Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Wir verwenden Ihre LinkedIn Profilangaben und Informationen zu Ihren Aktivitäten, um Anzeigen zu personalisieren und Ihnen relevantere Inhalte anzuzeigen. Sie können Ihre Anzeigeneinstellungen jederzeit ändern.

FILIPINO RESEARCH/ PANANALIKSIK

198.358 Aufrufe

Veröffentlicht am

Filipino research/thesis: Pananaw ng mga Mag-aaral sa SHS sa Pamimigay ng Condom

Veröffentlicht in: Bildung
  • Als Erste(r) kommentieren

FILIPINO RESEARCH/ PANANALIKSIK

  1. 1. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA SENIOR HIGH SCHOOL SA PAMIMIGAY NG CONDOM Isang Sulating Pananaliksik na Iniharap kay Gng. Merlyn Etoc-Arevalo ng Surigao Del Sur State University Main-Campus, Tandag City Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan ng Kursong Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik (Filipino 102) Ipinasa nina: Frenzy Picasales Joan Montero Jenesiel Carbonilla Marian Lilang Ingrid Quilas Renielle Kristine Mades Celbert Mahinay John Paul Tajonera Marso 2017
  2. 2. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL PASASALAMAT Taos pusong ipinaaabot ang aming pasasalamat sa mga taong naging parte o bahagi ng aming pag-aaral para sa walang humpay na suporta at kontribusyon upang maisagawa nang maayos, maging epektibo at maging matagumpay ang pananaliksik na ito. Nang dahil sa kanila, mas napalawak pa ang aming kaalaman at naging possible na magkaroon ng magandang resulta ang aming pag-aaral. Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang namin sa mga sumusunod. Kay Gng. Merlyn Etoc-Arevalo, ang aming mahal na guro na siyang gumabay at nagpalawig ng aming pananaliksik, kami po ay nagpapasalamat sa walang sawang pag-unawa at pagtulong sa amin sa pamamagitan ng pagtama ng aming mali habang isinasagawa namin ang aming pananaliksik at laong lalo na sa pagbabahagi ng iyong kaalaman ukol dito. Kung hindi dahil sa inyo ay isang walang kalidad na pananaliksik ang aming magagawa. Sa mga respondente sa Senior High School na naglaan ng kanilang oras na masigasig na nakilahok sa pagsagot nang tapat sa aming kwestyoner, at sa pagbigay sa amin ng impormasyon na aming kinakailangan sa pananaliksik na ito, maraming salamat po sa inyong hindi matawarang kabaitan sa pagtugon sa aming mga katanungan. Kung wala ang inyong kooperasyon at kahandaang sagutin ang aming katanungan ay maaaring hindi mabuo ang pananaliksik na ito.
  3. 3. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Sa aming kapwa mag-aaral na tumulong sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanilang ideya at kaalaman tungkol sa aming pananaliksik, maraming salamat sa inyong pagbibigay ng suporta upang matapos namin ito. Sa aming mga magulang na buong unawa kaming tinulungan at sinuportahan sa aming mga pangangailangan, maraming salamat po sa inyo. Kami ay nagpapasalamat sa inyong pag-intindi sa amin sa mga panahong abala kami sa paggawa ng pananaliksik na ito at sa pagbibigay ng moral at pinansyal na tulong, pagmamahal at inspirasyon sa amin. At higit sa lahat, kami po ay lubusang nagpapasalamat sa Poong Maykapal na pumapatnubay sa bawat hakbang na aming isinagawa mula sa pangangalap ng mga datos hanggang sa ito ay matapos. Kami ay nagpapasalamat sa Inyo sa pagbibigay sa aming grupo ng sapat na kaalaman, lakas ng loob at determinasyon upang maisagawa at maisakatuparan ang pag-aaral na ito, at sa pagdinig sa aming mga panalangin lalong-lalo na sa mga panahong kami ay pinanghihinaan ng loob na matapos ito sa takdang panahon. Muli, maraming salamat po sa inyong lahat. Mga Mananaliksik
  4. 4. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL DEDIKASYON Ang pananaliksik na ito ay buong pagmamahal naming inihandog unang una sa mahal na Panginoon na Siya ang nagbigay ng lakas at walang sawang paggabay sa mga taong nasa paligid lalong lalo na ang mga taong kabilang sa pananaliksik na ito. Buong puso rin ang aming paghahandog ng lahat ng ito sa aming mga magulang na walang sawang sumuporta sa amin pang-pinansyal na pangangailangan. Sa malawakang pag-unawa sa amin tuwing kami’y minsan nahuhuli sa pag-uwi. Masasabing kayo ang dahilan sa aming mga pagsisikap. F. P. J. M. J. C. M. L. I. Q. R. K. M. C. M. J. P. T.
  5. 5. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL TALAAN NG MGA NILALAMAN DAHON NG PAMAGAT i PASASALAMAT ii DEDIKASYON iv Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN Panimula 1 Batayang Konseptwal 3 Paglalahad ng Suliranin 4 Kahalagahan ng Pananaliksik 5 Saklaw at Limitasyon 6 Kahulugan ng mga Katawagan 7 2 REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Kaugnay na Literatura 9 Kaugnay na Pag-aaral 11 3 METODOLOHIYA Disenyo ng Pag-aaral 18 Respondente at Populasyon 18 Teknik sa Pagpili ng mga Respondente 19
  6. 6. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Instrumento sa Pananaliksik 19 Hakbang sa Paglikom ng mga Datos 19 Estatistikang Pamamaraan 20 4 PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Talahanayan 1 21 Talahanayan 2.1 23 Talahanayan 2.2 25 Talahanayan 3 26 5 LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON Lagom ng mga Natuklasan 28 Konklusyon 29 Rekomendasyon 30 TALASANGGUNIAN 31 APENDIKS A 32 APENDIKS B 34 PANSARILING TALA NG MGA MANANALIKSIK 35
  7. 7. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Panimula Marami sa mga kabataan ngayon ang tumatahak sa magulong mundo. Nakikipagtalik, agarang pagbubuntis hanggang sa mag-asawa na lamang ng wala pa sa tamang edad. Sinasabing mapupusok ang mga kabataan sa makabagong henerasyon. Dahil dito, naging laganap sa bansa gayundin sa buong mundo ang mga sakit o virus na dulot ng pakikipagtalik. Naging bukas ang bawat pamahalaan sa ganitong pangyayari kung kaya’t ang condom ang naisip nilang paraan upang sugpuin ang ganitong problema. Subalit, ito ay hindi ang pinakaligtas na paraan upang maiwasan ang pagbubuntis. Bagama’t ang katawan ng tao ay sensitibo lalong-lalo na sa ganitong bagay kaya’t ang produktong ito ay maaaring sisira sa immune system ng babae. Ayon kay Paulyn Ubial (2016), sekretarya ng Kagawaran ng Pangkalusugan, ang pamimigay ng condom ay hindi magsusulong ng kawalang delikadesa, ngunit sa katunayan, ito ay ginawa para sa sekswal na aktibong tinedyer. Sa pamamagitan nito, magiging mas maingat sa hindi ginusto o “unplanned pregnancies” at STI (Sexually stransmitted Infection) kasama na ang HIV ( Human Immunodeficiency Virus) o AIDS ( Acquired Immuno Defieciency Syndrome).
  8. 8. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Ang pamimigay ng condom sa bawat mag-aaral ay maaring maging isang positibong paraan para sa kanila na gawin ng agaran ang pakikipagtalik sa kapwa. Maaaring masira ang dignidad ng mga kabataan. Sinasabing maiiwasan ang HIV/AIDS lalong-lalo na sa mga multi-sexual, subalit imbis na maprotektahan sila, lalabas na parang sinang-ayunan ang pakikipagtalik basta gagamit na lamang ng condom. Magiging maaga ang panahon ng kanilang taglibog. Edukasyon ang kailangan nila para maintindihanang usaping ito. Kailangang maunawan nila na ang pakikipagtalik ay para lamang sa mag-asawa na bumubuo ng pamilya. Isinagawa ang pananaliksik na ito upang maipaunawa sa mga mambabasa ang maaaring maidudulot ng pamimigay ng condom sa mga mag-aaral. Ang layunin nito ay bigyan ang mga tinedyer ng naturang impormasyon tulad ng positibo at negatibong epekto nito sa kanilang pag-aaral at kalusugan. Ang pag-aaral na ito ay may ginagampanang mahalagang tungkulin sapagkat ito ay magsisilbing gabay at patnubay sa mga mambabasa sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Nakatutulong ito upang mamulat at mapalawak ang kanilang isipan, mabigyang linaw ang kanilang mga katanungan, mabatid nila ang tama at mali, at upang maproteksyonan ang kanilang mga dignidad para makamit nila ang landas tungo sa magandang kinabukasan.
  9. 9. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Batayang Konseptwal Figure 1. Iskema ng Pag-aaral Pananaw ng mga Mag-aaral sa Senior High School sa Pamimigay ng Condom Positibo at Negatibong Epekto sa mga Mag-aaral Suhestyon sa Kinauukulan
  10. 10. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Makikita sa Figure 1 ang pananaw o opinyon ng mga mag-aaral sa Senior High School ukol sa pamimigay ng condom sa mga paaralan. Ipinapakita din dito ang mga posibleng epekto sa mga estudyante na maaaring mabigyan na kung saan ito’y makadudulot ng mabuti o kaya’y masama. Ipinapakita din dito ang suhestyon ng mga estudyante sa kinauukulan. Sa pamamagitan nito, maipaabot at maipaalam sa kinauukulan ang mga hinaing ng mga mag-aaral nang sa gayon ay matukoy nila kung ano ang karapat dapat gawin at malaman nila kung itutuloy pa ba nila o hindi na ang pamamahagi ng condom sa mga paaralan. Ito ay magsisilbing instrumento upang mabatid ng pamahalaan ang mga suhestyon ng mga estudyante, at maaaware sila sa mga impormasyon at datos na nakakalap ng mga mananaliksik. Sa tulong nito, malutas at maaaksyunan ng kinauukulan ang ganitong uri ng suliranin. Paglalahad ng Suliranin Pag-aaralan ng mga mananaliksik ang pananaw at ang mga maaaring maidulot nito sa mga mag-aaral sa SHS ng Surigao del Sur State University tungkol sa pamimigay ng condom. Ang pananaliksik na ito ay may mga katangiang nais sikapin na bigyan ng kasagutan: 1. Anu-ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa SHS sa pamimigay ng condom? 2. Ano ang epekto nito sa mga mag-aaral sa SHS? 2.1 Positibong epekto 2.2 Negatibong epekto
  11. 11. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL 3. Ano ang suhestyon sa kinauukulan sa pamimigay ng condom? Kahalagahan ng Pananaliksik Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral at magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod: Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang magkaroon ng karagdagang impormasyon at kaalaman ang mga mag-aaral, at pamulatin ang pag-iisip ng mga estudyanteng mahilig makipagtalik. Sa pamamagitan din nito ay maagang mamumulat ang bawat isa sa kahalagahan ng kanilang mga kinabukasan at mabuksan ang bawat kamalayan sa mga bagay-bagay at mabigyang linaw at kasagutan ang kanilang mga katanungan tungkol dito. Sa mga Guro. Ito ay makatutulong upang malaman kung ano ba ang pananaw at saloobin ng kanilang mga estudyante ukol sa pamimigay ng condom. Sa pamamagitan din nito, mas lalo nilang maturuan nang tama at mabigyan ng sapat na patnubay ang bawat estudyante. Sa mga Magulang. Ang magiging resulta ng pag-aaral nito ay makakatulong upang malaman nila ang mga mabubuti at masasamang maidudulot ng pamimigay ng condom sa kanilang mga tinedyer na anak. Sa pamamagitan din nito, mas lalo nilang ituon ang kanilang atensyon sa kanilang mga anak at mabigyan ng gabay at patnubay upang maprotektahan ang kanilang dignidad.
  12. 12. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Sa Paaralan. Ang magiging resulta ng pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at batayan upang mas mapaunlad pa ang pamamahala sa loob ng paaralan. Sa pamamagitan nito, mas lalo pang mapaigting ang seguridad sa paaralan, at upang ang bawat mag-aaral ay mas lalong maging disiplinado at edukado.� Sa Pamahalaan. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing instrumento upang maipalam sa pamahalaan ang mga hinaing ng mga estudyante, at maaaware sila sa mga impormasyon o datos na nakakalap ng mga mananaliksik. Sa tulong nito, maaaksyunan nila ang mga problemang kailangang lutasin. Sa mga susunod pang henerasyon. Ito ay makakatulong upang sila ay magkaroon ng malawak na pananaw at karunungan, at mapalawak ang kanilang kaisipan sa pangkalusugan at sa ikinakaharap. Makakatulong din ito upang maprotektahan ang dignidad ng bawat isa. Saklaw at Limitasyon Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa pananaw ng mga mag-aaral sa SHS sa Surigao del Sur State University ukol sa epekto ng pamimigay ng condom sa mga paaralan. Ito ay gagawin sa loob ng isang semester lamang taong 2016-2017.
  13. 13. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Kahulugan ng mga katawagan AIDS. Ito ay isang kondisyon sa mga tao kung saan ang patuloy ng pagkabigo o paghina ng sistemang immuno ay pumapayag sa mga nakapanganganib sa buhay na mga oportunistikong mga impeksiyon na manaig. Benipisyo. Ang makukuha o napapakinabangan ng isang tao sa isang bagay, sitwasyon at pangyayari. Condom. Bagay na parang lobo na ginagamit sa pakikipagtalik bilang proteksyon upang maiwasang mabuntis ang babae. Dignidad. Ang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagkilala, pagpapahalaga, at paggalang ng kaniyang kapwa. Hinaing. Isang reklamo o suhestiyon ukol sa isang partikular na bagay na inyong pinaguusapan. HIV. isang lentivirus (na kasapi ng pamilyang retrovirus) na nagsasanhi ng acquired immunodeficiency syndrome Iskema. Diyagram na ginagamit sa pagrepresenta . Kamalayan. Pag-unawa at kaalaman sa maraming bagay tungkol sa mga nangyayari sa paligid. Kinauukulan. May kapangyarihan sa pagdesisyon sa isang bagay o pangyayari.
  14. 14. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Sarbey. Pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pakikipanayam. Saloobin. Damdamin ng isang tao. STD. Sexually Transmitted Disease Suhestyon. Masasabi ng isang tao tungkol sa mga pangyayari.
  15. 15. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Kabanata 2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Makikita sa kabanatang ito ang mga publikasyong may kinalaman sa pananaliksik na ito, kasama na ang mga pahayagan, aklat, web page, gayundin ang ibang mga kaugnay na pag-aaral tulad ng tesis at disertasyon at iba pang sanggunian na magagamit na batayan sa pagsusuri. Kaugnay na Literatura Banyaga Ayon kay Dodd (1988), ang paghahambing sa publikong paaralan sa lungsod ng New York at Chicago ay nakita ang positibong epekto ng condom. Sa magkatulad na aktibidad sa mga mag-aaral sa senior high school sa parehong lungsod, ang mga estudyanteng aktibo sa usapang sekswal sa New York na kung saan mayroong programang tungkol sa condom, ay maaaring mag-ulat gamit ang condom kaysa sa Chicago, sapagkat ang condom ay hindi ipinamimigay sa kanilang paaralan. Sa dalawang taong pag-aaral ng Philadelphia Health Resource Centers (HRCs), ang porsyento ng mga estudyanteng gumagamit ng condom na nakikipagtalik ay tumaas. Sa paaralang mayroong mataas na paggamit ng HRC, ang mga estudyanteng nakikipagtalik ay bumaba, habang ang condom na nagamit sa pakikipagtalik ay tumaas.
  16. 16. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Ang pag-aaral sa paaralan ng New York, ang condom ay isang makabuluhang pagtaas sa paggamit ng mga estudyanteng aktibo sa sekswal ngunit hindi tumaas ang gawaing sekswal. Sa Europe at Canada, kung saan ang komprehensyon na edukasyon sa pakikipagtalik ay kompidensyal. Inilahad ni Boonstra (2014) na ang kabataang maagang nabubuntis sa mga industriyalisadong bansa ay kontrobersyal na isyu upang sugpuin at matulungan ang mga kabataan sa ganitong kontrasepsyon. Ang ganitong sistema ay naglalaban sa pagpapabuti at mabawasan ang mga probabilidad ng mga ayaw mabuntis na nakikipagtalik na mga aktibong kabataan. Ipinaliwanag ni Paton (2002) na maaaring dadami ang pasilidad ng condom at ang mga nakikipagtalik kabilang ang maagang panganganak kung sasang-ayunan ang pamimigay ng condom. Lokal Maaaring payagan ng Department of Education (DepEd) ang Department of Health (DOH) sa kanilang plano na mamigay ng mga condom sa mga mag-aaral sa susunod na taon pero tanging sa mga junior at senior high school students lamang. Ayon kay Education Secretary Leonor Briones (2016), nagsimula na ang pag- uusap sa pagitan ng dalawang kagawaran kaugnay ng pinaplanong programa ng DOH para mapababa ang tumataas na kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) at
  17. 17. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) sa mga kabataan. Dagdag pa ni Briones na napakasensitibong isyu nito at kinakailangan ang masusing pagsusuri bago maipatupad. Aniya hindi maaring basta-basta na lang ipamahagi ang mga condom ng hindi sumasailalim sa 17 counseling. Ipinahayag ni Adelyn (2016) na dumadating sa punto na kapag hatinggabi tumatakas ang mga bata, pumupunta sa mga tropa at kaibigan. Kahit di naman magbigay ang gobyerno ng condom, ginagawa pa rin nila ito. Ayon naman kay Chloe (2016), mas nagiging curious sila na gawin ang mali. Kahit alam nilang mali, parang gagawin nila kasi alam nila na safe sila doon. Edukasyon at impormasyon ang kailangan upang labanan ang pagpalaganap ng HIV at AIDS at hindi ang pamamahagi ng condom sa mga paaralan na pagsasayang ng pera ng bayan. (Veritas Team, 2016) Inilahad ni Jerome Secillano (2016) na ang pamamahagi ng condom sa mga estudyante ay magtutulak lamang sa kanila na makipagtalik na isang immoral na gawain sa mga taong hindi kasal. Kaugnay na Pag-aaral Banyaga Para kay Watson (2011), na galing sa Jamaican Gleaner; adolescent prergnancy ay patuloy na hamon sa Jamaica, humigit kumulang 18% ng kabataang
  18. 18. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL isinilang sa Jamiaca ay naiuugnay sa mga nagdadalaga at ang mga condom ay ibinibigay sa mga paaralan. Ayon pa sa kanya, mahigit 60 sa bawat 100 na buntis sa mga nagdadalaga sa edad ng 15-19 ay hindi planado noong 2008. Ang paksa tungkol sa pakikipagtalik ay napakakontrobersiya lalong lalo na sa kabataan. Ang mga kabataan ay nasa punto na ang kanilang hormone ay mataas at sila ay nakakaramdam ng pagkalibog. Kung kaya’t napakaimportante sa mga kabataan na maintindihan ang importansiya tungkol sa kaligtasan sa pakikipagtalik at maaaring kahihinatnan ng hindi paggamit ng condom. Maraming salik na nakakaapekto sa mga mga-aaral ng Jamaican na kung saan sila ay lumahok sa pakikipagtalik na paggamit ng proteksyon at ang mga condoms ay dapat na maipamimigay para makatulong sa pagbaba ng mga salik na katulad ng: high teen pregnancy rate, mataas na STD/STI rate at hindi mabisang abstinensya. Ang unang salik na kinakaharap ng mga mag-aaral sa hayskul ay ang maagang pagbubuntis. Ayon sa Guttmacher Institute (2010), ang kabataang may edad 15-19 na hindi gumagamit ng proteksyon sa pakikipagtalik ay tataas ng dalawang beses na posibleng maging maagang ina na kung saan, ito’y magiging bago at patok sa mg kabataang kababaihan. Ito rin ang napansin ng mga kasama sa awtoridad ng kalusugan na mayroong makabuluhang pagtaas sa maagang pagbubuntis. Bilang resulta ng paghahanap, malinaw na ang condom ay kailangang ipamahagi sa paaralan upang makontrol at mabawasan ang maagang pagbubuntis. Ang
  19. 19. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL pangalawang malaking salik ay ang STD. Ayon kay Hirsch (2010), ang STD ay tumaas sa mga tinedyer. Ito ay kilala na ang latex condom ay isa sa mga sangkap upang makontrol ang pagbubuntis na nakapalaban ng delikadong STD at ito’y kailangang gamitin palagi. Ipinahayag ni Cullinan (2004) na magkakaproblema kung ang mga guro ay mamahagi ng condom, na kung saan sila ay nagtaguyod ng gawaing sekswal. Lokal Ayon kay Andrade (2016), ang pagbibigay ng condoms sa paaralan ay may positibo at negatibong kaso. Ang positibong kaso ay makakapigil ito sa pag empiksiyon ng HIV at ang negatibong kaso ay maraming mabubuntis na mga kabataan kapag bibigyan nila ang mga paaralan ng condoms. Hindi lahat ng condoms ay hindi nabubutas may ilan nabubutas at may ilan din na hindi nabubutas. Kapag bibigyan ang mga estudyante ng condoms maaring hindi na sila mag-aaral ng mabuti at mas magpopukos sa pag-aaral kung paano gamitin ang condoms. Maaring palagi na silang mag sesex dahil sa condoms na binigay. Mawawala sila sa kanilang landas o tamang daan patungo sa tagumpay dahil sa binigay na condom. Dapat hindi magbibigay ang DOH ng libreng condom sa mga estudyante sa susunod na taon dahil hindi natin kontrolado ang isip ng tao na gamitin ang condom sa tamang paraan may iba talagang tao na lumilihis ng daan para sa
  20. 20. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL sariling kaligayahan.Maraming mabubuntis na mga kabataan kapag ipagpapatuloy nila ang pagbibigay ng libreng condom sa estudyante. May advantage at disadvantage ang proyektong ito ng DOH. Ang advantage nito ay una, mayroong safe sex na magaganap dahil sa condom. Pangalawa, mababawasan ang kaso ng teen age pregnancy. Panghuli, ay mababawasan ang abortion at pagkawasak ng kinabukasan ng mga kabataan. Ang disadvantage naman nito ay una, dahil sa pamimigay ng condoms ay mabubuksan ang malay ng mga kabataan na umengage sa iresponsableng pakikipagtalik. Pangalawa, magdedepende nalang ang mga kabataan sa condom at makikipagtalik sa kahit kanino dahil ang iniisip ng mga kabataan ay safety sila dahil sa condom at hindi magkakasakit o mabubuntis. Panghuli, ay mabubuo nalang sa mindest ng kabataan na makipagsex nalang palagi dahil sa binibigay nila na condom. (Lawrence, 2016) Para kay Garcia (2016), mas lalo pang dadami ang bilang ng teenage pregnancy sa bansa sa sandaling simulan ng Department of Health (DOH) ang pamimigay ng libreng condom sa mga estudyante sa susunod na taon. Ito’y nakakadismaya dahil hindi distribution center ng condom ang mga paaralan at ang mga magulang din ang dapat nagbibigay ng “education condom” sa halip na ang mga guro. Mas magbebenipisyo ang mga mag-aaral kung ang ituturo sa kanila ay tungkol sa sports, culture, good manners and right conduct at hindi ang paggamit ng condom. Wala naman umanong kinalaman
  21. 21. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL ang condom sa pag-aaral at edukasyon ng mga mag-aaral at mali din na solusyon ito ng DOH sa HIV-AIDS. Hindi solusyon ang paggamit ng condom sa isyu ng teenage pregnancy at kung itutuloy pa ang distribusyon nito sa mga pampublikong paaralan ay posibleng dumami pa ang bilang ng mga nabubuntis na kabataan. Ito ay dahil tinuturuan lang umano maging sexually conscious ang mga kabataan kaya mas lalong tataas ang bilang ng teenage pregnancy. Ipinaliwanag ni Pedroche (2016) na ang paglaganap ng sakit na Accute Immuno Deficiency Syndrome (AIDS) ay nagsimula sa isang moral wrong. Hindi siya nag- aastang “moralista” pero iyan ang katotohanan sa kanyang palagay at sa palagay din ng maraming gumagamit ng sentido komun. Upang masolusyunan ang pagkalat ng HIV/AIDS, binabalak ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Health na mamahagi ng libreng condom sa mga paaralan. Ang katuwiran, yamang hindi rin mapipigil ang panakaw na pagtatalik ng mga kabataan, maniguro na at bigyan sila ng condom. Pumapasok dito ang kasabihan na ang isang mali ay hindi puwedeng itama ng isa pang mali. Kahit totoong talamak ang pre-marital sex sa mga kabataan, hindi naman lahat ay gumagawa nang ganyan. Kapag namahagi ang pamahalaan ng libreng condom sa mga eskuwela, katumbas iyan ng pagkunsinti ng ating awtoridad sa malayang pagtatalik ng mga kabataan kahit di kasal. Dahil diyan, pati yung hindi nagpa-practice ng pre-marital sex
  22. 22. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL ay ma-eengganyo na ring gawin ito. Lalakas ang loob nila. Dapat mag-isip-isip muna ang DOH kaugnay nito. Ayon kay Crizaldo (2017), maingat na binabalanse ng Department of Education (DepEd) at Departmrnt of Health (DOH) ang nararapat na hakbang upang tugunan ang patuloy na pagtaas ng insidente ng premarital sex at epidemya ng HIV and AIDS sa mga kabataan. Kada sampung taon, naglalabas ng pambansang datos ang University of the Philippines Population Institute (UPPI) at ang Demographic Research and Development Foundation patungkol sa sexual behaviors ng kabataang Pinoy. Noong 2013, napag- alaman na isa sa bawat tatlong kabataan ay may naging karanasan na sa pakikipagtalik sa kapwa nila kabataan. Mas mataas ang datos na ito kumpara noong 2002 at noong 1994. Hindi na dapat magtaka kung bakit halos nadoble ang bilang ng teenage pregnancy nitong nakaraang dekada. Kinumpirma ng United Nations Population Fund (UNFPA) ang datos na ito kung saan sinasabing patuloy ang pagtaas ng bilang ng teenage pregnancy. Sa kasalukuyang datos ng UPPI at DRDF, ang premarital sex incidents sa mga kabataan ay 'unprotected' o hindi gumamit ng anumang proteksyon hindi lamang upang hindi mabuntis kundi upang makaiwas din sana sa pagkakaroon ng HIV. Ayon sa tala ng National Youth Commission, may mga bagong cases ng HIV infection sa bansa ay
  23. 23. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL mga kabataan na nasa 15 to 24 years old. Dagdag pa ng NYC, sa bawat araw, 29 na Pilipino ang nagkakaroon ng HIV, at higit sa kalahati nito ay kabataan. Ibig sabihin, may 19 na kabataang Pinoy ang nagkaka-HIV kada araw. Ito ang mga nakakabahalang scenario na nag-udyok sa DOH na maglapat ng dagliang tugon sa lumalalang insidente ng premarital sex at epidemya ng HIV. Pangunahin sa mga solusyon na nais gawin ng ahensya ay ang pamimigay ng libreng contraceptives (condoms) sa mga paaralan kaakibat ng pagpapaigting ng sex education. Pero medyo nagpreno ang DepEd sa panukalang ito ng DOH. Katwiran ng ahensya, mahalagang isaalang-alang ang posibilidad na maaaring magkaroon ng 'unintended consequences' ang ganitong hakbang. Lalo pa't hindi malayong mangyari na may mga kabataan na lalong ma-curious at mag-experiment sa condom use. Sa madaling salita, baka lalong ma-encourage ang mga kabataan na mag-engage sa premarital sex dahil malaya at libre na ito sa mga paaralan. Dagdag pa ng ahensya, mahalaga din na hindi masapawan ang karapatan at katungkulan ng mga magulang na mag-educate ng kanilang mga anak patungkol sa sekswalidad.
  24. 24. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Kabanata 3 METODOLOHIYA Sa kabanatang ito ay ipapakita ang disenyo ng pag-aaral, instrumentong gagamitin at pamamaraan sa pangangalap ng mga datos o impormasyon pati na rin ang bilang ng mga respondente na makilahok sa pag-aaral. Nakapaloob dito ang mga gagamiting tagatugon sa paksang sinisiyasat at gayundin ang uri ng estadistika na angkop sa paksa. Disenyo ng Pag-aaral Ang disenyo ng pag-aaral o pananaliksik ay deskriptib-sarbey sapagkat naaangkop ito sa mga estudyanteng may pananaw tungkol sa pamimigay ng condom. Marami itong epekto sa pag-aaral nila, sa kalusugan at sa pakikipag-ugnayan nila sa ibang tao. Susuriin ng pag-aaral na ito ang kasalukuyang kaalaman, damdamin, kaisipan, at pananaw ng mga mag-aaral sa mga maaaring maging epekto ng pamimigay ng condom sa mga paaralan. Respondente at Populasyon Ang mga kalahok sa pananaliksik ay mga mag-aaral na nagmumula sa Senior High School ng Surigao Del Sur State University. Ang mga respondente ay limitado sa 50 na mag-aaral na maaaring sumagot sa bawat talatanungan na ipapamahagi ng mga mananaliksik.
  25. 25. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Teknik sa Pagpili ng mga Respondente Ang ginamit bilang teknik sa pagpili ng mga respondente ay Convenience Sampling. Ito ay sapagkat ang mga respondenteng pipiliin ay limitado lamang sa 50 na mag-aaral at hindi buong populasyon ng SHS. Ang populasyon ay masyadong malaki at imposibleng isama ang bawat indibidwal. Ito ang piniling teknik ng mga mananaliksik sapagkat ang mga pipiliing respondente ay batay sa kanilang availability at easy access. Instrumento sa Pananaliksik Ang instrumentong gagamitin sa pananaliksik na ito ay kwestyoner o talatanungan na sariling gawa ng mga mananaliksik at ipanavaledeyt sa mga eksperto. Ipamumudmod ito sa 50 na mag-aaral sa Senior High School sa Surigao Del Sur State University. Ang talatanungan ay binubuo ng apat na mga katanungan at ipapasagot sa mga respondente. Sasagutin ng mga kalahok ang bawat tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa kanilang kasagutan. Sa kabuuan, ang instrumentong ginamit ay siyang magiging daan upang makakuha ng mga datos na susuporta sa tesis o pag-aaral na ito. Hakbang sa Paglikom ng mga Datos Ang pamamaraan at hakbang ng pangangalap o paglilikom ng mga datos ay nagsisimula sa paggawa ng talatanungan at susundan ng pag-eedit sa instrumento
  26. 26. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL para maiwasto ang kaayusan ng mga tanong at upang matiyak ang kaangkupan ng mga tanong sa mga problemang nais lutasin ng mga mananaliksik. Ang paghingi ng pahintulot sa bawat kalahok ang susunod. Personal na pinamamahalaan ng mga mananaliksik ang pagbibigay ng mga talatanungan sa bawat kalahok at ibibigay ang tamang panuto sa pagsagot upang makuha ang nararapat na tugon. Ililikom ang mga instrumento at ihahambing ang mga sagot ng bawat kalahok at bigyan ng kabuuan at konklusyon. Estatistikang Pamamaraan Ang estatistikang pamamaraan na gagamitin ay pagkuha ng porsyento o bahagdan upang makuha ang resulta ng pag-aaral na ito. Batay sa nabilang na tugon ng mga respondente sa bawat katanungan, maaari nang makita ang prekwensi sa bawat bilang na tugon. Ang pagkuha ng kabuuang bahagdan ay: Kung saan ang: P ay nangangahulugang bahagdan f ay nangangahulugang prekwensi o bilang ng tumugon n ay nangangahulugang kabuuang bilang ng mga respondente
  27. 27. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Kabanata 4 PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga mag-aaral sa Senior High School tungkol sa pananaw nila sa pamimigay ng condom, positibo at negatibong epekto nito, at suhestiyon nila sa kinauukulan. Talahanayan 1 Pananaw ng mga Respondente sa Pamimigay ng Condom sa mga Paaralan Opsyon Bilang ng Tumugon Bahagdan Ranggo 1. Nakakatulong ito upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na HIV/AIDS 11 22% 2 2. Mas mamulat ang mga estudyante sa ganitong bagay at mapalawak ang kanilang kaalaman 7 14% 3 3. Ito’y nakabubuti upang makontrol at mabawasan ang maagang pagbubuntis 6 12% 4 4. Ito’y nakakasama sapagkat katumbas ito ng pagkunsinti ng awtoridad sa malayang pagtatalik ng mga kabataan kahit di kasal 18 36% 1 5. Ito’y nakakadismaya dahil mali itong solusyon ng DOH sa problema, edukasyon at impormasyon ang kailangan 4 8% 5.5 6. Mas lalo pang dadami ang bilang ng teenage pregnancy sa bansa sa sandaling simulan ng DOH ang pamimigay ng condom 4 8% 5.5 Kabuuan 50 100%
  28. 28. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Ipinapakita sa talahanayan 1 na labingwalo (18) ang nagsabing ang pamimigay ng condom ng DOH sa mga paaralan ay nakasasama sapagkat katumbas ito ng pagkunsinti ng awtoridad sa malayang pagtatalik ng mga kabataan kahit di kasal. Ito ay may 36%. Labing-isa (11) naman sa kanila ang nagsabing nakatutulong ito upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na HIV/AIDS at ito ay may katumbas na 22%. Pito (7) naman sa kanila na may 14% ang nagsabing sa pamamagitan ng pamimigay ng condom, mas mamulat ang mga estudyante sa ganitong bagay at mapalawak ang kanilang kaalaman. Anim (6) naman sa kanila ang tumugon na ito ay nakabubuti upang makontrol at mabawasan ang maagang pagbubuntis. Ito ay may 12%. Apat (4) sa kanila ang nagsabing mas lalo pang dadami ang bilang ng teenage pregnancy sa bansa sa sandaling simulan ng Kagawaran ng Kalusuguan (Departement of Health) ang pamimigay ng condom ng libre sa mga paaralan. Bukod dito, apat (4) din sa limampung respondente ang nagsabing ito ay nakakadismaya dahil mali itong solusyon ng DOH sa problema, sapagkat edukasyon at impormasyon ang kailangan ng mga mag-aaral. Ayon sa nakalap na resulta, nasuri ng mga mananaliksik na karamihan sa mga respondente ay may pananaw na ang pamimigay ng condom sa mga paaralan ay nakakasama sapagkat katumbas ito ng pagkunsinti ng awtoridad sa malayang pagtatalik ng mga kabataan kahit di kasal. Base sa resulta ng pag-aaral, nangunguna sa ranggo ang pang-apat na opsyon na ito’y nakakasama sapagkat katumabas ito ng pagkonsente ng awtoridad sa
  29. 29. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL malayang pagtatalik ng mga kabataan kahit di kasal. Pumapangalawa naman sa bilang na ito’y nakaktulong upang maiwasan ang pagkalap ng sakit na HIV/AIDS. Habang pangatlo naman ang opsyon na mas mamulat ang mga estudyante sa ganitong bagay at mapalawak ang kanilang kalaman ay ika-tatlo. Ika apat naman sa ranggo na ito’y nakakabuti upang makontrol at mabawasan ang maagang pagbubuntis. Samantalang, patas naman sa ranggo ang pag-lima at pang-anim na opsyon kung saan ito’y nakakadismaya dahil mali itong solusyon ng DOH sa problema, edukasyon at impormasyon ang kailangan ganoon din ang pagdami ng bilang ng teenage pregnancy sa bansa sa sandaling simulan ng DOH ang pamimigay ng condom. Talahanayan 2.1 Positibong Epekto ng Pamimigay ng Condom sa mga Mag-aaral Opsyon Bilang ng Tumugon Bahagdan Ranggo 1. Masolusyonan ang HIV/AIDS 25 50% 1 2. Upang hindi mabuntis 13 26% 2 3. Pampaswerte sa wallet 4 8% 4 4. Upang laging handa 5 10% 3 5. Walang positibong epekto 3 6% 5 Kabuuan 50 100%
  30. 30. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Ipinapakita sa talahanayan 2.1 na dalawampu’t lima (25) sa limampung (50) respondente ang tumugon na ang pangunahing postibong epekto ng pamimigay ng condom sa mga mag-aaral ay masolusyonan ang HIV/AIDS, na kung saan may katumbas itong bahagdan na 50%. Labintatlo (13) naman sa kanila ang nagsabi na ang positibong naidudulot ng pamimigay ng condom ay upang hindi mabuntis at ito ay may 26%. Apat (4) naman na mga respondente ang tumugon na ito ay pampaswerte sa wallet at may katumbas itong 8%. Lima (5) naman sa kanila na may 10% ang tumugon na upang maging laging handa at tatlo (3) naman ang nagsabi na wala itong positibong epekto at ito ay may 6%. Batay sa natuklas na mga resulta ng mga mananaliksik, mas malinaw na ang pangunahing positibong epekto ng pamimigay ng condom ay masolusyonaan ang pagkalat ng sakit na HIV/AIDS. Ang positibong epektong nangunguna sa ranggo ay ang opsyon 1 na kung saan ito ay nagsasaad na masolusyonan ang HIV/AIDS. Pumapangalawa naman ang opsyon 2 na nagsasabing upang hindi mabuntis. Pangatlo ang epekto na upang laging handa. Pang-apat naman ang pampaswerte sa wallet at panglima ang walang positibong epekto.
  31. 31. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Talahanayan 2.2 Negatibong Epekto ng Pamimigay ng Condom sa mga Mag-aaral Opsyon Bilang ng Tumugon Bahagdan Ranggo 1. Nahihikayat silang makipagtalik 36 72% 1 2. Mas lalong dadami ang bilang ng teenage pregnancy 3 6% 4 3. Dagdag gastos sa pamahalaan 1 2% 5 4. Distraksyon sa Pag-aaral 6 12% 2 5. Walang negatibong epekto 4 8% 3 Kabuuan 50 100% Ayon sa talahanayan 2.2, sinang-ayunan ng tatlumpu’t anim (36) na respondente na may 72% na ang negatibong epekto ng pamimigay ng condom ay nahihikayat ang mga tindeyer na makipagtalik. Anim (6) naman sa kanila ang nagsabing distraksyon sa pag-aaral ang negatibong epekto nito, na kung saan may katumbas itong bahagdan na 12%. Tatlo (3) sa kanila na may 6% ang tumugon na mas lalong dadami ang bilang ng teenage pregnancy at isa (1) ang nagsabing ito ay dagdag gastos sa pamahalaan. Ito ay may bahagdan na 2% Bukod dito, apat (4) ang tumugon na may 8% na ang pamimigay ng condom sa mga mag-aaral ay walang negatibong epekto.
  32. 32. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Base sa nasuring resulta ng mga mananaliksik, mas malinaw na ang pangunahing negatibong epekto ng pamimigay ng condom sa mga paaralan ay nahihikayat ang mga tinedyer na makipagtalik. Malinaw na nangunguna sa ranggo ang opsyon 1 na nagsasabing nahihikayat silang makipagtalik. Pumapangalawa naman ang opsyon 4 na kung saan ito daw ay distraksyon sa pag-aaral. Ikatlo naman ang walang negatibong epekto. Pang-apat ang opsyon 2 na mas laong dadami ang bilang ng teenage pregnancy. Panghuli naman sa ranggo ang epekto na dagdag gastos ito sa pamahalaan. Talahanayan 3 Suhestiyon ng mga Mag-aaral sa Kinauukulan Opsyon Bilang ng Tumugon Bahagdan Ranggo 1. Ipagpatuloy ang pamamahagi ng condom 8 16% 3 2. Huwag na lang ituloy ang pamimigay ng condom sa mga mag-aaral 10 20% 2 3. Dapat ituro ang sex education sa halip na magbigay ng condom 28 56% 1 4. Ipagpaliban na lang muna 4 8% 4 Kabuuan 50 100%
  33. 33. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Ipinapakita sa talahanayan 3 ang mga suhestiyon ng mga mag-aaral sa kinauukulan ukol sa pamimigay ng condom sa mga paaralan. Dalawampu’t walo (28) sa limampung (50) respondente na may bahagdan na 56% ang nagsabing dapat ituro ang sex education sa mga paaralan sa halip na magbigay ng condom. Walo (8) naman sa kanila ang nagsabing kailangang ipagpatuloy ang pamimigay ng condom, at ito ay may 16%. Samantala, sampu (10) sa kanila na may katumbas na 20% ang tumugon na huwag na lang ituloy ang pamimigay ng condom sa mga mag-aaral. Apat (4) naman ang nagsabing ito’y ipagpaliban na lang muna, at ito ay may katumbas na 8%. Dahil sa mga nakalap na impormasyon, napag-alaman ng mga mananaliksik na halos lahat ng mga respondente ay may kagustuhan na dapat ituro ang sex education sa mga paaralan sa halip na magbigay ng condom. Tunay na makikita sa talahanayan na nanguguna sa ranggo ang opsyon 3. Sinang-ayunan ng maraming estudyante na dapat ituro ang sex education sa halip na magbigay ng condom. Pangalawa naman ang opsyon 2 na nagsasabing huwag na lang ituloy ang pamimigay ng condom sa mga mag-aaral. Pangatlo sa ranggo ang opsyon na ipagpatuloy ang pamamahagi ng condom. Panghuli naman ang opsyon 4 na kung saan ito ay nagsasaad na ipagpaliban na lang muna ang pamimigay ng condom.
  34. 34. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Kabanata 5 LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng lagom ng pag-aaral, konklusyon, at rekomendasyon para ang solusyon sa problemang naitala sa pag-aaral na ito ay maibibigay. Lagom ng mga Natuklasan Ang paglalathala ng pag-aaral tungkol sa pamimigay ng condom ay naganap. Limampung respondente ang sumagot sa mga katanungan na pinamigay ng mga mananaliksik, at ang resulta ay ang mga sumusunod: 1. Batay sa resulta ng pag-aaral, napag-alaman ng mga mananaliksik na karamihan sa mga respondente ay naniniwala na ang pamimigay ng condom sa mga paaralan ay nakasasama sapagkat katumbas ito ng pagkunsinti ng awtoridad sa malayang pagtatalik ng mga kabataan kahit di kasal. 2.1. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang positibong naidudulot ng pamimigay ng condom ay masolusyonan ang HIV/AIDS. 2.2 Bukod dito, napag-alaman ng mga mananaliskik na mas malinaw na ang pangunahing negatibong epekto ng pamimigay ng condom sa mga paaralan ay nahihikayat ang mga tindeyer na makipagtalik.
  35. 35. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL 3. Ayon sa mga nakalap na mga datos, natuklasan ng mga mananaliksik na karamihan sa mga respondente ay nagmungkahi na dapat ituro ang sex education sa mga paaralan sa halip na magbigay ng condom. Konklusyon Batay sa mga inilahad na mga datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na konklusyon. 1. Ang pamimigay ng condom ng DOH sa mga mag-aaral ay nakasasama sapagkat katumbas ito ng pagkunsinti ng awtoridad sa malayang pagtatalik ng mga kabataan kahit di kasal. 2.1. Ang positibong epekto ng pamimigay ng condom sa mga mag-aaral ay masosolusyonan ang pagkalat ng sakit na HIV/AIDS. 2.2. Kahit may positibong epekto ito, nakadudulot pa rin ito ng negatibong epekto sa mga mag-aaral. Ang pangunahing negatibong epekto nito ay nahihikayat silang makipagtalik. 3. Suhestyon ng mga mag-aaral na dapat ituro ang sex education sa mga paaralan sa halip na magbigay ng condom.
  36. 36. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Rekomendasyon Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos, buong pagkumbabang inirekomenda ng mga mananaliksik ang sumsunod: 1. Sa halip na condom ang ipamamahagi, Sex Education nalang ang kanilang pagtuunan ng pansin nang sa gayon, kabataa’y magkaroon ng kamalayan sa ganitong bagay. 2.1. Kailangang alamin muna ang hinanaing ng mga guro, magulang at maging ang mga kabataan bago gawin ang aksyon upang masiguradong walang badyet na masasayang at mga kabataang masisira ang kinabukasan. 2.2. Kung ang pamimigay ng condom sa mga mag-aaral ay nakakapagbibigay ng negatibong epekto, dapat ito’y itigil at mag-ingat ang awtoridad sa bawat desisyong gagawin. 3. Kailangang paigtingin ang pagbibigay ng mga pang-edukasyong suporta ng pamahalaan ukol sa ganitong problema.
  37. 37. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL TALASANGGUNIAN Dodd, Keri J. (1998). School Condom Availability. Retrieved February 1998, from https://www.advocatesforyouth.org/publications/449-school-condom-availability Boonstra (2014). The Incidental Fertility Effects of School Condom Distribution Programs. Retrieved from http://www3.nd.edu/~kbuckles/condoms.pdf Veritas Team (2016). Pamamahagi ng Condom, Pagsasayang ng Pera ng Bayan. Retrieved December 6, 2016, from http://www.veritas846.ph/pamamahagi-ng- condom-pagsasayang-ng-pera-ng-bayan/ Watson (2011). Condoms Should be Distributed in Schools. Retrieved from http://essayontopic.com/?p=38135 Andrade, J.N. (2016). Panindigan tungkol sa Distribusyon ng Condoms sa Paaralan upang mapigilan ang Empiksiyon ng HIV. Retrieved December 13, 2016, from http://jhaybnadileandrade.blogspot.com/2016/12/panindigan-tungkol-sa- distribusyon-ng.html Lawrence (2016). Condom: Nakakatulong ba? Retrieved December 11, 2016, from http://litelawrence.blogspot.com/2016/12/condom-nakakatulong-ba.html Garcia, Gemma (2016). Teenage Pregnancy Dadami sa Libreng Condom ng DOH. Retrieved December 5, 2016, from http://www.philstar.com/bansa/2016/12/05/1650357/teenage-pregnancy-dadami- sa-libreng-condom-ng-doh Pedroche, A.G. (2016). Libreng Condom sa Students. Retrieved December 5, 2016, from http://www.philstar.com/psn-opinyon/2016/12/05/1650333/libreng- condom-sa-students Crizaldo, R.L. (2017). Condoms sa Classrooms. Retrieved January 20, 2017, from http://www.journal.com.ph/editorial/pananaw-pinoy/condoms-sa-classrooms
  38. 38. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL APENDIKS A PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA SENIOR HIGH SCHOOL SA PAMIMIGAY NG CONDOM Pangalan (optional):________________________________ Kasarian: Babae Strand: Lalaki ABM HUMSS ICT STEM FBS Edad: 12-13 14-15 16-17 18-pataas PANUTO: LAGYAN LAMANG NG ISANG TSEK (√) ANG IYONG PINAKASAGOT SA MGA TANONG. 1.) Ano ang iyong pananaw ukol sa pamimigay ng condom sa mga mag-aaral sa SHS? [ ] Nakakatulong ito upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na HIV/AIDS [ ] Mas mamulat ang mga estudyante sa ganitong bagay at mapalawak ang kanilang kaalaman [ ] Ito’y nakabubuti upang makontrol at mabawasan ang maagang pagbubuntis [ ] Ito’y nakakasama sapagkat katumbas iyan ng pagkunsinti ng awtoridad sa malayang pagtatalik ng mga kabataan kahit di kasal [ ] Ito’y nakakadismaya dahil mali itong solusyon ng DOH sa problema, edukasyon at impormasyon ang kailangan [ ] Mas lalo pang dadami ang bilang ng teenage pregnancy sa bansa sa sandaling simulan ng DOH ang pamimigay ng condom 2.1) Ano sa tingin mo ang positibong epekto ng pamimigay ng condom sa mga mag-aaral?
  39. 39. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL [ ] Masolusyonan ang HIV/AIDS [ ] Upang hindi mabuntis [ ] Pampaswerte sa wallet [ ] Upang laging handa [ ] Walang positibong epekto 2.2) Ano ang negatibong epekto ng pamimigay ng condom sa mga estudyante? [ ] Nahihikayat silang makipagtalik [ ] Mas lalong dadami ang bilang ng teenage pregnancy [ ] Dagdag gastos sa pamahalaan [ ] Distraksyon sa pag-aaral [ ] Walang negatibong epekto 3.) Ano ang iyong suhestyon sa mga kinauukulan ukol sa pamimigay ng condom sa mga paaralan? [ ] Ipagpatuloy ang pamamahagi ng condom [ ] Huwag na lang ituloy ang pamimigay ng condom sa mga mag-aaral [ ] Dapat ituro ang sex education sa halip na magbigay ng condom [ ] Ipagpaliban na lang muna
  40. 40. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Marso, 2017 Annie Y. Samarca PhD. Punong-guro ng Senior High School Surigao del Sur State University Tandag City Ginoo/Ginang: Isang malugod na pagbati. Ang mananaliksik ay kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik hinggil sa Pananaw ng mga Mag-aaral Sa SHS sa Pamimigay ng Condom, bilang pagtugon sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino: Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.. Kaugnay nito, hihingi ang mga mananaliksik ng inyong pahintulot na makuha ang mga datos na kinakailangan sa pananaliksik mula sa mga mag aaral ng ABM sa pamamagitan ng pagpapasagot sa kanila ng talatanungang aming inihanda. Inaasahan po naming ang iyong positibong pagtugon sa kahilingang ito Maraming salamat po. Lubos na gumagalang, Mga Mananaliksik Pinagtibay ni: MERLYN ETOC AREVALO Instructor Inaprubahan ni: ANNIE Y. SAMARCA Ph.,D. Punong-guro
  41. 41. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL PANSARILING TALA NG MGA MANANALIKSIK Pangalan: Frenzy M. Picasales Tirahan: Purok Mercury, Telaje, Tandag City Edad: 16 Araw ng Kapanganakan: April 24, 2000 Lugar ng Kapanganakan: Tandag City, Province of Surigao del Sur Mga Paaralang Pinagtapusan Elementarya: Telaje Elementary School Sekondarya: Jacinto P. Elpa National High School
  42. 42. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Pangalan: Joan B. Montero Tirahan: Prk. 6A. Boulevard Riverside, Poblacion San Miguel, Surigao del Sur Edad: 17 Araw ng Kapanganakan: June 6, 1999 Lugar ng Kapanganakan: Poblacion San Miguel, Surigao del Sur Mga Paaralang Pinagtapusan Elementarya: Mabuhay Elementary School, Mabuhay Kadingilan Bukidnon Sekondarya: San Miguel National High School, Poblacion San Miguel, Surigao del Sur
  43. 43. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Pangalan: Jenesiel C. Carbonilla Tirahan: Balilahan, Mabua, Tandag City Edad: 17 Araw ng Kapanganakan: April 16, 1999 Lugar ng Kapanganakan: Layog, Tago, Surigao del Sur Mga Paaralang Pinagtapusan Elementarya: Layog Elementary School Sekondarya: Jacinto P. Elpa National High School
  44. 44. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Pangalan: Marian B. Lilang Tirahan: Tabing-dagat, Mabua, Tandag City Edad: 18 Araw ng Kapanganakan: November 06, 1998 Lugar ng Kapanganakan: Tandag City Mga Paaralang Pinagtapusan Elementarya: Tandag Central Elementary School Sekondarya: Jacinto P. Elpa National High School
  45. 45. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Pangalan: Ingrid R. Quilas Tirahan: Purok Neptune, Telaje, Tandag City Edad: 17 Araw ng Kapanganakan: November 7, 1999 Lugar ng Kapanganakan: Tandag City Mga Paaralang Pinagtapusan Elementarya: Kinabigtasan Elementary School Sekondarya: Jacinto P. Elpa National High School
  46. 46. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Pangalan: Renielle Kristine A. Mades Tirahan: Melissa Homes, Tago, Surigao del Sur Edad: 16 Araw ng Kapanganakan: June 12, 2000 Lugar ng Kapanganakan: Dumaguete, Cebu City Mga Paaralang Pinagtapusan Elementarya: Placido Del Mundo Elementary School Sekondarya: Jacinto P. Elpa National High School
  47. 47. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Pangalan: Celbert S. Mahinay Tirahan: Purok Maligaya III Tanabog, Rosario, Tandag City Edad: 17 Araw ng Kapanganakan: August 25, 1999 Lugar ng Kapanganakan: Tandag City Mga Paaralang Pinagtapusan Elementarya: Rosario Elementary School Sekondarya: Jacinto P. Elpa National High School
  48. 48. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL Pangalan: John Paul P. Tajonera Tirahan: Purok Tulay, Bag-ong Lungsod, Tandag City Edad: 16 Araw ng Kapanganakan: April 1, 2000 Lugar ng Kapanganakan: Tandag City Mga Paaralang Pinagtapusan Elementarya: Telaje Elementary School Sekondarya: Catalunan Pequeno National High School
  49. 49. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL
  50. 50. Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY Main Campus Tandag City, Surigao del Sur SENIOR HIGH SCHOOL

×