2. Mga Programang Pangkalusugan
1. BnB o Botika ng Barangay- Programa ng
pamahalaan sa mga komunidad kung saan
naglalagay ang pamahalaan ng mga tindahan ng mga
murang gamot.
3. 2.EPI o Expanded Program on
Immunization- Inilunsad ng pamahalaan upang
ang mga bagong silang na sanggol at mga bata ay
magkaroon ng pagkakataong makatanggap ng
libreng bakuna.
4. 3. National Dengue Prevention and Control
Program- Noong 1993, inilunsad ng Kagawaran ng
Kalusugan ang programang ito sa Rehiyon 4 at NCR
kung saan malawakan ang isinasagawa sa buong
bansa taon-taong pakikipagtulungan ng WHO at
UNICEF simula 1998.
5. 4. ALAGA KA- Noong Marso 2014, pinangunahan
ni Dating Pangulong Benigno Aquino III ang
paglulunsad ng programang ALAGA KA . Layunin
nito na imulat ang mga kapos palad na pamilya sa
mga serbisyong ipinagkakaloob ng DOH at
PhilHealth.
6. 5. Pagpapalawak ng saklaw ng mga programa
ng PhilHealth- Higit n pinalawak ng pamahalaan
ang saklaw o sakop ng PhilHealth at ang mga
serbisyong ginagawa nito. Bukod sa pagpapatayo at
pagsasaayos ng mga pasilidad, nagpadala rin ang
pamahalaan ng doktor, nars, komadrona, at
community health teams sa malalayong lugar upang
gamutin at tulungan ang mga nangangailangan
nating kababayan.
7. Mga Programang Pang-edukasyon
1. Pagkakaloob ng libreng edukasyon- Bawat
batang Pilipino ay may karapatang tumanggap ng
libreng panimulang edukasyon o basic education.
8. 2. Paglulunsad ng K-12 Program- Noong 2013
ay nilagdaan ni Dating Pangulong Aquino III ang
R.A. 10533 na nagsusulong ng sa pagpapatupad ng
K-12 program.
9. 3. Pagbibigay ng iskolarsyip sa mahihirap
ngunit matatalinong estudyante- Sa ilalim ng
R.A. 10648, itinadhana ng pamahalaan na ang
sampung nangungunang mag-aaral na magtatapos
sa bawat pampublikong paaralan ay pagkakalooban
ng iskolarsyip upang makapag-aral ng libre sa
kolehiyo.
10. 4. Abot-Alam Program- Layunin ng programang
ito na turuan at gawing produktibo ang mga
kabataang 15-30 taong gulang na hindi nag-aaral o
out-of-school youth sa tulong ng ALS o Alternative
Learning System.
11. 5. Pagpapabuti sa kalagayan ng mga guro- Isa
sa mahahalagang programa ng pamahalaan ay
pagkakaloob sa mga guro ng makabuluhang
pagsasana sa pamamagitan ng mga seminars at
workshops hinggil sa epektibong pagpapatupad ng
K-12.
12. 6. Pagpapatayo ng mga karagdagang silid-
aralan- Sinisikap ng pamahalaan na
makapagpatayo ng mga paaralan sa malalayong
lugar, maging sa mga tribo o lugar ng mga
minoridad.
13. 3. Programang Pangkapayapaan
1. Pakikipag-usap ng pamahalaan sa mga
rebelde at iba pang grupo na sumasalungat sa
pamahalaan.