1. KADALASANG GINAGAMIT NG MGA NAGNANAIS NA MAGKAROON NA
LITURGICAL DANCING SA MISA ANG MGA BIBLE VERSES NGUNIT MARAHIL ITO
AY DAHIL SA MALING PAG-UNAWA O INTERPRETASYON.
1. ANG 2 SAMUEL AY ISANG PRUSISYON – TRANSLACION – NG KABAN NG
TIPAN AT HINDI ISANG LITURHIYA.
2Samuel 6:12-22 -May nagbalita kay Haring David na
pinagpalang mabuti ni Yahweh si Obed-edom. Ito’y
ikinagalak niya, kaya kinuha niya ang Kaban ng Tipan at
dinala sa Jerusalem. Hindi pa man nakakalayo, nakakaanim
na hakbang pa lamang ang mga may dala ng Kaban ng
Tipan, pinahinto na sila ni David at naghandog sila ng
isang toro at isang pinatabang baka. Isinuot ni David ang
isang linong efod, at nagsasayaw siya sa harapan ni
Yahweh. Habang lumalakad ang mga Israelita,
nagsisigawan sila sa tuwa at hinihipan ang mga trumpeta.
Nang sila’y papasok na ng lunsod, si David ay naglululundag
at nagsasayaw. Nang siya’y madungawan ni Mical na anak
ni Saul, hindi niya nagustuhan ang ginawa ni David.
Ipinasok nila sa tolda ang Kaban ng Tipan at inilagay sa
lugar na nakalaan dito. Si David nama’y muling nag-alay
ng mga handog na susunugin sa harapan ni Yahweh.
Pagkatapos, binasbasan niya ang mga tao sa pangalan ni
Yahweh na Pinakamakapangyarihan sa Lahat. Bago
nagsiuwi ang lahat ng mga Israelita, lalaki man o babae,
sila’y pinakain ng tinapay, karne at pasas. Pag-uwi ni David
upang batiin ang kanyang pamilya, sinalubong siya ni Mical
na may ganitong pagbati: “Dakilang araw ito sa hari ng
Israel na parang baliw na nagsasayaw sa harapan ng mga
aliping babae ng kanyang mga tauhan.” Sumagot si David,
“Ginawa ko iyon upang parangalan si Yahweh. Sapagkat sa
halip na ang iyong ama at ang kanyang sambahayan, ako
ang pinili ni Yahweh na mamuno sa Israel. At patuloy pa
akong magsasayaw upang parangalan si Yahweh, at gagawa
pa nang mas masahol dito. Sa tingin mo’y hamak ako dahil
sa aking ginawa, ngunit sa paningin ng mga babaing iyon
ay marangal ang ginawa ko.”
2. Isa ito sa mga kadalasang ginagamit na Bible verse bilang pagsuporta na maaari ang pagsasayaw
sa misa-- ang pagsasayaw ni Haring David “sa harapan ni Yahweh”.
2. WALANG MABABASA SA LUMANG TIPAN O KAHIT SA BAGONG TIPAN NA
PARI NA PUMAPASOK SA DAKONG KABANAL-BANALAN NA NAGSASAYAW.
Awit 149:2,3 – Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha;
dahilan sa iyong hari, ikaw Zion ay matuwa. Purihin sa
pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan; alpa’t tambol ay
tugtugin, at siya ay papurihan.
Hindi sinasabi sa Awit 149:2,3 na magsayaw sa Liturhiya ang mga Hudyo o ang mga
Kristiyano. Kasi kung Liturhiya ng mga Hudyo ang tinutukoy, walang mababasa sa Lumang
Tipan o kahit sa Bagong Tipan na paring pumasok sa Dakong Banal na nagsasayaw, o punong
pari na pumapasok sa Dakong Kabanal-banalan na nagsasayaw.
3. BAWAT MISA AY SAKRIPISYO AT PIGING NG PANGINOON. ANG
PAGSASAYAW SA MISA AY PAGIGING DI-BALANSE SA LITURHIYA.
Pahayag 19:7-9 –Magalak tayo at magsaya! Luwalhatiin
natin siya sapagkat nalalapit na ang kasal ng Kordero.
Nakahanda na ang kasintahang babae; nabihisan na siya
ng malinis at puting-puting lino.” Ang lino ay sagisag ng
mabubuting gawa ng mga hinirang ng Diyos. At sinabisa
akin ng anghel, “Isulat mo ito:mapalad ang mga
inanyayahan sa kasalan ng Kordero.” Idinugtong pa niya,
“Ito ay tunay na mga salita ng Diyos. (Tignan din Mateo
22:1-14 at Lucas 14:15-24)
Ang Misa – ang Liturhiya ng Bagong Tipan – ay ang representasyon (pagiging present muli ng
Sakripisyo ng Panginoong Jesus sa Krus ng Kalbaryo sa Panahon natin ngayon. Ang bawat Misa
ay pagbalik sa Paanan ng Krus sa Kalbaryo. Applicable bang sumayaw sa ganoong senaryo?
Dapat naman talaga magalak at magsaya, pero tandaan na wala pa tayo sa Langit, at sa Misa tayo
ay present sa senaryo ng Pagkakapako ng Panginoong Jesus sa Krus ng Kalbaryo, kaya ang
Liturhiya dapat ay balanse ang pagdiriwang: Balanse ang lungkot sa paggunita sa paghihirap at
kamatayan ng Panginoon, at ang saya sa kanyang muling pagkabuhay at saya sa kanyang piging.
3. Ang pagsasayaw sa Misa ay isang uri ng imbalance o ng pagiging di balanse sa Liturhiya.
Nawawala sa balanse ang pagiging Sakrispisyo at Piging ng Misa. Mas napagtutuunan ng pansin
ang pagiging Piging ng Misa.
4. SA MISA ANG NAG-AALAY BILANG PARI AT HANDOG AY ANG PANGINOONG
JESUS MISMO.
Rom 12:1,2 – Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa
masaganang habag ng Diyos sa atin, ako’y nakikiusap na
ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buhay,
banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na
pagsamba ninyo sa Diyos. Huwag kayong makiayon sa takbo
ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng
pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo
ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-
lugod at ganap na kalooban niya.
May ilan namang nagsasabi na ang pagsasayaw sa Misa ay pagsamba gamit ang katawan. Dapat
daw ay ialay ang talento upang maging kalugod-lugod sa Diyos ang pagsamba. Sa Misa ang nag-
aalay bilang Pari at Handog ay ang Panginoong Jesus mismo. At ito ang pinakamataas ng uri ng
pagsamba. Kung ang iniisip ng mga sumasayaw sa Misa na tatanggapin ng Diyos ang
pagsamba nila dahil nalulugod ang Diyos sa kanilang pagsasayaw, nakalimutan siguro nila na
ang kalugod-lugod sa Diyos ay ang Sakripisyo ng Panginoong Jesus at hindi ang mga pag-aalay
ng mga sumasambang tao. Nagiging kalugod-lugod lang ang pagsamba ng Simbahan – ang
Katawan ni Kristo – dahil siya ay nakikiisa sa pagsamba at pag-aalay ng kanyang Panginoon –
ang Ulo ng Iglesia. Sa Misa, sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya iniaalay natin ang ating
mga sarili bilang handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa Diyos dahil iniaalay natin ang
ating mga sarili kaisa ng pag-aalay ng Panginoong Jesus ng kanyang sarili sa Krus ng Kalbaryo.
At ang pag-aalay ng sarili bilang isang handog na buhay, banal at kalugud-lugod sa Diyos ay
hindi natatapos sa Misa kundi nagtutuloy-tuloy sa labas ng Simbahan sa pang-araw-araw na
buhay.
5. HINDI PABOR ANG ILAN SA MGA CHURCH FATHERS SA LITURGICAL
DANCING DAHIL ITO DAW AY NAGMULA SA PAGANISMO.
“Ambrose up in Milan witnessed his congregation dancing during times of worship. He
was shocked. Such conduct was pagan. In southern France, the bishop Caesarius [of
Arles] castigated “the wretches who dance and caper about before the churches of the
saints themselves…and if they appear at church as Christians, yet they leave the church
as pagans – for that custom of dancing is still with us from pagan ritual.” In the eastern
provinces, Bishop Basil reproved the dancers in the very chapels of
Caesarea…everywhere we look we find the problem” [Ramsay MacMullen,
Christianizing the Roman Empire: 100-400 (New Haven: Yale University Press, 19840,
pg. 74-75].
4. 6. MAAARI ANG PAGSASAYAW NGUNIT HINDI SA LOOB NG LITURHIYA.
7. WE ATTEND MASS NOT TO BE ENTERTAINED BUT TO WORSHIP GOD.