SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 23
Fanny Garcia
UNANG ARAW
a. Panimulang Gawain
Pumili sa mga salita na bubuo sa mga
pangungusap.
a. teheras f. pupitre
b. paanas g. abaloryo
c. mapapakagat-labi h.
pambubuska
d. walang-imik i. pagyayabang
1. Madalas na nag-iisa sa isang sulok at
_______________ ang batang babae.
2. Mahina at ________________ pa kung ito‟y
magsalita.
3. Kung minsa‟y di bahagyang sulyapan ang
mga pagkaing nasa ibabaw
ng ¬__________________ ng kaniyang
mga kaklase.
4. Tumindi ang ___________________ at
panlalait ng mga kaklase sa batang babae.
5. Punung-puno ng maliliit, makikinang at
makukulay na __________________ ang
damit ng batang babae.
6. Nakadispley sa ____________________
ang sari-saring damit ng batang babae.
b. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng bullying at
pagtatanong:
- Alam ba ninyo kung ano ang bullying?
- Mayroon na ba sa inyong nakaranas nang
ma-bully?
c. Presentasyon at Pagpapayaman ng Teksto
(25 minuto)
-Basahin natin ang akdang tatalakayin sa araw
na ito at sagutin ang mga tanong.
May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa
paaralan ay kapansin-pansin ang kaniyang pagiging
walang-imik.
Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang sulok.
Kapag nakaupo na‟y tila ipinagkit. Laging
nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang
kapag tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung
magsalita.Naging mahiyain siya sapagkat maaga
niyang natuklasang kaiba ang kaniyang kalagayan
sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa
kaniya. Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang
kanilang damit na pamasok sa paaralan. Malimit nila
siyang tuksuhin sapagkat ang kaniyang damit, kahit
nga malinis, ay halatang luma na, palibhasa‟y
kupasin at punong-puno ng sulsi.
Ilarawan ang pisikal at emosyunal
na kalagayan ng batang babae.
Kapag oras na ng kainan at labasan na ng kani-kanilang
pagkain, halos ayaw niyang ilitaw ang kaniyang baon.
Itatago niya sa kandungan ang kaniyang
pagkain, pipiraso ng pakonti-konti, tuloy subo sa
bibig, mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase
ang kaniyang dalang pagkain. Sa sulok ng kaniyang
mata ay masusulyapan niya ang mga pagkaing
nakadispley sa ibabaw ng pupitre ng mga kaklase:
mansanas, sandwiches, kending may iba-ibang hugis
at kulay na pambalot na palara. Ang panunukso ng
mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kaniyang mga
damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang kaniyang
pagkain at sila‟y magtatawanan kapag nakita nilang
ang kaniyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na
karaniwa‟y walang palaman.Kaya lumayo siya sa
kanila. Naging walang kibo. Mapag-isa.
Bakit naging malulungkutin at walang-kibo
ang batang babae?
Ang nangyayaring ito‟y hindi naman lingid sa
kaniyang ina. Sa bahay ay di minsan o
makalawa siyang umuuwing umiiyak dahil sa
panunukso ng mga kaklase, at siya‟y
magsusumbong. Mapapakagat-labi ang
kaniyang ina, matagal itong hindi
makakakibo, at sabay haplos nito sa kaniyang
buhok at paalong sasabihin sa kaniya, hayaan
mo sila anak, huwag mo silang
pansinin, hamo, kapag nakakuha ng
maraming pera ang iyong
ama, makakapagbaon ka na rin ng masasarap
na pagkain, mabibili na rin kita ng maraming
At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang
ama‟y hindi pa rin nakapag-uwi ng maraming
pera kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay.
Ngunit ang bata‟y unti-unting nakaunawa sa
kanilang kalagayan. Natutuhan niyang
makibahagi sa malaking suliranin ng
kanilang pamilya. Natutuhan niyang sarilinin
ang pagdaramdam sa panunukso ng mga
kaklase. Hindi na siya umuuwing umiiyak.
Hindi na siya nagsusumbong sa kaniyang
ina.
Ano sa iyong palagay ang estado sa
buhay ng pamilya ng batang babae?
Patunayan ang iyong sagot.
Sa kaniyang pagiging tahimik ay ipinalalagay
ng kaniyang mga kaklase na siya‟y kanilang
talun-talunan kaya lalong sumidhi ang
kanilang pambubuska. Lumang damit. Di
masarap na pagkain. Mahirap. Isinalaksak
nila sa kaniyang isip.Hanggang isang araw
ay natuto siyang lumaban.Sa buong
pagtataka nila‟y bigla na lamang nagkatinig
ang mahirap na batang babaeng laging
kupasin, puno ng sulsi,at luma ang
damit, ang batang laging kakaunti ang baong
pagkain. Yao‟y isa na naman sanang
pagkakataong walang magawa ang kaniyang
mga kaklase at siya na naman ang kanilang
tinutukso.
“Alam n‟yo,” aniya sa malakas at
nagmamalakiing tinig, “ako‟y may sandaang
damit sa bahay.”Nagkatinginan ang kaniyang
mga kaklase, hindi sila makapaniwala.“Kung
totoo „ya‟y ba‟t lagi na lang luma ang suot
mo?”Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil
iniingatan ko ang aking sandaang damit.
Ayokong maluma agad.”
Naniniwala ka bang may sandaang damit
ang batang babae? Bakit oo? Bakit hindi?
“Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa‟min para
kami maniwala!”Iisang tinig na sabi nila sa
batang mahirap.“Hindi ko madadala rito.
Baka makagalitan ako ni Nanay.Kung gusto
n‟yo‟y sasabihin ko na lang kung ano ang
tabas,kung ano ang tela, kung ano ang
kulay, kung may laso o bulaklak.”At nagsimula
na nga siyang maglarawan ng kaniyang mga
damit.Ayon sa kaniya‟y may damit siya para
sa iba-ibang okasyon.May damit siyang
pambahay, pantulog, pampaaralan, pansimba
han, at iba pa.
Naging mahaba ang kaniyang pagkukuwento.
Paano‟y inilarawan niya hanggang kaliit-liitang
detalye ng bawat isa sa kaniyang sandaang
damit. Tulad halimbawa ng isang damit na
pandalo niya sa pagtitipon. Makintab na rosas
ang tela nito na sinabugan ng pinaggupit-
gupit na mumunting bulaklak at makikislap na
rosas at puting abaloryo. Bolga ang
manggas. May tig-isang malaking laso sa
magkabilang balikat. Hanggang sakong ang
haba ng damit. O kaya‟y ang kaniyang dilaw
na pantulog na may prutas sa
kuwelyo, manggas, at laylayan. O ang
kaniyang puting pansimba na may malapad
na sinturon at malalaking bulsa.
Mula noo‟y naging kaibigan niya ang mga kaklase.
Ngayo‟y siya ang naging tagapagsalita at sila
naman ang kaniyang tagapakinig. Lahat sila‟y
natutuwa sa kaniyang kuwento tungkol sa
sandaang damit. Nawala ang kaniyang
pagkamahiyain. Naging masayahin siya
bagaman patuloy pa rin ang kaniyang
pamamayat kahit ngayo‟y nabibigyan nila siya ng
kapiraso ng kanilang baong mansanas o
sandwich, isa o dalawang kendi.Ngunit isang
araw ay hindi pumasok sa klase ang mahirap na
batang babaeng may sandaang damit. Saka ng
sumunod na araw. At nang sumunod pa. At
pagkaraan ng isang linggong hindi niya
pagpasok ay nabahala ang kaniyang mga
kaklase at guro.
Ano sa iyong palagay ang nangyari sa batang
may sandaang damit? Bakit kaya siya hindi
nakakapasok sa eskwela?
Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang
matagal na lumiban sa klase. Ang natagpuan
nilang bahay ay sirasira at nakagiray na sa
kalumaan. Sumungaw ang isang babaeng
payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Pinatuloy
sila at nakita nila ang maliit na kabuuan ng
kabahayan na salat na salat sa anumang
marangyang kasangkapan. At sa isang sulok ay
isang lumang teheras at doon naratay ang
batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa mga
dumalaw ay di agad ang maysakit ang
napagtuunang-pansin kundi ang mga papel na
maayos na maayos na nakahanay at nakadikit
sa dingding na kinasasandigan ng teheras.
Lumapit sila sa sulok na yaon at nakita nilang
ang mga papel na nakadikit sa dingding ay
ang drowing ng bawat isa sa kaniyang
sandaang damit.Magaganda,
makukulay.Naroong lahat ang kaniyang
naikuwento.Totoo‟t naroon ang sinasabi
niyang rosas na damit na pandalo sa
pagtitipon.Naroon din ang drowing ng
kaniyang pantulog, ang kaniyang pansimba,
ang sinasabi niyang pamasok sa paaralan na
kailanma‟y hindi nasilayan ng mga kaklase
dahil ayon sa kaniya‟y nakatago‟t iniingatan
niya sa bahay.
Ano ang iyong naging damdamin sa
wakas ng kuwento? Bakit ganito ang
iyong naramdaman?
Alam ba ninyo kung ano ang
diskriminasyon? Iugnay ninyo ito sa
kuwento.
IKALAWANG ARAW
a.Pangkatang-Gawain
-Magkakaroon ng apat na pangkat. Ang bawat
pangkat ay magdudula-dulaan sa iba`t
ibang uri ng diskriminasyon sa lipunan:
Grupo 1 – Diskriminasyon sa kulay/lahi
Grupo 2 – Diskriminasyon sa katayuang
sosyoekonomiko (mahirap)
Grupo 3 – Diskriminasyon sa relihiyon
Grupo 4 – Diskriminasyon sa kasarian
(bakla, tomboy)
b. Sintesis
-Magbibigay ang klase ng isang pangungusap
na nagpapahayag ng mga magagandang
kaisipan mula sa binasa at tinalakay.
IKATLONG ARAW
a.Presentasyon
Pagtuturo ng Idyoma
Maghanda kayo ng mga piraso ng manila paper
/kartolina na kinasusulatan ng: 10 idyoma at 10
kahulugan ng idyoma. (Halimbawa: bahag ang
buntot – duwag, may gatas pa sa labi -bata
pa, etc.). Ibibigay ko sa inyo ang mga papel na
naglalaman ng idyoma at kahulugan ngunit
magkahiwalay sapagkat hahanapin ninyo ang
inyong kapareha sa inyong mga kaklase na
bubuo sa idyoma.
Pagtuturo ng Simili at Metapora
- Balikan natin ang inyong mga nabuong
pangungusap kanina: ikumpara ang inyong
sarili sa isang bagay. Italakay ang simili at
metapora.

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Sandaang damit.pptx
Sandaang damit.pptxSandaang damit.pptx
Sandaang damit.pptxrhea bejasa
 
Halimbawa ng pagsasaling wika
Halimbawa ng pagsasaling wikaHalimbawa ng pagsasaling wika
Halimbawa ng pagsasaling wikaJennifer Baluyot
 
Jenita powerpoint kwintas
Jenita powerpoint kwintasJenita powerpoint kwintas
Jenita powerpoint kwintasJenita Guinoo
 
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016Chuckry Maunes
 
Masusing Banghay Aralin sa Filipino
Masusing Banghay Aralin sa FilipinoMasusing Banghay Aralin sa Filipino
Masusing Banghay Aralin sa FilipinoLovely Centizas
 
Maikling pagsusulit sa anapora at katapora
Maikling pagsusulit sa anapora at kataporaMaikling pagsusulit sa anapora at katapora
Maikling pagsusulit sa anapora at kataporaClarice Sidon
 
Lesson Plan Sir Bambico
Lesson Plan Sir BambicoLesson Plan Sir Bambico
Lesson Plan Sir Bambicoguest9f5e16cbd
 
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Aubrey Arebuabo
 
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagFilipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagJuan Miguel Palero
 
Pagsulat ng Pangulong-tudling (Editorial)
Pagsulat ng Pangulong-tudling (Editorial)Pagsulat ng Pangulong-tudling (Editorial)
Pagsulat ng Pangulong-tudling (Editorial)Merland Mabait
 
Mala Masusing Banghay Aralin Dula
Mala Masusing Banghay Aralin DulaMala Masusing Banghay Aralin Dula
Mala Masusing Banghay Aralin Dulaguest9f5e16cbd
 
Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling KwentoMga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling KwentoManuel Daria
 
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinasKaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinasRajna Coleen Carrasco
 
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora CruzPagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora CruzShaina Mavreen Villaroza
 
Ano ang sanaysay
Ano ang sanaysayAno ang sanaysay
Ano ang sanaysayBian61
 
Pagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysayPagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysayAllan Ortiz
 

Was ist angesagt? (20)

Sandaang damit.pptx
Sandaang damit.pptxSandaang damit.pptx
Sandaang damit.pptx
 
Tuwiran at di tuwirang pahayag
Tuwiran at di tuwirang pahayagTuwiran at di tuwirang pahayag
Tuwiran at di tuwirang pahayag
 
Halimbawa ng pagsasaling wika
Halimbawa ng pagsasaling wikaHalimbawa ng pagsasaling wika
Halimbawa ng pagsasaling wika
 
Jenita powerpoint kwintas
Jenita powerpoint kwintasJenita powerpoint kwintas
Jenita powerpoint kwintas
 
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
 
Masusing Banghay Aralin sa Filipino
Masusing Banghay Aralin sa FilipinoMasusing Banghay Aralin sa Filipino
Masusing Banghay Aralin sa Filipino
 
Maikling pagsusulit sa anapora at katapora
Maikling pagsusulit sa anapora at kataporaMaikling pagsusulit sa anapora at katapora
Maikling pagsusulit sa anapora at katapora
 
Lesson Plan Sir Bambico
Lesson Plan Sir BambicoLesson Plan Sir Bambico
Lesson Plan Sir Bambico
 
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
 
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagFilipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
 
Pagsulat ng Pangulong-tudling (Editorial)
Pagsulat ng Pangulong-tudling (Editorial)Pagsulat ng Pangulong-tudling (Editorial)
Pagsulat ng Pangulong-tudling (Editorial)
 
Maikling kwento fil
Maikling kwento fil Maikling kwento fil
Maikling kwento fil
 
Sanaysay
Sanaysay Sanaysay
Sanaysay
 
Mga istratehiya safilipino
Mga istratehiya safilipinoMga istratehiya safilipino
Mga istratehiya safilipino
 
Mala Masusing Banghay Aralin Dula
Mala Masusing Banghay Aralin DulaMala Masusing Banghay Aralin Dula
Mala Masusing Banghay Aralin Dula
 
Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling KwentoMga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
 
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinasKaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
 
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora CruzPagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
 
Ano ang sanaysay
Ano ang sanaysayAno ang sanaysay
Ano ang sanaysay
 
Pagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysayPagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysay
 

Andere mochten auch

Isangdaang Damit ni Fanny Garcia
Isangdaang Damit ni Fanny GarciaIsangdaang Damit ni Fanny Garcia
Isangdaang Damit ni Fanny Garciayaminohime
 
Kabuhayan at pamumuhay ng mga bansang asyano
Kabuhayan at pamumuhay ng mga bansang asyanoKabuhayan at pamumuhay ng mga bansang asyano
Kabuhayan at pamumuhay ng mga bansang asyanoRay Jason Bornasal
 
Aralin 28 Ang Kababaihan sa Kasalukuyang Asya
Aralin 28 Ang Kababaihan sa Kasalukuyang AsyaAralin 28 Ang Kababaihan sa Kasalukuyang Asya
Aralin 28 Ang Kababaihan sa Kasalukuyang Asyaanton1172
 
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahonModyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahonEvalyn Llanera
 
Kabanata i v pananaliksik
Kabanata i   v pananaliksikKabanata i   v pananaliksik
Kabanata i v pananaliksikA. D.
 
Diskriminasyon
DiskriminasyonDiskriminasyon
Diskriminasyonmaam jona
 

Andere mochten auch (7)

Isangdaang Damit ni Fanny Garcia
Isangdaang Damit ni Fanny GarciaIsangdaang Damit ni Fanny Garcia
Isangdaang Damit ni Fanny Garcia
 
Aralin 35 AP 10
Aralin 35 AP 10Aralin 35 AP 10
Aralin 35 AP 10
 
Kabuhayan at pamumuhay ng mga bansang asyano
Kabuhayan at pamumuhay ng mga bansang asyanoKabuhayan at pamumuhay ng mga bansang asyano
Kabuhayan at pamumuhay ng mga bansang asyano
 
Aralin 28 Ang Kababaihan sa Kasalukuyang Asya
Aralin 28 Ang Kababaihan sa Kasalukuyang AsyaAralin 28 Ang Kababaihan sa Kasalukuyang Asya
Aralin 28 Ang Kababaihan sa Kasalukuyang Asya
 
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahonModyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon
 
Kabanata i v pananaliksik
Kabanata i   v pananaliksikKabanata i   v pananaliksik
Kabanata i v pananaliksik
 
Diskriminasyon
DiskriminasyonDiskriminasyon
Diskriminasyon
 

Ähnlich wie sandaang damit

PowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptx
PowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptxPowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptx
PowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptxGeneroseCantilanCorv
 
Isang Dandaang 2023-2024 ni FANNY GARCIA
Isang Dandaang  2023-2024 ni FANNY GARCIAIsang Dandaang  2023-2024 ni FANNY GARCIA
Isang Dandaang 2023-2024 ni FANNY GARCIAReneCapisonda
 
mtb2ppt.pptx. mothertoungesubject. Demo teaching gradw1
mtb2ppt.pptx. mothertoungesubject. Demo teaching gradw1mtb2ppt.pptx. mothertoungesubject. Demo teaching gradw1
mtb2ppt.pptx. mothertoungesubject. Demo teaching gradw1KristineAbeGail2
 
1st Quarter Aralin 8.pptx
1st Quarter  Aralin 8.pptx1st Quarter  Aralin 8.pptx
1st Quarter Aralin 8.pptxLEIZELPELATERO1
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinStemGeneroso
 
Second Periodic Test Grade 2
Second Periodic Test Grade 2Second Periodic Test Grade 2
Second Periodic Test Grade 2Ryan Paul Nayba
 
QUARTER 1 KINDER (STORIES POEM OTHERS)
QUARTER 1 KINDER (STORIES POEM OTHERS)QUARTER 1 KINDER (STORIES POEM OTHERS)
QUARTER 1 KINDER (STORIES POEM OTHERS)xdmhundz1987
 
Fil 9 Modyul 4 Q2 Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdf
Fil 9 Modyul 4 Q2  Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdfFil 9 Modyul 4 Q2  Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdf
Fil 9 Modyul 4 Q2 Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdfMaryJeanDeLuna4
 
FIL Q1 W1- DAY 2.pptx
FIL Q1 W1- DAY 2.pptxFIL Q1 W1- DAY 2.pptx
FIL Q1 W1- DAY 2.pptxcyrindalmacio
 
1 st periodical test in esp with tos
1 st periodical test in esp with tos 1 st periodical test in esp with tos
1 st periodical test in esp with tos KarloVillanueva1
 
Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12
Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12
Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12Ezekiel Patacsil
 

Ähnlich wie sandaang damit (20)

PowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptx
PowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptxPowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptx
PowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptx
 
Isang Dandaang 2023-2024 ni FANNY GARCIA
Isang Dandaang  2023-2024 ni FANNY GARCIAIsang Dandaang  2023-2024 ni FANNY GARCIA
Isang Dandaang 2023-2024 ni FANNY GARCIA
 
mtb2ppt.pptx. mothertoungesubject. Demo teaching gradw1
mtb2ppt.pptx. mothertoungesubject. Demo teaching gradw1mtb2ppt.pptx. mothertoungesubject. Demo teaching gradw1
mtb2ppt.pptx. mothertoungesubject. Demo teaching gradw1
 
Present(1)ggg
Present(1)gggPresent(1)ggg
Present(1)ggg
 
1st Quarter Aralin 8.pptx
1st Quarter  Aralin 8.pptx1st Quarter  Aralin 8.pptx
1st Quarter Aralin 8.pptx
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Masayang Mundo ng Filipino - Nursery
Masayang Mundo ng Filipino - NurseryMasayang Mundo ng Filipino - Nursery
Masayang Mundo ng Filipino - Nursery
 
Second Periodic Test Grade 2
Second Periodic Test Grade 2Second Periodic Test Grade 2
Second Periodic Test Grade 2
 
QUARTER 1 KINDER (STORIES POEM OTHERS)
QUARTER 1 KINDER (STORIES POEM OTHERS)QUARTER 1 KINDER (STORIES POEM OTHERS)
QUARTER 1 KINDER (STORIES POEM OTHERS)
 
Sa loob ng love class
Sa loob ng love classSa loob ng love class
Sa loob ng love class
 
Fil 9 Modyul 4 Q2 Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdf
Fil 9 Modyul 4 Q2  Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdfFil 9 Modyul 4 Q2  Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdf
Fil 9 Modyul 4 Q2 Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdf
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory
Masayang Mundo ng Filipino - PreparatoryMasayang Mundo ng Filipino - Preparatory
Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory
 
Q4-WEEK6DAY1.pptx
Q4-WEEK6DAY1.pptxQ4-WEEK6DAY1.pptx
Q4-WEEK6DAY1.pptx
 
FIL Q1 W1- DAY 2.pptx
FIL Q1 W1- DAY 2.pptxFIL Q1 W1- DAY 2.pptx
FIL Q1 W1- DAY 2.pptx
 
Mt lm q1 tagalog
Mt   lm q1 tagalogMt   lm q1 tagalog
Mt lm q1 tagalog
 
Mt lm q1 tagalog
Mt   lm q1 tagalogMt   lm q1 tagalog
Mt lm q1 tagalog
 
1 st periodical test in esp with tos
1 st periodical test in esp with tos 1 st periodical test in esp with tos
1 st periodical test in esp with tos
 
Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12
Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12
Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12
 
DLL_ESP 2_Q2_W2.docx
DLL_ESP 2_Q2_W2.docxDLL_ESP 2_Q2_W2.docx
DLL_ESP 2_Q2_W2.docx
 

Mehr von Cha-cha Malinao (16)

ambahan ni ambo
ambahan  ni amboambahan  ni ambo
ambahan ni ambo
 
impeng negro
impeng negroimpeng negro
impeng negro
 
pintor
pintorpintor
pintor
 
alamat ni tungkung langit
alamat ni tungkung langitalamat ni tungkung langit
alamat ni tungkung langit
 
kung bakit umuulan
kung bakit umuulankung bakit umuulan
kung bakit umuulan
 
isang dosenang klase ng high school
isang dosenang klase ng high schoolisang dosenang klase ng high school
isang dosenang klase ng high school
 
batang bata ka pa
batang bata ka pabatang bata ka pa
batang bata ka pa
 
salamin
salaminsalamin
salamin
 
Noli me tangere .. Chapter 8
Noli me tangere .. Chapter 8Noli me tangere .. Chapter 8
Noli me tangere .. Chapter 8
 
Mga banyag na komiks
Mga banyag na komiksMga banyag na komiks
Mga banyag na komiks
 
Komiks powerpoint
Komiks powerpointKomiks powerpoint
Komiks powerpoint
 
Batang bata ka pa
Batang bata ka paBatang bata ka pa
Batang bata ka pa
 
Win win attitude
Win win attitudeWin win attitude
Win win attitude
 
Curriculum theory
Curriculum theoryCurriculum theory
Curriculum theory
 
Maikling kwento at nobela
Maikling kwento at nobelaMaikling kwento at nobela
Maikling kwento at nobela
 
Pahahanda ng sipi
Pahahanda ng sipiPahahanda ng sipi
Pahahanda ng sipi
 

sandaang damit

  • 2. UNANG ARAW a. Panimulang Gawain Pumili sa mga salita na bubuo sa mga pangungusap. a. teheras f. pupitre b. paanas g. abaloryo c. mapapakagat-labi h. pambubuska d. walang-imik i. pagyayabang
  • 3. 1. Madalas na nag-iisa sa isang sulok at _______________ ang batang babae. 2. Mahina at ________________ pa kung ito‟y magsalita. 3. Kung minsa‟y di bahagyang sulyapan ang mga pagkaing nasa ibabaw ng ¬__________________ ng kaniyang mga kaklase.
  • 4. 4. Tumindi ang ___________________ at panlalait ng mga kaklase sa batang babae. 5. Punung-puno ng maliliit, makikinang at makukulay na __________________ ang damit ng batang babae. 6. Nakadispley sa ____________________ ang sari-saring damit ng batang babae.
  • 5. b. Pagganyak Pagpapakita ng larawan ng bullying at pagtatanong: - Alam ba ninyo kung ano ang bullying? - Mayroon na ba sa inyong nakaranas nang ma-bully?
  • 6. c. Presentasyon at Pagpapayaman ng Teksto (25 minuto) -Basahin natin ang akdang tatalakayin sa araw na ito at sagutin ang mga tanong.
  • 7. May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin-pansin ang kaniyang pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang sulok. Kapag nakaupo na‟y tila ipinagkit. Laging nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang kapag tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung magsalita.Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang natuklasang kaiba ang kaniyang kalagayan sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa kaniya. Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa paaralan. Malimit nila siyang tuksuhin sapagkat ang kaniyang damit, kahit nga malinis, ay halatang luma na, palibhasa‟y kupasin at punong-puno ng sulsi. Ilarawan ang pisikal at emosyunal na kalagayan ng batang babae.
  • 8. Kapag oras na ng kainan at labasan na ng kani-kanilang pagkain, halos ayaw niyang ilitaw ang kaniyang baon. Itatago niya sa kandungan ang kaniyang pagkain, pipiraso ng pakonti-konti, tuloy subo sa bibig, mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase ang kaniyang dalang pagkain. Sa sulok ng kaniyang mata ay masusulyapan niya ang mga pagkaing nakadispley sa ibabaw ng pupitre ng mga kaklase: mansanas, sandwiches, kending may iba-ibang hugis at kulay na pambalot na palara. Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kaniyang mga damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang kaniyang pagkain at sila‟y magtatawanan kapag nakita nilang ang kaniyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na karaniwa‟y walang palaman.Kaya lumayo siya sa kanila. Naging walang kibo. Mapag-isa.
  • 9. Bakit naging malulungkutin at walang-kibo ang batang babae? Ang nangyayaring ito‟y hindi naman lingid sa kaniyang ina. Sa bahay ay di minsan o makalawa siyang umuuwing umiiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase, at siya‟y magsusumbong. Mapapakagat-labi ang kaniyang ina, matagal itong hindi makakakibo, at sabay haplos nito sa kaniyang buhok at paalong sasabihin sa kaniya, hayaan mo sila anak, huwag mo silang pansinin, hamo, kapag nakakuha ng maraming pera ang iyong ama, makakapagbaon ka na rin ng masasarap na pagkain, mabibili na rin kita ng maraming
  • 10. At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang ama‟y hindi pa rin nakapag-uwi ng maraming pera kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ngunit ang bata‟y unti-unting nakaunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang makibahagi sa malaking suliranin ng kanilang pamilya. Natutuhan niyang sarilinin ang pagdaramdam sa panunukso ng mga kaklase. Hindi na siya umuuwing umiiyak. Hindi na siya nagsusumbong sa kaniyang ina. Ano sa iyong palagay ang estado sa buhay ng pamilya ng batang babae? Patunayan ang iyong sagot.
  • 11. Sa kaniyang pagiging tahimik ay ipinalalagay ng kaniyang mga kaklase na siya‟y kanilang talun-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pambubuska. Lumang damit. Di masarap na pagkain. Mahirap. Isinalaksak nila sa kaniyang isip.Hanggang isang araw ay natuto siyang lumaban.Sa buong pagtataka nila‟y bigla na lamang nagkatinig ang mahirap na batang babaeng laging kupasin, puno ng sulsi,at luma ang damit, ang batang laging kakaunti ang baong pagkain. Yao‟y isa na naman sanang pagkakataong walang magawa ang kaniyang mga kaklase at siya na naman ang kanilang tinutukso.
  • 12. “Alam n‟yo,” aniya sa malakas at nagmamalakiing tinig, “ako‟y may sandaang damit sa bahay.”Nagkatinginan ang kaniyang mga kaklase, hindi sila makapaniwala.“Kung totoo „ya‟y ba‟t lagi na lang luma ang suot mo?”Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit. Ayokong maluma agad.” Naniniwala ka bang may sandaang damit ang batang babae? Bakit oo? Bakit hindi?
  • 13. “Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa‟min para kami maniwala!”Iisang tinig na sabi nila sa batang mahirap.“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay.Kung gusto n‟yo‟y sasabihin ko na lang kung ano ang tabas,kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may laso o bulaklak.”At nagsimula na nga siyang maglarawan ng kaniyang mga damit.Ayon sa kaniya‟y may damit siya para sa iba-ibang okasyon.May damit siyang pambahay, pantulog, pampaaralan, pansimba han, at iba pa.
  • 14. Naging mahaba ang kaniyang pagkukuwento. Paano‟y inilarawan niya hanggang kaliit-liitang detalye ng bawat isa sa kaniyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang damit na pandalo niya sa pagtitipon. Makintab na rosas ang tela nito na sinabugan ng pinaggupit- gupit na mumunting bulaklak at makikislap na rosas at puting abaloryo. Bolga ang manggas. May tig-isang malaking laso sa magkabilang balikat. Hanggang sakong ang haba ng damit. O kaya‟y ang kaniyang dilaw na pantulog na may prutas sa kuwelyo, manggas, at laylayan. O ang kaniyang puting pansimba na may malapad na sinturon at malalaking bulsa.
  • 15. Mula noo‟y naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngayo‟y siya ang naging tagapagsalita at sila naman ang kaniyang tagapakinig. Lahat sila‟y natutuwa sa kaniyang kuwento tungkol sa sandaang damit. Nawala ang kaniyang pagkamahiyain. Naging masayahin siya bagaman patuloy pa rin ang kaniyang pamamayat kahit ngayo‟y nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang baong mansanas o sandwich, isa o dalawang kendi.Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaeng may sandaang damit. Saka ng sumunod na araw. At nang sumunod pa. At pagkaraan ng isang linggong hindi niya pagpasok ay nabahala ang kaniyang mga kaklase at guro.
  • 16. Ano sa iyong palagay ang nangyari sa batang may sandaang damit? Bakit kaya siya hindi nakakapasok sa eskwela? Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal na lumiban sa klase. Ang natagpuan nilang bahay ay sirasira at nakagiray na sa kalumaan. Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Pinatuloy sila at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa anumang marangyang kasangkapan. At sa isang sulok ay isang lumang teheras at doon naratay ang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang maysakit ang napagtuunang-pansin kundi ang mga papel na maayos na maayos na nakahanay at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng teheras.
  • 17. Lumapit sila sa sulok na yaon at nakita nilang ang mga papel na nakadikit sa dingding ay ang drowing ng bawat isa sa kaniyang sandaang damit.Magaganda, makukulay.Naroong lahat ang kaniyang naikuwento.Totoo‟t naroon ang sinasabi niyang rosas na damit na pandalo sa pagtitipon.Naroon din ang drowing ng kaniyang pantulog, ang kaniyang pansimba, ang sinasabi niyang pamasok sa paaralan na kailanma‟y hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa kaniya‟y nakatago‟t iniingatan niya sa bahay.
  • 18. Ano ang iyong naging damdamin sa wakas ng kuwento? Bakit ganito ang iyong naramdaman? Alam ba ninyo kung ano ang diskriminasyon? Iugnay ninyo ito sa kuwento.
  • 19. IKALAWANG ARAW a.Pangkatang-Gawain -Magkakaroon ng apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay magdudula-dulaan sa iba`t ibang uri ng diskriminasyon sa lipunan: Grupo 1 – Diskriminasyon sa kulay/lahi Grupo 2 – Diskriminasyon sa katayuang sosyoekonomiko (mahirap)
  • 20. Grupo 3 – Diskriminasyon sa relihiyon Grupo 4 – Diskriminasyon sa kasarian (bakla, tomboy)
  • 21. b. Sintesis -Magbibigay ang klase ng isang pangungusap na nagpapahayag ng mga magagandang kaisipan mula sa binasa at tinalakay.
  • 22. IKATLONG ARAW a.Presentasyon Pagtuturo ng Idyoma Maghanda kayo ng mga piraso ng manila paper /kartolina na kinasusulatan ng: 10 idyoma at 10 kahulugan ng idyoma. (Halimbawa: bahag ang buntot – duwag, may gatas pa sa labi -bata pa, etc.). Ibibigay ko sa inyo ang mga papel na naglalaman ng idyoma at kahulugan ngunit magkahiwalay sapagkat hahanapin ninyo ang inyong kapareha sa inyong mga kaklase na bubuo sa idyoma.
  • 23. Pagtuturo ng Simili at Metapora - Balikan natin ang inyong mga nabuong pangungusap kanina: ikumpara ang inyong sarili sa isang bagay. Italakay ang simili at metapora.