So dito pa lamang ay may integrasyon na tayo sa asignaturang Pilipino.
Ang ibig sabihin ng Sipnayan ay Mathematics. Hindi matematika sa Tagalog kundi Sipnayan.
Ano kaya ang ibig sabihin ng Sipnayan? Anong salita ito? Isa ito sa mga malalalim na salitang Tagalog o Filipino. So dito pa lamang ay may integrasyon na tayo sa asignaturang Pilipino.
Ang ibig sabihin ng Sipnayan ay Mathematics. Hindi matematika sa Tagalog kundi Sipnayan.
Pulot-gata. Honeymoon. Wow. Sino kaya ang mga miyembro.
Pulot-gata. Honeymoon. Wow. Sino kaya ang mga miyembro.
Karumata. Sino ang makakahula ng ibig sabihin nito?
Kalesa o Karuwahe.
Karumata. Sino ang makakahula ng ibig sabihin nito?
Kalesa o Karuwahe.
Batlag – Sino ang makahuhula? Sasakyan o kotse. Ang kotse kasi ay galing sa salitang Kastila na Coche. So hindi ito natural na wikang Tagalog. Kaya merong Batlag. Bigyan ng Bangus yan!
Batlag – Sino ang makahuhula? Sasakyan o kotse. Ang kotse kasi ay galing sa salitang Kastila na Coche. So hindi ito natural na wikang Tagalog. Kaya merong Batlag. Bigyan ng Bangus yan!
Ito ang inyong pupunuan ng sagot. Mayroon kayong mga Cartolina. PANOTCAMAN Method. Papel, notebook, cartolina, Manila paper. PaNotCaMan.
Narito ang rubriks. Ang makakakuha ng highest score ay may premyo.
Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto para sa paghahanda. Pagkatapos niyan ay the show must go on. Okay?
Last two minutes!
Countdown na tayo, 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2 and 1. Time’s up!
Okay, sa pag-uulat ng bawat pangkat, kung ano ang edad ng bawat lider, siya ang mauuna o susunod na mag-uulat. So umakto ayon sa edad. Okay?Hehehe. Walang taguan ng edad. Age doesn’t matter naman. So paano? Tanders first o bagets first?
Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto para sa paghahanda. Pagkatapos niyan ay the show must go on. Okay?
Last two minutes!
Countdown na tayo, 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2 and 1. Time’s up!
Sagutin naman natin ang ilan pa sa mga katanungan upang ating mabigyan ng hustisya ang pagiging inquiry-based ng ating estratehiya sa pagtuturo ngayong araw na ito. Inquiry-based nga, tama. Yan ang pedagogical approach natin sa ngayon dahil tinadtad ko kayo ng mga katanungan. Upang nang sa gayon ay madevelop ang inyong Higher Order Thinking Skills o HOTS.
Heto pa. Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. So mapapaisip talaga kayo ano? Life is indeed full of questions. Ang buhay ay puno ng mga katanungan. Nasa sa atin na kung sasagutan natin ang lahat ng mga katanungang ito o hindi.
Elaborate. Naku. Kinakabahan ako sa bawat drum roll. Aminado rin naman ako na kulang ako sa ipon. Sa SALN ko nga, negative pa. Sus. So kailangan ko rin ng counselling Sir Dan at ng financial literacy seminar. Pero sa aking iSaveMoney App, mayroon talaga akong ipon o savings na item o category doon. Hindi siya nominal lang. May nailalagay talaga ako, CHAR. Yon lang nauubos din pagtumba ng buwan. Haha.
So ito pa ang mga itegrasyon natin sa iba pang mga asignatura. Una sa Mathematics o Sipnayan.
Ikalawang integrasyon ay sa ESP o Edukasyon sa Pagpapakatao.
Ikatlong integrasyon ay sa ICT (Search CS) Grade 11, Grade 12 ABM_Business Finance tama ba? Hinanap ko lang kasi ang mga ito sa BE-LCP MELCs. Ambot sina na mga gatas.
So isang salita lang talaga sa bawat bilog. Premyo sa makakahula. Posibleng mga sagot: Ipon, Sobra, Alkansiya, Bangko, Labis, Laang-Pera.
Kumuha ng sangkapat na papel o sa inyong quiz notebook. Sagutan ang mga sumusunod na sitwasyon at isulat kung tama ba o mali ang ipinapahiwatig sa mga sitwasyong ito. Ipaliliwanag ninyo sa inyong papel kung paano magiging tama ang mga ito sa paningin ng nakararami. Sa maikling pangungusap lamang.
Para sa takdang-aralin o kasunduan, gawin ang mga sumusunod. Mayroon na kayong halimbawa kanina sa pagbabadyet diba? Yong may pie chart na nahahati sa mga pinagkakagastusan ng pamilya Santos sa buwan ng Enero. Buwanang badyet lamang ang ibigay.
Narito ang aking mga Sanggunian. Maraming Salamat po sa aktibong pakikinig.