25. Ang mga alituntunin sa
ating pamilya ay dapat
sundin. Ito ang susi sa
mapayapa at maayos na
tahanan.
26.
27.
28. Takdang Aralin
Sa tulong at gabay ng iyong magulang basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba.Sagutin ang
katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Si Jaspher ay isang mabait at masunuring bata. Pag kauwi galling sa paaralan ay agad niyang
ginagawa ang kanyang takdang aralin bago maglaro. Ngunit isang araw habang ginagawa niya ang
kanyang aralin ay tinawag siya nang kanyang nanay upang bumili nang sibuyas sa tindahan.
Kung ikaw si Jaspher ano ang iyong gagawin?
a. Ipagpapatuloy ko ang pagsagot sa aking aralin at mamaya ko na lang susundin ang utos nang
aking nanay.
b. Susunod agad ako sa utos nang aking nanay at ipagpapatuloy na lamang aking pagsagot sa aking
aralin pagkatapos kong bumili ng sibuyas.
c. Sasabihin ko sa aking nanay na ako ay gumagawa nang takdang aralin kaya hindi ako makakabili
ng sibuyas.
d. Magbibingibingian at kunwaring walang narinig.
Sagot: