2. karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga
hugnayang pangungusap at ito ay panimula
ng katulong na sugnay.
Halimbawa:
Mag-aral ka ng mabuti nang makapasa ka sa
eksam.
Magsikap ka nang umunlad ang iyong buhay.
3. nagmula sa na at inangkupan ng ng at
inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng
panuring nito.
Halimbawa:
Nagdasal nang taimtim ang mga deboto.
Umalis sila nang umaga.
4. ginagamit sa gitna ng dalawang salitang-ugat
na inuulit, dalawang pawatas o neutral na
inuulit at dalawang pandiwang inuulit.
Halimbawa:
Suklay nang suklay
Mag-ipon nang mag-ipon
Nagdasal nang nagdasal
5. ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng
pandiwang palipat.
Halimbawa:
Nagtanim ng palay ang mga magsasaka.
Gumagaw siya ng takdang-aralin.
6. ginagamit na pananda ng aktor o tagaganap
ng pandiwa sa tinig balintiyak.
Halimbawa:
Ibinaling ng bata ang kanyang atensyon sa
kanyang laruan.
Pinangangaralan ng ina ang mga anak.
7. ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-
ari ng isang bagay o katangian.
Halimbawa:
Palad ng mga mayayaman ay karaniwang
makikinis.
Ang aklat ng bata ay tinakpan ng ina.