2. KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGBASA
•ISA SA APAT NA KASANAYANG PANGWIKA
•PAGKILALA AT PAGKUHA NG MGA IDEYA AT KAISIPAN SA MGA NALIMBAG NA SIMBOLO
•PROSESO NG PAG-UNAWA SA MGA MENSAHENG NAIS IBAHAGI NG MAY AKDA SA BABASA NG
KANYANG SINULAT
•ISANG PANGKAISIPANG HAKBANGIN TUNGO SA PAGKILALA, PAGPAPAKAHULUGAN, AT
PAGTATAYA SA MGA ISINULAT NG MAY AKDA
•PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA NAKALIMBAG NA SIMBOLO NG KAISIPAN
3. KAHALAGAHAN NG PAGBASA
• ANG PAGBABASA’Y NAKAKATULONG SA PAGTUKLAS NG
KARUNUNGAN SA IBA’T IBANG LARANGAN.
• NAGHAHASA ITO NG KAISIPAN NG TAO
• NAKAPAGDARAGDAG NG KAALAMAN
• NAGPAPALAWAK NG PANANAW
• NAGBIBIGAY NG KASIYAHAN
• NAKAPAGDADALA SA ISANG TAO SA IBA’T IBANG LUGAR
• NAGBUBUKAS DIN ITO NG DAAN UPANG MATUTO SA
IBA’T IBANG DISIPLINA TULAD NG PILOSOPIYA,
SIKOLOHIYA, KASAYSAYAN, MATEMATIKA AT MARAMI
PANG IBA
4.
5.
6. PROSESO SA PAGBASA
1. Persepsyon- Kakayahang bigkasin ng mga pang-unawa ang mga
salita.
2. Komprehensyon- Kakayahang maunawaan ang nilalaman ng
teksto sa pamamagitan ng pagbuo ng knosepto.
3.Realisasyon- Nangangailangan ng paghuhusga at pagwawari
tungkol sa ano ang sinasabi ng awtor.
4. Integrasyon- Kakayahang maiangkop sa buhay ng mambabasa
ang anumang konseptong nauunawaan upang maging
mahalagang bahagi ng kanyang karanasan para sa kinabukasan.
7.
8. TEORYANG BOTTOM-UP
Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang
behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang
ng komprehension sa pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay
pagkilala ng serye ng nakasulat na mga simbolo upang maibigay ang
katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto
sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at
pangungusap bago
malaman ang kahulugan ng teksto.
9. TEORYANG BOTTOM-UP
Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at
ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang
mambabasa ay isang pasib na partisipant lamang sa
proseso ng pagbasa dahil ang tangin tungkulin niya ay
ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong
kanyang binasa. Ang proseso ng pag-unawa ayon sa
teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom), patungo sa
mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom up.
10. TEORYANG TOP-DOWN
Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil
napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi
nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay
impluwensya ng sikolohiyang Gestaltna naniniwalang ang pagbasa
ay isang prosesong holistik. Ayon dito, ang mambabasa ay
napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may
taglay na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay
maysariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang
nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto.
11. TEORYANG TOP-DOWN
Tinatawag din ang teoryang ito na inside out o cenceptually-driven
dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa
mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil ang
mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at
ng konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga
karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya nga
kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga
ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.
12. TEORYANG INTERAKTIB
Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa
ikalawang
teorya. Ayon sa mga proponent nito, ang top-down at maaaring
akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga
baguhan pa lamang. Higit na angkop daw ang kombinasyong
top-down at bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang
direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas.
13. TEORYANG INTERAKTIB
Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at
kaisipan. Dito
nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-
awtor.. kung gayon, ang interaksyon ay may dalawang direksyon o
bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-
diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang
produkto
14. TEORYANG ISKIMA
Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng
dating kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang
paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong
impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa
dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin ng
isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya
sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa.
15. TEORYANG ISKIMA
Maaaring binabasa na niya lamang ang teksto upang
mapatunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto
ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, maaaring
sabihin na ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng
komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng
pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng
mambabasa
16.
17. URI NG PAGBASA
1. Masusing Pagbasa
2.Masakla na Pagbasa
3.Tahimik na Pagbasa
4.Mabagal na Pagbasa
5.Mabilis na Pagbasa
29. PREBYUWING
Isinasaalang-alang din dito ang antas ng
pagunawa na kakailanganin para mabigyang
kasiyahan ang layunin sa pagbasa at ang
pagtataya sa panahong mailalaan sa
epektibong pagbasa sa materyal.
30. PREBYUWING
Sa pamagat pa lamang matutukoy na kung
nagtataglay nga ang materyal o hindi ng
paksang sinasaliksi, gayundin sa mga sub-
title.
31. SARVEYING AT OVERVYUWING
-Pagbubuod naman ang overvyuwing
- Dagliang pagsasabuod ito ng mga
kaisaipang natunghayan sa ginawang
pangkalahatang sarvey.
43. KRITIKAL
Layunin dito ang maging mapanlikha,
ang makatuklas ng panibagong
konsepto at magawan ito ng bagong
porma na maiuugnay sa kapaligirang
sosyal at kultural.
44. PAMULING-BASA
Muli’t muling pagbasa ng isang
babasahin sapagkat napakalawak ng
naibibigay na antas ng interpretasyon
nito na hindi agad nakukuha sa
minsang Pagbasa.
46. BASANG-TALA
Pag may nasusumpungang mahalagang
kaisipan o konsepto, itinatala ito, kaya’y
minamarkahan para sakaling
kailangang muli ang impormasyon,
madali itong Makita o Makuha.
48. SURING-BASA O REVYU
Isa itong maikling kririka na
naglalaman ng pagsusuri at pamumuna
ng isang akda o aklat para pahalagahan
ang kabuuang porma at nilalaman nito.
49. SURING-BASA O REVYU
Hindi lamang simpleng pagbubuod
kundi isa rin itong pagtataya sa mga
katangian ng akda o aklat.
50. SURING-BASA O REVYU
Para epektibong magampanan ang
pagsusuring-basa, maingat at
masinsing busisiin ang buong akda
“cover to cover” nang mapag-alaman
nang husto.
51.
52. PANG-UNAWANG LITERAL
• Ang mambabasa ay nasa antas ng
paggamit ng “simple recall”
• Naisasagawa ang sumusunod na
kasanayan: Pagkilala,
56. APLIKASYON NG MGA KAISIPANG NAKUHA
SA PAGBASA
Ang kakayahan mong Iugnay sa iyong
personal na karanasan, sa mga
kasalukuyang isyu at kaganapan sa
lipunan, maging ang sariling
57. APLIKASYON NG MGA KAISIPANG NAKUHA
SA PAGBASA
Kasagutan kung ano ang iyong gagawin
kung ikaw ang nasa lugar ng mga
tauhan.
58. PAGPAPAHALAGA
Alam mo ng ipahayag nang malinaw ang
naging damdamin mo sa nilalaman ng
seleksyon o akda.
59.
60. 1. Dapat nasa kundisyon ang mga
paningin at kalusugan.
2. Umiwas sa mga maiingay na lugar
para hindi masira ang
konsentrasyon
61. 3. Sikaping pumili ng komportableng
upuan.
4. Kailangang may tiyak na layunin sa
pagbabasa.
62. 5. Mahalaga din ang saloobin upang
maging mabisa at kawili-wili.
6. Malaking tulong din ang malawak na
talasalitaan.
63. 7. Kailangan din maabot ang talinghaga
na nasa pagitan ng mga salita o
pangungusap.
8. Mahalaga din ang lubos na kaalaman
sa mga bantas.
Hinweis der Redaktion
Nagsisimula sa mga titik, salita, parirala at pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto.