Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Nächste SlideShare
Rebolusyong siyentipiko
Rebolusyong siyentipiko
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 75 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Anzeige

Ähnlich wie Modyul 14 (20)

Anzeige

Aktuellste (20)

Modyul 14

  1. 1. Panimula  Noong Gitnang Panahon, ang Bibliya ang pangunahing pinagbatayan ng mga Europeo ng kaalaman tungkol sa daigdig.
  2. 2. Rebolusyong Siyentipiko  Noong ika-16 siglo, naging higit na mapanuri ang mga Europeo sa mga tradisyonal na kaalaman at katuruan ng Simbahan  Nagsimulang magtanong ang tao tungkol sa sansinukob.
  3. 3. REBOLUSYONG SIYENTIPIKO: Mga Pagbabago sa Kaalaman sa Astronomiya Noong Gitnang Panahon sa Europe, pinaniwalaan ng mga Europeo ang sumusunod:  Ang daigdig ang sentro ng sansinukob.  Hindi gumagalaw ang daigdig.  Ang mga heavenly body ay bilog at napalilibutan ng liwanag.  Umiikot ang mga heavenly body paikot sa daigdig sa isang perpektong bilog.  Sa labas ng kalawakan matatagpuan ang kalangitan na tirahan ng Diyos at ng mga kaluluwang nagkamit ng kaligtasan. Pinabulaanan nina Nicolaus Copernicus, Johannes Kepler, at Galileo Galilei.
  4. 4. Rebolusyong Siyentipiko: Ang Teoryang Heliocentric ni Copernicus Nicolaus Copernicus - unang siyentistang humamon sa teoryang geocentric nina Aristotle at Ptolemy . - isang Polish na astromer at mathematician. - sa kanyang teoryang heliocentric o sun-centered, ang araw ay ang sentro ng sansinukob. - sa takot na maparusahan minabuti niya na huwag ilathala ang kaniyang On the Revolutions of the Heavenly Spheres. Ipinalimbag ito ng kaniyang mga kaibigan noong 1543 bago ang kaniyang kamatayan.
  5. 5. Rebolusyong Siyentipiko: Si Kepler at ang Paggalaw ng mga Planeta Johannes Kepler- isang German astronomer at mathematician na siyang nagwakas ng paniniwalang gumagalaw ang mga planeta sa direksyong pabilog sa araw. - nakadiskubre ng three laws of planetary motion. -ayon sa kaniya:  patambilog ang orbit na iniikutan ng mga heavenly body.  magkakaiba rin umano ang bilis ng pag-ikot ng mga ito.
  6. 6. Rebolusyong Siyentipiko: Si Galileo, ang Dakilang siyentista Galileo Galilei- Italian astronomer, mathematician, at physicist na itinuturing bilang unang modernong siyentista na nagkamit ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng pagsusuri sa kaniyang kapaligiran. - naimbento ang teleskopyo noong 1609. Gamit ito napag-alaman niya na:  gumagalaw ang daigdig paikot sa araw.  hindi isang perpektong bilog ang buwan. Mayroon itong mga bundok at lambak.  hindi lahat ng heavenly body ay gumagalaw paikot sa araw, katulad ng mga buwan ng Jupiter.
  7. 7. Rebolusyong Siyentipiko: Si Galileo, ang Dakilang siyentista Mga Akda ni Galileo  The Starry Messenger- tungkol sa mga buwan ng Jupiter  Dialogue Concerning the Two Chief World Systems- pinanigan niya ang teorya ni Copernicus, kaysa kay Ptolemy -Noong 1633, ipinatawag si Galileo ni Papa Urban VIII upang harapin ang paglilitis sa Inquisition. Sa takot na maparusahan ng kamatayan, napilitan siya na bawiin ang kaniyang mga pahayag. -Pagkaraan ng paglilitis, ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng kaniyang mga pag-aaral. -Namatay siya noong 1642 sa edad na 78 taong gulang.
  8. 8. Rebolusyong Siyentipiko: Si Newton at ang Gravity Isaac Newton- isang English mathematician at propesor na naglathala ng Mathematical Principles of Natural Philosophy o “Principia”. - pinagsama-sama niya ang mga natuklasan nina Copernicus, Kepler, at Galileo sa pagpapaliwanag ng tungkol sa puwersa na gumagabay sa paggalaw ng daigdig at iba pang heavenly body sa kalawakan- ang gravity.
  9. 9. Rebolusyong Siyentipiko: Ang Scientific Method Ang Scientific Method ay ang sistematikong pagtitipon ng mga datos at pagsusuri ng mga idea. Pagtukoy sa suliranin Pagbuo ng kongklusyon Pagsusuri ng datos Pagsusuri ng Hypothesis Paggawa ng Hypothesis
  10. 10. Rebolusyong Siyentipiko: Ang Scientific Method Francis Bacon- isang English na pilosopo, politiko, at manunulat na kailangan bumuo ng kongklusyon batay sa pag-aaral ng mga nakalap na datos - pinaniniwalaan niya na sa pamamagitan ng pag-unawa sa daigdig, makapagkakamit ang tao ng kaalaman na para sa ikabubuti ng tao.
  11. 11. Rebolusyong Siyentipiko: Ang Scientific Method Rene Descartes- French mathematician at pilosopong nagsasabing ang pag-iisip, at hindi ang pakiramdam, ang daan sa pag-alam ng katotohanan. - higit niyang pinagtuonan ang lohika at matematika sa pag kamit ng karunungan. - naging tanyag ang kanyang pahayag na, “I think, therefore I am”, kung saan pinatunayan niya ang kaniyang eksistensiya gamit ang katuwirang siya ay nag-iisip.
  12. 12. Rebolusyong Siyentipiko: Rebolusyon sa Daigdig ng Agham Galen- pinag-aralan niya at dinissect ang aso at unggoy upang maunawaan ang katawan ng tao.
  13. 13. Rebolusyong Siyentipiko: Rebolusyon sa Daigdig ng Agham Andreas Vesalius- hindi tinanggap ang mga pag- aaral ni Galen sapagkat ibinatay ito sa hayop at hindi sa tao. - bagama’t ipinagbawalb ng Simbahan, nag-dissect pa rin siya ng labi ng tao para pag-aralan ang estruktura nito. - inilathala noong 1543 ang On the Fabric of the Human Body, na tumatalakay sa human anatomy. - pinasinungalingan ang idea ni Galen na nagmumula ang pagdaloy ng dugo sa atay.
  14. 14. Rebolusyong Siyentipiko: Rebolusyon sa Daigdig ng Agham William Harvey- inakda ang On the Motion of the Heart and Blood, kung saan issinaad na: a) dumadaloy ang dugo sa buong katawan; b) ang puso ang nagpapadaloy ng dugo sa katawan; c) magkatulad ang dugo na nasa vein at artery.
  15. 15. Rebolusyong Siyentipiko: Rebolusyon sa Daigdig ng Agham Robert Hooke- inilathala noong 1665 ang Micrographia, kung saan isinasaad niya ang kaniyang pagkakatuklas ng cell gamit ang kaniyang imbensyong microscope.
  16. 16. Rebolusyong Siyentipiko: Rebolusyon sa Daigdig ng Agham Robert Boyle- tinaguriang “Ama ng Modernong Chemistry” - inakda ang The Sceptical Chymist, kung saan hinamon niya ang idea ni Aristotle na binubuo ang pisikal na daigdig ng apat na elemento- lupa, hangin, apoy, at tubig. - binubuo ang lahat ng bagay ng mas maliliit, na nagsasama-sama sa iba’t ibang paraan.
  17. 17. Rebolusyong Siyentipiko: Rebolusyon sa Daigdig ng Agham Joseph Priestly- nakatuklas ng chemical element na oxygen. Tinawag niya itong “dephogisticated air”. - noong 1774, naihiwalay niya ang isang purong gas mula sa hangin.
  18. 18. Rebolusyong Siyentipiko: Rebolusyon sa Daigdig ng Agham Antoine Laurent Lavoisier- tinaguriang “Tagapagtag ng Modernong Chemistry”. - inilarawan ang kalikasan ng combustion bilang kombinasyon ng mga sangkap na maaaring magliyab at ng hangin- partikular ng oxygen.
  19. 19. Ang Enlightenment  Sa paggamit ng mga siyentista ng scientific method at pangangatwiran , naisip din ng mga Europeo na gamitin ang katwiran upang subuking ipaliwanag ang kasalana ng tao at iba pang aspekto ng kaniyang buhay.  Dahilan ito upang mailunsad ang Enlightenment o Age of Reason.  Naganap ito sa pagitan ng mga taong 1600 at 1700.
  20. 20. Ang Enlightenment Enlightenment at Pamahalaan Thomas Hobbes, may- akda ng Leviathan John Locke, may-akda ng Two Treaties of Government •Nailunsad ang magkasalungat na ideang politikal ng mga English na sina:
  21. 21. Ang Enlightenment Enlightenment at Pamahalaan Kaisipan Hobbes Locke Kalikasan ng tao Likas na makasarili ang tao. May kakayahan ang tao na matuto mula sa karanasan at sa pagpapaunlad ng sarili. Karapatan ng tao Higit na mahalaga ang kaayusan kaysa sa karapatan ng tao. 3 likas na karapatan ng tao- buhay, kalayaan, at pagmamay-ari Kapngyarihan ng Pamahalaan Ang pamahalaan ay dapat magtangan ng nakakatakot na kapangyarihan. Lehitimo ang kapangyarihan ng pamahalang may pahintulot ng mamamayan. Social Contract o Kasunduang Panlipunan May kasunduan ang pamahalaang pananatilihin ang kaayusan sa lipunan kung isusuko sa kaniya ng tao ang mga karapatan Kasunduan ng pamahalaan na pangalagaan ang karapatan ng mga mamamayan nito at may karapatang mag-alsa ito Uri ng Pamahalaan Monarkiya Nagsasariling pamahalaan
  22. 22. Ang Enlightenment Enlightenment at Pamahalaan  Baron de Montesquieu o Charles de Secondat- may-akda ng The Spirit of the Laws, tatlong uri ng pamahalaan: Republika: maliliit na estado Despotismo: malalaking estado Monarkiya:katamtamang laki na estado
  23. 23. Ang Enlightenment Enlightenment at Pamahalaan - isinulong din niya ang mga: Separation of Powers- paghihiwalay ng kapangyarihan sa pagitan ng tatlong sangay ng pamahalaan: tagapagpaganap, tagapagbatas at tagahukom. Checks and Balances- pantay na kapangyarihan ng tatlong sangay para maiwasan ang pagmamalabis ng isa’t isa.
  24. 24. Ang Enlightenment Enlightenment at Pamahalaan  Francois Marie d’ Arouet o “Voltaire” - isa sa pinakamaimpluwensiyang pilosopong French. - binatikos niya ang pamahalaan, mga mahaerlika, at ang mga algad ng Simbahan, na nagpamalas ng kalupitan at panatismo.
  25. 25. Ang Enlightenment Enlightenment at Pamahalaan Jean Jacques Rousseau- isang nobelistang French, likas na mabuti ang tao. - naniwala na ang mamamayan ang may kapangyarihang mamahala, at ang sinumang maatasang mamuno ay dapat na sundin ang pangkalahatang kagustuhan ng mga tao. - itinaguyod ang isang social contract sa pagitan ng malalayang mamamayan na sama-samang nagpasiya upang bumuo ng pamahalaan at ng lipunan.
  26. 26. Ang Enlightenment Enlightenment at Pamahalaan  Cesare Beccaria- isang Italian na tumuligsa sa pang-aabuso sa katarungan. - ang batas ay para sa pagpapanatili ng kaayusang panlipunan, hindi upang mapaghigantihan ang mga nagkasala. - sa kaniyang aklat na On the Crimes and Punishments, binatikos niya ang pagpapahirap at ang pagparusa ng kamatayan.
  27. 27. Ang Enlightenment Enlightenment at Kababaihan Mary Astell- isa sa nagtaguyod ng pagkakaroon ng pantay na karapatan ng kababaihan sa edukasyon sa akda niyang A Serious Proposal to the Ladies. - tinuligsa niya ang hindi pantay na katayuan ng mag-asawang babae at lalaki.
  28. 28. Ang Enlightenment Enlightenment at Kababaihan Mary Wollstonecraft- sa akda niyang A Vindication of the Rights of Woman, iginiit niyang kailangan ng kababaihan ang edukasyon upang maging mabuti. - ipinahayag din niyang dapat magkaroon ang kababaihan ng karapatang makilahok sa politika.
  29. 29. Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment  Naipalaganap ang kaisipang Enlightenment sa mga salon at sa pamamagitan ng Encyclopedia.  Salon- pagtitipong ginanap ng mayamang kababaihan sa Europe, partikular sa Paris.  Dito sila nagsaya sa mga pagtatanghal at nagbahaginan ng kaisipan.
  30. 30. Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment Marie Therese Geoffrin Denis Diderot •Sa tulong ni Geoffrin, nailabas ni Diderot ang Encyclopedia noong 1751-1772. •Ang Encyclopedia ay kalipunan ng mga akda ng mga naliwanagan.
  31. 31. Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment Enlightenment at Sining Neoklasikal- panahon ng sining, panitikan at musikang Europeo. Antonio Canova- eskultor na Italian na naglilok ng marmol na estatwa ng Perseus with the Head of Medusa at ang Napoleon. Jacques Louis David- pintor na French na gumuhit ng Oath of the Horatii at Death of Socrates.
  32. 32. Antonio Canova Jacques Louis David
  33. 33. Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment Mga Kompositor Johann Sebastian Bach- German composer at organist na may likha ng Branderburg Concertos. Franz Josef Haydn- kompositor na Austrian na kinikilala bilang “Ama ng Symphony”. George Frideric Handel- kompositor na English na tanyag sa opera at oratorio, isang kompositor musikal na nakabatay sa Bibliya.
  34. 34. Johann Sebastian Bach Franz Josef Haydn George Frideric Handel
  35. 35. Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment Mga Kompositor Ludwig Van Beethoven- kompositor na German na kinikilala bilang pinakadakilang kompositor na nabuhay sa pagitan ng panahong klasikal at romantic. Amadeus Mozart- kompositor na Austrian na may- akda ng musika para sa ballet na Les Petits Riens.
  36. 36. Ludwig van Beethoven Amadeus Mozart
  37. 37. Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment Ang mga Naliwanagang Monarko Frederick II ng Prussia – taon ng pamumuno 1740- 1786. - tinagurian ang sarili bilang “unang tagapaglingkod ng estado”. - nagpatupad ng mga reporma sa kalayaan sa pananampalataya, pagwawakas sa parusang pagpapahirap, binawasan ang pagsensura, at pinagbuti ang sistema ng edukasyon.
  38. 38. Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment Ang mga Naliwanagang Monarko Maria Theresa ng Austria- taon ng pamumuno ay 1740-1780. -sinubukang itaguyod ang karapatan ng mga serf nula sa mga panginoong maylupa. - nagpatayo ng mga paaralang elementarya. - pinaunlad ang komersiyo at agrikultura.
  39. 39. Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment Ang mga Naliwanagang Monarko Catherine the Great ng Russia- taon ng pamumuno ay 1762-1796. -bumuo ng komisyong susuri sa mga batas ng imperyoalinsunod sa mga kaisipan nina Montesquieu at Beccaria. - nagmungkahing lansagin ang parusang pagpapahirap at kamatayan.
  40. 40. Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment Ang mga Naliwanagang Monarko Joseph II ng Holy Roman Empire- taon ng pamumuno ay 1780-1790. - ipinatupad ang kalayaan sa pananampalataya at pamamahayag. - nilimitahan ang pribilehiyo ng mga maharlika. - nagpatupad bagama’t hindi naging matagumpay ang maraming reporma, tulad sa paglansag ng piyudalismo at pagbabayad ng salapi sa trabaho ng mga serf.
  41. 41. Astronomy Timeline 1543- Inilathala ni Copernicus ang teoryang heliocentric. 1610-Natuklasan ni Galileo ang apat na buwan ng Jupiter at mga crater nito gamit ang teleskopyo.
  42. 42. Astronomy Timeline 1687- Inilathala ni Newton ang kaniyang theory of universal gravitation. 1705- Natuklasan ni Edmond Halley ang pagbabalik ng Halley’s comet.
  43. 43. Astronomy Timeline 1781 -Natuklasan ni William Herschel ang Uranus. 1801- Natuklasan ni Giuseppe Piazzi ang asteroid na Ceres.
  44. 44. Astronomy Timeline 1846- Natuklasan ni Johann Galle ang Neptune. 1961- Kinilala si Yuri Gaga rin bilang unang tao sa kalawakan.
  45. 45. Astronomy Timeline 1969- Unang nakapaglakad sa buwan sina Neil Armstrong at Buzz Aldrin lulan ng Apollo 11. 1992- Tinanggap ng Simbahang Katoliko ang paniniwala ni Galileo na umiikot ang daigdig sa araw.
  46. 46. Astronomy Timeline 2000- Gumawa ng detalyadong mapa ng daigdig ang Space Shuttle Endeavor 2001- Natuklasan ng mga Astronomer ang HD 28185 b, isang exoplanet na maaaring nasa habitable zone.

×