3. 23
Gabay sa mga Guro sa Paggamit ng Most Essential Learning Competencies (MELCs)
Minarapat ng Kagawaran ng Edukasyon sa pangunguna ng Bureau of Curriculum Development ang pagbuo ng pinakamahahalagang kasanayang pampagkatuto
(most essential learning competencies) upang tugunan ang mga hamong kaakibat ng COVID19 tulad ng mas maikling panahong pagpasok sa paaralan,
limitadong interaksyon sa pagitan ng mag-aaral at guro, at mga kaugnay na hamon na may kinalaman sa instructional delivery.
Pinapanatili ng MELCs ang mga pangunahing layunin sa pag-aaral ng Araling Panlipunan tulad ng pagpapaunlad ng pansibikong kaalaman at kagalingan,
mapanagutang mamamayan, at iba pa.
Sa pagtukoy ng MELCs, ginamit ang pamantayang enduring (life-long learning) - mga kaalamang nananatili sa mahabang panahon na magagamit ng mga mag-
aaral sa kanilang pamumuhay
Kalakip ng pamantayang nabanggit ang pagsasaalang-alang ng pagsasakatuparan ng pamantayang pangnilalaman at pagganap na makikita sa bawat kwarter o
markahan.
Paano gagamitin ang MELCs sa pagtuturo?
Layunin ng pagbuo ng MELCs ay matulungan ang mga guro na matukoy ang mahahalagang kasanayang pampagkatuto upang sa gayon ay mabigyan ito ng
prayoridad at maging batayan sa kanilang mga desisyong instruksyonal at hindi upang palitan ang kasalukuyang curriculum guide.
Ilan sa mga MELCs ay tuwirang hinango sa kasalukuyang curriculum guide ng Araling Panlipunan. Halimbawa nito ay ang learning competency (lc) na ‘Nasasabi
ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan, magulang, kaarawan, edad, tirahan, paaralan, iba pang pagkakakilanlan at mga katangian bilang
Pilipino’ (AP1, Quarter 1).
4. 24
Samantala, ang MELCs na may asterisk (*) ay nabuo mula sa:
Batayan MELCs Pinaghanguan/Pinagmulan
1. pagsasama-sama ng ilang learning
competencies upang mapaikli ang panahon ng
pagtuturo nang hindi isinasantabi ang
pagbibigay tuon sa paglinang ng
pagpapahalaga (valuing) at pagsasabuhay nito
*Naipaliliwanag ang konsepto ng komunidad’
(AP2, Quarter 1)
a. Nauunawaan ang konsepto ng ‘komunidad’,
b. ‘Nasasabi ang payak na kahulugan ng
‘komunidad’ at
c. Nasasabi ang mga halimbawa ng ‘komunidad’
2. pagsasaayos ng learning competency/-ies
upang higit itong maging malinaw sa guro
*Naipamamalas ang pagpapahalaga sa
pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng mga kultura
gamit ang sining na nagpapakilala sa lalawigan at
rehiyon (e.g. tula, awit, sayaw, pinta, atbp.) (AP 3,
Quarter 3)
‘Naipapakita sa iba’t-ibang sining ang
pagmamalaki sa mga natatanging kaugalian,
paniniwala at tradisyon ng iba’t ibang lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon’(AP3PKR- IIIh-9).
Tulad ng curriculum guide, ang MELCs ay batayan ng guro sa lalamanin ng kanilang pagtuturo sa Taong Pampaaralang 2020-2021. Bawat kasanayang
pampagkatuto ay may malawak na paksa at kasanayan. Ito ay inaasahang iaa-unpack ng guro sa kanyang DLP o DLL upang mabigyang pansin ang mga batayang
konsepto at kaalaman na siyang kakailanganin sa pagsasakatuparan nito. Lahat ng MELCs ay inaasahang tutugon sa pamantayang pangnilalaman at pamantayan
sa pagganap.
5. 44
Grade Level: Grade 9
Subject: Araling Panlipunan
Quarter Content Standards Performance Standards Most Essential Learning Competencies Duration
1st
Quarter
Ang mag-aaral ay…
may pag-unawa sa
mga pangunahing
konsepto ng
Ekonomiks bilang
batayan ng matalino
at maunlad na pang-
araw-araw na
pamumuhay
Ang mag-aaral ay…
naisasabuhay ang pag- unawa sa
mga pangunahing konsepto ng
ekonomiks bilang batayan ng
matalino at maunlad na pang-
araw-araw na pamumuhay
Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw- araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan
Week 1
Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw- araw na
pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan
Week 2-
3
*Nasusuri ang iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya Week 4
*Natatalakay ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa
pang- araw- araw na pamumuhay
Week 5
Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo. Week 6-
7
Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga
tungkulin bilang isang mamimili
Week 8
2nd
Quarter
Ang mag-aaral ay…
may pag-unawa sa
mga pangunahing
kaalaman sa ugnayan
ng pwersa ng
Ang mag-aaral ay…
kritikal na
nakapagsusuri sa mga
pangunahing kaalaman sa
ugnayan ng pwersa ng demand at
*Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa pang
araw-araw na pamumuhay
Week 1-
2
*Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa suplay sa pang
araw-araw na pamumuhay
Week 3-
4
*Naipapaliwanag ang interaksyon ng demand at suplay sa kalagayan ng
presyo at ng pamilihan
Week 5
6. 45
Quarter Content Standards Performance Standards Most Essential Learning Competencies Duration
demand at suplay, at
sa sistema ng
pamilihan bilang
batayan ng
matalinong
pagdedesisyon ng
sambahayan at
bahay- kalakal tungo
sa pambansang
kaunlaran
suplay, at sistema ng pamilihan
bilang batayan ng matalinong
pagdedesisyon ng sambahayan at
bahay- kalakal tungo sa
pambansang kaunlaran
*Nasusuri ang kahulugan at iba’t ibang istraktura ng pamilihan Week 6-
7
*Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa
regulasyon ng mga gawaing pangkabuhayan
Week 8
3rd
Quarter
Ang mag-aaral ay…
naipamamalas ng
mag- aaral ang pag-
unawa sa mga
pangunahing
kaalaman tungkol sa
pambansang
ekonomiya bilang
kabahagi sa
pagpapabuti ng
pamumuhay ng
kapwa mamamayan
tungo sa pambansang
kaunlaran
Ang mag-aaral ay…
nakapagmumungkahi ng mga
pamamaraan kung paanong ang
pangunahing kaalaman tungkol sa
pambansang ekonomiya ay
nakapagpapabuti sa pamumuhay
ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran
*Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot
na daloy ng ekonomiya
Week 1-
2
*Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang
kita
Week 3
*Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa implasyon Week 4-
5
*Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang piskal Week 6
*Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang pananalapi Week 7
*Napahahalagahan ang pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik
ng ekonomiya
Week 8
4th
Quarter
Ang mag-aaral ay…
may pag-unawa
sa mga sektor ng
ekonomiya at mga
Ang mag-aaral ay…
aktibong nakikibahagi sa maayos
na pagpapatupad at pagpapabuti
ng mga sektor ng ekonomiya at
Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran Week 1
Natutukoy ang iba’t ibang gampanin ngmamamayang Pilipino upang
makatulong sa pambansang kaunlaran
Week 2
*Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at
paggugubat sa ekonomiya
Week 3
7. 46
Quarter Content Standards Performance Standards Most Essential Learning Competencies Duration
patakarang pang-
ekonomiya nito sa
harap ng mga hamon
at pwersa tungo sa
pambansang
pagsulong at pag-
unlad
mga patakarang pang- ekonomiya
nito tungo sa pambansang
pagsulong at pag-unlad
Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng
agrikultura, pangingisda, at paggugubat
Week 4
Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang- ekonomiya nakatutulong
sa sektor ng agrikultura (industriya ng agrikultura, pangingisda, at
paggugubat)
Week 5
Nabibigyang-halaga ang mga ang mga gampanin ng sektor ng industriya
at mga patakarang pang- ekonomiyang nakatutulong dito
Week 6
Nabibigyang-halaga ang mga ang mga gampanin ng sektor ng
paglilingkod at mga patakarang pang- ekonomiyang nakatutulong dito
Week 6
Nabibigyang-halaga ang mga ang mga gampanin ng impormal na sektor
at mga patakarang pang- ekonomiyang nakatutulong dito
Week 7
Nasusuri ang pang-ekonomikong ugnayan at patakarang panlabas na
nakakatulong sa Pilipinas
Week 8