1. ANG AKING TALAMBUHAY
Marami ang nagsasabi na ang pinakamasayang araw na nangyari sa
ating buhay ay ang ipinanganak tayo, kaya dapat ating pahalagahan at
pagyamanin ang buhay na ipinagkaloob sa atin ng maykapal. Ang
pagpapahalaga sa ating karanasan ay isang batayan kung paano natin
nabibigyang halaga ang mga nangyari sa ating buhay.
Noong nobyembre 23, 1994 aking nasilayan at naramdaman ang
kagandahan at kahigawahan ng ating mundo. Natatandaan ko pa ang sabi ng
aking pinakamamahal na ina, noong lumabas daw ako sa kanyang sinapupunan
mga ilang oras ang nakalipas ay binanggit ng aking tita ang pangalang “aizel” na
naging dahilan ng aking pag ngiti, iyon din ang kauna-unahang beses na
kanilang nasilayan ang aking ngiti kaya naman pinangalanan nila akong “Aizel
Castro”. Hindi ito naging kombinasyon ng pangalan ng aking ama’t ina dahil ang
aking ama ay Rodney Castro at ang aking ina naman ay Emelie Castro. Ang
aming pamilya ay masasabi kong malaki subalit masaya, sabi nga ng iba mas
masaya kapag marami.
Nagsimula akong pumasok sa paaralan bilang kinder I noong ako’y apat
na taong gulang. Natatandaan ko, kung minsan sa silid-aralan ay nag aaway
kami ng aking ate kinurot niya ako na naging dahilan ng aking pag-iyak ng
malakas kahit na palagi kaming nag-aaway ay mahal pa rin namin ang isa’t-isa.
Noong ako’y anim na taon, nagsimula ako sa aking elementarya Sa aking
unang grado ay palagi akong umiiyak kapag inaaway ako ng aking mga kaklase
na lalaki. Naranasan ko rin na mapalo ng titser dahil sa paglalaro ng goma. Galit
na galit ako noon sa aking titser. Sa gradong ito ay nagsimula rin akong
magtanong tungkol sa crush, kung ano ba talaga ito. Masasabi ko rin na sa aking
elementarya ay marami akong naging kaibigan dahil sa palipat-lipat ako ng
paaralan. Ang una kong paglipat ng paaralan ay noong ako’y nasa ikatlong grado
sumunod ay noong ako’y nasa ikalimang grado. Sa ikalimang grado ay masasabi
kong ito’y hindi naging madali para sa akin dahil nahiwalay ako sa aking pamilya
dahil sa maynila na ako nag-aral pero sa tulong ng aking mga bagong kaibigan
ay nalagpasan ko ang lungkot na aking nadarama.Hindi ako nahirapang mag
“adjust” sa kanila dahil halos lahat sa kanila ay mababait at talagang
palakaibigan. Pinagtiyagaan din ako ng aking tita na ihatid sundo dahil sa bago
pa lang ako doon. Dumating din sa punto na nakilala ko ang aking kauna-
unahang “crush”, kapag siya’y lumalapit sa akin ay nahihiya ako at parang
2. nawawalan ako ng lakas na harapin siya. Ang aking natitirang taon sa
K.E.R.M.E.S (pangalan ng aming paaralan) ay naging masaya dahil mas lalo
kong nakilala ang aking mga kaibigan at mas lalo kaming napalapit sa isa’t isa.
Dumating ang araw ng aming pagtatapos kailangan na naming magpaalam sa
isa’t isa dahil kami ay magkakalayo-layo na..Nooong araw na iyon ay hindi ko
mapigilang umiyak dahil talagang ma mimiss ko sila, pero ganito talaga ang
buhay may oras na kailangan mong humiwalay sa mga kaibigan para sa iyong
pangarap.
Dumating ang araw na pinakahihintay ko ang “highschool life” marami kasi
ang nakapagsabi sa akin na ang buhay sa sekondarya ang pinakamasaya sa
lahat. Kaya naman halo-halong emosyon ang aking nadama. Noong araw ng
pasukan ay hindi ko alam ang aking gagawin dahil sa medyo may kalakihan ang
aming paaralan. Hindi ko alam kung saang “building” ko hahanapin ang aking
pangalan at seksyon pero mga ilang sandali ay nakita ko rin ito at laking tuwa ko
na mapabilang ako sa pinakamataas na seksyon dahil dalawamput lima lahat ng
seksyon doon. Nang makapasok na ako sa aming silid ay nakaagaw pansin sa
akin ang isang lalaki at naramdaman ko ang bilis ng tibok ng aking puso, ito na
nga siguro ang tinatawag nilang “love at first sight”, yan ang sumagi sa aking
isipan noon. Ilang buwan ang nagdaan at napag alaman kong may kasintahan
na pala siya. Kaya medyo nakaramdam ng kirot ang aking puso.
Taong 2009 bumalik ako sa aming probinsya at doon ko na ipinagpatuloy
ang aking pag-aaral ng sekondarya. Marami ang nagbago sa akin noong
panahong iyon dahil dito ko unang natagpuan ang aking unang pag-ibig na
naging dahilan na natuto akong mag sinungaling sa aking mga magulang.Buwan
ng pebrero nagkaroon kami ng “JS Prom” lahat kami ay nagpaganda at talagang
nag enjoy sa gabing iyon. Halo-halong emosyon ang aking nadama saya, kilig at
dismaya, dahil hindi ako isinayaw ng aking “crush”. Sa aking natitirang taon sa
sekondarya ay masasabi kong naging masaya at talagang marami akong hindi
malilimutang karanasan. Natutunan kong mag “cutting class” dahil napag
pasiyahan ng aking mga kaibigan na gumala sapagkat isang sabjek lang naman
kami sa hapong iyon. Subalit hindi kami pinahintulutan ng gwardiya lumabas
dahil nga oras pa ng klase. Kaya ang ginawa namin ay pumunta sa likod ng
paaralan at doon dumaan, mabuti na lamang at hindi kami nahuli. Pero
pinagsisihan ko ang aking ginawa na sumama sa aking mga kaibigan dahil
nagkaroon kami ng maikling pagsusulit. Naghihinayang ako dahil kabilang ako sa
top ten at ang isa pa ay isa rin ako sa student council ng aming paaralan at
mataas din ang aking posisyon dahil ako ang sekretarya. Kaya naman
3. nakakahiya kung napag-alaman iyon ng aking kapwa mag-aaral. Hindi ko na
inulit ang kamaliang iyon.
Noong disyembre 17 taong 2011 ginanap ang aming kahuli-hulihang
“christmas party” talagang nag enjoy kami ng araw na iyon at ginawa itong hindi
makakalimutan ng bawat isa. Dumating ang araw ng aming pagtatapos
nakaramdam ako ng lungkot at saya sa araw na iyon, Maalungkot dahil
mahihiwalay na naman kami ng aming mga kaibigan sa isa’t isa, Masaya dahil
magkakaroon na naman ng bagong kaibigan at panibagong buhay na naman
ang aming tatahakin. Haiy! talagang nakaka miss ang “highschool life” ang sarap
balik-balikan. Totoo pala talaga na masaya ang hayskul dahil dito nagsisimula
ang lahat.
Buhay kolehiyo, sabi nila ito ang pinaka seryosong bahagi ng pag-aaral
dahil ito ang magigng batayan ng ating tagumpay sa buhay. Nang makapasok
ako dito sa “West Visayas State University” ay masaya ako dahil marami ang
nagsasabi na ito ay magandang paaralan at mataas ang “standard”. Kaya
sinikap ko talagang makapasok dito kahit na napakadaming kinakailangang
pagdaanan bago ka makapasok. Sa unang buwan ng aking pag-aaral sa “west”
ay medyo nahihirapan ako sa aking kursong kinuha dahil hindi ko talaga ito gusto
pero tinanggap ko na lang para sa aking mama. Marami akong naging kaibigan
at masaya ako na nakilala ko sila lalong-lalo na ang aking mga barkada na
kasama ko sa kalokohan at ang masaya pa ay hindi kami nag aaway simula
nang kami ay nagkakilala. Dito ko rin naranasan ang madurog ang puso dahil sa
pagmamahal.
Sa ngayon, masaya na ako sa aking buhay at kontento na sa kung ano
mang meron ako ngayon. At patuloy akong magsisikap sa abot ng aking
makakaya hanggang sa matupad ko ang aking mga pangarap sa buhay.