1. Monitor Printer Scroll Shift Delete
Bug Window Tab Ink Keypad
Number lock Memory File Bite Drag
Crash Menu Document Save software
Wi-fi Gig Paste USB Motherboard
Copy Cut Font Installer Megabyte
Firewall Internet RAM virus Network
terminal CPU
1.May mga salita ba sa loob ng kahon na gnagamit mo rin kapag
wala ka sa harap ng kompyuter o kapag hindi na
nagkokompyuter? Ano ito?
2.Saan mo ginagamit ang mga ito maliban sa pagkokompyuter?
3.Alin – alin naman sa mga salita ang tanging sa pagkokompyuter
mo lamang ginagamit?
2. Pangkatang Gawain:
1. Bumuo ng grupo na may limang miyembro.
2. Pumili ng isang miyembro na magiging tagalista.
3. Ilalabas ng bawat miyembro ang laman ng kanyang bag at
sasabihin kung ano – ano ang mga ito.
4. Ililista sa papel ng napiling tagalista ang laman ng bag ng bawat
miyembro.
5. Kapag nakatapos na ang lahat ng miyembro at nailista na ang
lahat ng gamit , pagtutulungan ng lahat ng miyembro na iklasipika
ang mga gamit ayon sa Gawain o larangang pinaggagamitan ng mga
ito.
6. Iuulat sa harap ng klase ang naging resulta ng ginawa ng bawat
grupo.
3. BARAYTI NG WIKA
Ipinaliliwanag ng teorya ng sosyolingguwistika ang
pagkakaroon ng barayti ng wika na pinagbatayan
ng ideya ng pagiging heterogenous at pagiging
dinamiko nito.
Ayon sa teoryang ito, nag-uugat ang mga barayti
ng wika sa pagkakaiba¬iba ng mga indibidwal at
grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes,
gawain, pinag-aralan at iba pa.
4. IBA'T IBANG BARAYTI NG WIKA
- Diyalekto
- Sosyolek
- Jargon
- Idyolek
- Pidgin
- Creole
5. 1.DIYALEKTO / DAYALEK
Ang barayti ng wikang nalilikha ng
dimensyong heograpiko. Ito ang wikang
ginagamit sa isang partikular na rehiyon,
lalawigan o pook, malaki man o maliit.
6. 2. SOSYOLEK
Barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal.
Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil
nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan.
HALIMBAWA
a. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day! (bakla)
b. Oh my God, nakatabi ko kanina sa bio ang crush ko!
Tapos nakasabay ko pa s'yang mag-lib! (estudyante)
c. Kosa, malabo 'yang plano n'yong pagpuga. (preso)
d. Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming daw
ang mga banda dun! (rakista)
7. Jargon
Ang tawag natin sa mga natatanging bokabularyo
ng isang partikular na pangkat na gawain o
propesyon.
Pansinin ang mga sumusunod na salitang gamitin sa
isports na tennis at kung paano naiiba ang kahulugan
ng mga ito sa karaniwan:
ace fault love
breakpoint deuce rally
advantage service slice
8. 3. IDYOLEK
Nakagawiang pamamaraan o estilo sa pagsasalita ng
isang indibidwal o ng isang pangkat ng mga tao.
HALIMBAWA:
MGA BROADCASTERS
Mike Enriquez
Noli De Castro
Mon Tulfo
Rey Langit
Joe Taruc
Gus Abelgas
9. 4. PIDGIN
Ay tinatawag sa Ingles na nobody’s native
language. Nagkakaroon nito kapag ang dalawang
taal na tagapagsalita ng dalawang magkaibang
wika na walang komong wika ay nagtatangkang
magkaroon ng kumbersasyong makeshift.
HALIMBAWA:
a. Suki, ikaw bili tinda, mura.
b. Kayo bata aral buti para laki ganda trabaho.
10. 5. CREOLE
Isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay
naging likas na wika (nativized). Nagkaroon nito
sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita
ang nag-angkin dito bilang kanilang unang wika.
HALIMBAWA:
Chavacano (Zamboanga)
Hindi masasabing purong Kastila dahil sa
impluwensiya ng ating katutubong wika sa
istraktura nito.
11. REHISTRO NG WIKA
Isang baryason sa wika na may kaugnayan sa
taong nagsasalita o gumagamit ng wika.
TONO NG KAUSAP O TAGAPAKINIG: tenor
Naaayon ang wika kung para kanino ito.
PAKSA NG PINAGUUSAPAN: field
Nakaukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang
sangkot ng komunikasyon.
PARAAN O PAANO NAG-UUSAP: mode
Tungkol ito sa paraan kung paano isinasagawa ang
komunikasyon, pasalita o pasulat.