2. Panahon ng Katutubo
– Ang Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol ay may sarili
nang panitikan. May mga tulang paawit gaya ng kundiman,
kumintang, oyayi, at dalit. Mayroon ding mga karunungang-
bayan gaya ng salawikain, sawikain, kaisipan, bulong at
kasabihan.
– Sagana rin sa akdang tuluyan na naging patnubay sa ating
mga ninuno gaya ng alamat, epiko, pabula, at kuwentong-
bayan.
3. Panahon ng Espanyol
– Nailimbag ang aklat na Doctrina Christiana na isinulat
ni Padre Domingo Nieva noong 1953.
– Lumaganap rin ang patulang panrelihiyon katulad ng
pasyon, karagatan, at duplo.
– Nakilala rin ang akdang patulang tuluyan gaya ng awit
at korido gaya ng Florante at Laura at Ibong Adarna.
4. Panahon ng Espanyol
– Dinala rin ng mga Espanyol ang mga
kantahing bayan gaya ng dalit at
pangangaluluwa at mga dulang
pantanghalan gaya ng moro-moro,
sarsuwela, senakulo, at tibag.
5. Panahon ng Propanda
– Dahil sa pang-aabuso sa kapangyarihan, paniniil,
pagsasamantala, at paghamak sa mga Pilipino at sa
maling pamamalakad ng pamahalaang Espanyol,
lumaganap ang damdaming makabayan. Bunsod nito,
nabuo ang La Solidaridad, ang pahayagan ng pagtuligsa
sa pamahalaan at sa simbahan at paghingi sa mga
kinakailangang pagbabago.
6. Panahon ng Propaganda
– Sa patuloy na pang-aalipin, pagdusta, at
pang-aapi, naghimagsik sina Andres
Bonifacio, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini
at iba pa. Ang kanilang mga isinulat ay
inilathala sa pahayagan ng Katipunan- ang
Kalayaan.
7. Panahon ng Hapon
– Nahinto ang pag-unlad ng Panitikang Pilipino nang
sakupin ng Hapon ang bansa noong taong 1941 at 1945.
– Ipinatigil ang paglalathala ng mga pahayagan at
lingguhang magasin maliban sa Tribune at Philippine
Review.
– Namalasak ang tula sa panahong ito gaya ng haiku,
tanaga, at karaniwang anyo.