7. Masyado tayong napalapit sa isa’t-isa
Masyadong naging maligaya.
Kaya ngayon, labis ang pagdurusa
Simula ng iwan mo ko mag-isa
Labis ang saya kapag ikaw’y kasama
Labis ang lungkot naman ang kapalit ng kami’y iniwan mo, aking ina.
8. Di ko matanggap
Na ikaw’y wala na
Di ko maisip na iyon na pala ang huli nating pagkikita
Makita kang tumawa
At makita kang masaya
9. Di ko inaasahan
Ang bigla mong paglisan
Pag-iwan mo sa amin
Ng wala man lang paalam
10. Ngunit ngayon, ako’y masaya na
Sapagkat alam ko, ikaw’y maligaya
Walang sakit na nadarama
At di na mahihirapan pa
11. Ngunit pinapangako ko sa iyo
Na magiging matatag ako
Pangakong magtatapos ng Kolehiyo
At matupad ang mga pangarap ko
12. Kaya kung nasaan ka man
Lagi mong tatandaan…
Mahal na mahal kita
Lola…