ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
01 direksyon ng himig
1. F
I
L
I
P
I
N
O
6
M
U
S
I
K
A
5
DIREKSYON NG HIMIG
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)
Distance Education for Elementary Schools
SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS
Department of Education
BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION
2nd Floor Bonifacio Building
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City
2. 1
MUSIKA
(Ikalimang Baitang)
Modyul 8
DIREKSYON NG HIMIG
Ang himig o melodiya ay binubuo ng iba’t ibang tono. Ang mga tono ay
nakasulat sa linguhit tulad nito.
Ang mga tono sa linguhit ay maaring gumalaw o kumilos sa iba’t ibang
paraan tulad ng pataas, pababa, pataas/pababa o pantay. Maaari ding kumilos
nang palaktaw-laktaw.
Sa modyul na ito, iyong makikilala at matutukoy ang galaw ng himig o
melodiya. Ang tawag dito ay direksyon ng himig.
Pumikit ka at isipin mo ang iyong kilos sa pagbaba at pag-akyat sa
hagdan. Pagkatapos, dumilat ka.
Paano ka umakyat at bumaba sa hagdan?
Sunud-sunod ba ang iyong paghakbang tulad nito?
ALAMIN MO
3
4
PAGHAHANDA
3. 2
Kung ikaw ay nagmamadali, lumalaktaw ka ba sa iyong pagbaba o pag-
akyat sa hagdan tulad nito?
Sa musika, ang mga tonong bumubuo ng isang himig o melodiya ay iba
iba rin ang pagkilos. May mga tonong pataas, pababa o pantay. Ang tawag dito
ay direksyon ng himig o melodiya.
Ang direksyon ng himg ay maaaring pataas, pababa o pantay
Halimbawa:
Ang direksyon ay maaari ding palaktaw-laktaw. Ang ayos ng mga nota sa
limguhit ay may nilalaktawang guhit o puwang
PAG-ARALAN MO
pataas
pababa
pantay o inuulit
5. 4
1. Awitin muli ang unang parirala habang sinusundan mo ng kamay o iguhit sa
hangin ang direksiyon ng himig. Iguhit mo sa iyong papel.
Halimbawa:
Ang direskyon ng himig ay pantay, pataas, pababa, pantay, pataas,
pababa.
Subukin mo ring iguhit ang direksiyon ng ikalawang parirala.
Ipagpatuloy mo. Gawin mo rin ito sa ikatlo at ikaapat na parirala.
Naiguhit mo ba ang direksiyon ng iyong awit?
2. Suriin mo ang notasyon. Ano ang napapansin mo sa pagkakasulat ng mga
nota sa linguhit.
May sunud-sunod ang pagkakaayos sa guhit at sa puwang tulad nito.
May palaktaw-laktaw ang ayos ng mga nota tulad nito.
3. Tukuyin mo sa notasyon ng “Lutong Pilipino” ang direksiyon ng himig.
Isulat mo sa iyong papel o iguhit mo ang kilos ng mga nota. Magsimula ka sa
unang parirala.
sunud-sunod o pahakbang
palaktaw-laktaw
pantay
6. 5
Humanap ka ng mga direksiyon na pataas, pababa, pahakbang, palaktaw.
Tukuyin mo kung ang mga ito ay pataas o pababa kung ang direksiyon ay
pahakbang o palaktaw-laktaw.
Halimbawa:
Ang direksiyon ng himig o melodiya ay maaating pataas, pababa o
pantay. Maaari ding ito pataas/pababa na pahakbang at pataas/pababa na
palaktaw-laktaw.
Isulat mo sa iyong papel ang direksiyon ng mga tono sa mga sumusunod
na hulwaran.
Binabati kita at matagumpay mong
natapos ang modyul na ito! Maaari mo
na ngayong simulan ang susunod na
modyul.
TANDAAN MO
PAGPAPAHALAGA
pataas na palaktaw-laktaw