3. Kohesyong Gramatikal
(Cohesive Device Reference)
Cohesive Device Reference o
kohesiyong gramatikal ay
nagpapatungkol sa mga salitang
nagsisilbing pandanda upang hindi
maging paulit-ulit ang mga salita.
4. Halimbawa
Para sa lugar/bagay/hayop :
Kung hindi ako nagkakamali, itong hawak ko ngayon
ang unang tsokoleyt na nakain ko, matapos ang ilang
buwan.
Sa Luneta tayo unang nagkita, dito kita unang
nakilala.
Para sa tao/hayop: sila, siya, tayo, kanila, kaniya
Si Jessica ang bunso sa magkakapatid. Siya ay ang
nagtatanging babae sa magkakapatid.
Ang pamilya nila Krystal ay nagmamay-ari ng
maraming building. Kanila ang condominium na
tinitirahan natin ngayon.
5. Anapora at Katapora
Ang kohesyong gramatikal o Cohesive
Device Reference ay nahahati sa dalawa na
nagpapatungkol sa iba’t ibang bagay.
1.) Anapora
2.) Katapora
6. Anapora
Anapora – ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan
bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa
unahan.
Halimbawa:
Kung makikita mo si manong, sabihin mo lamang na
ibig ko siyang makausap.
Si Rita’y nakapagturo sa paaralanang- bayan,
diyan sa nakilala ng iyong anak.
Kinausap ko si Manolo, sinabi ko sa kaniya na
ang kanyang ginawa ay mahusay.
7. Katapora
Katapora – ito ang panghalip na ginagamit sa
unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan.
Halimbawa:
Siya’y hindi karapat-dapat na magtaglay na
aking apelyido, si Pedring ay kahiya-hiya!
Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila
ako?
9. Pang-abay
Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang
nagbbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o
kapwa pang-abay.
Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng
kung paano, kalian, saan at gaano.
10. Uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Pamaraan
2. Pang-abay na Pamanahon
3. Pang-abay na Panlunan
4. Pang-abay na Pang-agam
5. Pang-abay na Panggaano
6. Pang-abay na Panang-ayon
7. Pang-abay na Pananggi
8. Pang-abay na Panulad
11. Pang-abay na Pamaraan
Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito sa
paraan
kung paano ginawa ang
isinasaad na aksyon
ng pandiwa.
Halimbawa:
Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin
hanggang sa huling nota.
12. Pang-abay na Pamanahon
Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito
sa panahon
kung kalian
naganap ang isina-
saad na aksyon
ng pandiwa.
Halimbawa:
Agad napalalambot ng musika ang isang
matigas na kalooban.
13. Pang-abay na Panlunan
Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa
pook na pinagganapan ng
aksyong
isinasaad
ng pandiwa. Sumasagot
ito sa tanong na saan.
Halimbawa:
Umawit si Nelsa sa isang amateur
singng contest sa radyo.
14. Pang-abay na Pang-agam
Pang-abay na Pang-agam - nagsasaad ito ng
pag- aalinlangan at
walang katiyakan.
Halimbawa:
Tila nagwagi siya ng unang gantimpala.
15. Pang-abay na Panggaano
Pang-abay na Panggaano – tumutukoy ito
sa bilang o dami
ng isinasaad ng pandi-
wa. Sumasagot
ito sa tanong
na gaano o ilan.
Halimbawa:
Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo.
16. Pang-abay na Panang-ayon
Pang-abay na Panang-ayon – ito ay
nagsasaad ng
pagpapatotoo o
pagsang-ayon.
Halimbawa:
Opo, mahusay sumayaw si Gabby.
17. Pang-abay na Pananggi
Pang-abay na Pananggi – nagsasaad ito ng
pagtutol o di pagsang-
ayon.
Halimbawa:
Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao.
18. Pang-abay na Panulad
Pang-abay na Panulad – ito ay ginagamit sa
pagtutulad ng
dalawang bagay.
Halimbawa:
Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay
Nena.