SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 26
Downloaden Sie, um offline zu lesen
1
ARALING PANLIPUNAN IV
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 9
IMPLASYON
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION
Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City
2
MODYUL 9
IMPLASYON
Si Jesus ay namamasahe lamang sa kanyang pagpasok sa eskuwelahan.
Mula Pasay hanggang Maynila ang pamasahe ay P7.50. Noong nakaraang tatlong
taon ay P5.50 lamang ang kanyang pamasahe sa parehas na biyahe. Samantalang
noong 2002, ang pamasahe niya ay P4.00 lamang.
Kung magsasaliksik lamang si Jesus kung magkano ang pamasahe bago
magka-giyera ay malalaman niya na ang pamasahe sa tran-via ay 10 sentimo
lamang.
Ang presyo ng mga produkto at serbisyo sa mga nagdaang panahon ay
malinaw nating makikita na may malaking pagbabago. Ito ay isang realidad na ng
buhay na hindi na yata natin magagawang matakasan. Ang idinudulot nito sa atin ay
isang krisis pang-ekonomikong pang personal o nasyonal o pareho.
Sa modyul na ito, pag-aaralan natin kung ano ang implasyon, bakit may
implasyon, anu-ano ang epekto ng implasyon sa atin, at ano ang mga hakbangin
upang ito ay maiwasan.
May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Ang Konsepto ng Implasyon at ang Paraan ng Pagsukat Nito
Aralin 2: Ang Mga Epekto ng Implasyon
Aralin 3: Mga Dahilan ng Implasyon
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Maipaliliwanag ang kahulugan ng implasyon;
2. Maiisa-isa ang iba’t ibang epekto ng implasyon sa personal at
nasyonal na aspeto nito; at
3. Masusuri ang mga dahilan ng implasyon.
3
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
PANIMULANG PAGSUSULIT:
I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ang pangkalahatang pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
A. Implasyon.
B. Deplasyon.
C. Consumer Price Index.
D. Disimplasyon.
2. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin sa pamilihan.
A. Cost Push.
B. Demand Pull.
C. Implasyon.
D. Deplasyon
E. .
3. Ano ang ibig sabihin CPI na 100?
A. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay mahigit 100% malaki kaysa
sa batayang taon.
B. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 100% mas mababa kaysa sa
batayang taon.
C. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay parehas sa batayang taon.
D. Ang kasalukuyang halaga ng market basket at P100.
4. Alin sa mga sumusunod ay HINDI sanhi ng implsyon?
A. paglaki ng demand kaysa sa produksyon.
B. kakulangan sa enerhiya.
C. pagtaas ng kapasidad sa peoduksyon.
D. pagtaas ng halaga ng pamumuhay.
4
5. Alin sa mga sumusunod ay walang kaugnayang sa cost-push inflation?
A. pagtaas ng halaga ng electrisidad.
B. pagtaas ng pamimili ng mga konsyumer.
C. mas mataas na demand sa pagtaas ng sahod.
D. mga regulasyon ng pamahalaan.
6. Alin sa mga dahilan ng implasyon ang tinalakay ayon sa konteksto ng quantity
equation?
A. demand-pull at cost-push inflation.
B. demand-pull inflation lamang.
C. cost-push inflation.
D. monetary inflation.
7. Alin sa mga sumusunod na pangungusap at TAMA?
A. Ang halaga ng piso ay bumababa kapag tumatataas ang im[lasyon.
B. Ang halaga ng piso ay tumataas kapag mataas ang implasyon.
C. Ang halaga ng piso ay hindi naapektuhan ng implasyon.
D. Ang halaga ng piso ay maaaring tumaas o bumaba depende kung ang
imnplasyon ay demand-pull o cost-push.
8. Ang pinaka madalas gamitin na panukat sa pagbabago ng presyo.
A. PPC.
B. CPI.
C. GNP.
D. PPI.
9. Ano ang ibig sabihin ng CPI na 145?
A. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 145% na mas mataas kaysa
sa batayang taon.
B. Ang batayang price index ay may index na 145.
C. Ang halaga ng market basket ay 145.
D. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 45% na mas mataas kaysa
sa batayang taon.
5
10.Ang COLA ay dinisenyo upang bigyang proteksyon ang mga manggagawa laban
sa:
A. istrukturang kawalang trabaho.
B. underemployment.
C. implasyon.
D. pagbaba ng bilang ng oras ng trabaho.
6
ARALIN 1
ANG IMPLASYON AT ANG PARAAN NG PAGSUKAT NITO
Napapansin mo ba na ang bilang at dami ng mga produktong nabibili mo ngayon
ay di na kasing dami ng mga produktong nabibili mo noon? Naitanong mo na ba sa
iyong sarili kung ano ang dahilan ng mga ganitong pangyayari? Ito ang mga
pangunahing katanungan na sasagutin ng araling ito.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Maipaliliwanag ang konsepto ng implasyon; at
2. Mailalahad ang mga paraan ng pagsukat ng implasyon.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Tanungin sina lolo at lola, nanay at tatay, at ang mga kuya at ate mo tungkol
sa mga presyo ng mga sumusunod na produkto:
Presyo ng Produkto/Serbisyo
Produkto
Panahon nina
Lolo at Lola
Panahon nina
Tatay at Nanay
Panahon nina
Kuya at Ate
Kasalukuyang
Panahon
1 Kilo Bigas
1 Kilo Asukal
1 Kilo
Galunggong
1 Kilo Baboy
Pamasahe
7
Mga Katanungan:
1. Pansinin ang mga presyo ng produkto/serbisyo ayon sa mga panahong
ibinigay. ____________________________________________________
___________________________________________________________
2. Ikumpara ang mga presyo ng bilihin ayon sa mga panahon ng iyong Lolo
at Lola, Tatay at Nanay, at Kuya at Ate at kasalukuyang presyo. ________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. May mga pagbabago ba sa presyo simula pa noon? _________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Ang Implasyon
Ang patuloy na pagtaas na mga presyo ng mga bilihin ay kasama natin at
makakasama natin hanggang sa tayo’y nabubuhay. Wika nga ng iba: “Until death, do
us part”.
Sa pangkalahatan, ang implasyon ay isang sitwasyon kung saan:
1. Ang mga tao ay gumagamit ng mas maraming salapi para makabili lamang ng
iilang produkto;
2. Ang halaga ng pamumuhay ay tumaas;
3. Mayroong patuloy na pagbaba sa halaga ng salapi; at
4. Ang mga presyo ng bilihin ay tumataas.
Samakatuwid, ang implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang
presyo o halos pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya.
Ang pagtaas ng presyo ng ilang produkto, kahit na ito pa ay ang importanteng
produkto ng mga mamimili katulad ng bigas, karne, at iba pa, ay hindi maaaring
8
pagbasehan na may nangyayaring implasyon. Lalo’t higit ang isang minsanan ngunit
malawakang pagtaas ng mga presyo ng lahat ng bilihin sa buong ekonomiya ng bansa,
ay hindi maaaring tawaging sitwasyon na may implasyon.
Sa isang sitwasyon na may implasyon, walang malinaw na ekwilibriyo na
nangyayari, kung kaya’t walang matatag na presyo. Ang presyo ng mga bilihin ay
patuloy at patuloy na tumataas sa iba’t-ibang antas.
Upang mas maintindahan mo kung ano ang implasyon, alamin natin ang mga
iba’t-ibang konsepto na may kaugnayan sa implasyon.
Mga Iba’t ibang Konsepto sa Implasyon
1. Deplasyon – ito ang kabaligtaran ng implasyon, halimbawapagbaba ng
presyo at pagtaas ng tutoong kita (real income).
2. Boom – Ito ang pinaka-mataas na punto ng sikliko ng kalakalan (trade cycle).
Mayroong magandang takbo ng ekonomiya, mababang antas ng kawalang
trabaho, at mayroong kasaganaan.
3. Depression – Ito ang kabaligtaran ng Boom. Ito ang pinakamababang part
eng sikliko ng produksyon kung saan malaki ang antas ng kawalang trabaho
sa loob ng mahigit isang taon.
BOOM
DEPRESSION
SIKLIKO NG
KALAKALAN
9
4. Slump – Ito ang kalagayan kung saan may pagbaba ng presyo ng mga bilihin
kasabay ng pagbagal ng takbo ng ekonomiya.
5. Recession – Ito ang pangkalahatang pagbaba ng ekonomiya sa loob ng mga
ilang buwan.
6. Stagflation – Tumutukoy sa ekonomiya na may paghinto kasabay ng
implasyon. Sa normal na kalagayan kung saan mayroong pagtaas ng
ekonomiya ito ay kadalasang may kaakibat na implasyon, ngunit sa kaso ng
stagflation, mayroon implasyon na walang pagtaas ng ekonomiya.
7. Slumpflation - Ito ay kaparehas ng stagflation kung saan mayroon mataas na
antas ng kawalang trahaho at pagtaas ng mga bilihin.
8. Reflation – Ito ay sitwasyon na may bahagyang implasyon, hal. kontroladong
implasyon.
9. Disimplasyon – Tumutukoy sa proseso ng pagpapababa ng presyo ng mga
bilihin
10.Inflationary gap – Isang condition kung saan ang pangkalahatang demand ay
higit na mas malaki kaysa sa pangkalahatang suplay.
11.Phillip’s Curve – Ayon kay A.W. Phillips, mayroong trade-off sa pagitan ng
kawalang trabaho at implasyon, hal. sa sitwasyong may mataas na
implasyon, may pagbaba naman ng antas ng kawalang trabaho at vice-versa.
Ang Pagsukat ng Pagbabago sa Presyo
Bago natin malaman ng mayroon ngang implasyong nagaganap sa ating bansa,
kailangan natin munang alamin kung paano sukatin ang mga pagbabago sa mga
presyo ng bilihin.
Ang unang hakbang ay ang pagbuo ng mga price index. Ang price index ay ang
average ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin at ikumpara ito sa presyo ng isang
batayang taon. May tatlong elemento na dapat bantayan sa pagbuo ng isang price
index.
1. Ang mga lalamanin na produkto ng tinatawag na market basket.
10
2. Ang halaga ng bawat produktong kasama sa basket, at
3. Ang batayang taon na siyang gagawing punto ng paghahambing.
Ang Pagpili ng Lalamanin ng Market Basket
Ang mga bagay na lalamanin ng market basket ay depende sa kung anong
klaseng price index ba iyong gagawin. Kung ito ay ang Consumer Price Index (CPI),
ang dapat na makikita sa market basket ay mga produkto na malawakang ginagamit at
binibili ng mga konsyumer.
Ang halaga ng pera ay ang purchasing power ng kita ng bawat mamamayan, hal.
ang abilidad na makabili ng mga produkto at serbisyo. Ito ay katumbas ng konsepto ng
tutoong kita (real income). May negatibong relasyon sa pagitan ng halaga ng pera at
ang pangkalahatang presyo ng mga bilihin. Kapag mas mataas ang presyo ng mga
bilihin, mas mababa ang halaga ng pera.
Ang Consumer Price Index (CPI)
Ang CPI ay isang gamit istatistiko na siyang nagpapakita sa pagbabago sa
pangkahalatang presyo ng mga bilihin mula sa batayang taon hanggang sa
kasalukuyang taon, sinusukat nito ang mga pagbabago sa halaga ng pera.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng CPI
1. Ang pagpili ng Batayang Taon (Base Year). Ito ay ang taon na siyang
pinagbabatayan kung saan ang mga pagbabago presyo kumpara sa ibang
taon ay nasalagay sa porsyento nito. Ang batayang taon ay dapat na nasa
normal na taon, hal. taon na lung saan ang ekonomiya ng isang bansa, ang
political na kalagayan at ang mga presyo ng mga bilihin ay matatag.
11
2. Ang pagpili ng lalamanin ng Market basket. Ang mga produktong napili para
sa market basket ay dapat naka-base sa kasalukuyang paggasta ng isang
tipikal na pamilya. Ang mga produkto ay hindi dapt nasasara lamang sa isang
partikulas na istado ng lipunan. Ito ay dapat na sumasalamin sa panlasa ng
pangkahalatang populasyon. Hal., ang mga mamahaling jacket at mga
mamahaling sasakyan ay hindi dapat isama sa listahan.
3. Ang Presyo ng mga napiling produkto:
a) Ang mga presyo mga napiling produkto ay dapat na makuha
mapagkakatiwalaan institusyong nangangalaga ng mga datos nito
mula sa kasalukuyan at sa hinaharap.
b) Ang basket ay ilalagay sa presyo ng batayang taon. Ang index ng
batayang taon ay dapat na nakalagay sa 100.
c) Ang presyo ng parehas na nilalaman ng basket ay ilalagay sa
pangkasalukuyang presyo ng mga bilihin.
d) Ang halaga sa kasalukuyang market basket ay ikukumpara sa
porsyento ng batayang taon.
Kasalukuyang Presyo ng Bilihin x 100 = Current Year
Presyo ng Batayang Taon
e) Ang index ng kasalukuyang presyo sa lahat ng nilalaman na produkto
ng market basket ay pagsasamahin at idi-divide sa bilang ng aytems
nito. Mula dito, makukuha natin ang tinatawag na simple price index o
ang hindi tinimbang na index ng presyo. (Tingnan ang Halimbawa)
Pormula
12
Aytems Presyo
sa
Batayang
Taon
Index ng
Batayang
Taon
Presyo
Kasalukuyang
Taon
Index ng
Kasalukuyang
Taon
Bigat
ng
bawat
Taon
Bigat X Index
ng
Kasalukuyang
Presyo
Pagkain 50 100 30 60 4 240
Damit 100 100 120 120 3 360
Bahay 200 100 250 125 2 250
Pamasahe 10 100 20 200 1 200
HALIMBAWA:
Kasalukuyang Presyo ng Bilihin x 100 = Current Year
Presyo ng Batayang Taon
= 30 X 100
50
= 0.60 X 100
= 60 Index ng Kasalukuyang Presyo
Pormula
13
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Kompyutin ang Simple Price Index ng Talaan na nasa Itaas at sagutin
ang tanong na nasa ibaba.
TANONG: ILANG PORSYENTO NG ITINAAS/IBINABA NG PRESYO NG
BILIHIN?
______________________________________________________________________

14
Tandaan Mo!
Ang Implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang
presyo o halos pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang
ekonomiya.
Ang Batayang ng Implasyon ay ang mga sumusunod:
a. Ang mga tao ay gumagamit ng mas maraming salapi para makabili
lamang ng iilang produkto;
b. Ang halaga ng pamumuhay ay tumaas;
c. Mayroong patuloy na pagbaba sa halaga ng salapi; at
d. Ang mga presyo ng bilihin ay tumataas.
Ang CPI ay isang gamit istatistiko na siyang nagpapakita sa pagbabago sa
pangkahalatang presyo ng mga bilihin mula sa batayang taon hanggang sa
kasalukuyang taon, sinusukat nito ang mga pagbabago sa halaga ng pera.
Gawain 3: Paglalapat
Pag-aralan ang presyo ng mga sumusunod na listahan ng produkto.
Kompyutin ang halaga ng pagtaas o pagbaba ng presyo nito
1. Manok
2. Baboy
3. Talong
4. Galunggong
5. Bigas
15
ARALIN 2
ANG EPEKTO NG IMPLASYON
Sa naunang aralin, pinag-aralan natin ang kahulugan ng Implasyon at ang
paraan ng pagkompyut nito. Nalaman ang implasyon ay ang pagtaas ng halaga ng di
lamang ng illang produkto, kungdi ng halos lahat o lahat ng produkto. Ngayon, aalamin
natin kung ano naman ang epekto ng implasyon sa iba’t-ibang larangan ng ekonomiya
ng bansa.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Maiisa-isa ang epekto ng Implasyon sa iba’t-ibang larangan ng ekonomiya ng
Pilipinas; at
2. Matatalakay kung sino-sino ang mga nakikinabang at di-nakikinabang kapag
may nangyayaring implsyon ;
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Halimbawang nagkaroon ng malwakang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at
naapektuhan nito ang iyong pamilya, ano ang magagwa mo upang makatulong sa
iyong mga magulang. Gumawa ng isang listahan ng iyong gagawin.
16
Ang Epekto ng Implasyon
May iba’t-ibang epekto ang Implasyon sa iba’t-ibang aspeto ng ekonomiya ng
bansa. Ito ay ang mga sumusunod.
1. Produksyon/Pamumuhunan. Bilang resulta ng implasyon, tataas ang kita ng mga
prodyuser na siyang magiging sanhi ng kanilang motibasyon para dagdagan ang
produksyon (Ayon sa Batas ng Supply, ang pagtaas ng kita ang magiging sanhi
sa pagtaas ng bilang ng suplay). Sa paglaki ng produksyon, ang
pangangailangan sa manggagawa. Sa ilang mga bansa, sinasadya ng
pamahalaan na gumawa ng banayad na implasyon (mild inflation) upang
engganyohin ang mga mangangalakal at entreprenyur na mamuhunan pa ng
mas malaki.
2. Distribusyon ng Kita. Magiging sanhi ng implasyon ang mas malaking agwat sa
distribusyon ng kita. Makikinabang dito ang mga mangangalakal, mga
magsasaka, at iba pa.
3. Pag-iimpok. Lahat ng mga inipon sa na may permanenteng halaga (fixed value)
katulad ng mga deposito sa bangko, mga seguro (insurance), mga naghuhulog
sa bahay, Sa pagtaas ng presyo, ang kalakasan sa pagbili (purchasing power)
ay mawawala. Sa kabilang banda, ang mga impok sa assets at mga real estates
ay makikinabang. hal., ang halaga ng pabahay, mga alahas at iba pa., ay tataas
at ang mga may-ari nito ang makikinabang.
4. Balanse ng Kalakalan. Mayroong tatlong klase ng balance sa kalakalan:
A) Ang deficit kung saan mas malaki ang import ay mas malaki sa exports
B) Ang surplus kung saan ang import ay mas kaunti sa exports. ; at
C) Ang balanseng kalakalan kung saan ang import at parehas sa exports.
Tuwing may implasyon, sap unto ng imports at exports, magkakaroon ng
deficit sa balance of trade batay sa larawan sa ibaba:
17
Paliwanag:
Dahilan sa ang Pilipinas ay may implasyon, Hindi gugustuhing bumili ng
Malaysia sa Pilipinas. Kung kaya’t mas kaunti ang inilalabas nating produkto papuntang
Malaysia. Sa kabilang banda, Makikita ng mga Pilipino na higit na mas mababa ang
presyo ng mga produktong galling sa Malaysia kung kay’t ito ang bibilin nila kaya lolobo
ang ating imports.Kapag nangyari ito, mas lalaki ang imports sa exports at haharap tayo
sa isang deficit sa balance ng kalakalan.
5. Epekto sa panlabas na halaga ng salapi. Ayon kay Gustav Casell, kung may
pagbaba sa panloob na halaga ng salapi, ang panlabas na halaga ng salapi ay
bababa din. Ang panloob na halaga ng salapi ay bababa dahil sa implasyon. Ang
panlabas na halaga ng salapi ay bababa din dahil naman sa halaga ng palitan
Philippines
(may implasyon)Malaysia
(walang implasyon)
Mas maraming produkto ang ina-angkat ng
Pilipinas
Epekto ng Implasyon sa Balanse ng Kalakalan
Mas kaunting produkto ang inilalabas ng
Pilipinas
18
nito sa ibang salapi. Aakalain ng ilang mga taga-ibang bansa na mas mahal ang
pagbili sa salapi natin kaya’t mas bababa ang demand para dito. Ito ay
magdudulot ng pagbaba ng halaga ng ating salapi (sa panlabas na halaga nito).
Ito ay tinatawag na Purchasing Power Parity Theory.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Isulat ang salitang TAMA kung tama ang pangungusap. Isulat ang
salitang MALI kapag mali ang pangungusap.
_____1. Sa lahat ng pagkakataon ay maganda ang idinudulot ng implasyon.
_____2. Sa implasyon magkakaroon mas pantay na distribusyon ng kita.
_____3. May apat na epekto ang implasyon sa balance ng kalakalan.
_____4. Ang mga magsasaka ay makikinabang sa pagkakaroon ng implasyon.
_____5. Kapag may implasyon ay nakakapag engganyo sa mga mangangalakal.
Tandaan Mo!
Positibo ang epekto ng banayad na implasyon sa Produksyon at
Pangangalakal.
Negatibo ang epekto ng implasyon sa mga mamimili, mga may
pension at mga nagpapautang.
Negatibo ang epekto ng implasyonsa balanse ng kalakalan..
19
Gawain 3: Paglalapat
Magsagawa ng isang interbyu batay sa mga epekto ng implasyon. Alamin
sa mga sumusunod listahan ang tunay na epekto sa kanila ng
implasyon.
Magsagawa ng Interbyu sa mga sumusunod:
1. Isang Mangangalakal sa inyong lugar
2. Isang Duktor
3. Isang Magsasaka/Mangingisda
4. Isang Guro
5. Isang Retiradong Manggagawa
ARALIN 3
MGA URI NG IMPLASYON
Matapos nating malaman ang iba’t-ibang epekto ng implasyon sa ekonomiya,
tatalakayin naman natin naman ngayon ang iba’t-ibang pinagmumulan ng implasyon.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Maiisa-isa ang mga dahilan ng implasyon;
2. Masusuri ang mga iba’t-ibang reacsyon ng mga yunit ng ekonomiya hinggil sa
mga pinagmulan ng implasyon;
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Alamin ang mga kadahilanan ng mga sumusunod na gawain:
1. Mahabang pila sa mga gasolinahan
2. Mataas na bilihin sa panahon ng kapaskuhan.
3. Pagkalugi ng mga lokal na prutas.
20
Mga Dahilan ng Implasyon
Ang implasyon ay nagmumula sa iba’t-ibang ispesipikong kadahilanan.
1. Demand-Pull inflation. Dito, ang tanging dahilan ng implasyon ay galling sap unto ng
mga mamimili. Mayroong patuloy at walang tigil na pagtaas ng demand. Kapag ang
demand ay tumataas at hindi ito matugunan ng suplay, ang pangkalahatang presyo
ng mga bilihin ay tataas na siyang sanhi ng implasyon.
2. Cost-Push inflation. Ang sanhi nito ay ang pagtaas ng gastusin sa produksyon.
Kapag ang mga may-ari ng mga iba’t-ibang industriya ay nahaharap sa mataas ng
gastusin sa produksyon, itataas nito ang presyo ng kanilang produkto.
3. Import-Induced inflation o imported inflation. Ang pag-angkat ng mga produkto at
serbisyo ay maaaring maging sanhi ng implasyon. Halimbawa na dito ay ang
Singapore na pangunahing umaasa sa mga kalapit bansa nito para sa pagkain at
iba pang mga hilaw ng materyales.
4. Profit-Push inflation. Ang uri ng implasyon na ito ay sanhi ng mga gahaman na mga
prodyuser na itinatago ang kanilang mga produkto na siyang nagiging sanhi ng
artipisyal na kakulangan. Ang mga gawaing ito ay nagpapalobo ng mga bilihin na
nagdudulot sa kanila ng mataas na kita.
5. Currency inflation. Ang theorya ng mga monetarist sa implasyong ito ay sanhi
naman ng masyadong malaki na suplay ng pera sa sistema. Ang masyadong
malaking suplay ng pera ay nagdudulot paggamit ng malaking halaga ng salapi
upang makabili ng kakaunting produkto.
6. Petrodollars inflation. Ito ay nakakaapekto lalong-lalo ng sa mga umaangkat ng mga
produktong petrolyo. Ang labis na pagtaas ng halaga ng mga produktong petroyo ay
nagiging sanhi sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin
21
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Lagyan ng tsek ang tapat ng dahilan ng implasyon kung ang
pangyayaring nakalagay sa unang kolum ay tumutukoy sa natutang sanhi ng
implasyon.
Dahilan ng ImplasyonProdukto
Demand-
pull
Cost-
push
Import-
induced
Profit-
push Currency
Petrodollars
1. Kapaskuhan
2. Pagtaas ng
halaga ng
gasoline
3. Pagdagsa ng
mga remittances
ng mga kamag-
anak mo sa
abroad
4. Paghingi ng
umento sa
sahod ng mga
manggagawa
5. Kakulangan
sa suplay ng
mga delata.
.
22
Tandaan Mo!
Ang Demand-pull inflation ay sanhi ng napakataas na demand ng
isang produkto laban sa suplay nito.
Ang Cost-push inflation ay sanhi ng pagtaas ng gastusin sa
produksyon.
Ang Import-induced inflation ay sanhi ng labis na paggamit ng imported na produkto.
Ang Profit-push inflation ay sanhi ng pagtatago ng mga produkto ng mga prodyuser
upang magkarooon ng artipisyal na kakulangan sa produkto.
Ang Currency inflation ay sanhi ng labis na pagdami ng suplay na pera sa
sirkulasyon
Ang Petrodollars inflation ay sanhi ng labis na pagtaas ng presyo ng mga
produktong petrolyo.
Gawain 3: Paglalapat
Sa iyong palagay, paano natin maiiwasan ang ibat-ibang sanhi ng
implasyon. Magbigay ng limang maari mong gawin.
1. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
23
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang
mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?
Ang Implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo o halos
pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya.
Ang Batayang ng Implasyon ay ang mga sumusunod:
a. Ang mga tao ay gumagamit ng mas maraming salapi para makabili lamang
ng iilang produkto;
b. Ang halaga ng pamumuhay ay tumaas;
c. Mayroong patuloy na pagbaba sa halaga ng salapi; at
d. Ang mga presyo ng bilihin ay tumataas.
Ang CPI ay isang gamit istatistiko na siyang nagpapakita sa pagbabago sa
pangkahalatang presyo ng mga bilihin mula sa batayang taon hanggang sa
kasalukuyang taon, sinusukat nito ang mga pagbabago sa halaga ng pera
Positibo ang epekto ng banayad na implasyon sa Produksyon at Pangangalakal.
Negatibo ang epekto ng implasyon sa mga mamimili, mga may pension at mga
nagpapautang.
Negatibo ang epekto ng implasyonsa balanse ng kalakalan..
Ang Demand-pull inflation ay sanhi ng napakataas na demand ng isang produkto
laban sa suplay nito.
Ang Cost-push inflation ay sanhi ng pagtaas ng gastusin sa produksyon.
Ang Import-induced inflation ay sanhi ng labis na paggamit ng imported na produkto.
Ang Profit-push inflation ay sanhi ng pagtatago ng mga produkto ng mga prodyuser
upang magkarooon ng artipisyal na kakulangan sa produkto.
Ang Currency inflation ay sanhi ng labis na pagdami ng suplay na pera sa
sirkulasyon
Ang Petrodollars inflation ay sanhi ng labis na pagtaas ng presyo ng mga
produktong petrolyo.
24
PANGHULING PAGSUSULIT:
I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ang pangkalahatang pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
A. Implasyon.
B. Deplasyon.
C. Consumer Price Index.
D. Disimplasyon.
2. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin sa pamilihan.
A. Cost Push.
B. Demand Pull.
C. Implasyon.
D. Deplasyon.
3. Ano ang ibig sabihin CPI na 100?
A. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay mahigit 100% malaki kaysa
sa batayang taon.
B. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 100% mas mababa kaysa sa
batayang taon.
C. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay parehas sa batayang taon.
D. Ang kasalukuyang halaga ng market basket at P100.
4. Alin sa mga sumusunod ay HINDI sanhi ng implsyon?
A. paglaki ng demand kaysa sa produksyon.
B. kakulangan sa enerhiya.
C. pagtaas ng kapasidad sa peoduksyon.
D. pagtaas ng halaga ng pamumuhay.
5. Alin sa mga sumusunod ay walang kaugnayang sa cost-push inflation?
A. pagtaas ng halaga ng electrisidad.
B. pagtaas ng pamimili ng mga konsyumer.
C. mas mataas na demand sa pagtaas ng sahod.
D. mga regulasyon ng pamahalaan.
25
6. Alin sa mga dahilan ng implasyon ang tinalakay ayon sa konteksto ng quantity
equation?
A. demand-pull at cost-push inflation.
B. demand-pull inflation lamang.
C. cost-push inflation.
D. monetary inflation.
7. Alin sa mga sumusunod na pangungusap at TAMA?
A. Ang halaga ng piso ay bumababa kapag tumatataas ang im[lasyon.
B. Ang halaga ng piso ay tumataas kapag mataas ang implasyon.
C. Ang halaga ng piso ay hindi naapektuhan ng implasyon.
D. Ang halaga ng piso ay maaaring tumaas o bumaba depende kung ang
imnplasyon ay demand-pull o cost-push.
8. Ang pinaka madalas gamitin na panukat sa pagbabago ng presyo.
A. PPC.
B. CPI.
C. GNP.
D. PPI.
9. Ano ang ibig sabihin ng CPI na 145?
A. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 145% na mas mataas kaysa
sa batayang taon.
B. Ang batayang price index ay may index na 145.
C. Ang halaga ng market basket ay 145.
D. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 45% na mas mataas kaysa
sa batayang taon.
10.Ang COLA ay dinisenyo upang bigyang proteksyon ang mga manggagawa laban
sa:
A. istrukturang kawalang trabaho.
B. underemployment.
C. implasyon.
D. pagbaba ng bilang ng oras ng trabaho.
26
GABAY SA PAGWAWASTO:

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Aralin 1 Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Aralin 1 Paikot na Daloy ng EkonomiyaAralin 1 Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Aralin 1 Paikot na Daloy ng Ekonomiyaedmond84
 
Pambansang Kita: GDP at GNP
Pambansang Kita: GDP at GNPPambansang Kita: GDP at GNP
Pambansang Kita: GDP at GNPAntonio Delgado
 
Pambansang Badyet
Pambansang BadyetPambansang Badyet
Pambansang Badyettinna_0605
 
MELC Aralin 13_Pagsukat ng Pambansang Kita
MELC Aralin 13_Pagsukat ng Pambansang KitaMELC Aralin 13_Pagsukat ng Pambansang Kita
MELC Aralin 13_Pagsukat ng Pambansang KitaRivera Arnel
 
Aralin 2 Pambansang Kita
Aralin 2 Pambansang KitaAralin 2 Pambansang Kita
Aralin 2 Pambansang Kitaedmond84
 
Mga Modelo Ng Pambansang Ekonomiya
Mga Modelo Ng Pambansang EkonomiyaMga Modelo Ng Pambansang Ekonomiya
Mga Modelo Ng Pambansang EkonomiyaMark Velez
 
MELC_Aralin 8-Konsepto at Salik ng Supply
MELC_Aralin 8-Konsepto at Salik ng SupplyMELC_Aralin 8-Konsepto at Salik ng Supply
MELC_Aralin 8-Konsepto at Salik ng SupplyRivera Arnel
 
MELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng Ekonomiya
MELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng EkonomiyaMELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng Ekonomiya
MELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng EkonomiyaRivera Arnel
 
Aralin 1 pagkompyut ng gnp
Aralin 1 pagkompyut ng gnpAralin 1 pagkompyut ng gnp
Aralin 1 pagkompyut ng gnpThelma Singson
 
Patakarang piskal
Patakarang piskalPatakarang piskal
Patakarang piskalsicachi
 
Mga Salik na nakakaapekto sa SUplayOct. 2 d
Mga Salik na nakakaapekto sa SUplayOct. 2 dMga Salik na nakakaapekto sa SUplayOct. 2 d
Mga Salik na nakakaapekto sa SUplayOct. 2 ddaling1963
 
Aralin 23 sektor ng paglilingkod
Aralin 23 sektor ng paglilingkodAralin 23 sektor ng paglilingkod
Aralin 23 sektor ng paglilingkodRivera Arnel
 
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpok
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpokUgnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpok
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpokJhaysee-pearls Dalasdas
 
Aralin 18 patakarang piskal
Aralin 18 patakarang piskalAralin 18 patakarang piskal
Aralin 18 patakarang piskalRivera Arnel
 
MELC_Aralin 15-Patakarang Piskal
MELC_Aralin 15-Patakarang PiskalMELC_Aralin 15-Patakarang Piskal
MELC_Aralin 15-Patakarang PiskalRivera Arnel
 
MELC_Aralin 14-Inflation
MELC_Aralin 14-InflationMELC_Aralin 14-Inflation
MELC_Aralin 14-InflationRivera Arnel
 
Was ist angesagt? (20)

PATAKARANG PISKAL
PATAKARANG PISKALPATAKARANG PISKAL
PATAKARANG PISKAL
 
PAIKOT NA DALOY
PAIKOT NA DALOYPAIKOT NA DALOY
PAIKOT NA DALOY
 
Aralin 1 Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Aralin 1 Paikot na Daloy ng EkonomiyaAralin 1 Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Aralin 1 Paikot na Daloy ng Ekonomiya
 
Pambansang Kita: GDP at GNP
Pambansang Kita: GDP at GNPPambansang Kita: GDP at GNP
Pambansang Kita: GDP at GNP
 
Pambansang Badyet
Pambansang BadyetPambansang Badyet
Pambansang Badyet
 
MELC Aralin 13_Pagsukat ng Pambansang Kita
MELC Aralin 13_Pagsukat ng Pambansang KitaMELC Aralin 13_Pagsukat ng Pambansang Kita
MELC Aralin 13_Pagsukat ng Pambansang Kita
 
Aralin 2 Pambansang Kita
Aralin 2 Pambansang KitaAralin 2 Pambansang Kita
Aralin 2 Pambansang Kita
 
Mga Modelo Ng Pambansang Ekonomiya
Mga Modelo Ng Pambansang EkonomiyaMga Modelo Ng Pambansang Ekonomiya
Mga Modelo Ng Pambansang Ekonomiya
 
MELC_Aralin 8-Konsepto at Salik ng Supply
MELC_Aralin 8-Konsepto at Salik ng SupplyMELC_Aralin 8-Konsepto at Salik ng Supply
MELC_Aralin 8-Konsepto at Salik ng Supply
 
GNP and GDP
GNP and GDP GNP and GDP
GNP and GDP
 
MELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng Ekonomiya
MELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng EkonomiyaMELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng Ekonomiya
MELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng Ekonomiya
 
Aralin 1 pagkompyut ng gnp
Aralin 1 pagkompyut ng gnpAralin 1 pagkompyut ng gnp
Aralin 1 pagkompyut ng gnp
 
Patakarang piskal
Patakarang piskalPatakarang piskal
Patakarang piskal
 
Mga Salik na nakakaapekto sa SUplayOct. 2 d
Mga Salik na nakakaapekto sa SUplayOct. 2 dMga Salik na nakakaapekto sa SUplayOct. 2 d
Mga Salik na nakakaapekto sa SUplayOct. 2 d
 
Aralin 23 sektor ng paglilingkod
Aralin 23 sektor ng paglilingkodAralin 23 sektor ng paglilingkod
Aralin 23 sektor ng paglilingkod
 
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpok
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpokUgnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpok
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpok
 
Aralin 18 patakarang piskal
Aralin 18 patakarang piskalAralin 18 patakarang piskal
Aralin 18 patakarang piskal
 
Pambansang kita
Pambansang kitaPambansang kita
Pambansang kita
 
MELC_Aralin 15-Patakarang Piskal
MELC_Aralin 15-Patakarang PiskalMELC_Aralin 15-Patakarang Piskal
MELC_Aralin 15-Patakarang Piskal
 
MELC_Aralin 14-Inflation
MELC_Aralin 14-InflationMELC_Aralin 14-Inflation
MELC_Aralin 14-Inflation
 
Andere mochten auch

Epekto at solusyon ng implasyon pagobo
Epekto at solusyon ng implasyon  pagoboEpekto at solusyon ng implasyon  pagobo
Epekto at solusyon ng implasyon pagoboAce Joshua Udang
 
Kawalan ng trabaho (Unemployment)
Kawalan ng trabaho (Unemployment)Kawalan ng trabaho (Unemployment)
Kawalan ng trabaho (Unemployment)Antonio Delgado
 
Modyul 8 sinaunang kanlurang asya
Modyul 8 sinaunang kanlurang asyaModyul 8 sinaunang kanlurang asya
Modyul 8 sinaunang kanlurang asyaEvalyn Llanera
 
Ang pagkompyut ng inflation rate sepe
Ang pagkompyut ng inflation rate sepeAng pagkompyut ng inflation rate sepe
Ang pagkompyut ng inflation rate sepeEsteves Paolo Santos
 
K-10 Araling Panlipunan Unit 4
K-10 Araling Panlipunan Unit 4K-10 Araling Panlipunan Unit 4
K-10 Araling Panlipunan Unit 4D'Prophet Ayado
 
Ang buwis at budget ng pamahalaan
Ang buwis at budget ng pamahalaanAng buwis at budget ng pamahalaan
Ang buwis at budget ng pamahalaanErica Abillon
 
Ekonomiks 10 teachers guide
Ekonomiks 10  teachers guideEkonomiks 10  teachers guide
Ekonomiks 10 teachers guideJared Ram Juezan
 
K-10 Araling Panlipunan Unit 3
K-10 Araling Panlipunan Unit 3K-10 Araling Panlipunan Unit 3
K-10 Araling Panlipunan Unit 3D'Prophet Ayado
 
Andere mochten auch (10)

Epekto at solusyon ng implasyon pagobo
Epekto at solusyon ng implasyon  pagoboEpekto at solusyon ng implasyon  pagobo
Epekto at solusyon ng implasyon pagobo
 
Kawalan ng trabaho (Unemployment)
Kawalan ng trabaho (Unemployment)Kawalan ng trabaho (Unemployment)
Kawalan ng trabaho (Unemployment)
 
Modyul 8 sinaunang kanlurang asya
Modyul 8 sinaunang kanlurang asyaModyul 8 sinaunang kanlurang asya
Modyul 8 sinaunang kanlurang asya
 
Ang pagkompyut ng inflation rate sepe
Ang pagkompyut ng inflation rate sepeAng pagkompyut ng inflation rate sepe
Ang pagkompyut ng inflation rate sepe
 
K-10 Araling Panlipunan Unit 4
K-10 Araling Panlipunan Unit 4K-10 Araling Panlipunan Unit 4
K-10 Araling Panlipunan Unit 4
 
Aralin 21: Pang-unawa sa Implasyon
Aralin 21: Pang-unawa sa ImplasyonAralin 21: Pang-unawa sa Implasyon
Aralin 21: Pang-unawa sa Implasyon
 
Epekto at solusyon sa implasyon
Epekto at solusyon sa implasyonEpekto at solusyon sa implasyon
Epekto at solusyon sa implasyon
 
Ang buwis at budget ng pamahalaan
Ang buwis at budget ng pamahalaanAng buwis at budget ng pamahalaan
Ang buwis at budget ng pamahalaan
 
Ekonomiks 10 teachers guide
Ekonomiks 10  teachers guideEkonomiks 10  teachers guide
Ekonomiks 10 teachers guide
 
K-10 Araling Panlipunan Unit 3
K-10 Araling Panlipunan Unit 3K-10 Araling Panlipunan Unit 3
K-10 Araling Panlipunan Unit 3
 
Ähnlich wie Modyul 9 implasyon

implasyon mga dahilan at bunga ng inflation
implasyon mga dahilan at bunga ng inflationimplasyon mga dahilan at bunga ng inflation
implasyon mga dahilan at bunga ng inflationFatimaCayusa2
 
IMPLASYON ang kahulugan bunga at mga dahilan
IMPLASYON ang kahulugan bunga at mga dahilanIMPLASYON ang kahulugan bunga at mga dahilan
IMPLASYON ang kahulugan bunga at mga dahilanangelloubarrett1
 
Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10.
Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10. Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10.
Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10. Dave Duncab
 
Sanhi aat Epekto ng Implasyon Gr 9.pptx
Sanhi aat Epekto ng Implasyon  Gr 9.pptxSanhi aat Epekto ng Implasyon  Gr 9.pptx
Sanhi aat Epekto ng Implasyon Gr 9.pptxLitzParrenas1
 
G9 AP Q3 Week 4-5 Epekto ng Implasyon.pptx
G9 AP Q3 Week 4-5  Epekto ng Implasyon.pptxG9 AP Q3 Week 4-5  Epekto ng Implasyon.pptx
G9 AP Q3 Week 4-5 Epekto ng Implasyon.pptxOfeliaHirai
 
Ikatlong Markahan: Aralin 4 Ekonomiks Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan: Aralin 4  Ekonomiks Araling PanlipunanIkatlong Markahan: Aralin 4  Ekonomiks Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan: Aralin 4 Ekonomiks Araling Panlipunangneric
 
ap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdf
ap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdfap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdf
ap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdfAlmieBrosoto1
 
Ekonomiks Teaching Guide Part 4
Ekonomiks Teaching Guide Part 4Ekonomiks Teaching Guide Part 4
Ekonomiks Teaching Guide Part 4Byahero
 
GRADE 9 - ARALING PANLIPUNAN 9-EKONOMIKS IMPLASYON.2024.pptx
GRADE 9 - ARALING PANLIPUNAN 9-EKONOMIKS IMPLASYON.2024.pptxGRADE 9 - ARALING PANLIPUNAN 9-EKONOMIKS IMPLASYON.2024.pptx
GRADE 9 - ARALING PANLIPUNAN 9-EKONOMIKS IMPLASYON.2024.pptxjennyjbatoon
 
MODULE 4 - EKONOMIKSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS.pptx
MODULE 4 - EKONOMIKSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS.pptxMODULE 4 - EKONOMIKSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS.pptx
MODULE 4 - EKONOMIKSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS.pptxXharmeiTherese
 
New adm demand at supply 2020 final
New adm demand at supply 2020 finalNew adm demand at supply 2020 final
New adm demand at supply 2020 finalShiella Cells
 
Ekonomics 10 Yunit 2
Ekonomics 10 Yunit 2Ekonomics 10 Yunit 2
Ekonomics 10 Yunit 2Olivia Benson
 
Ekonomikslmyunit2 150509141117-lva1-app6891
Ekonomikslmyunit2 150509141117-lva1-app6891Ekonomikslmyunit2 150509141117-lva1-app6891
Ekonomikslmyunit2 150509141117-lva1-app6891Ana Magabo
 
Ähnlich wie Modyul 9 implasyon (20)

3Q ARALIN 4 IMPLASYON.pdf
3Q ARALIN 4 IMPLASYON.pdf3Q ARALIN 4 IMPLASYON.pdf
3Q ARALIN 4 IMPLASYON.pdf
 
implasyon mga dahilan at bunga ng inflation
implasyon mga dahilan at bunga ng inflationimplasyon mga dahilan at bunga ng inflation
implasyon mga dahilan at bunga ng inflation
 
IMPLASYON ang kahulugan bunga at mga dahilan
IMPLASYON ang kahulugan bunga at mga dahilanIMPLASYON ang kahulugan bunga at mga dahilan
IMPLASYON ang kahulugan bunga at mga dahilan
 
Aralin 4: Implasyon
Aralin 4: ImplasyonAralin 4: Implasyon
Aralin 4: Implasyon
 
Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10.
Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10. Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10.
Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10.
 
Sanhi aat Epekto ng Implasyon Gr 9.pptx
Sanhi aat Epekto ng Implasyon  Gr 9.pptxSanhi aat Epekto ng Implasyon  Gr 9.pptx
Sanhi aat Epekto ng Implasyon Gr 9.pptx
 
G9 AP Q3 Week 4-5 Epekto ng Implasyon.pptx
G9 AP Q3 Week 4-5  Epekto ng Implasyon.pptxG9 AP Q3 Week 4-5  Epekto ng Implasyon.pptx
G9 AP Q3 Week 4-5 Epekto ng Implasyon.pptx
 
Ikatlong Markahan: Aralin 4 Ekonomiks Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan: Aralin 4  Ekonomiks Araling PanlipunanIkatlong Markahan: Aralin 4  Ekonomiks Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan: Aralin 4 Ekonomiks Araling Panlipunan
 
ap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdf
ap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdfap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdf
ap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdf
 
Ekonomiks tg part 4 (2)
Ekonomiks tg part 4 (2)Ekonomiks tg part 4 (2)
Ekonomiks tg part 4 (2)
 
Ekonomiks Teaching Guide Part 4
Ekonomiks Teaching Guide Part 4Ekonomiks Teaching Guide Part 4
Ekonomiks Teaching Guide Part 4
 
IMPLASYON.pptx
IMPLASYON.pptxIMPLASYON.pptx
IMPLASYON.pptx
 
GRADE 9 - ARALING PANLIPUNAN 9-EKONOMIKS IMPLASYON.2024.pptx
GRADE 9 - ARALING PANLIPUNAN 9-EKONOMIKS IMPLASYON.2024.pptxGRADE 9 - ARALING PANLIPUNAN 9-EKONOMIKS IMPLASYON.2024.pptx
GRADE 9 - ARALING PANLIPUNAN 9-EKONOMIKS IMPLASYON.2024.pptx
 
AP9 Q3 MODYUL4.pdf
AP9 Q3 MODYUL4.pdfAP9 Q3 MODYUL4.pdf
AP9 Q3 MODYUL4.pdf
 
MODULE 4 - EKONOMIKSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS.pptx
MODULE 4 - EKONOMIKSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS.pptxMODULE 4 - EKONOMIKSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS.pptx
MODULE 4 - EKONOMIKSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS.pptx
 
New adm demand at supply 2020 final
New adm demand at supply 2020 finalNew adm demand at supply 2020 final
New adm demand at supply 2020 final
 
Ekonomics 10 Yunit 2
Ekonomics 10 Yunit 2Ekonomics 10 Yunit 2
Ekonomics 10 Yunit 2
 
Ekonomikslmyunit2 150509141117-lva1-app6891
Ekonomikslmyunit2 150509141117-lva1-app6891Ekonomikslmyunit2 150509141117-lva1-app6891
Ekonomikslmyunit2 150509141117-lva1-app6891
 
Ekonomiks lm yunit 2 (2)
Ekonomiks lm yunit 2 (2)Ekonomiks lm yunit 2 (2)
Ekonomiks lm yunit 2 (2)
 
AP10LM2
AP10LM2AP10LM2
AP10LM2
 
Mehr von dionesioable

Modyul 01 hegrapiya ng daigdig
Modyul 01   hegrapiya ng daigdigModyul 01   hegrapiya ng daigdig
Modyul 01 hegrapiya ng daigdigdionesioable
 
Innovation presentation
Innovation presentationInnovation presentation
Innovation presentationdionesioable
 
Results based performance management system (rpms) for dep ed
Results   based performance management system (rpms) for dep edResults   based performance management system (rpms) for dep ed
Results based performance management system (rpms) for dep eddionesioable
 
Unit 1, mod 3 Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinaunang Panahon
Unit 1, mod 3 Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinaunang PanahonUnit 1, mod 3 Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinaunang Panahon
Unit 1, mod 3 Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinaunang Panahondionesioable
 
Unit 1, mod 4 Pagtatag ng kolonyang Espanyol at mga patakarang kolonyal
Unit 1, mod 4 Pagtatag ng kolonyang Espanyol at mga patakarang kolonyalUnit 1, mod 4 Pagtatag ng kolonyang Espanyol at mga patakarang kolonyal
Unit 1, mod 4 Pagtatag ng kolonyang Espanyol at mga patakarang kolonyaldionesioable
 
Unit 1, mod 2 Ang bangang Manunggul at mga sinaunang paniniwala
Unit 1, mod 2 Ang bangang Manunggul at mga sinaunang paniniwalaUnit 1, mod 2 Ang bangang Manunggul at mga sinaunang paniniwala
Unit 1, mod 2 Ang bangang Manunggul at mga sinaunang paniniwaladionesioable
 
1 1a modyul final ok
1 1a modyul final ok1 1a modyul final ok
1 1a modyul final okdionesioable
 
1 1c modyul final ok
1 1c modyul final ok1 1c modyul final ok
1 1c modyul final okdionesioable
 
1 1b modyul final ok
1 1b modyul final ok1 1b modyul final ok
1 1b modyul final okdionesioable
 
Deped Sch calendar 2014 -15
Deped Sch calendar 2014 -15Deped Sch calendar 2014 -15
Deped Sch calendar 2014 -15dionesioable
 
Biology m13 human reproductive system
Biology m13 human reproductive systemBiology m13 human reproductive system
Biology m13 human reproductive systemdionesioable
 
Biology m8 integumentary & excretory systems
Biology m8 integumentary & excretory systemsBiology m8 integumentary & excretory systems
Biology m8 integumentary & excretory systemsdionesioable
 
Biology m6 the levels of biological organization
Biology m6 the levels of biological organizationBiology m6 the levels of biological organization
Biology m6 the levels of biological organizationdionesioable
 
Biology m3 movement of matls thru the cell membrane
Biology m3 movement of matls thru the cell membraneBiology m3 movement of matls thru the cell membrane
Biology m3 movement of matls thru the cell membranedionesioable
 
Biology m1 nature of biology
Biology m1 nature of biologyBiology m1 nature of biology
Biology m1 nature of biologydionesioable
 
Biology m18 animals with backbones
Biology m18 animals with backbonesBiology m18 animals with backbones
Biology m18 animals with backbonesdionesioable
 
Biology m16 diversity of plants
Biology m16 diversity of plantsBiology m16 diversity of plants
Biology m16 diversity of plantsdionesioable
 
Biology m1 nature of biology
Biology m1 nature of biologyBiology m1 nature of biology
Biology m1 nature of biologydionesioable
 
Mehr von dionesioable (20)

Squad drill
Squad drillSquad drill
Squad drill
 
Dril
DrilDril
Dril
 
Modyul 01 hegrapiya ng daigdig
Modyul 01   hegrapiya ng daigdigModyul 01   hegrapiya ng daigdig
Modyul 01 hegrapiya ng daigdig
 
Innovation presentation
Innovation presentationInnovation presentation
Innovation presentation
 
Results based performance management system (rpms) for dep ed
Results   based performance management system (rpms) for dep edResults   based performance management system (rpms) for dep ed
Results based performance management system (rpms) for dep ed
 
Unit 1, mod 3 Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinaunang Panahon
Unit 1, mod 3 Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinaunang PanahonUnit 1, mod 3 Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinaunang Panahon
Unit 1, mod 3 Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinaunang Panahon
 
Unit 1, mod 4 Pagtatag ng kolonyang Espanyol at mga patakarang kolonyal
Unit 1, mod 4 Pagtatag ng kolonyang Espanyol at mga patakarang kolonyalUnit 1, mod 4 Pagtatag ng kolonyang Espanyol at mga patakarang kolonyal
Unit 1, mod 4 Pagtatag ng kolonyang Espanyol at mga patakarang kolonyal
 
Unit 1, mod 2 Ang bangang Manunggul at mga sinaunang paniniwala
Unit 1, mod 2 Ang bangang Manunggul at mga sinaunang paniniwalaUnit 1, mod 2 Ang bangang Manunggul at mga sinaunang paniniwala
Unit 1, mod 2 Ang bangang Manunggul at mga sinaunang paniniwala
 
1 1a modyul final ok
1 1a modyul final ok1 1a modyul final ok
1 1a modyul final ok
 
1 1c modyul final ok
1 1c modyul final ok1 1c modyul final ok
1 1c modyul final ok
 
1 1b modyul final ok
1 1b modyul final ok1 1b modyul final ok
1 1b modyul final ok
 
Deped Sch calendar 2014 -15
Deped Sch calendar 2014 -15Deped Sch calendar 2014 -15
Deped Sch calendar 2014 -15
 
Biology m13 human reproductive system
Biology m13 human reproductive systemBiology m13 human reproductive system
Biology m13 human reproductive system
 
Biology m8 integumentary & excretory systems
Biology m8 integumentary & excretory systemsBiology m8 integumentary & excretory systems
Biology m8 integumentary & excretory systems
 
Biology m6 the levels of biological organization
Biology m6 the levels of biological organizationBiology m6 the levels of biological organization
Biology m6 the levels of biological organization
 
Biology m3 movement of matls thru the cell membrane
Biology m3 movement of matls thru the cell membraneBiology m3 movement of matls thru the cell membrane
Biology m3 movement of matls thru the cell membrane
 
Biology m1 nature of biology
Biology m1 nature of biologyBiology m1 nature of biology
Biology m1 nature of biology
 
Biology m18 animals with backbones
Biology m18 animals with backbonesBiology m18 animals with backbones
Biology m18 animals with backbones
 
Biology m16 diversity of plants
Biology m16 diversity of plantsBiology m16 diversity of plants
Biology m16 diversity of plants
 
Biology m1 nature of biology
Biology m1 nature of biologyBiology m1 nature of biology
Biology m1 nature of biology
 
Kürzlich hochgeladen

kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipinodandemetrio26
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxJieMartinez1
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiMiaBumagat1
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxdhanjurrannsibayan2
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxjcgabb0521
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...MaamCle
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointRuvyAnnClaus
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
Kürzlich hochgeladen (20)

kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Modyul 9 implasyon

  • 1. 1 ARALING PANLIPUNAN IV (Effective Alternative Secondary Education) MODYUL 9 IMPLASYON BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
  • 2. 2 MODYUL 9 IMPLASYON Si Jesus ay namamasahe lamang sa kanyang pagpasok sa eskuwelahan. Mula Pasay hanggang Maynila ang pamasahe ay P7.50. Noong nakaraang tatlong taon ay P5.50 lamang ang kanyang pamasahe sa parehas na biyahe. Samantalang noong 2002, ang pamasahe niya ay P4.00 lamang. Kung magsasaliksik lamang si Jesus kung magkano ang pamasahe bago magka-giyera ay malalaman niya na ang pamasahe sa tran-via ay 10 sentimo lamang. Ang presyo ng mga produkto at serbisyo sa mga nagdaang panahon ay malinaw nating makikita na may malaking pagbabago. Ito ay isang realidad na ng buhay na hindi na yata natin magagawang matakasan. Ang idinudulot nito sa atin ay isang krisis pang-ekonomikong pang personal o nasyonal o pareho. Sa modyul na ito, pag-aaralan natin kung ano ang implasyon, bakit may implasyon, anu-ano ang epekto ng implasyon sa atin, at ano ang mga hakbangin upang ito ay maiwasan. May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Ang Konsepto ng Implasyon at ang Paraan ng Pagsukat Nito Aralin 2: Ang Mga Epekto ng Implasyon Aralin 3: Mga Dahilan ng Implasyon Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maipaliliwanag ang kahulugan ng implasyon; 2. Maiisa-isa ang iba’t ibang epekto ng implasyon sa personal at nasyonal na aspeto nito; at 3. Masusuri ang mga dahilan ng implasyon.
  • 3. 3 Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo. PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ang pangkalahatang pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa pamilihan. A. Implasyon. B. Deplasyon. C. Consumer Price Index. D. Disimplasyon. 2. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin sa pamilihan. A. Cost Push. B. Demand Pull. C. Implasyon. D. Deplasyon E. . 3. Ano ang ibig sabihin CPI na 100? A. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay mahigit 100% malaki kaysa sa batayang taon. B. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 100% mas mababa kaysa sa batayang taon. C. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay parehas sa batayang taon. D. Ang kasalukuyang halaga ng market basket at P100. 4. Alin sa mga sumusunod ay HINDI sanhi ng implsyon? A. paglaki ng demand kaysa sa produksyon. B. kakulangan sa enerhiya. C. pagtaas ng kapasidad sa peoduksyon. D. pagtaas ng halaga ng pamumuhay.
  • 4. 4 5. Alin sa mga sumusunod ay walang kaugnayang sa cost-push inflation? A. pagtaas ng halaga ng electrisidad. B. pagtaas ng pamimili ng mga konsyumer. C. mas mataas na demand sa pagtaas ng sahod. D. mga regulasyon ng pamahalaan. 6. Alin sa mga dahilan ng implasyon ang tinalakay ayon sa konteksto ng quantity equation? A. demand-pull at cost-push inflation. B. demand-pull inflation lamang. C. cost-push inflation. D. monetary inflation. 7. Alin sa mga sumusunod na pangungusap at TAMA? A. Ang halaga ng piso ay bumababa kapag tumatataas ang im[lasyon. B. Ang halaga ng piso ay tumataas kapag mataas ang implasyon. C. Ang halaga ng piso ay hindi naapektuhan ng implasyon. D. Ang halaga ng piso ay maaaring tumaas o bumaba depende kung ang imnplasyon ay demand-pull o cost-push. 8. Ang pinaka madalas gamitin na panukat sa pagbabago ng presyo. A. PPC. B. CPI. C. GNP. D. PPI. 9. Ano ang ibig sabihin ng CPI na 145? A. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 145% na mas mataas kaysa sa batayang taon. B. Ang batayang price index ay may index na 145. C. Ang halaga ng market basket ay 145. D. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 45% na mas mataas kaysa sa batayang taon.
  • 5. 5 10.Ang COLA ay dinisenyo upang bigyang proteksyon ang mga manggagawa laban sa: A. istrukturang kawalang trabaho. B. underemployment. C. implasyon. D. pagbaba ng bilang ng oras ng trabaho.
  • 6. 6 ARALIN 1 ANG IMPLASYON AT ANG PARAAN NG PAGSUKAT NITO Napapansin mo ba na ang bilang at dami ng mga produktong nabibili mo ngayon ay di na kasing dami ng mga produktong nabibili mo noon? Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung ano ang dahilan ng mga ganitong pangyayari? Ito ang mga pangunahing katanungan na sasagutin ng araling ito. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maipaliliwanag ang konsepto ng implasyon; at 2. Mailalahad ang mga paraan ng pagsukat ng implasyon. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Tanungin sina lolo at lola, nanay at tatay, at ang mga kuya at ate mo tungkol sa mga presyo ng mga sumusunod na produkto: Presyo ng Produkto/Serbisyo Produkto Panahon nina Lolo at Lola Panahon nina Tatay at Nanay Panahon nina Kuya at Ate Kasalukuyang Panahon 1 Kilo Bigas 1 Kilo Asukal 1 Kilo Galunggong 1 Kilo Baboy Pamasahe
  • 7. 7 Mga Katanungan: 1. Pansinin ang mga presyo ng produkto/serbisyo ayon sa mga panahong ibinigay. ____________________________________________________ ___________________________________________________________ 2. Ikumpara ang mga presyo ng bilihin ayon sa mga panahon ng iyong Lolo at Lola, Tatay at Nanay, at Kuya at Ate at kasalukuyang presyo. ________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 3. May mga pagbabago ba sa presyo simula pa noon? _________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ Ang Implasyon Ang patuloy na pagtaas na mga presyo ng mga bilihin ay kasama natin at makakasama natin hanggang sa tayo’y nabubuhay. Wika nga ng iba: “Until death, do us part”. Sa pangkalahatan, ang implasyon ay isang sitwasyon kung saan: 1. Ang mga tao ay gumagamit ng mas maraming salapi para makabili lamang ng iilang produkto; 2. Ang halaga ng pamumuhay ay tumaas; 3. Mayroong patuloy na pagbaba sa halaga ng salapi; at 4. Ang mga presyo ng bilihin ay tumataas. Samakatuwid, ang implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo o halos pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya. Ang pagtaas ng presyo ng ilang produkto, kahit na ito pa ay ang importanteng produkto ng mga mamimili katulad ng bigas, karne, at iba pa, ay hindi maaaring
  • 8. 8 pagbasehan na may nangyayaring implasyon. Lalo’t higit ang isang minsanan ngunit malawakang pagtaas ng mga presyo ng lahat ng bilihin sa buong ekonomiya ng bansa, ay hindi maaaring tawaging sitwasyon na may implasyon. Sa isang sitwasyon na may implasyon, walang malinaw na ekwilibriyo na nangyayari, kung kaya’t walang matatag na presyo. Ang presyo ng mga bilihin ay patuloy at patuloy na tumataas sa iba’t-ibang antas. Upang mas maintindahan mo kung ano ang implasyon, alamin natin ang mga iba’t-ibang konsepto na may kaugnayan sa implasyon. Mga Iba’t ibang Konsepto sa Implasyon 1. Deplasyon – ito ang kabaligtaran ng implasyon, halimbawapagbaba ng presyo at pagtaas ng tutoong kita (real income). 2. Boom – Ito ang pinaka-mataas na punto ng sikliko ng kalakalan (trade cycle). Mayroong magandang takbo ng ekonomiya, mababang antas ng kawalang trabaho, at mayroong kasaganaan. 3. Depression – Ito ang kabaligtaran ng Boom. Ito ang pinakamababang part eng sikliko ng produksyon kung saan malaki ang antas ng kawalang trabaho sa loob ng mahigit isang taon. BOOM DEPRESSION SIKLIKO NG KALAKALAN
  • 9. 9 4. Slump – Ito ang kalagayan kung saan may pagbaba ng presyo ng mga bilihin kasabay ng pagbagal ng takbo ng ekonomiya. 5. Recession – Ito ang pangkalahatang pagbaba ng ekonomiya sa loob ng mga ilang buwan. 6. Stagflation – Tumutukoy sa ekonomiya na may paghinto kasabay ng implasyon. Sa normal na kalagayan kung saan mayroong pagtaas ng ekonomiya ito ay kadalasang may kaakibat na implasyon, ngunit sa kaso ng stagflation, mayroon implasyon na walang pagtaas ng ekonomiya. 7. Slumpflation - Ito ay kaparehas ng stagflation kung saan mayroon mataas na antas ng kawalang trahaho at pagtaas ng mga bilihin. 8. Reflation – Ito ay sitwasyon na may bahagyang implasyon, hal. kontroladong implasyon. 9. Disimplasyon – Tumutukoy sa proseso ng pagpapababa ng presyo ng mga bilihin 10.Inflationary gap – Isang condition kung saan ang pangkalahatang demand ay higit na mas malaki kaysa sa pangkalahatang suplay. 11.Phillip’s Curve – Ayon kay A.W. Phillips, mayroong trade-off sa pagitan ng kawalang trabaho at implasyon, hal. sa sitwasyong may mataas na implasyon, may pagbaba naman ng antas ng kawalang trabaho at vice-versa. Ang Pagsukat ng Pagbabago sa Presyo Bago natin malaman ng mayroon ngang implasyong nagaganap sa ating bansa, kailangan natin munang alamin kung paano sukatin ang mga pagbabago sa mga presyo ng bilihin. Ang unang hakbang ay ang pagbuo ng mga price index. Ang price index ay ang average ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin at ikumpara ito sa presyo ng isang batayang taon. May tatlong elemento na dapat bantayan sa pagbuo ng isang price index. 1. Ang mga lalamanin na produkto ng tinatawag na market basket.
  • 10. 10 2. Ang halaga ng bawat produktong kasama sa basket, at 3. Ang batayang taon na siyang gagawing punto ng paghahambing. Ang Pagpili ng Lalamanin ng Market Basket Ang mga bagay na lalamanin ng market basket ay depende sa kung anong klaseng price index ba iyong gagawin. Kung ito ay ang Consumer Price Index (CPI), ang dapat na makikita sa market basket ay mga produkto na malawakang ginagamit at binibili ng mga konsyumer. Ang halaga ng pera ay ang purchasing power ng kita ng bawat mamamayan, hal. ang abilidad na makabili ng mga produkto at serbisyo. Ito ay katumbas ng konsepto ng tutoong kita (real income). May negatibong relasyon sa pagitan ng halaga ng pera at ang pangkalahatang presyo ng mga bilihin. Kapag mas mataas ang presyo ng mga bilihin, mas mababa ang halaga ng pera. Ang Consumer Price Index (CPI) Ang CPI ay isang gamit istatistiko na siyang nagpapakita sa pagbabago sa pangkahalatang presyo ng mga bilihin mula sa batayang taon hanggang sa kasalukuyang taon, sinusukat nito ang mga pagbabago sa halaga ng pera. Mga Hakbang sa Pagbuo ng CPI 1. Ang pagpili ng Batayang Taon (Base Year). Ito ay ang taon na siyang pinagbabatayan kung saan ang mga pagbabago presyo kumpara sa ibang taon ay nasalagay sa porsyento nito. Ang batayang taon ay dapat na nasa normal na taon, hal. taon na lung saan ang ekonomiya ng isang bansa, ang political na kalagayan at ang mga presyo ng mga bilihin ay matatag.
  • 11. 11 2. Ang pagpili ng lalamanin ng Market basket. Ang mga produktong napili para sa market basket ay dapat naka-base sa kasalukuyang paggasta ng isang tipikal na pamilya. Ang mga produkto ay hindi dapt nasasara lamang sa isang partikulas na istado ng lipunan. Ito ay dapat na sumasalamin sa panlasa ng pangkahalatang populasyon. Hal., ang mga mamahaling jacket at mga mamahaling sasakyan ay hindi dapat isama sa listahan. 3. Ang Presyo ng mga napiling produkto: a) Ang mga presyo mga napiling produkto ay dapat na makuha mapagkakatiwalaan institusyong nangangalaga ng mga datos nito mula sa kasalukuyan at sa hinaharap. b) Ang basket ay ilalagay sa presyo ng batayang taon. Ang index ng batayang taon ay dapat na nakalagay sa 100. c) Ang presyo ng parehas na nilalaman ng basket ay ilalagay sa pangkasalukuyang presyo ng mga bilihin. d) Ang halaga sa kasalukuyang market basket ay ikukumpara sa porsyento ng batayang taon. Kasalukuyang Presyo ng Bilihin x 100 = Current Year Presyo ng Batayang Taon e) Ang index ng kasalukuyang presyo sa lahat ng nilalaman na produkto ng market basket ay pagsasamahin at idi-divide sa bilang ng aytems nito. Mula dito, makukuha natin ang tinatawag na simple price index o ang hindi tinimbang na index ng presyo. (Tingnan ang Halimbawa) Pormula
  • 12. 12 Aytems Presyo sa Batayang Taon Index ng Batayang Taon Presyo Kasalukuyang Taon Index ng Kasalukuyang Taon Bigat ng bawat Taon Bigat X Index ng Kasalukuyang Presyo Pagkain 50 100 30 60 4 240 Damit 100 100 120 120 3 360 Bahay 200 100 250 125 2 250 Pamasahe 10 100 20 200 1 200 HALIMBAWA: Kasalukuyang Presyo ng Bilihin x 100 = Current Year Presyo ng Batayang Taon = 30 X 100 50 = 0.60 X 100 = 60 Index ng Kasalukuyang Presyo Pormula
  • 13. 13 Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Kompyutin ang Simple Price Index ng Talaan na nasa Itaas at sagutin ang tanong na nasa ibaba. TANONG: ILANG PORSYENTO NG ITINAAS/IBINABA NG PRESYO NG BILIHIN? ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________
  • 14. 14 Tandaan Mo! Ang Implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo o halos pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya. Ang Batayang ng Implasyon ay ang mga sumusunod: a. Ang mga tao ay gumagamit ng mas maraming salapi para makabili lamang ng iilang produkto; b. Ang halaga ng pamumuhay ay tumaas; c. Mayroong patuloy na pagbaba sa halaga ng salapi; at d. Ang mga presyo ng bilihin ay tumataas. Ang CPI ay isang gamit istatistiko na siyang nagpapakita sa pagbabago sa pangkahalatang presyo ng mga bilihin mula sa batayang taon hanggang sa kasalukuyang taon, sinusukat nito ang mga pagbabago sa halaga ng pera. Gawain 3: Paglalapat Pag-aralan ang presyo ng mga sumusunod na listahan ng produkto. Kompyutin ang halaga ng pagtaas o pagbaba ng presyo nito 1. Manok 2. Baboy 3. Talong 4. Galunggong 5. Bigas
  • 15. 15 ARALIN 2 ANG EPEKTO NG IMPLASYON Sa naunang aralin, pinag-aralan natin ang kahulugan ng Implasyon at ang paraan ng pagkompyut nito. Nalaman ang implasyon ay ang pagtaas ng halaga ng di lamang ng illang produkto, kungdi ng halos lahat o lahat ng produkto. Ngayon, aalamin natin kung ano naman ang epekto ng implasyon sa iba’t-ibang larangan ng ekonomiya ng bansa. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maiisa-isa ang epekto ng Implasyon sa iba’t-ibang larangan ng ekonomiya ng Pilipinas; at 2. Matatalakay kung sino-sino ang mga nakikinabang at di-nakikinabang kapag may nangyayaring implsyon ; Gawain 1: Pag-isipan Mo! Halimbawang nagkaroon ng malwakang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at naapektuhan nito ang iyong pamilya, ano ang magagwa mo upang makatulong sa iyong mga magulang. Gumawa ng isang listahan ng iyong gagawin.
  • 16. 16 Ang Epekto ng Implasyon May iba’t-ibang epekto ang Implasyon sa iba’t-ibang aspeto ng ekonomiya ng bansa. Ito ay ang mga sumusunod. 1. Produksyon/Pamumuhunan. Bilang resulta ng implasyon, tataas ang kita ng mga prodyuser na siyang magiging sanhi ng kanilang motibasyon para dagdagan ang produksyon (Ayon sa Batas ng Supply, ang pagtaas ng kita ang magiging sanhi sa pagtaas ng bilang ng suplay). Sa paglaki ng produksyon, ang pangangailangan sa manggagawa. Sa ilang mga bansa, sinasadya ng pamahalaan na gumawa ng banayad na implasyon (mild inflation) upang engganyohin ang mga mangangalakal at entreprenyur na mamuhunan pa ng mas malaki. 2. Distribusyon ng Kita. Magiging sanhi ng implasyon ang mas malaking agwat sa distribusyon ng kita. Makikinabang dito ang mga mangangalakal, mga magsasaka, at iba pa. 3. Pag-iimpok. Lahat ng mga inipon sa na may permanenteng halaga (fixed value) katulad ng mga deposito sa bangko, mga seguro (insurance), mga naghuhulog sa bahay, Sa pagtaas ng presyo, ang kalakasan sa pagbili (purchasing power) ay mawawala. Sa kabilang banda, ang mga impok sa assets at mga real estates ay makikinabang. hal., ang halaga ng pabahay, mga alahas at iba pa., ay tataas at ang mga may-ari nito ang makikinabang. 4. Balanse ng Kalakalan. Mayroong tatlong klase ng balance sa kalakalan: A) Ang deficit kung saan mas malaki ang import ay mas malaki sa exports B) Ang surplus kung saan ang import ay mas kaunti sa exports. ; at C) Ang balanseng kalakalan kung saan ang import at parehas sa exports. Tuwing may implasyon, sap unto ng imports at exports, magkakaroon ng deficit sa balance of trade batay sa larawan sa ibaba:
  • 17. 17 Paliwanag: Dahilan sa ang Pilipinas ay may implasyon, Hindi gugustuhing bumili ng Malaysia sa Pilipinas. Kung kaya’t mas kaunti ang inilalabas nating produkto papuntang Malaysia. Sa kabilang banda, Makikita ng mga Pilipino na higit na mas mababa ang presyo ng mga produktong galling sa Malaysia kung kay’t ito ang bibilin nila kaya lolobo ang ating imports.Kapag nangyari ito, mas lalaki ang imports sa exports at haharap tayo sa isang deficit sa balance ng kalakalan. 5. Epekto sa panlabas na halaga ng salapi. Ayon kay Gustav Casell, kung may pagbaba sa panloob na halaga ng salapi, ang panlabas na halaga ng salapi ay bababa din. Ang panloob na halaga ng salapi ay bababa dahil sa implasyon. Ang panlabas na halaga ng salapi ay bababa din dahil naman sa halaga ng palitan Philippines (may implasyon)Malaysia (walang implasyon) Mas maraming produkto ang ina-angkat ng Pilipinas Epekto ng Implasyon sa Balanse ng Kalakalan Mas kaunting produkto ang inilalabas ng Pilipinas
  • 18. 18 nito sa ibang salapi. Aakalain ng ilang mga taga-ibang bansa na mas mahal ang pagbili sa salapi natin kaya’t mas bababa ang demand para dito. Ito ay magdudulot ng pagbaba ng halaga ng ating salapi (sa panlabas na halaga nito). Ito ay tinatawag na Purchasing Power Parity Theory. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Isulat ang salitang TAMA kung tama ang pangungusap. Isulat ang salitang MALI kapag mali ang pangungusap. _____1. Sa lahat ng pagkakataon ay maganda ang idinudulot ng implasyon. _____2. Sa implasyon magkakaroon mas pantay na distribusyon ng kita. _____3. May apat na epekto ang implasyon sa balance ng kalakalan. _____4. Ang mga magsasaka ay makikinabang sa pagkakaroon ng implasyon. _____5. Kapag may implasyon ay nakakapag engganyo sa mga mangangalakal. Tandaan Mo! Positibo ang epekto ng banayad na implasyon sa Produksyon at Pangangalakal. Negatibo ang epekto ng implasyon sa mga mamimili, mga may pension at mga nagpapautang. Negatibo ang epekto ng implasyonsa balanse ng kalakalan..
  • 19. 19 Gawain 3: Paglalapat Magsagawa ng isang interbyu batay sa mga epekto ng implasyon. Alamin sa mga sumusunod listahan ang tunay na epekto sa kanila ng implasyon. Magsagawa ng Interbyu sa mga sumusunod: 1. Isang Mangangalakal sa inyong lugar 2. Isang Duktor 3. Isang Magsasaka/Mangingisda 4. Isang Guro 5. Isang Retiradong Manggagawa ARALIN 3 MGA URI NG IMPLASYON Matapos nating malaman ang iba’t-ibang epekto ng implasyon sa ekonomiya, tatalakayin naman natin naman ngayon ang iba’t-ibang pinagmumulan ng implasyon. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maiisa-isa ang mga dahilan ng implasyon; 2. Masusuri ang mga iba’t-ibang reacsyon ng mga yunit ng ekonomiya hinggil sa mga pinagmulan ng implasyon; Gawain 1: Pag-isipan Mo! Alamin ang mga kadahilanan ng mga sumusunod na gawain: 1. Mahabang pila sa mga gasolinahan 2. Mataas na bilihin sa panahon ng kapaskuhan. 3. Pagkalugi ng mga lokal na prutas.
  • 20. 20 Mga Dahilan ng Implasyon Ang implasyon ay nagmumula sa iba’t-ibang ispesipikong kadahilanan. 1. Demand-Pull inflation. Dito, ang tanging dahilan ng implasyon ay galling sap unto ng mga mamimili. Mayroong patuloy at walang tigil na pagtaas ng demand. Kapag ang demand ay tumataas at hindi ito matugunan ng suplay, ang pangkalahatang presyo ng mga bilihin ay tataas na siyang sanhi ng implasyon. 2. Cost-Push inflation. Ang sanhi nito ay ang pagtaas ng gastusin sa produksyon. Kapag ang mga may-ari ng mga iba’t-ibang industriya ay nahaharap sa mataas ng gastusin sa produksyon, itataas nito ang presyo ng kanilang produkto. 3. Import-Induced inflation o imported inflation. Ang pag-angkat ng mga produkto at serbisyo ay maaaring maging sanhi ng implasyon. Halimbawa na dito ay ang Singapore na pangunahing umaasa sa mga kalapit bansa nito para sa pagkain at iba pang mga hilaw ng materyales. 4. Profit-Push inflation. Ang uri ng implasyon na ito ay sanhi ng mga gahaman na mga prodyuser na itinatago ang kanilang mga produkto na siyang nagiging sanhi ng artipisyal na kakulangan. Ang mga gawaing ito ay nagpapalobo ng mga bilihin na nagdudulot sa kanila ng mataas na kita. 5. Currency inflation. Ang theorya ng mga monetarist sa implasyong ito ay sanhi naman ng masyadong malaki na suplay ng pera sa sistema. Ang masyadong malaking suplay ng pera ay nagdudulot paggamit ng malaking halaga ng salapi upang makabili ng kakaunting produkto. 6. Petrodollars inflation. Ito ay nakakaapekto lalong-lalo ng sa mga umaangkat ng mga produktong petrolyo. Ang labis na pagtaas ng halaga ng mga produktong petroyo ay nagiging sanhi sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin
  • 21. 21 Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Lagyan ng tsek ang tapat ng dahilan ng implasyon kung ang pangyayaring nakalagay sa unang kolum ay tumutukoy sa natutang sanhi ng implasyon. Dahilan ng ImplasyonProdukto Demand- pull Cost- push Import- induced Profit- push Currency Petrodollars 1. Kapaskuhan 2. Pagtaas ng halaga ng gasoline 3. Pagdagsa ng mga remittances ng mga kamag- anak mo sa abroad 4. Paghingi ng umento sa sahod ng mga manggagawa 5. Kakulangan sa suplay ng mga delata. .
  • 22. 22 Tandaan Mo! Ang Demand-pull inflation ay sanhi ng napakataas na demand ng isang produkto laban sa suplay nito. Ang Cost-push inflation ay sanhi ng pagtaas ng gastusin sa produksyon. Ang Import-induced inflation ay sanhi ng labis na paggamit ng imported na produkto. Ang Profit-push inflation ay sanhi ng pagtatago ng mga produkto ng mga prodyuser upang magkarooon ng artipisyal na kakulangan sa produkto. Ang Currency inflation ay sanhi ng labis na pagdami ng suplay na pera sa sirkulasyon Ang Petrodollars inflation ay sanhi ng labis na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Gawain 3: Paglalapat Sa iyong palagay, paano natin maiiwasan ang ibat-ibang sanhi ng implasyon. Magbigay ng limang maari mong gawin. 1. _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ 2. _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ 3. _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ 4. _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ 5. _________________________________________________________________ _________________________________________________________________
  • 23. 23 MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan? Ang Implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo o halos pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya. Ang Batayang ng Implasyon ay ang mga sumusunod: a. Ang mga tao ay gumagamit ng mas maraming salapi para makabili lamang ng iilang produkto; b. Ang halaga ng pamumuhay ay tumaas; c. Mayroong patuloy na pagbaba sa halaga ng salapi; at d. Ang mga presyo ng bilihin ay tumataas. Ang CPI ay isang gamit istatistiko na siyang nagpapakita sa pagbabago sa pangkahalatang presyo ng mga bilihin mula sa batayang taon hanggang sa kasalukuyang taon, sinusukat nito ang mga pagbabago sa halaga ng pera Positibo ang epekto ng banayad na implasyon sa Produksyon at Pangangalakal. Negatibo ang epekto ng implasyon sa mga mamimili, mga may pension at mga nagpapautang. Negatibo ang epekto ng implasyonsa balanse ng kalakalan.. Ang Demand-pull inflation ay sanhi ng napakataas na demand ng isang produkto laban sa suplay nito. Ang Cost-push inflation ay sanhi ng pagtaas ng gastusin sa produksyon. Ang Import-induced inflation ay sanhi ng labis na paggamit ng imported na produkto. Ang Profit-push inflation ay sanhi ng pagtatago ng mga produkto ng mga prodyuser upang magkarooon ng artipisyal na kakulangan sa produkto. Ang Currency inflation ay sanhi ng labis na pagdami ng suplay na pera sa sirkulasyon Ang Petrodollars inflation ay sanhi ng labis na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
  • 24. 24 PANGHULING PAGSUSULIT: I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ang pangkalahatang pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa pamilihan. A. Implasyon. B. Deplasyon. C. Consumer Price Index. D. Disimplasyon. 2. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin sa pamilihan. A. Cost Push. B. Demand Pull. C. Implasyon. D. Deplasyon. 3. Ano ang ibig sabihin CPI na 100? A. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay mahigit 100% malaki kaysa sa batayang taon. B. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 100% mas mababa kaysa sa batayang taon. C. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay parehas sa batayang taon. D. Ang kasalukuyang halaga ng market basket at P100. 4. Alin sa mga sumusunod ay HINDI sanhi ng implsyon? A. paglaki ng demand kaysa sa produksyon. B. kakulangan sa enerhiya. C. pagtaas ng kapasidad sa peoduksyon. D. pagtaas ng halaga ng pamumuhay. 5. Alin sa mga sumusunod ay walang kaugnayang sa cost-push inflation? A. pagtaas ng halaga ng electrisidad. B. pagtaas ng pamimili ng mga konsyumer. C. mas mataas na demand sa pagtaas ng sahod. D. mga regulasyon ng pamahalaan.
  • 25. 25 6. Alin sa mga dahilan ng implasyon ang tinalakay ayon sa konteksto ng quantity equation? A. demand-pull at cost-push inflation. B. demand-pull inflation lamang. C. cost-push inflation. D. monetary inflation. 7. Alin sa mga sumusunod na pangungusap at TAMA? A. Ang halaga ng piso ay bumababa kapag tumatataas ang im[lasyon. B. Ang halaga ng piso ay tumataas kapag mataas ang implasyon. C. Ang halaga ng piso ay hindi naapektuhan ng implasyon. D. Ang halaga ng piso ay maaaring tumaas o bumaba depende kung ang imnplasyon ay demand-pull o cost-push. 8. Ang pinaka madalas gamitin na panukat sa pagbabago ng presyo. A. PPC. B. CPI. C. GNP. D. PPI. 9. Ano ang ibig sabihin ng CPI na 145? A. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 145% na mas mataas kaysa sa batayang taon. B. Ang batayang price index ay may index na 145. C. Ang halaga ng market basket ay 145. D. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 45% na mas mataas kaysa sa batayang taon. 10.Ang COLA ay dinisenyo upang bigyang proteksyon ang mga manggagawa laban sa: A. istrukturang kawalang trabaho. B. underemployment. C. implasyon. D. pagbaba ng bilang ng oras ng trabaho.