SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 14
PLOP! CLICK! 
(Dobu Kacchiri) 
Mga Tauhan: 
KOTO 
KIKUICHI 
ISANG NAGDARAAN 
KOTO : Isa akong Koto na nakatira sa pook na ito. Ngayon tatawagin ko si Kikuichi para konsultahin 
siya. Nariyan ba si Kikuichi? 
KIKUICHI : Nariyan na! 
KOTO : Nasaan ka? 
KIKUICHI : Heto na ‘ko. 
KOTO : May mahalaga akong kailangan sa iyo. Dahil matagal na rin naman akong hindi nakalalabas 
ng bahay, ang daming oras na nakabitin sa kamay ko. Gusto kong magbiyahe at nang 
makapagmasid naman ng mga tanawin. Ano sa tingin mo? 
KIKUICHI : Sa totoo lang, imumungkahi ko nga sana sa iyo, Ekselenteng ideya. 
KOTO : Ano pang hinihintay natin kung ganoon. Maghanda ka ng sake. 
KIKUICHI : Ngayon din. Nakahanda na ang bote ng sake. 
KOTO : Umalis na tayo agad. Halika na! 
KIKUICHI : Nakahanda na ako. 
KOTO : Ano sa palagay mo? Nagtatawanan na siguro ang mga taong makita ang dalawang paris 
natin na namamasyal at nagmamasid sa mga tanawin. Pero ang pagbibiyahe sa bagong lugar ang 
nakapagpapagaan ng pakiramdam bukod pa sa kasayahang nalalasap mo. 
KIKUICHI : Wala naman sa palagay kong mag-iisip na para tayong gago. Kaya, kapag 
nararamdamang mong gusto mong magbiyahe, dapat lang na ilang ulit tayong magbiyahe. 
Nakabubuti iyon sa inyo, Amo. 
KOTO : Nasa labas na tayo ng nayon. Marahil nasa gitna tayo ng bukirin. Ang lungkot dito. 
KIKUICHI : Nasa gitna nga tayo ng bukirin. 
KOTO : Kapag nasa kapatagan ako, parang lumalawak ang aking puso at gumagaan ang 
pakiramdam ko. 
KIKUICHI : Gaya ng sabi mo, kasiya-siya ang magbiyahe. 
KOTO : Makinig ka! Noon ko pa gustong sabihin sa iyo na hindi sa habambuhay ka na lamang 
umaawit ng mga maiikling awit o bumibigkas ng mga kuwento. Bakit di mo ensayuhin ang Labanan 
sa Heike, ang pamosong epiko? 
KIKUICHI : Gusto ko nga sanang hingin ang tulong mo tungkol diyan. Masuwerte na lang at ikaw 
mismo ang nagbukas tungkol diyan. Kung maituturo mo sa akin ‘yan, tatanawin kong malaking 
utang-na-loob. 
KOTO : Ituturo ko kung ganoon. Wala rin lang tao sa paligid, bibigkasin ko sa iyo ang isang berso. 
KIKUICHI : Sadyang kay buti mo. Sige, makikinig ako. 
KOTO : “Umabot sa krisis ang labanan sa Ichi no Tani, at nauwi sa isang malaking giyera. Natalo 
ang mga dakilang Hieke, at nagsisugod ang mga mandirigma ng Genji—silang sabik sa kabantugan. 
Parang mga trigong nagbagsakan sa harap ng mga armas-pandigma. Kalunus-lunos na pagdanak 
ng dug! Walang katapusang kaguluhan! Putol ang baba ng ilan, at ang iba nama’y talampakan. Sa 
gitna ng nakakukuliling mga daing at pananangis, pilit pinaglalapat ang kanilang mga sugatang 
talampakan sa duguang baba,ang sugatang baba sa duguang talampakan. Ay, kahabag -habag na 
tanawin! Tatlo o apat na raang mga mandirigma ang nagkalat sa kapatagan!…” 
KIKUICHI : Kagila-gilalas palang talaga ang epikong ‘yan. Nagagalak akong marinig. 
KOTO : Halika’t pumunta tayo doon sa malayu-layo pa. Sumunod ka sa ‘kin! 
KIKUICHI : Sige lang, sumusunod ako. 
KOTO : Maraming bumibigkas ng Heike, pero wala akong alam na nakabibigkas ito nang mainam. 
Kaya kailangang pag-aralan mo itong mabuti. 
KIKUICHI : Iinsayuhin kong mabuti, at inaasahan kong tuturuan mo akong muli. 
KOTO Sakali’t maitalaga ako sa posisyon ng “Kengyo,” gagawin kitang isang “Koto”. 
KIKUICHI : Napakabuti mo ngang talaga.
KOTO : Ano ‘yon? Nakakarinig ako ng alon ng tubig. Siguro’y malapit tayo sa dagat. 
KIKUICHI : Oo nga, pakiramdam ko;y dagat nga ‘yon. 
KOTO : Kailangan nating tawirin ito. Anong dapat nating gawin? 
KIKUICHI : Ano nga bang dapat nating gawin? 
NAGDARAAN: (Sa mga manonood) Dito lang ako nakatira. Dahil may lalakarin ako sa kabila ng 
bundok, kailangan kong magmadali. Ano itong nakikita ko? Dalawang bulag ang nagbabalak 
lumusong sa dagat. Paano kaya nila magagawa ‘yon? TitigiI muna ako rito at panoorin sila 
pansumandali. 
KOTO : Halika! Maghagis ka ng bato para matantiya natin ang lalim ng dagat. 
KIKUICHI : Sige. Ayan, naghagis na ako. PLOP! 
KOTO : Malalim doon. 
KIKUICHI : Malalim na malalim doon. 
KOTO : Subukan mo sa ibang direksiyon. 
KIKUICHI : Sige. Ayan, naghagis ulit ako. CLICK! 
KOTO : Mababaw doon. 
KIKUICHI : Mukha ngang mababaw doon. 
KOTO : Kung gayon, lumakad na tayo nang painut-inot. Halika na! 
KIKUICHI : Pero amo, teka muna sandali. 
KOTO : Bakit? 
KIKUICHI : Bubuhatin ko na kayo sa likod ko. 
KOTO : Naku, hindi na kailangan. Basta sumunod ka sa akin. 
KIKUICHI : Pero kaya nga ako naririto para pagsilbihan kayo. Para na rin sa kabutihan ng aking 
kaluluwa. Hayaan niyo ng buhatin ko kayo. 
KOTO : Hindi, huwag na. Dahil hindi ka rin nakakakita, baka maaksidente pa tayo. Maghawakan na 
lang tayo sa isa’t isa saka lumakad nang painut-inot. 
KIKUICHI : Pero ito ang pagkakataon ko para makatulong sa inyo. Kailangang mabuhat ko kayo sa 
aking likuran. 
KOTO : O sige, sige. Dahil mapilit ka, papayag akong buhatin mo ako. Pero kailangang maghanda 
na muna tayo. Ihanda mo na rin ang sarili mo. 
KIKUICHI : Salamat, nakahanda na ako. 
NAGDARAAN: Mautak ang mga bulag na ‘yon. Sinusubukan nila ang lalim ng dagat sa 
pamamagitan ng paghahagis ng bato. Masuwerte talaga akong aso. Ako ang magpapabuhat 
patawid sa dagat. (Papatong siya sa likod ni KIKUICHI). 
KIKUICHI : Humawak kayong mabuti. Ngayon sisimulan ko nang magpainut -inot sa dagat. Sana 
naman hindi masyadong malalim. Ayan nakarating na ako sa kabila. Nagawa ko ito nang walang 
kahirap-hirap, at natutuwa ako’t wala ring disgrasya. 
NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Hindi ko inaasahan ang suwerteng ito. Tuwang-tuwa ako. 
KOTO : Ano Kikuichi? Nakahanda ka na ba? Walang sumasagot? Hindi ko ito maintindihan. Ki -ku-i-chi! 
Na-sa-an ka? 
KIKUICHI : Na-ri-to a-ko! 
KOTO : Bakit di mo pa ako buhatin patawid? 
KIKUICHI : Pero kabubuhat ko lang sa inyo. 
KOTO : Kabubuhat lang sa akin? Pero naghahanda pa lang ako. Hindi mo pa ako nabubuhat. Ang 
hayop na ‘yon mag-isa palang tumawid. 
KIKUICHI : (Magmamadaling tumawid sa pinaggalingan) Kailan kayo tumawid na muli rito Amo? 
KOTO : Kailan? Aba’t walanghiya ‘tong taong ito. Umaayaw na yata. Madali ka’t buhatin mo na ako 
agad. 
KIKUICHI : Hindi ko maintindihan ito. Di bale, tatawid na lang uli ako. Kumapit na kayo sa likod ko. 
KOTO : Huwag kang magalaw. 
KIKUICHI : Lalakad na ako nang painut-inot. Mukhang napakalalim dito. 
KOTO : Basta mag-iingat ka at huwag kang masyadong magalaw. 
KIKUICHI : Opo, opo. Ang lalim naman nito! Naku, tulungan ninyo ako, saklolo! 
NAGDARAAN: Nakakaaliw pagmasdan ang kawawang mga bulag! 
KOTO : Nakakapanggalit itong nangyayari sa atin. Basang-basa na ako. Kaya nga ba tumanggi na
akong pabuhat sa iyo noong una pa. 
KIKUICHI : Ipagpaumanhin ninyo. Patutuyin ko kayo. Talaga namang nag-iingat ako, pero natalisod 
ako. Patawarin ninyo ako. 
KOTO : Nauunawaan kong aksidente ang nangyari, at wala tayong magagawa roon. May nangyari 
ba sa sake? 
KIKUICHI : Anong sabi n’yo? Ah, ang bote ng sake. Heto, hindi nadisgrasya. 
KOTO : Giniginaw na ‘ko. Tagayan mo ako. 
KIKUICHI : Sige po. 
NAGDARAAN: Aba’t may isa pa pala akong suwerte. Akong iinom noon. 
KIKUICHI : Nagtatagay na po ako. Glug, glug! 
KOTO : Tama na ‘yan. Mawawala rin ang ginaw ko pag nainom ko na ito. 
KIKUICHI : Sigurado, Amo. 
NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Ang sarap nito! 
KOTO : Ano na, Kikuichi? Bakit di mo ako tinatagayan? 
KIKUICHI : Pero katatagay ko lang po’t binigay ko sa inyo. 
KOTO : Iyon din ang akala ko, pero wala ni isang patak ang baso ko. 
KIKUICHI : Talagang hindi ko maintindihan ito. Magtatagay uli ako Heto, pupunuin ko na ang baso. 
KOTO : Sige, bilisan mo. 
KIKUICHI : Eto na. Glug, glug! 
NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Aba’t may kasunod pa! Walang kasinsarap ang sakeng ito! 
KOTO : Tama na ‘yan. Uminom ka rin nang kaunti. 
KIKUICHI : Puwede po ba? Salamat sa kabaitan ninyo. Napakasarap ng sake, di po ba? 
KOTO : O, bakit hindi mo pa ako tinatagayan? 
KIKUICHI : Pero katatagay ko lamang po ng isang punung baso para sa inyo. 
KOTO : Akala ko nga, pero ni isang patak, wala pa rin ang baso ko. Kamuhi -muhi kang tarantado 
ka. Ni isang patak di mo man lang ako pinatikim, kasi sinosolo mo’ng pag -inom. 
KIKUICHI : Naku, hindi ganyang magsalita ang amo ko. Bakit ko naman sosolohin ito nang hindi 
inuuna ang amo ko? Mali ang akusasyon ninyo sa akin. Nakadalawa na po kayong tagay. 
KOTO : Aba’t talaga bang ginagalit mo ‘ko? Hindi ka lang gago, dinadaya mo ‘ko at pinalalabas na 
iniinom ko’ng tinatagay mo nang di mo alam. Tagayan mo ako ulit. 
KIKUICHI : Gusto ko po sana. Pero, ipagpaumanhin ninyo! Wala na pong natira. 
KOTO : Ano? Ni isang patak wala nang natira? 
NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Talagang nakakaaliw ito. Pag-aawayin ko sila. Bang! Bangg! 
KOTO : Aray,aray ko! Aba’t sobra na ito. Matapos mo akong agawan ng inumin, ngayon naman may 
gana ka pang bugbugin ako. 
KIKUICHI : Ano’ng sabi ninyo? Bugbugin? 
KOTO : Sinaktan mo na ako, ulol! 
KIKUICHI : Itinatabi ko lang po ang bote ng sake. Ni hindi nakaturo sa direksiyon ninyo ang mga 
kamay ko. 
KOTO : A, hindi pala? At sino pang mananakit sa akin, aber? Sino, sabi? 
KIKUICHI : Aray, aray ko po! Inaakusahan n’yo na nga ako ng kung anu -anong hindi ko naman 
ginagawa, ngayon naman sinasaktan n’yo pa ako. Bakit binubugbog ninyo ang isang walang 
kasalanang katulad ko? 
KOTO : Aba’t ni hindi nga nakatutok sa iyo ang mga kamay ko. 
KIKUICHI : Hindi nakatutok? Sinong nanakit sa akin? Magsalita kayo,sino pa? 
KOTO : Aray, aray ko! Kikuichi, ano ba? Bakit mo ba ako sinasaktan? 
KIKUICHI : Nasa binti ko ang mga kamay ko. 
KOTO : Nasa binti mo? Kaninong mga kamay ang sumuntok sa akin? 
KIKUICHI : Aray, tama na! Huwag ninyong abusuhin ang inosenteng tulad ko. Amo. 
KOTO : Ano? Abusuhin? 
KIKUICHI : Ano pa nga bang ginagawa ninyo? 
KOTO : Ni hindi nga dumadapo ang mga kamay ko sa iyo. 
KIKUICHI : Di dumadapo? Kung gayo’y sinong nanununtok sa akin? 
KOTO : Aray, ano ka ba?
KIKUICHI : Aray ko po, tama na! 
NAGDARAAN: Nakakatuwa talaga ito. Paiikutin ko sila sa iba’t ibang pakana. Pero, teka! Aba’t 
tinutuluyan na nilang magsuntukan.Delikado pa ang manatili pa rito. Kailangang makaalis na ako 
habang may araw pa. 
KOTO : Nauubos nang pasensiya ko. Hindi kita patatakasin lintik ka! 
KIKUICHI : Bakit ako sinasaktan? 
SILANG DALAWA: A-a-ray…. 
KIKUICHI : Ikinahihiya ko kayo Amo. Hawak ko na kayo ngayon. Nagpapanggap lang pala kayong 
mabait. Santo-santito! 
KOTO : Huwag, sandali lang! Matapos mo akong bugbugin, tatakbuhan mo ako. Wala bang ibang 
tao rito? Hulihin n’yo siya, hulihin n’yo! Huwag n’yo siyang patatakasin!
ANG PASKO 
Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales 
Unang Tagpo 
(Tanawin: Loob ng bahay) 
(Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan. Tumutugtog ang kampana.) 
Nanay : “Dalian niny o mga anak. Baka mahuli tay o sa misa.” 
A nak 1 : “Nandiy an na po ako, Nanay .” 
A nak 2: “Hintay in niny o ako. Hindi ko makita ang sapatos ko.” 
A nak 3: “Handa na po ako, Tatay .” 
A nak 4: “A ko rin po.” 
Nanay : “O sige, hihintay in namin kay o sa labas ng bahay , mga anak.” 
Tatay : “Mag-ingat kay o sa paglalakad sa kalsada.” 
(Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.) 
Tilon 
Pangalawang Tagpo 
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa) 
(May mga tindera. May tugtuging pamasko.) 
Nanay at Tatay : “Maligay ang Pasko sa iny o, mga anak.” 
Mga A nak: (Magmano) “Maligay ang Pasko rin po sa iny o, Nanay at Tatay.” 
(May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng simbahan.) 
A nak 1 : “A no po ang tinda niny o?” 
Tindera 1 : “May ruon akong puto at kutsinta.” 
A nak 1 : “Pagbilhan po niny o ako ng puto.” 
A nak 2: “May ruon po ba kay ong suman?” 
Tindera 2: “May ruon ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?” 
A nak 2: “Dalawa po.” 
A nak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, A te. Hindi pa naman ako gutom.” 
A nak 4: “A ko rin; maraming magluto si Lola, marasap pa!” 
Nanay : “Halina kay o kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tay o.” 
Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.) 
Lolo: (Bubuksan ang pinto.) “Tuloy kayo mga anak.” 
Tilon 
Pangatlong Tagpo 
(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola) 
Mga A nak: “Mano po, Lolo. Mano po, Lola.” 
Lolo at Lola: “Kaawaan kay o ng Diy os, mga anak.”
(Nanay at Tatay – magmamano rin) 
Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.) 
A nak 1 : “Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.” 
Ninang at Ninong: “Kaawaan ka ng Diy os.” 
A nak 2: “Lola, ang sarap naman ng amoy ng luto niny o!” 
Lola: “Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto ko.” 
Lolo: “Halina na kay o, mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa Noc he Buena.” 
A nak 3: “Gutom na nga ako eh.” 
A nak 4: “Sabi ko na iny o eh, maraming magluto si Lola, at masarap pa.” 
(Matapos kumain - Hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan) 
A nak 2: “Nanay , Tatay, sana’y maging Pasko araw -araw para narito tayong lagi kina Lolo at Lola.” 
Mga A nak: “Lolo, Lola, aalis na po kami.” “Maligayang Pasko po ulit sa iny o at Manigong Bagong Taon sa 
lahat.” 
Nanay at Tatay : “Maraning salamat po sa handa niny ong mga pagkain. Busog na busog po kaming lahat.” 
Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano kasabay ang pagpapaalam.) “Paalam na po.” “Mamasko pa po 
kami sa ibang kamag-anak natin pagkagising sa umaga.” 
Lolo at Lola: “Mag-iingat kayo sa daan.” 
Tilon 
Mga Tauhan: 
Lolo at Lola: Lucas at Pacita Morales 
Ninang at Ninong: Thelma Capati at Wilmer Andrada 
Nanay at Tatay: Laura Corpuz at Lito Capati 
Mga Anak: Aileen Capati, Jennifer at Robert Estoye, Zenaida Falcon 
Mga Tindera: Perlita Nichols at Magdalena Raboza 
Tagapagsalaysay: Alona Corpuz at Belinda Falcon 
Musika: Renato Blancaflor at Daisy Franada 
Tilon: Ric Corpuz at Carlito Vero
KAPALARAN 
DULA DULAAN 
BY: DAWN CONDES 
TAUHAN: JHON AT SI ROU 
UNANG PASOK NG KLASE, NA KITA NI JHON SI ROU SA ISANG UPOAN SA LIKOD NG KANILANG 
ROOM... 
JHON: HI ! 
ROU: HI... 
JHON: KAMUSTA ANG UNANG ARAW MO DITO ? 
ROU: AYOS LANG , SAYU? 
JHON: AYOS LANG DIN. 
PUMASOK NA ANG KANILANG GURO. 
NAGPAKILALA SILA ISAT ISA, PAG KATAPOS NG KUNTING KWENTOHAN PINALABAS NA SILA NG 
KANILANG GURO. 
PINUNTAHAN NI ROU SI JHON , PARA MAKISABAY NA LUMAKAD PAPUNTA SA SUSUNOD NA 
KLASE. 
JHON: O, GUSTO MONG SUMABAY? 
ROU: OU 
JHON: MARAMI KA NA BANG NAKILALA? 
ROU: MEDYO, EH IKAW? 
JHON: MARAMI NA. ANG BABAIT NAMAN KASI NILA. MAHIYAIN KA ANU??? 
ROU: SINABI MO PA. 
JHON: HHE, MASANAY KANA... TATAGAL KA NAMAN DITO EH 
ROU: EWAN KO LANG KUNG TATAGAL AKO DITO .. 
JHON : O, BAKIT NAMAN? 
ROU: BAKA KASI LILIPAT KAMI NG BAHAY SA SUSUNOD NA BUWAN. 
JHON: NAKO SAYANG NAMAN, GUSTO SANA KITANG IMBITAHIN SA AKING KAARAWAN SA 
SUSUNOD PANG BUWAN. 
ROU: AH, GANUN BA? SIGE SUSUNOKAN KO... 
NAKALIPAS ANG ISANG BUWAN LUMIPAT NA NG BAHAY SINA ROU... 
PUMASOK NA RIN SYA SA BAGO NYANG PAARALAN... NAG CHACHAT PARIN NAMAN SI ROU AT 
SI JHON AT NAG TETEXT, KAYA MAY KUMONIKASYON PARIN SILA... 
JHON: O, PALAPIT NA ANG KAARAWAN KO PUMONTA KA HA. 
ROU: OO BA. 
NAKALIPAS NA ANG LIMANG TAON... NAWALA ANG KANILANG KUMONIKASYUN DAHIN SA 
SUBRANG BUSY NILA... 
SA ISANG MALL, HABANG BUMIBILI SI ROU SA ISANG RESTAURANT NKA SABAY NYA SI JHON 
SA PILa.
JHON: IKAW BA YAN ROU? 
ROU: JHON? 
JHON: OO , AKO SI JHON.. 
ROU; DI KO AKALAING MAGKIKITA PA PALA TAYO.. 
JHON : OU NGA.. 
NAG USAP SI JHON AT SI ROU TUNGKOL SA BUHAY NILA NGAYON .... 
LUMIPAS ANG 2 TAON... 
NAGPAKASAL SILANG DALAWA 
DIYAN NAG TATAPOS ANG AMING DULADULAAN.
Kwentong Kutsero: Ang Pulubi 
Ang Pulubi 
Ni Epifanio G. Matute 
Pulubi: (Habang pumapasok ay nag – aalis ng sambalilo) Bigyan po kayo ng 
magandang 
araw. 
Tony: (Titindig sa pagkakaupo) “ Gandang araw po naman… May kailangan ho ba kayo? 
Pulubi: (Isasahod ang kalliwang kamay) Nagpapallimos po ako… Maawa na kayo sa 
pobreng pulubi… 
Cruz: Pur bida… Mal-akas man sang pul-ubing ito… bat-a-pa… 
Junior: Mukha ngna naming ke-lakas-lakas ninyo, Mama… 
Pulubi: Tama ang sabi mo, Totoy… Ke-lakas-lakas ko ngang kumain! 
Cruz: Pur bida!… Kung malas-as kay-ong ga-kaon… Baki-t hind-I may kay-u-ga-trabahar? 
Wal-a man kay-ung sak-it? 
Pulubi: (Baballing kay Mr. Cruz). Wala ngna po akong sakit… Kaya ako malakas kumain 
e! 
Tony: O, e gano’n pala… bakit hindi kayo magtrabaho?… 
Pulubi: E… alam ninyo… Masam pos a akin ang mag-trabaho e… 
Terya: Masama sa inyo ang magtrabaho?… Aba, bakit ho naman? 
Pulubi: pag nagtrabaho po ako… Napapagod po ako e. 
Junior: Anak ng huwe naman! Meron ho ba naming trabahong hindi nakapapagod? 
Pulubi: Alam ko, Totoy… Pero, pag napapagod ako… lalo akong lumalakas kumain! 
Cruz: ay pu bida!… Mi kat-wiran man sya! 
Tony: (Halos pabulong sa sarili) May katwiran daw… Tamad ka ninyo ang pulubing ito!.. 
Pulubi: (Narinig ang sinabi ni Tony) Aba, hindi po ako tamad… ang gusto ko lang 
trabaho 
…e yong walang ginagawa! 
Terya: Walang ginagawa?… Aba naku… e meron ho ba naming trabahong.. walang 
ginagawa? 
Pulubi: Aba meron po, Aling ano… meron po 
Tony: Saan ho naman ang trabahong iyon? 
Pulubi: Saan po ho!… sa Kongreso! 
Tony: Sa Kongreso?… Aba… marami hong ginagawa ang mga Kongresista! 
Pulubi: Wala po… pasyalan lamang sila nang pasyalan… 
Cruz: Purbida!… ano man ang ibig mong sabihon… gapasyal lam-ang sila? 
Pulubi: E, hindi po ba… panay ang kanilang mga kumperensya kung saan-saan?… 
Yon po ang ibig kong trabaho… 
Junior: Ayoooon… E, bakit hindi ho kayo kumandidato sa Kongreso? 
Pulubi: Hindi maaari, Totoy… Hindi ako pwede 
Terya: At bakit naman hindi? 
Pulubi: Maski naman po ako ganito… honest po ako!… Ayokong manloko! 
Tony: Aba, hindi ho naman lahat ng pulitiko ay manloloko!
Terya: Aba naku… ano bay an?… Nanghihingi lang ng limos ang tao e… nagtatalo pa 
Kayo? 
Tony: O bweno… Bigyan na ninyo ng limos! (Uopo uli sa silya at itutuloy ang 
pagbabasa) 
Terya: (Habang kinakapa ang bulsa ng saya) Aba e… wala yata akong barya e… 
(Babaling 
sa pulubi) Este… tumatanggap ho kayo ng bigas, Mama? 
Pulubi: (Titingnan muna ang kanyang bayong) Aba e… komporme ho sa bigas… 
Cruz: (Pabulalas) Ay pur bida… dilikado man sang pulubing itu! 
Pulubi: Aba iyan lang ho ang maipagmamalaki ko… Maski na ako ganito e… Hindi po 
ako 
basta-basta pulubi! 
Tony: (Payamot na matitigil sa pagbabasa) E, ano ho bang klaseng bigas pa ang gusto 
ninyo? 
Pulubi: (Babaling kayn Tony) Hindi naman ho ako delikado…Maski na…elon-elon na 
lang! 
Terya: (Pataka)Elon-elon?… Aba, naku… E, Naric! Lang ho ang bigas naming e…! 
Pulubi: Naric?… Ay naku… Huwag na ho! Maraming salamat ho. 
Junior: Bakit ho?… Anong diperensya ng Naric? 
Pulubi: Ay naku, Totoy… Sa tanang buhay ko… hindi pa ako tumitikim ng Naric! 
Tony: Bakit ho naman?… Masarap naman ang bigas-Naric… medyo nga lang malagkit… 
Pulubi: Hindi ho malagkit… Ma-racket! 
Tony: (Payamot) Sya.. sya.. Kung ayaw ng bigas e… Bigyan na lang ng pera… nang 
matapos na ang salitaan! 
Terya: O sya hala… Pero… wala akong barya e… (Babalingan si Junior) Meron ka ba 
riyan, Junior? 
Junior: (Dudukot sa dalawang bulsa) Sino, ako?… ay walang laman ang bu lsa ko 
kundi… 
butas! (Lalapit kay Tony na nakaupo sa silya) Ikaw, kuya?… Abonohan mo muna… 
Tony: Ha? (kakapain ang mga bulsa) Wala rin e… Teka (Titindig sa pagkaupo at 
lalapitan 
si Mr. Cruz) Meron ba kayo riyan, Mr. Cruz? 
Cruz: Ha?… Ay pur bida… maski saan ga-umpisar… sa akon man ga tapos!
“BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS 
NG PINGGAN” 
-isa itong uri ng komedya na patungkol sa dalawang pasaway na mag-asawa. 
Characters: 
Yoh – asawa ng bungangera na si Anna. 
Anna – ang bungangerang misis. 
Hao – si ginoong albularyo mula sa kabundukan ng Tralala. 
Ren – mayamang ginoo. 
Horo-horo - kapitbahay nina Yoh at Anna. 
Tamao – isa pang kapitbahay. 
Manta - isang extra. 
_____ 
Sa isang maliit na barangay na hindi ko alam kung saan, mayroong naninirahan na mag-asawa. Yun 
nga sina Yoh at Anna. Si Yoh ay isang tamad na asawa (alam nating lahat iyon) at si Anna ay 
bungangera (alam din natin yon). Isang araw. 
Anna: Yoh! Magsibak ka ng kahoy! 
Yoh: . 
Anna: (lapit sa asawa sabay sigaw) YOH! HINDI BA SABI KO SA IYO MAGSIBAK KA NG KAHOY! 
Yoh: (nagulat at nahulog mula sa upuan) Ha? Ah oo nga sabi ko nga ehehehe. (sabay alis) 
* sa labas ng bahay habang nagsisibak ng kahoy si Yoh.* Horo-horo: Aba! Kumpareng Yoh! Kamusta 
ka na? 
Yoh: Eto ganun pa rin. 
Horo-horo: Ba! Hindi ako makapaniwalang hanggang ngayon ay under ka pa rin dyan kay Anna! 
Akala ko kapag kasal na kaya eh babait na ‘yon. (napakamot sa ulo) 
Yoh: eheheh. ganon lang talaga yon. 
Horo-Horo: Alam ko na bakit hindi mo kaya subukang sabihin sa kanya na sawa ka na sa pang-uunder 
nya sa iyo? 
Yoh: Huh? Hmm. O sige pag-iisipan ko. 
Horo-horo: yan ang lalaki! (sabay alis) 
* Pagkatapos ni Yoh na magsibak ng kahoy ay pumasok na siya sa bahay. Doon nya naabutan si Anna 
na nanonood ng Dolphin Bay.* 
Yoh: Anna! Tapos na akong magsibak! 
Anna: buti naman. Magluto ka naman ngayon.
Yoh: Pero. (biglang tumitig si Anna) 
Anna: Pero ano? 
Yoh: ah? Wala wala. Hehehe. Sige. (sabay alis) 
* Nagluto na nga si Yoh at pagkatapos nilang kumain ni Anna.* 
Anna: O, linisan mo na yang mga plato. 
Yoh: Ha eh ikaw na lang. 
Anna: (gulat) Aba! At sumasagot ka na ngayon! Ako ang asawa mo kaya dapat mo akong 
pagsilbihan! 
Hindi pwede ang tatamad-tamad sa pamamahay na ito! Naiintindihan mo? 
Yoh: (takot pero sige pa rin) Eh masyado mo naman akong inaabuso! 
Anna: (Shocked) Inaabuso? Hoy para sabihin ko sa iyo, hindi kita nire-rape! Kapal ng apog mo! 
Yoh: (Natawa) Hindi yun ang ibig kong sabihin. Dapat gumagawa ka rin sa bahay. 
Anna: Ayoko nga. Yoh: Ah alam ko na. Pustahan na lang tayo. Kung sinong unang magsasalita o 
gumalaw ang siyang maghuhugas nga mga pinggan simula ngayon. 
Anna: Sige. 
* At nagsimula ang pustahan. Si Yoh ay nanatili sa kanyang upuan at nakatitig lamang kay Anna. Si 
Anna naman ay nakaupo rin medyo malapit kaya Yoh. Maya-maya.* 
Ren: Heto na naman ako. Hoy utang nyo bayaran nyo na! 
Anna at Yoh: . 
Ren: Hello! May kausap ba ako dito? 
Anna at Yoh:. 
Ren: Huh? Magsalita naman kayo. Tinatakot nyo naman ako eh. 
Anna at Yoh: . 
Ren: Yikes! Tatawag na ako ng albularyo! Baka sinapian na itong mga ito! (sabay takbo) 
* Tumawag nga si Ren ng albularyo na nagmula pa sa mahiwang kabundukan ng Tralala. Ito ang 
pinakamahusay na albularyo. Si Hao.* 
Hao: (Tinitingnan ang mag-asawang hindi gumagalaw) Ngayon laman ako nakakakita ng ganito! 
Tamao: (habang nakiki-usyoso) Naku kawawa naman sila! 
Horo-horo: (nakiki-usyoso rin) Oo nga.
Hao: hmmm. Sa tingin ko kailangan nilang sumailalim sa isang banal na seremonya. (daan si 
Manta) 
Hoy bata, pwede mo bang kunin ang mga ito para sa akin? (Sabay abot sa isang listahan kay Manta). 
Manta: Ha, o sige po. (sabay alis) 
Hao: Ang kailangan lang nating gawin ay maghintay para sa pagbabalik ng batang iyon. 
* Makalipas ang ilang saglit, bumalik si Manta bitbit ang isang malaking supot.* 
Manta: Tatang, eto na po yung pinapakakuha ninyo. 
Hao: (nagalit) Hoy! Wag na wag mo akong tatawaging tatang! For your information, 18 pa lang ako. 
Pero kung pagbabasehan mo yung past life ko, pwede mo na akong tawaging tatang. 
Manata: Eh di ganun din po iyon! Sige po! Babay! (takbo) 
Hao: Diyaskeng baya yun ah. Bueno, magagawa ko na ang seremonya. Ah! Eto na ang mga 
kailangan ko: Dragon Katol! Siguradong lamok ay tepok! (May American accent) (sinindihan ang 
katol) At eto rin ang tawas! Uy ang dami pa! Teka nga, makadekwat nga ng kaunti para may magamit 
ako. 
Horo-horo: Haha! Tawas lang pala ginagamit mo eh! 
Hao: (napahiya) Eh bakit ikaw, anong gamit mo? 
Horo-horo: Ako Secret Platinum! Spring Breeze yung scent! 
Hao: (natawa) E pambabae yun diba? 
Tamao: Oo nga kasi akin talaga yun! Gumagamit siya pag hindi ako nakatingin kaya pala ang bilis 
maubos! 
Hao: Teka nga. Sisimulan ko na nga itong seremonya! Tama na ang diskusyong tungkol sa 
deodorant! 
* Nagsagawa ng seremonya si Hao. Ang dami dami na niyang nasindihang katol kaya ang baho.* 
Anna: (sa isip) yuck! Ang baho baho naman ever! 
Yoh: (sa isip rin) ang bantot! Amoy putok! Ayokong masinghot dahil mas malala pa ito sa utot ng 
taong may kinaing bulok! (galing kong mag-rhyming no! joke joke joke) 
* Wala pa ring nangyari dahil hindi naman sinapian sina Yoh at Anna. Wala nang maisip si Hao kaya 
ito na lang ang huli niyang maisip.* 
Hao: Eto na lang ang alam kong solusyon. Ang paggamit sa mahiwagang baston na mula sa 
mahiwagang bundok. Ang bundok ng Smokey Mountain!
Tamao at Horo-horo: Yuck! 
Hao: He! Manahimik kayo! Eto na! Idinadalangin ko sa mga banal na espiritu ng Smokey mountain 
na iligtas ninyo itong mag-asawang ito mula sa mga masasamang kaluluwa! Yaaah! (hahampasin ng 
baston si Anna kaso biglang tumayo at nagsalita si Anna) 
Anna: (inis) Hoy ginoong albularyo, wag mo nga akong mahampas-hampas! Baka sampalin kita 
dyan! 
Wala akong balak magkaroon ng pasa noh! Paano na ang aking flawless skin kung magkakapasa 
ako? 
Horo-horo at Tamao: Yehey! Ang galing-galing ni ginoong albularyo! Napagaling niya si Anna! 
Yoh: Yehey rin kasi si Anna ang unang nagsalita! Siya ang maghuhugas ng plato simula ngayon! 
Yehey! (nagpagulong-gulong sa lupa) 
Anna: Kainis kasi kayo! Napaka pakialamero talaga ninyo! 
Horo-horo, Hao at Tamao: Huh? 
Anna: Nagpupustahan lang kami ni Yoh na kung sinong unang magsalita o gumalaw ang 
maghuhugas lagi ng plato! Bwisit talaga kayo! 
Horo-horo: Pasensya na po madam Anna. 
Anna: Hmmph! 
Narrator: At iyan ang dahilan kung bakit babae ang naghuhugas ng Pinggan! 
Tapos na po

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Tauhang bilog at tauhang lapad
Tauhang bilog at tauhang lapadTauhang bilog at tauhang lapad
Tauhang bilog at tauhang lapad
viceral
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
rosemelyn
 
Elemento ng tula
Elemento ng tulaElemento ng tula
Elemento ng tula
Kaira Go
 
Elehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaElehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuya
PRINTDESK by Dan
 
Mga Tauhan ng Noli Me Tangere
Mga Tauhan ng Noli Me TangereMga Tauhan ng Noli Me Tangere
Mga Tauhan ng Noli Me Tangere
Maybelyn Catindig
 
Mga pangunahing siliranin/problema sa barangay/pamayanan
Mga pangunahing siliranin/problema sa barangay/pamayananMga pangunahing siliranin/problema sa barangay/pamayanan
Mga pangunahing siliranin/problema sa barangay/pamayanan
Maxley Medestomas
 

Was ist angesagt? (20)

Anapora at katapora
Anapora at kataporaAnapora at katapora
Anapora at katapora
 
Tauhang bilog at tauhang lapad
Tauhang bilog at tauhang lapadTauhang bilog at tauhang lapad
Tauhang bilog at tauhang lapad
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
Ako ang Daigdig
Ako ang DaigdigAko ang Daigdig
Ako ang Daigdig
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Elemento ng tula
Elemento ng tulaElemento ng tula
Elemento ng tula
 
Elehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaElehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuya
 
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
 
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyonMga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
 
Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2
 
Mga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayMga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng Tayutay
 
Alamat ng Bulkang Mayon
Alamat ng Bulkang MayonAlamat ng Bulkang Mayon
Alamat ng Bulkang Mayon
 
Mga Tauhan ng Noli Me Tangere
Mga Tauhan ng Noli Me TangereMga Tauhan ng Noli Me Tangere
Mga Tauhan ng Noli Me Tangere
 
Pagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysayPagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysay
 
MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA
 
Filipino 9 Elemento ng Elehiya
Filipino 9 Elemento ng ElehiyaFilipino 9 Elemento ng Elehiya
Filipino 9 Elemento ng Elehiya
 
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWAPANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
 
Mga pangunahing siliranin/problema sa barangay/pamayanan
Mga pangunahing siliranin/problema sa barangay/pamayananMga pangunahing siliranin/problema sa barangay/pamayanan
Mga pangunahing siliranin/problema sa barangay/pamayanan
 
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
 
Banghay ng maikling kuwento
Banghay ng maikling kuwentoBanghay ng maikling kuwento
Banghay ng maikling kuwento
 

Andere mochten auch

Mga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyo
Mga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyoMga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyo
Mga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyo
Greg Aeron Del Mundo
 
Ppt kahalagahan ng batas
Ppt kahalagahan ng batasPpt kahalagahan ng batas
Ppt kahalagahan ng batas
doris Ravara
 
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd  QuarterFilipino 3 Learner's Manual 2nd  Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
EDITHA HONRADEZ
 
Uri ng dulang pantanghalan
Uri ng dulang pantanghalanUri ng dulang pantanghalan
Uri ng dulang pantanghalan
Analy B
 
Sanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guhoSanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guho
Irene Yutuc
 
Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay
Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: BarangayAng Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay
Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay
jetsetter22
 
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoAng Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Mckoi M
 

Andere mochten auch (20)

Mga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyo
Mga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyoMga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyo
Mga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyo
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang PangtanghalanUri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
 
Ppt kahalagahan ng batas
Ppt kahalagahan ng batasPpt kahalagahan ng batas
Ppt kahalagahan ng batas
 
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd  QuarterFilipino 3 Learner's Manual 2nd  Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
 
Mga salitang magkaparehong
Mga salitang magkaparehong  Mga salitang magkaparehong
Mga salitang magkaparehong
 
Uri ng dulang pantanghalan
Uri ng dulang pantanghalanUri ng dulang pantanghalan
Uri ng dulang pantanghalan
 
Filipino 9 Mga Dula ng Silangang Asya
Filipino 9 Mga Dula ng Silangang AsyaFilipino 9 Mga Dula ng Silangang Asya
Filipino 9 Mga Dula ng Silangang Asya
 
Filipino 9 Mga Salitang na may higit sa Isang Kahulugan
Filipino 9 Mga Salitang na may higit sa Isang KahuluganFilipino 9 Mga Salitang na may higit sa Isang Kahulugan
Filipino 9 Mga Salitang na may higit sa Isang Kahulugan
 
Balita sa Pamamahayag
Balita sa PamamahayagBalita sa Pamamahayag
Balita sa Pamamahayag
 
Sanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guhoSanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guho
 
Journalism pagsulat ng balita
Journalism  pagsulat ng balitaJournalism  pagsulat ng balita
Journalism pagsulat ng balita
 
Epiko ni cilo
Epiko ni ciloEpiko ni cilo
Epiko ni cilo
 
Mga salitang magkapareho ang baybay ngunit magkaiba angkahulugan
Mga salitang magkapareho ang baybay ngunit magkaiba angkahuluganMga salitang magkapareho ang baybay ngunit magkaiba angkahulugan
Mga salitang magkapareho ang baybay ngunit magkaiba angkahulugan
 
Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay
Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: BarangayAng Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay
Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay
 
Paniniwala, tradisyon at kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
Paniniwala, tradisyon at kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipinoPaniniwala, tradisyon at kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
Paniniwala, tradisyon at kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
 
Balita.final.ppt
Balita.final.pptBalita.final.ppt
Balita.final.ppt
 
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
 
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoAng Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
 

Mehr von asa net

festivals
 festivals festivals
festivals
asa net
 
Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49
asa net
 

Mehr von asa net (20)

PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN
PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNANPROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN
PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN
 
SCARFT BOOK GRADE IV
SCARFT BOOK GRADE IVSCARFT BOOK GRADE IV
SCARFT BOOK GRADE IV
 
MGA NATATANGING PILIPINO SA IBA'T IBANG LARANGAN
MGA NATATANGING PILIPINO SA IBA'T IBANG LARANGANMGA NATATANGING PILIPINO SA IBA'T IBANG LARANGAN
MGA NATATANGING PILIPINO SA IBA'T IBANG LARANGAN
 
Dictionary in EAST
Dictionary in EASTDictionary in EAST
Dictionary in EAST
 
KINDS OF DANCES
KINDS OF DANCESKINDS OF DANCES
KINDS OF DANCES
 
Festival in Philipppines
Festival in PhilipppinesFestival in Philipppines
Festival in Philipppines
 
MODYUL SA FILIPINO
MODYUL SA FILIPINOMODYUL SA FILIPINO
MODYUL SA FILIPINO
 
MGA SEKTOR NG EKONOMIYA
MGA SEKTOR NG EKONOMIYAMGA SEKTOR NG EKONOMIYA
MGA SEKTOR NG EKONOMIYA
 
KINDS OF LETTER
KINDS OF LETTERKINDS OF LETTER
KINDS OF LETTER
 
festivals
 festivals festivals
festivals
 
LEARNING MATERIALS GRADE 7 TO 8
LEARNING MATERIALS GRADE 7 TO 8LEARNING MATERIALS GRADE 7 TO 8
LEARNING MATERIALS GRADE 7 TO 8
 
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
 
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
 
WINDOW CARD A2
WINDOW CARD A2WINDOW CARD A2
WINDOW CARD A2
 
NOLI KABANATA 1 TO 49
NOLI KABANATA 1 TO 49NOLI KABANATA 1 TO 49
NOLI KABANATA 1 TO 49
 
Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49
 
MODYUL SA FILIPINO V
MODYUL SA FILIPINO VMODYUL SA FILIPINO V
MODYUL SA FILIPINO V
 
MONOCOT
MONOCOT MONOCOT
MONOCOT
 
MODYUL SA EPP
MODYUL SA EPPMODYUL SA EPP
MODYUL SA EPP
 
Mga Batayang Pang Himnasyo
Mga Batayang Pang HimnasyoMga Batayang Pang Himnasyo
Mga Batayang Pang Himnasyo
 

Kürzlich hochgeladen

AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
jaysonvillano
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
MaamMeshil1
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
HannaLingatong
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
VALERIEYDIZON
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
RonalynGatelaCajudo
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
VALERIEYDIZON
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 

Kürzlich hochgeladen (20)

AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 

HALIMBAWA NG MGA DULA

  • 1. PLOP! CLICK! (Dobu Kacchiri) Mga Tauhan: KOTO KIKUICHI ISANG NAGDARAAN KOTO : Isa akong Koto na nakatira sa pook na ito. Ngayon tatawagin ko si Kikuichi para konsultahin siya. Nariyan ba si Kikuichi? KIKUICHI : Nariyan na! KOTO : Nasaan ka? KIKUICHI : Heto na ‘ko. KOTO : May mahalaga akong kailangan sa iyo. Dahil matagal na rin naman akong hindi nakalalabas ng bahay, ang daming oras na nakabitin sa kamay ko. Gusto kong magbiyahe at nang makapagmasid naman ng mga tanawin. Ano sa tingin mo? KIKUICHI : Sa totoo lang, imumungkahi ko nga sana sa iyo, Ekselenteng ideya. KOTO : Ano pang hinihintay natin kung ganoon. Maghanda ka ng sake. KIKUICHI : Ngayon din. Nakahanda na ang bote ng sake. KOTO : Umalis na tayo agad. Halika na! KIKUICHI : Nakahanda na ako. KOTO : Ano sa palagay mo? Nagtatawanan na siguro ang mga taong makita ang dalawang paris natin na namamasyal at nagmamasid sa mga tanawin. Pero ang pagbibiyahe sa bagong lugar ang nakapagpapagaan ng pakiramdam bukod pa sa kasayahang nalalasap mo. KIKUICHI : Wala naman sa palagay kong mag-iisip na para tayong gago. Kaya, kapag nararamdamang mong gusto mong magbiyahe, dapat lang na ilang ulit tayong magbiyahe. Nakabubuti iyon sa inyo, Amo. KOTO : Nasa labas na tayo ng nayon. Marahil nasa gitna tayo ng bukirin. Ang lungkot dito. KIKUICHI : Nasa gitna nga tayo ng bukirin. KOTO : Kapag nasa kapatagan ako, parang lumalawak ang aking puso at gumagaan ang pakiramdam ko. KIKUICHI : Gaya ng sabi mo, kasiya-siya ang magbiyahe. KOTO : Makinig ka! Noon ko pa gustong sabihin sa iyo na hindi sa habambuhay ka na lamang umaawit ng mga maiikling awit o bumibigkas ng mga kuwento. Bakit di mo ensayuhin ang Labanan sa Heike, ang pamosong epiko? KIKUICHI : Gusto ko nga sanang hingin ang tulong mo tungkol diyan. Masuwerte na lang at ikaw mismo ang nagbukas tungkol diyan. Kung maituturo mo sa akin ‘yan, tatanawin kong malaking utang-na-loob. KOTO : Ituturo ko kung ganoon. Wala rin lang tao sa paligid, bibigkasin ko sa iyo ang isang berso. KIKUICHI : Sadyang kay buti mo. Sige, makikinig ako. KOTO : “Umabot sa krisis ang labanan sa Ichi no Tani, at nauwi sa isang malaking giyera. Natalo ang mga dakilang Hieke, at nagsisugod ang mga mandirigma ng Genji—silang sabik sa kabantugan. Parang mga trigong nagbagsakan sa harap ng mga armas-pandigma. Kalunus-lunos na pagdanak ng dug! Walang katapusang kaguluhan! Putol ang baba ng ilan, at ang iba nama’y talampakan. Sa gitna ng nakakukuliling mga daing at pananangis, pilit pinaglalapat ang kanilang mga sugatang talampakan sa duguang baba,ang sugatang baba sa duguang talampakan. Ay, kahabag -habag na tanawin! Tatlo o apat na raang mga mandirigma ang nagkalat sa kapatagan!…” KIKUICHI : Kagila-gilalas palang talaga ang epikong ‘yan. Nagagalak akong marinig. KOTO : Halika’t pumunta tayo doon sa malayu-layo pa. Sumunod ka sa ‘kin! KIKUICHI : Sige lang, sumusunod ako. KOTO : Maraming bumibigkas ng Heike, pero wala akong alam na nakabibigkas ito nang mainam. Kaya kailangang pag-aralan mo itong mabuti. KIKUICHI : Iinsayuhin kong mabuti, at inaasahan kong tuturuan mo akong muli. KOTO Sakali’t maitalaga ako sa posisyon ng “Kengyo,” gagawin kitang isang “Koto”. KIKUICHI : Napakabuti mo ngang talaga.
  • 2. KOTO : Ano ‘yon? Nakakarinig ako ng alon ng tubig. Siguro’y malapit tayo sa dagat. KIKUICHI : Oo nga, pakiramdam ko;y dagat nga ‘yon. KOTO : Kailangan nating tawirin ito. Anong dapat nating gawin? KIKUICHI : Ano nga bang dapat nating gawin? NAGDARAAN: (Sa mga manonood) Dito lang ako nakatira. Dahil may lalakarin ako sa kabila ng bundok, kailangan kong magmadali. Ano itong nakikita ko? Dalawang bulag ang nagbabalak lumusong sa dagat. Paano kaya nila magagawa ‘yon? TitigiI muna ako rito at panoorin sila pansumandali. KOTO : Halika! Maghagis ka ng bato para matantiya natin ang lalim ng dagat. KIKUICHI : Sige. Ayan, naghagis na ako. PLOP! KOTO : Malalim doon. KIKUICHI : Malalim na malalim doon. KOTO : Subukan mo sa ibang direksiyon. KIKUICHI : Sige. Ayan, naghagis ulit ako. CLICK! KOTO : Mababaw doon. KIKUICHI : Mukha ngang mababaw doon. KOTO : Kung gayon, lumakad na tayo nang painut-inot. Halika na! KIKUICHI : Pero amo, teka muna sandali. KOTO : Bakit? KIKUICHI : Bubuhatin ko na kayo sa likod ko. KOTO : Naku, hindi na kailangan. Basta sumunod ka sa akin. KIKUICHI : Pero kaya nga ako naririto para pagsilbihan kayo. Para na rin sa kabutihan ng aking kaluluwa. Hayaan niyo ng buhatin ko kayo. KOTO : Hindi, huwag na. Dahil hindi ka rin nakakakita, baka maaksidente pa tayo. Maghawakan na lang tayo sa isa’t isa saka lumakad nang painut-inot. KIKUICHI : Pero ito ang pagkakataon ko para makatulong sa inyo. Kailangang mabuhat ko kayo sa aking likuran. KOTO : O sige, sige. Dahil mapilit ka, papayag akong buhatin mo ako. Pero kailangang maghanda na muna tayo. Ihanda mo na rin ang sarili mo. KIKUICHI : Salamat, nakahanda na ako. NAGDARAAN: Mautak ang mga bulag na ‘yon. Sinusubukan nila ang lalim ng dagat sa pamamagitan ng paghahagis ng bato. Masuwerte talaga akong aso. Ako ang magpapabuhat patawid sa dagat. (Papatong siya sa likod ni KIKUICHI). KIKUICHI : Humawak kayong mabuti. Ngayon sisimulan ko nang magpainut -inot sa dagat. Sana naman hindi masyadong malalim. Ayan nakarating na ako sa kabila. Nagawa ko ito nang walang kahirap-hirap, at natutuwa ako’t wala ring disgrasya. NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Hindi ko inaasahan ang suwerteng ito. Tuwang-tuwa ako. KOTO : Ano Kikuichi? Nakahanda ka na ba? Walang sumasagot? Hindi ko ito maintindihan. Ki -ku-i-chi! Na-sa-an ka? KIKUICHI : Na-ri-to a-ko! KOTO : Bakit di mo pa ako buhatin patawid? KIKUICHI : Pero kabubuhat ko lang sa inyo. KOTO : Kabubuhat lang sa akin? Pero naghahanda pa lang ako. Hindi mo pa ako nabubuhat. Ang hayop na ‘yon mag-isa palang tumawid. KIKUICHI : (Magmamadaling tumawid sa pinaggalingan) Kailan kayo tumawid na muli rito Amo? KOTO : Kailan? Aba’t walanghiya ‘tong taong ito. Umaayaw na yata. Madali ka’t buhatin mo na ako agad. KIKUICHI : Hindi ko maintindihan ito. Di bale, tatawid na lang uli ako. Kumapit na kayo sa likod ko. KOTO : Huwag kang magalaw. KIKUICHI : Lalakad na ako nang painut-inot. Mukhang napakalalim dito. KOTO : Basta mag-iingat ka at huwag kang masyadong magalaw. KIKUICHI : Opo, opo. Ang lalim naman nito! Naku, tulungan ninyo ako, saklolo! NAGDARAAN: Nakakaaliw pagmasdan ang kawawang mga bulag! KOTO : Nakakapanggalit itong nangyayari sa atin. Basang-basa na ako. Kaya nga ba tumanggi na
  • 3. akong pabuhat sa iyo noong una pa. KIKUICHI : Ipagpaumanhin ninyo. Patutuyin ko kayo. Talaga namang nag-iingat ako, pero natalisod ako. Patawarin ninyo ako. KOTO : Nauunawaan kong aksidente ang nangyari, at wala tayong magagawa roon. May nangyari ba sa sake? KIKUICHI : Anong sabi n’yo? Ah, ang bote ng sake. Heto, hindi nadisgrasya. KOTO : Giniginaw na ‘ko. Tagayan mo ako. KIKUICHI : Sige po. NAGDARAAN: Aba’t may isa pa pala akong suwerte. Akong iinom noon. KIKUICHI : Nagtatagay na po ako. Glug, glug! KOTO : Tama na ‘yan. Mawawala rin ang ginaw ko pag nainom ko na ito. KIKUICHI : Sigurado, Amo. NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Ang sarap nito! KOTO : Ano na, Kikuichi? Bakit di mo ako tinatagayan? KIKUICHI : Pero katatagay ko lang po’t binigay ko sa inyo. KOTO : Iyon din ang akala ko, pero wala ni isang patak ang baso ko. KIKUICHI : Talagang hindi ko maintindihan ito. Magtatagay uli ako Heto, pupunuin ko na ang baso. KOTO : Sige, bilisan mo. KIKUICHI : Eto na. Glug, glug! NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Aba’t may kasunod pa! Walang kasinsarap ang sakeng ito! KOTO : Tama na ‘yan. Uminom ka rin nang kaunti. KIKUICHI : Puwede po ba? Salamat sa kabaitan ninyo. Napakasarap ng sake, di po ba? KOTO : O, bakit hindi mo pa ako tinatagayan? KIKUICHI : Pero katatagay ko lamang po ng isang punung baso para sa inyo. KOTO : Akala ko nga, pero ni isang patak, wala pa rin ang baso ko. Kamuhi -muhi kang tarantado ka. Ni isang patak di mo man lang ako pinatikim, kasi sinosolo mo’ng pag -inom. KIKUICHI : Naku, hindi ganyang magsalita ang amo ko. Bakit ko naman sosolohin ito nang hindi inuuna ang amo ko? Mali ang akusasyon ninyo sa akin. Nakadalawa na po kayong tagay. KOTO : Aba’t talaga bang ginagalit mo ‘ko? Hindi ka lang gago, dinadaya mo ‘ko at pinalalabas na iniinom ko’ng tinatagay mo nang di mo alam. Tagayan mo ako ulit. KIKUICHI : Gusto ko po sana. Pero, ipagpaumanhin ninyo! Wala na pong natira. KOTO : Ano? Ni isang patak wala nang natira? NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Talagang nakakaaliw ito. Pag-aawayin ko sila. Bang! Bangg! KOTO : Aray,aray ko! Aba’t sobra na ito. Matapos mo akong agawan ng inumin, ngayon naman may gana ka pang bugbugin ako. KIKUICHI : Ano’ng sabi ninyo? Bugbugin? KOTO : Sinaktan mo na ako, ulol! KIKUICHI : Itinatabi ko lang po ang bote ng sake. Ni hindi nakaturo sa direksiyon ninyo ang mga kamay ko. KOTO : A, hindi pala? At sino pang mananakit sa akin, aber? Sino, sabi? KIKUICHI : Aray, aray ko po! Inaakusahan n’yo na nga ako ng kung anu -anong hindi ko naman ginagawa, ngayon naman sinasaktan n’yo pa ako. Bakit binubugbog ninyo ang isang walang kasalanang katulad ko? KOTO : Aba’t ni hindi nga nakatutok sa iyo ang mga kamay ko. KIKUICHI : Hindi nakatutok? Sinong nanakit sa akin? Magsalita kayo,sino pa? KOTO : Aray, aray ko! Kikuichi, ano ba? Bakit mo ba ako sinasaktan? KIKUICHI : Nasa binti ko ang mga kamay ko. KOTO : Nasa binti mo? Kaninong mga kamay ang sumuntok sa akin? KIKUICHI : Aray, tama na! Huwag ninyong abusuhin ang inosenteng tulad ko. Amo. KOTO : Ano? Abusuhin? KIKUICHI : Ano pa nga bang ginagawa ninyo? KOTO : Ni hindi nga dumadapo ang mga kamay ko sa iyo. KIKUICHI : Di dumadapo? Kung gayo’y sinong nanununtok sa akin? KOTO : Aray, ano ka ba?
  • 4. KIKUICHI : Aray ko po, tama na! NAGDARAAN: Nakakatuwa talaga ito. Paiikutin ko sila sa iba’t ibang pakana. Pero, teka! Aba’t tinutuluyan na nilang magsuntukan.Delikado pa ang manatili pa rito. Kailangang makaalis na ako habang may araw pa. KOTO : Nauubos nang pasensiya ko. Hindi kita patatakasin lintik ka! KIKUICHI : Bakit ako sinasaktan? SILANG DALAWA: A-a-ray…. KIKUICHI : Ikinahihiya ko kayo Amo. Hawak ko na kayo ngayon. Nagpapanggap lang pala kayong mabait. Santo-santito! KOTO : Huwag, sandali lang! Matapos mo akong bugbugin, tatakbuhan mo ako. Wala bang ibang tao rito? Hulihin n’yo siya, hulihin n’yo! Huwag n’yo siyang patatakasin!
  • 5. ANG PASKO Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales Unang Tagpo (Tanawin: Loob ng bahay) (Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan. Tumutugtog ang kampana.) Nanay : “Dalian niny o mga anak. Baka mahuli tay o sa misa.” A nak 1 : “Nandiy an na po ako, Nanay .” A nak 2: “Hintay in niny o ako. Hindi ko makita ang sapatos ko.” A nak 3: “Handa na po ako, Tatay .” A nak 4: “A ko rin po.” Nanay : “O sige, hihintay in namin kay o sa labas ng bahay , mga anak.” Tatay : “Mag-ingat kay o sa paglalakad sa kalsada.” (Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.) Tilon Pangalawang Tagpo (Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa) (May mga tindera. May tugtuging pamasko.) Nanay at Tatay : “Maligay ang Pasko sa iny o, mga anak.” Mga A nak: (Magmano) “Maligay ang Pasko rin po sa iny o, Nanay at Tatay.” (May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng simbahan.) A nak 1 : “A no po ang tinda niny o?” Tindera 1 : “May ruon akong puto at kutsinta.” A nak 1 : “Pagbilhan po niny o ako ng puto.” A nak 2: “May ruon po ba kay ong suman?” Tindera 2: “May ruon ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?” A nak 2: “Dalawa po.” A nak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, A te. Hindi pa naman ako gutom.” A nak 4: “A ko rin; maraming magluto si Lola, marasap pa!” Nanay : “Halina kay o kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tay o.” Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.) Lolo: (Bubuksan ang pinto.) “Tuloy kayo mga anak.” Tilon Pangatlong Tagpo (Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola) Mga A nak: “Mano po, Lolo. Mano po, Lola.” Lolo at Lola: “Kaawaan kay o ng Diy os, mga anak.”
  • 6. (Nanay at Tatay – magmamano rin) Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.) A nak 1 : “Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.” Ninang at Ninong: “Kaawaan ka ng Diy os.” A nak 2: “Lola, ang sarap naman ng amoy ng luto niny o!” Lola: “Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto ko.” Lolo: “Halina na kay o, mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa Noc he Buena.” A nak 3: “Gutom na nga ako eh.” A nak 4: “Sabi ko na iny o eh, maraming magluto si Lola, at masarap pa.” (Matapos kumain - Hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan) A nak 2: “Nanay , Tatay, sana’y maging Pasko araw -araw para narito tayong lagi kina Lolo at Lola.” Mga A nak: “Lolo, Lola, aalis na po kami.” “Maligayang Pasko po ulit sa iny o at Manigong Bagong Taon sa lahat.” Nanay at Tatay : “Maraning salamat po sa handa niny ong mga pagkain. Busog na busog po kaming lahat.” Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano kasabay ang pagpapaalam.) “Paalam na po.” “Mamasko pa po kami sa ibang kamag-anak natin pagkagising sa umaga.” Lolo at Lola: “Mag-iingat kayo sa daan.” Tilon Mga Tauhan: Lolo at Lola: Lucas at Pacita Morales Ninang at Ninong: Thelma Capati at Wilmer Andrada Nanay at Tatay: Laura Corpuz at Lito Capati Mga Anak: Aileen Capati, Jennifer at Robert Estoye, Zenaida Falcon Mga Tindera: Perlita Nichols at Magdalena Raboza Tagapagsalaysay: Alona Corpuz at Belinda Falcon Musika: Renato Blancaflor at Daisy Franada Tilon: Ric Corpuz at Carlito Vero
  • 7. KAPALARAN DULA DULAAN BY: DAWN CONDES TAUHAN: JHON AT SI ROU UNANG PASOK NG KLASE, NA KITA NI JHON SI ROU SA ISANG UPOAN SA LIKOD NG KANILANG ROOM... JHON: HI ! ROU: HI... JHON: KAMUSTA ANG UNANG ARAW MO DITO ? ROU: AYOS LANG , SAYU? JHON: AYOS LANG DIN. PUMASOK NA ANG KANILANG GURO. NAGPAKILALA SILA ISAT ISA, PAG KATAPOS NG KUNTING KWENTOHAN PINALABAS NA SILA NG KANILANG GURO. PINUNTAHAN NI ROU SI JHON , PARA MAKISABAY NA LUMAKAD PAPUNTA SA SUSUNOD NA KLASE. JHON: O, GUSTO MONG SUMABAY? ROU: OU JHON: MARAMI KA NA BANG NAKILALA? ROU: MEDYO, EH IKAW? JHON: MARAMI NA. ANG BABAIT NAMAN KASI NILA. MAHIYAIN KA ANU??? ROU: SINABI MO PA. JHON: HHE, MASANAY KANA... TATAGAL KA NAMAN DITO EH ROU: EWAN KO LANG KUNG TATAGAL AKO DITO .. JHON : O, BAKIT NAMAN? ROU: BAKA KASI LILIPAT KAMI NG BAHAY SA SUSUNOD NA BUWAN. JHON: NAKO SAYANG NAMAN, GUSTO SANA KITANG IMBITAHIN SA AKING KAARAWAN SA SUSUNOD PANG BUWAN. ROU: AH, GANUN BA? SIGE SUSUNOKAN KO... NAKALIPAS ANG ISANG BUWAN LUMIPAT NA NG BAHAY SINA ROU... PUMASOK NA RIN SYA SA BAGO NYANG PAARALAN... NAG CHACHAT PARIN NAMAN SI ROU AT SI JHON AT NAG TETEXT, KAYA MAY KUMONIKASYON PARIN SILA... JHON: O, PALAPIT NA ANG KAARAWAN KO PUMONTA KA HA. ROU: OO BA. NAKALIPAS NA ANG LIMANG TAON... NAWALA ANG KANILANG KUMONIKASYUN DAHIN SA SUBRANG BUSY NILA... SA ISANG MALL, HABANG BUMIBILI SI ROU SA ISANG RESTAURANT NKA SABAY NYA SI JHON SA PILa.
  • 8. JHON: IKAW BA YAN ROU? ROU: JHON? JHON: OO , AKO SI JHON.. ROU; DI KO AKALAING MAGKIKITA PA PALA TAYO.. JHON : OU NGA.. NAG USAP SI JHON AT SI ROU TUNGKOL SA BUHAY NILA NGAYON .... LUMIPAS ANG 2 TAON... NAGPAKASAL SILANG DALAWA DIYAN NAG TATAPOS ANG AMING DULADULAAN.
  • 9. Kwentong Kutsero: Ang Pulubi Ang Pulubi Ni Epifanio G. Matute Pulubi: (Habang pumapasok ay nag – aalis ng sambalilo) Bigyan po kayo ng magandang araw. Tony: (Titindig sa pagkakaupo) “ Gandang araw po naman… May kailangan ho ba kayo? Pulubi: (Isasahod ang kalliwang kamay) Nagpapallimos po ako… Maawa na kayo sa pobreng pulubi… Cruz: Pur bida… Mal-akas man sang pul-ubing ito… bat-a-pa… Junior: Mukha ngna naming ke-lakas-lakas ninyo, Mama… Pulubi: Tama ang sabi mo, Totoy… Ke-lakas-lakas ko ngang kumain! Cruz: Pur bida!… Kung malas-as kay-ong ga-kaon… Baki-t hind-I may kay-u-ga-trabahar? Wal-a man kay-ung sak-it? Pulubi: (Baballing kay Mr. Cruz). Wala ngna po akong sakit… Kaya ako malakas kumain e! Tony: O, e gano’n pala… bakit hindi kayo magtrabaho?… Pulubi: E… alam ninyo… Masam pos a akin ang mag-trabaho e… Terya: Masama sa inyo ang magtrabaho?… Aba, bakit ho naman? Pulubi: pag nagtrabaho po ako… Napapagod po ako e. Junior: Anak ng huwe naman! Meron ho ba naming trabahong hindi nakapapagod? Pulubi: Alam ko, Totoy… Pero, pag napapagod ako… lalo akong lumalakas kumain! Cruz: ay pu bida!… Mi kat-wiran man sya! Tony: (Halos pabulong sa sarili) May katwiran daw… Tamad ka ninyo ang pulubing ito!.. Pulubi: (Narinig ang sinabi ni Tony) Aba, hindi po ako tamad… ang gusto ko lang trabaho …e yong walang ginagawa! Terya: Walang ginagawa?… Aba naku… e meron ho ba naming trabahong.. walang ginagawa? Pulubi: Aba meron po, Aling ano… meron po Tony: Saan ho naman ang trabahong iyon? Pulubi: Saan po ho!… sa Kongreso! Tony: Sa Kongreso?… Aba… marami hong ginagawa ang mga Kongresista! Pulubi: Wala po… pasyalan lamang sila nang pasyalan… Cruz: Purbida!… ano man ang ibig mong sabihon… gapasyal lam-ang sila? Pulubi: E, hindi po ba… panay ang kanilang mga kumperensya kung saan-saan?… Yon po ang ibig kong trabaho… Junior: Ayoooon… E, bakit hindi ho kayo kumandidato sa Kongreso? Pulubi: Hindi maaari, Totoy… Hindi ako pwede Terya: At bakit naman hindi? Pulubi: Maski naman po ako ganito… honest po ako!… Ayokong manloko! Tony: Aba, hindi ho naman lahat ng pulitiko ay manloloko!
  • 10. Terya: Aba naku… ano bay an?… Nanghihingi lang ng limos ang tao e… nagtatalo pa Kayo? Tony: O bweno… Bigyan na ninyo ng limos! (Uopo uli sa silya at itutuloy ang pagbabasa) Terya: (Habang kinakapa ang bulsa ng saya) Aba e… wala yata akong barya e… (Babaling sa pulubi) Este… tumatanggap ho kayo ng bigas, Mama? Pulubi: (Titingnan muna ang kanyang bayong) Aba e… komporme ho sa bigas… Cruz: (Pabulalas) Ay pur bida… dilikado man sang pulubing itu! Pulubi: Aba iyan lang ho ang maipagmamalaki ko… Maski na ako ganito e… Hindi po ako basta-basta pulubi! Tony: (Payamot na matitigil sa pagbabasa) E, ano ho bang klaseng bigas pa ang gusto ninyo? Pulubi: (Babaling kayn Tony) Hindi naman ho ako delikado…Maski na…elon-elon na lang! Terya: (Pataka)Elon-elon?… Aba, naku… E, Naric! Lang ho ang bigas naming e…! Pulubi: Naric?… Ay naku… Huwag na ho! Maraming salamat ho. Junior: Bakit ho?… Anong diperensya ng Naric? Pulubi: Ay naku, Totoy… Sa tanang buhay ko… hindi pa ako tumitikim ng Naric! Tony: Bakit ho naman?… Masarap naman ang bigas-Naric… medyo nga lang malagkit… Pulubi: Hindi ho malagkit… Ma-racket! Tony: (Payamot) Sya.. sya.. Kung ayaw ng bigas e… Bigyan na lang ng pera… nang matapos na ang salitaan! Terya: O sya hala… Pero… wala akong barya e… (Babalingan si Junior) Meron ka ba riyan, Junior? Junior: (Dudukot sa dalawang bulsa) Sino, ako?… ay walang laman ang bu lsa ko kundi… butas! (Lalapit kay Tony na nakaupo sa silya) Ikaw, kuya?… Abonohan mo muna… Tony: Ha? (kakapain ang mga bulsa) Wala rin e… Teka (Titindig sa pagkaupo at lalapitan si Mr. Cruz) Meron ba kayo riyan, Mr. Cruz? Cruz: Ha?… Ay pur bida… maski saan ga-umpisar… sa akon man ga tapos!
  • 11. “BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG PINGGAN” -isa itong uri ng komedya na patungkol sa dalawang pasaway na mag-asawa. Characters: Yoh – asawa ng bungangera na si Anna. Anna – ang bungangerang misis. Hao – si ginoong albularyo mula sa kabundukan ng Tralala. Ren – mayamang ginoo. Horo-horo - kapitbahay nina Yoh at Anna. Tamao – isa pang kapitbahay. Manta - isang extra. _____ Sa isang maliit na barangay na hindi ko alam kung saan, mayroong naninirahan na mag-asawa. Yun nga sina Yoh at Anna. Si Yoh ay isang tamad na asawa (alam nating lahat iyon) at si Anna ay bungangera (alam din natin yon). Isang araw. Anna: Yoh! Magsibak ka ng kahoy! Yoh: . Anna: (lapit sa asawa sabay sigaw) YOH! HINDI BA SABI KO SA IYO MAGSIBAK KA NG KAHOY! Yoh: (nagulat at nahulog mula sa upuan) Ha? Ah oo nga sabi ko nga ehehehe. (sabay alis) * sa labas ng bahay habang nagsisibak ng kahoy si Yoh.* Horo-horo: Aba! Kumpareng Yoh! Kamusta ka na? Yoh: Eto ganun pa rin. Horo-horo: Ba! Hindi ako makapaniwalang hanggang ngayon ay under ka pa rin dyan kay Anna! Akala ko kapag kasal na kaya eh babait na ‘yon. (napakamot sa ulo) Yoh: eheheh. ganon lang talaga yon. Horo-Horo: Alam ko na bakit hindi mo kaya subukang sabihin sa kanya na sawa ka na sa pang-uunder nya sa iyo? Yoh: Huh? Hmm. O sige pag-iisipan ko. Horo-horo: yan ang lalaki! (sabay alis) * Pagkatapos ni Yoh na magsibak ng kahoy ay pumasok na siya sa bahay. Doon nya naabutan si Anna na nanonood ng Dolphin Bay.* Yoh: Anna! Tapos na akong magsibak! Anna: buti naman. Magluto ka naman ngayon.
  • 12. Yoh: Pero. (biglang tumitig si Anna) Anna: Pero ano? Yoh: ah? Wala wala. Hehehe. Sige. (sabay alis) * Nagluto na nga si Yoh at pagkatapos nilang kumain ni Anna.* Anna: O, linisan mo na yang mga plato. Yoh: Ha eh ikaw na lang. Anna: (gulat) Aba! At sumasagot ka na ngayon! Ako ang asawa mo kaya dapat mo akong pagsilbihan! Hindi pwede ang tatamad-tamad sa pamamahay na ito! Naiintindihan mo? Yoh: (takot pero sige pa rin) Eh masyado mo naman akong inaabuso! Anna: (Shocked) Inaabuso? Hoy para sabihin ko sa iyo, hindi kita nire-rape! Kapal ng apog mo! Yoh: (Natawa) Hindi yun ang ibig kong sabihin. Dapat gumagawa ka rin sa bahay. Anna: Ayoko nga. Yoh: Ah alam ko na. Pustahan na lang tayo. Kung sinong unang magsasalita o gumalaw ang siyang maghuhugas nga mga pinggan simula ngayon. Anna: Sige. * At nagsimula ang pustahan. Si Yoh ay nanatili sa kanyang upuan at nakatitig lamang kay Anna. Si Anna naman ay nakaupo rin medyo malapit kaya Yoh. Maya-maya.* Ren: Heto na naman ako. Hoy utang nyo bayaran nyo na! Anna at Yoh: . Ren: Hello! May kausap ba ako dito? Anna at Yoh:. Ren: Huh? Magsalita naman kayo. Tinatakot nyo naman ako eh. Anna at Yoh: . Ren: Yikes! Tatawag na ako ng albularyo! Baka sinapian na itong mga ito! (sabay takbo) * Tumawag nga si Ren ng albularyo na nagmula pa sa mahiwang kabundukan ng Tralala. Ito ang pinakamahusay na albularyo. Si Hao.* Hao: (Tinitingnan ang mag-asawang hindi gumagalaw) Ngayon laman ako nakakakita ng ganito! Tamao: (habang nakiki-usyoso) Naku kawawa naman sila! Horo-horo: (nakiki-usyoso rin) Oo nga.
  • 13. Hao: hmmm. Sa tingin ko kailangan nilang sumailalim sa isang banal na seremonya. (daan si Manta) Hoy bata, pwede mo bang kunin ang mga ito para sa akin? (Sabay abot sa isang listahan kay Manta). Manta: Ha, o sige po. (sabay alis) Hao: Ang kailangan lang nating gawin ay maghintay para sa pagbabalik ng batang iyon. * Makalipas ang ilang saglit, bumalik si Manta bitbit ang isang malaking supot.* Manta: Tatang, eto na po yung pinapakakuha ninyo. Hao: (nagalit) Hoy! Wag na wag mo akong tatawaging tatang! For your information, 18 pa lang ako. Pero kung pagbabasehan mo yung past life ko, pwede mo na akong tawaging tatang. Manata: Eh di ganun din po iyon! Sige po! Babay! (takbo) Hao: Diyaskeng baya yun ah. Bueno, magagawa ko na ang seremonya. Ah! Eto na ang mga kailangan ko: Dragon Katol! Siguradong lamok ay tepok! (May American accent) (sinindihan ang katol) At eto rin ang tawas! Uy ang dami pa! Teka nga, makadekwat nga ng kaunti para may magamit ako. Horo-horo: Haha! Tawas lang pala ginagamit mo eh! Hao: (napahiya) Eh bakit ikaw, anong gamit mo? Horo-horo: Ako Secret Platinum! Spring Breeze yung scent! Hao: (natawa) E pambabae yun diba? Tamao: Oo nga kasi akin talaga yun! Gumagamit siya pag hindi ako nakatingin kaya pala ang bilis maubos! Hao: Teka nga. Sisimulan ko na nga itong seremonya! Tama na ang diskusyong tungkol sa deodorant! * Nagsagawa ng seremonya si Hao. Ang dami dami na niyang nasindihang katol kaya ang baho.* Anna: (sa isip) yuck! Ang baho baho naman ever! Yoh: (sa isip rin) ang bantot! Amoy putok! Ayokong masinghot dahil mas malala pa ito sa utot ng taong may kinaing bulok! (galing kong mag-rhyming no! joke joke joke) * Wala pa ring nangyari dahil hindi naman sinapian sina Yoh at Anna. Wala nang maisip si Hao kaya ito na lang ang huli niyang maisip.* Hao: Eto na lang ang alam kong solusyon. Ang paggamit sa mahiwagang baston na mula sa mahiwagang bundok. Ang bundok ng Smokey Mountain!
  • 14. Tamao at Horo-horo: Yuck! Hao: He! Manahimik kayo! Eto na! Idinadalangin ko sa mga banal na espiritu ng Smokey mountain na iligtas ninyo itong mag-asawang ito mula sa mga masasamang kaluluwa! Yaaah! (hahampasin ng baston si Anna kaso biglang tumayo at nagsalita si Anna) Anna: (inis) Hoy ginoong albularyo, wag mo nga akong mahampas-hampas! Baka sampalin kita dyan! Wala akong balak magkaroon ng pasa noh! Paano na ang aking flawless skin kung magkakapasa ako? Horo-horo at Tamao: Yehey! Ang galing-galing ni ginoong albularyo! Napagaling niya si Anna! Yoh: Yehey rin kasi si Anna ang unang nagsalita! Siya ang maghuhugas ng plato simula ngayon! Yehey! (nagpagulong-gulong sa lupa) Anna: Kainis kasi kayo! Napaka pakialamero talaga ninyo! Horo-horo, Hao at Tamao: Huh? Anna: Nagpupustahan lang kami ni Yoh na kung sinong unang magsalita o gumalaw ang maghuhugas lagi ng plato! Bwisit talaga kayo! Horo-horo: Pasensya na po madam Anna. Anna: Hmmph! Narrator: At iyan ang dahilan kung bakit babae ang naghuhugas ng Pinggan! Tapos na po