1. SELF INSTRUCTIONAL MATERIAL (SIM)
ARALING PANLIPUNAN-7
Ikatlong Kwarter
Ang grades ay
pinaghihirapan
Hindi
inililimos
.
Inihanda ni:
SHERLYNN S. GITALAN
Guro
2. Ang mga kalakal sa
Asya ay nakarating
sa Europa sa
pamamagitan ng
tatlong ruta.
Ano ang Nangyari?
Hilagang Ruta-
nagsisimula sa
China at tatawid
sa Samarkand at
Bokhara.
Gitnang Ruta- Mula sa India, ang
mga kalakal ay dinadala ng mga
sasakyang pandagat hanggang
Ormuz sa Persian Gulf. Mula rito
ang mga kalakal ay inihahatid sa
pamamagitan ng mga kamelyong
bumibyahe patungo sa mga lungsod
ng Antioch, Aleppo at Damascus.
Timog Ruta- Mula sa
India, babagtasin
ang Indian Ocean,
babaybayin ang
Arabia tuloy sa Red
Sea hanggang sa
Cairo o Alexandria
sa Egypt.
Si Marco Polo ay
isang Italyanong
adbenturerong
mangangalakal na
taga Venice.
GAWIN MO ITO!
Pagtapat-tapatin ang Kolum A at Kolum B, isulat ang titik ng sagot sa
papel.
A. B.
1. Bilang ng sinaunang ruta ng kalakalan. A. Egypt
2. Ruta na nagmula sa China. B. kamelyo
3. Isang Italyanong mangangalakal na taga Venice C. tatlo
4. Hayop na nagdadala ng mga kalakal sa Antioch D. Hilagang Ruta
5. Bansang kinabibilangan ng Alexandria E. Marco Polo
6. Ruta na bumabagtas sa Indian Ocean at Arabia F. Timog Ruta
3. Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin
na Magtungo sa Asya
Krusada
Renaissance
Pagbagsak ng
Constantinopole
Paglalakbay ni
Marco Polo
Merkantilismo
ANO ANG DAPAT MATUTUNAN?
4. Ang Paglalakbay ni Marco Polo
Sa loob ng kaniyang mahabang
paglalakbay ay nakarating siya sa China sa
panahon ni Kublai Khan ng dinastiyang Yuan
nang higit sa halos labing-isang taon. Sa
panahong ito, siya ay nagsilbing tagapayo ni
Emperador Kublai Khan. Kinalugdan siya ni
Kublai Khan at siya ay itinalagang maglakbay
sa ibat-ibang lugar sa Asya sa ngalan ng
Emperador. Nakarating siya sa Tibet, Burma,
Laos, Java, Japan, at pati na rin sa Siberia.
Noong 1295 bumalik siya sa Italy at doon
inilimbag niya ang aklat na “The Travels of
Marco Polo (1477)”. Inilahad niya rito ang
mga nakita niyang magagandang
kabihasnan sa mga bansang Asya lalo na sa
China, na inilarawan ang karangyaan at
kayamanan nito.
Ang Renaissance na nagpasimula sa
Italya na naganap noong 1350.Isa itong
kilusang pilosopikal na makasining at dito
binigyan-diin ang pagbabalik interes sa
mga kaalamang klasikal sa Greece at
Rome.
Ang Renaissance ay salitang
Pranses na ang ibig sabihin ay “muling
pagsilang”.Ito ay naganap sa huling bahagi
ng gitnang panahon at pagsulong ng
makabagong panahon.
Ang Constantinople ay ang Asyanong
teritoryo na pinakamalapit sa Kontinente
ng Europa.
Ang Pagbagsak ng Constantinople
Ang Merkantilismo
Sa Europe umiiral ang
prinsipyong pang-ekonomiya na kung
may maraming ginto at pilak, may
pagkakataon na maging mayaman at
makapangyarihan ang isang bansa.
Ito ang naging dahilan ng mga
Europeo upang mag-unahan na
makakuha ng mga lupaing nasasakop
sa Asya.
5. Sanggunian:
1. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Modyul ng Mag-aaral, pp.196-199
2. Asya:Pag-usbong ng Kabihasnan, Mateo, et al.,pp.270-272
3. Ang Pilipinas sa Asya, worktext sa Araling Panlipunan, Samson, et al., pp.196-198
4. https://vdocuments.site/ang-mga-krusada-na-naganap-mula-1096-hanggang-1273.html
5. https://www.slideshare.net/vienrovic/ang-paglalakbay-ni-marco-polo-48483001
Ano Ang Natutunan Mo?
A. Bigyang kahulugan ang sumusunod na mga tanong.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Anong J ang kinikilalang banal na lupain?
2. Anong K ang inilunsad ng simbahan at mga
Kristiyanong hari upang bawiin ang banal na lugar sa Israel?
3. Anong T ang pamagat sa aklat ni Marco Polo
na naglalarawan sa karangyaan at kayamanan sa Asya?
4. Anong R ang tumutukoy sa “muling pagsilang” ng mga
kaalamang klasikal sa Greece?
5. Anong C ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa Europe?
6. Anong C ang lugar na pinamahalaan ni Emperador Kublai Khan?
7. Anong TM ang sumakop sa sinaunang rutang pangkalakalan?
8. Anong M ang prinsipyong pang-ekonomiya na nakabatay
sa dami ng ginto at pilak ng isang bansa?
9. Anong I ang opisyal na katawagan sa Constantinople?
10.Anong M ang dahilan ng mga Europeo sa pananakop ng
mga lupain sa Asya?
B. Inumerasyon
1. Mga bansa na narating ni Marco Polo (6)
2. Sinaunang ruta ng kalakalan (3)
3. Mga dahilan na pumukaw sa interes ng mga
Kanluranin na magtungo sa Asya (5)