4. Ang pagaaral ng mga idyoma o
idioms ay kaugnay ng
kaalamang panretorika. Ang
idyoma ay:
• *di tuwiran o di tahasang pagpapahayag
ng gustong sabihin.
• *malayo sa literal o denotatibong
kahulugan ng salita.
• *tinatawag na idyomatiking pahaag o
sawikain sa ating wika.
5. Mga halimbawa ng idyoma:
1. "Mababaw ang luha" ng guro namin.
2. Hindi siya sanay na "maglubid ng
buhangin".
3. Matutuo kang "magbatak ng buto".
6. 4. "Parang nilibugan ng araw" si Jay
dahil may kasintahan na ang mahal
niya.
5. Si Israela ay "itinulak sa bangin" ni
Faye ng iwan niya ito sa party.
6. Si Jiji ay isang bata na "laman ng
lansangan"
7. 7. Maswerte si Angelika dahil
pinanganak siyang "nakahiga sa
salapi".
8. Hindi makapili si Saldi kung sino ang
kanyang liligawan. Siya ay "hilong-
talilong".
8. 9. Tumakas na naman si Jonard sa
bahay nila, kaya pala "nagpuputok ang
butse" ng nanay niya.
10. Sabi ni Aling Dionisia na sa LBC
"maraming kuskos-balungos" buti pa sa
Palawan express.
9.
10. • Ito ay tumutukoy sa matalinghagang
pagpapahayag o paglalarawang kakaiba
sa pangkaraniwang paraan.
• Ito rin ay ginagamit upang maging
mabisa , masining at kawili-wili ang
paglalarawan.
Ano ba ang tayutay?
11. • Ito ay isang sinadyang paglayo sa
karaniwang paggamit ng mga
salita upang gawing mabisa,
matalinghaga, makulay at kaakit-
akit ang pagpapahayag
12. 1. Aliterasyon
• Paggamit ng mga salitang magkasintunog
ang mga unang pantig.
Halimbawa:
1. Ang kakayahang makagawa ng
katanungan ay magkakaroon din ng
kasagutan.
13. • Pag-uulit naman ito ng mga tunog-patinig
sa alinmang bahagi ng salita
Halimbawa:
1. Isang paraan ang pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng ating
pandinig.
2. Nakapagpapalawak ng kaalaman at
karunungan ang karanasan.
2. Asonans
14. • Katulad ng aliterasyon,pag-uulit itong mga
katinig, ngunit sa bahaging pinal naman
(kahapon at ngayon/tunay na buhay/ulan
sa bubungan).
Halimbawa:
1. Ang halimuyak ng mga bulaklak ay
mabuting gamot sa isang pusong wasak.
2. Hiniwalayan at nilayuan ni May Ann
ang kanyang kasintahan.
3. Konsonans
15. • Sa pamamagitan ng tunog o himig ng
salita ay nagagawang maihatid ang
kahulugan nito.
Halimbawa:
1. Langitngit ng kawayan,lagaslas ng
tubig, dagundong ng kulog,haginit ng
hangin
2. Lumalakas ang tibok ng puso ko sa
tuwing dumarating siya.
4. Onomatopiya
16. Tulad ni Bisa,may binabanggit din
si Alejandro tungkol sa pag-uulit,
ngunit hindi lamang ng tunog
kundi ng buong salita.
Pansinin ang mga sumusunod:
17. • Pag-uulit sa unang bahagi ng pahayag o
ng isang taludtod.
Halimbawa:
Kabataan ang sinasabing pag-asa ng
ating bayan.
Kabataan ang sanhi ng pagsisikap ng
bawat magulang. Ngunit kabataan din ba
ang sisira sa kanyang sariling kinabukasan?
At kabataan din ba ang wawasak sa
pangarap ng kanyang kapwa?
5. Anapora
18. • Pag-uulit naman ito sa huling bahagi ng
pahayag taludtod.
Halimbawa:
1. Ang konstitusyon sa Saligang-Batas
ay para sa mamamayan, gawa ng
mamamayan at mula sa mamamayan.
2. Noon sa kanya umiikot ang aking
mundo, ngayon ay siya parin ang aking
mundo.
6. Epipora
19. • Kakaiba ito sapagkat ang pag-uulit ay sa
una at huli.
Halimbawa:
1. Hindi niya matagpuan ang hinahanap.
Hinahanap parin niya ito upang matagpuan.
2. Magtala ng mga detalye. Detalye ng
impormasyon.
7. Anadipolasis
20. Pagtukoy sa mga talinghaga para
sa pagpapasidhi ng guniguni at
damdamin
21. • Di-tuwirang paghahambing ng magkaibang
bagay, tao o pangyayari ‘pagkat gumagamit
ng mga pariralang tulad ng,kawingis ng,para
ng, at gaya ng.
Halimbawa:
1.Tumakbo siyang tulad ng isang mailap
na usa nang makita ang papalapit na kaaway.
2. Tulad siya ng isang mabangong
bulaklak kapag aamuyin.
8. Pagtutulad o Simili
22. • Ito ay tuwirang paghahambing ‘pagkat hindi
na gumagamit ng mga nabanggit na parirala
sa itaas.
Halimbawa:
1. Ang masayang mukha niya ang
nagpapaganda ng araw ko.
2.Isang bukas na aklat sa akin ang iyong
buhay, kaya’t huwag ka nang mahiya pa.
3. Siya’y sakit na hindi ko kayang tiisin.
9. Pagwawangis o Metapor
23. • Inaaring tao ang mga bagay na walang
buhay sa pamamagitan ng pagkakapit sa
mga ito ng mga gawi o kilos ng tao.
Halimbawa:
1. Dahil ako’y nag-iisa tuwing pasko,
ang simoy ng hangin ang yumayakap sa
akin.
2.Mabilis na tumakbo ang oras
patungo sa kanyang malagim na wakas.
10. Pagbibigay-katauhan/ Personipikasyon
24.
25. PASULIT
I. Piliin ang pinakaangkop na kahulugan
ng mga idyomang nakasulat ng pahilig
sa loob ng sumusunod mga
pangungusap.
26. 1. Ang pangyayaring iyon ay kinalugmukan
ng kanyang mga pangarap sa buhay.
a. Nagpatuloy sa pag-asa
b. Dahilan ng kanyang mga layunin
c. Pinagmulan ng kanyang mga adhikain
d. Sumira ng kanyang magandang
hinaharap
27. 2. Napakatamis ng dila ni Randy kaya niya
naakit si Rachel.
a. Nanloloko
b. Napakatapat
c. May diabetes
d. Magaling mangusap
28. 3. Lumayas si Eric dahil magaan ang kamay ng
kanyang tiyahin.
a. Madaldal
b. Madaling manakit
c. Magaling magmura
d. palautos
29. 4. Ano ka ba? Ang laki-laki mo, patabaing baboy
ka!
a. Malusog
b. Marumi
c. Tamad
d. Mabaho
30. II. Uriin ang mga tayutay na ginagamit
sa bawat pangungusap.
31. 1. Kagabi, dinalaw ako ng mapapait mong
alaala.
a. Pagtatambis
b. Pagbibigay-katauhan
c. Pagmamalabis
d. Paglumanay
32. 2. Abalang-abala sa gawain ang haligi ng
tahanan.
a. Pagpapalit-tawag
b. Pagtawag
c. Pagpapalit-saklaw
d. Pagmamalabis
33. 3. Sinaksak mo ang puso ko nang sabihin mong
ako’y wala nang pag-asa sa’yo.
a. Pagtutulad
b. Pagwawangis
c. Pagbibigay-katauhan
d. Pagmamalabis