MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
MGA GAWAING PANGKALUSOGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
1. MAGKAROON NG SAPAT NA ORAS NG TULOG SA PAHINGA
Magpahinga ng walo hanggang sampung oras araw-araw.
2. KUMAIN NG SAPAT AT WASTONG PAGKAIN
Kailangang kumain ng tatlong mahahalagang pagkain – almusal, tanghalian, at hapunan.
Gawing gabay ang tatlong pangkat ng pagkain GO,GROW at GLOW Foods.
3. PANATILIHIN ANG MAAYOS NA TINDIG SA LAHAT NG ORAS
Wasto ang pag-upo – sumandal ng tuwid sa silya at idaiti ang balakang sa sandalan.
Wastong paglalakad – natural na iimbay ang mga kamay.
Wastong pagtayo – tumayong tuwid, pantay ang balikat, pasok ang puson.
4. MAG-EHERSISYO
Ugaliin ito upang katawan ay lumakas at tumibay.
Ang regular na ehersisyo ay nagpapagana sa pag-kain, nakatutulong sa maayos na pagdumi at
maayos na tindig.
5. PALILIGO ARAW-ARAW
Maginhawa angpakiramdamatmaiiwasan angpagkakaroon ngdi -kanais-nais na amoy kung ang
paliligo ay ginagawa bago magsuot ng malinis na kasuotan.
6. PAGSISIPILYO NG NGIPIN
Ginagawa ito matapos kumain upang mapanatilingmalusog,malinisatdi masira ang mga ngipin.
Maiiwasan din ang mabahong hininga dulot ng sirang ngipin at lasa ng mga pagkain.
7. PANGANGALAGA NG KUTIS
Ang paghihilamos ng mukha bago matulog ay hindi dapat kalimutan ng isang nagdadalaga at
nagbibinata upang maiwasan ang magkaroon ng tagihawat.
8. PANGANGALAGA NG BUHOK
Ang buhok ang itinuturing na korona ng ulo at kwadro ng mukha kaya’t dapat itong bigyan ng
pansin.Dapatitonggamitan ng shampoo at conditioner upang magkaroon ng madulas, makintab
at malusog na buhok.
9. PANGANGALAGA SA KAMAY, PAA AT KUKO
Ang pag – iingatat pagpapanatilingmaayos,maikli angkuko ay nakadaragdagsa pagkakaroon ng
mabikas na kaanyuan. Maiiwasan din ang sakit sa balat kung malinis ang mga kuko.
10. PAGPAPALIT NG MALINIS AT ANGKOP NA KASUOTAN
Maginhawa ang pagpapahinga kung malinis ang kasuotan.
Dapat tandaan ang pagpapalit ng damit panloob araw-araw.