2. pAGHAHANDA
Ano nga ba ang Iskala (Scale)?
Nagtataka ka ba kung paano naiguhit ang mapa ng isang bansa o isang
lugar? Ang bawat totoong sukat ng isang lugar ay may katumbas na
haba sa isang guhit. Iskala ang tawag dito. Halimbawa: Ang 1 kilometro
ay maaaring tumbasan ng 1 sentimetro kapag iginuhit o inilapat sa
mapa.
3. Pagsasanay sa Paggamit ng
Iskala:
Ang inyong ruler ay may mga sentimetro na puwedeng tapatan ng
mas malaking sukat tulad ng nasa ibaba:
1cm. = 100 km.
4. Pagsasanay sa Iskala sa Mapa:
Subukan mong iguhit ang kuwarto mo at gamitan mo ng iskala.
Halimbawa ay 4 na piye (4 feet) ang layo ng kama sa pintuan. Maaaring
gumamit ka ng 1 sentimetro katumbas ng isang piye. Gawin mo ito sa
pahina 36 at gumuhit ng isang kama at subuking sukatin ang layo ng
pintuan sa kama ay 4 na sentimetro lamang.
Pag-aralan mo pang mabuti ang gamit ng Iskala. Ang layo ni Carlos sa
bola ay 6 na piye (6 feet). Sukatin mo sa sentimetro ang guhit na
nagpapakita ng layo niya sa bola. Ilang sentimetro ang katumbas ng
piye?