2. Karapatan at Pangangalaga sa Buhay
• Kiikilala ng Saligang-
Batas na ang bawat tao
ay may karapatang
mabuhay. Walang
sinuman ang dapat
alisan ng buhay,
kalayaan o ari-arian
nang hindi naaayon sa
kaparaanan ng batas.
3. Karapatan sa Kalayaan
• Bawat mamamayan ay
may karapatang
mapaunlad ang sarili,
makapagpahayag, at
makamit ang ninanais
sa buhay.
4. Karapatan sa Pagmamay-ari
• Malinaw na nakasaad sa
Saligang-Batas na ang
bawat mamamayan ay
may karapatang
magmay-ari ng bahay,
lupa, sasakyan,
kasangkapan at iba
pang naaayon sa batas.
5. Karapatan sa Edukasyon
• Nakasaad sa Artikulo 14
ng Saligang batas na
ang Estado ay dapat
magtayo at magpanatili
ng isang sistema para sa
libreng pampublikong
edukasyon sa
elementarya at hayskul.
6. Kalayaan sa Pananampalataya
• Ito ay tumutukoy sa
karapatan ng mga
mamamayan na
sumamba sa Diyos at
tumanggap ng mga
paniniwalang
panrelihiyon.
7. Kalayaan sa Pamamahayag
• Nakasaad sa Saligang-
Batas na ang mga
mamamayan ay may
karapatang maipahayag
ang kanilang saloobin at
damdamin sa
pamamagitan ng
malayang pagsasalita o
pamamahayag.
8. Karapatan sa Malayang Pagdulog sa
Hukuman
• Ang lahat nang tao ay
may karapatang
dumulog sa hukuman,
maging siya man ay
nasasakdal o hindi,
maging anupaman ang
kanyang kalagayan sa
lipunan.
9. Gawain
• Makipagpareha sa katabi. Pumili ng isang karapatan
ng mamamayang Pilipino na natalakay at magbigay
ng maaaring tungkulin na kaakibat nito.
Takdang Oras: 5 minuto