1. Pagbasa Mula sa Sulat #002: Guryon
Ipinaskil ni: Chico noong: Setyembre 20, 2008
In: Poems
Pumuna!
Ayon sa aking archive sa kabilang blog na private, dalawang taon na noong isinulat ko ang “Guryon.” Ito ang tulang handog ko sa mga katulad kong “Guryon” na patuloy na nililipad ang alapaap at nakikipagpatintero sa hindi nito nakikita, pero nadarama.
Sa buhay, alam nating maraming pagsubok ang darating, at kung naniniwala ka kapatid sa diyos, isipin mo na lamang na ang tagapag kikid ng sinulid o pisi ay ang Maykapal, at ikaw ang siyang Guryon. Sabi nga ni Yolanda Adams, the battle is not yours, it is the Lord’s (Religious Video).
Sa iyong pakikipagtagisan sa mga pagsubok, maari kang maputulan ng pisi at sinulid, at ihambas ng hangin sa lugar na hindi mo kayang unawain, o hindi lubos na maisip (bakit dito pa ako sumabit, bakit dito ako lumagwa)!
Sa iyong pakikipagtagisan sa mga pagsubok, maari kang makalipad ng maayos, at makabalik sa simula at umasa ng pangalawa pang lipad sa susunod na umaga.
Anu’t anuman, sa huli, nawa ay ating tandaan, hindi ipalilipad ng may hawak ng pisi at sinulid ang Guryon sa ilalim ng ulan at bagyo dahil alam niyang hindi niya ito kakayanin.
Liparin mo na lamang ang iyong kayang liparin, at manalig kang sa pagdating ng hapon, o makailang oras, may ikikid sa iyong pabalik. Siya ring kumakalinga sa iyong buntot, tingting, at katawan, plastik ka man, dyaryo o papel de hapon.
Kung mamalasin:
Sugatan kang lalagwa.Pagnapatid na iyong hingal na pisi.Katawang payakmo’y mawawara’t magagapi.
Kung papalarin:
Buong buo iyong pagbabalikPag-inihapon.Kapag naiikid pabalikiyong hapong pisi.Katawang lantay ng kapayakanmo’y ‘di nawawarat ‘di nagapi.
Palarin ka man, tiyak pa ring mamalasin.pagkat
Bukas ng haponSasayaw ka na naman saKumpas ng bago’twalang timyas na
ssssshhhh.
Bumubugso na naman angamihan.
04/17/2006
message 21: by jzhunagev (new)
Dec 07, 2009 06:09pm
(Ito an pinakapaborito kong tulang tagalog. Napaka-eksistensyal ng paksa ng tulang ito. Napakalalim at mapapaisip ka talaga. Halina't basahin niyo ang isa sa maiindayog at matalinhagang tula ng napakagaling na si Joseng Batute.)Ang Bato Ni Jose Corazon de JesusI. Tapakan ng tao, sa gitna ng daan;Kung matisad mo’y iila-ilandangNgunit pagkatapos, pag ika’y namatay,Bato ang tatapak sa bangkay mo namanII. Batong tuntungan mo sa pagkadakila,Batong tungtungan ko sa pamamayapa;Talagang ganito sa lapad ng lupaAy hali-halili lamang ang kawawaIII. Balot ng putik, marumi’t maitimTinapyas at, aba! Brilyanteng maningning!Sa putik din pala ay may bituin dinNa hinahangaan ng matang titinginIV. Maralitang tao’y batong itinatapon,Sa lusak ng palad ay palabuy-laboy;Nag-aral at, aba! Noong makaahon,Sa mahirap pala nar’on ang marunongV. Ang batong malaki’y kay daling mabungkal,Ang batong brilyante’y hirap matagpuan,Ubod laking tipak, mura nang matimbang.Ga-mata ng isda’y pagkamahal-mahal.VI. Talagang ganito, madalas mamalasSa alimasag man ang malaki’y payat;May malaking kahoy sy sukal sa gubat,May mumunting damo, ang ugat ay lunas.VII. Ang bato sa ilog, ayun! Tingnan mo ba!Batong nasa agos, makinis, maganda,Batong nasa gilid, bahay ng talaba,Sadlakan ng dumi at nilulumot pa.VIII. O, batas ng buhay! Ang ayaw kumilos,Habang tumatanda’y lalong nilulumot.Kapag agos ng palad, ang takot sa agos.Malayong matutong lumangoy sa ilogIX. Tatlong tungkong bato, nagtutuwang-tuwangNang makaluto ka ng kanin sa kalanMapurol mang gulok at kampit na batingaw,Mapapatalim din ng batong hasaan.X. Sa tao, ang bato, aklat ang kagaya,Ang talim ng isip, tabak ang kapara;Hasa ka nang hasang sumulat-bumasa,Bukas-makalawa’y magiging pantas ka.XI. Kapag, nagkapingki bato mang malamig,May talsk na apoy na sumasagitsit;Ang noo ng tao, kapag nagkiskis,Apoy ng katwiran ang tumitilamsik!XII. At saka ang bato ay may katarungan,Taong nilulunod na bato ang pataw,Kung taong masama’y di na lumulutang,Ngunit kung dakila’y pumapaibabaw XIII. Bato ang korona ng hari sa tronoBato ang sabsaban na duyan niCristoBato ang lapida sa hukay ng taoItong mundo pala'y isang dakot na bato.
reply | flag *
message 22: by jzhunagev (last edited Dec 07, 2009 06:25pm) (new)
Dec 07, 2009 06:20pm
(Narito pa ang isang tulang pumukaw sa aking kaisipan. Sabi ng aming guro sa Filipino ang tulang ito raw ay may kinalaman sa katutubong ugali natin sa institusyon ng pag-aasawa at pagpapakasal. Ano pa man ang mensaheng nais ipabatid ng tula, ito ay nasasaiyo na abang babasa. Nawa'y may maikintal na kaalaman ng buhay ang tulang ito ni Ildefonso Santos.)Sa Tabi ng Dagat ni ILDEFONSO SANTOSMarahang-marahangManaog ka, Irog at kata’y lalakadMaglulunoy katangPayapang-payapa sa tabi ng dagatDi na kailangangSapinan pa ang paang binalat-sibuyas,Ang daliring garingSa sakong na wari’y kinuyom na rosas!Manunulay kataHabang maaga pa, sa isan pilapilNa nalalataganNg damong may luha ng mga bituin;Patiyad na tayoAy maghahabulang simbilis na hangin,Ngunit walang ingay,Hanggang sumapit sa tiping buhangin.Pagdating sa tubig,Mapapaurong kang parang nangingimi,Gaganyakin kataSa nangaroong mga lamang–kati;Doon ay may tahongTalaba’t halaang kabigha-bighani,Hindi kaya natinMapuno ang buslo bago tumanghali?Pagdarapit-haponKata’y magbabalik sa pinanggalingan,Ugatan ang paaAt sunog ang balat sa sikat ng araw…Talagang ganoon;Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,Lahat, pati puso,Ay naaagnas ding marahang-marahan.
reply | flag *
message 23: by jzhunagev (new)
Dec 07, 2009 07:05pm
(Narito pa ang isang tulang nagpabatid sa akin ng kung ano ang kahulugang mamuhay sa mundong ito. Gusto ang tulang ito dahil sa yaman nito sa simbolismo at sa nakapagandang rendering sa free verse)Ang Guryon ni Ildefonso SantosTanggapin mo, Anak, itong munting guryonNa yari sa patpat at papel de haponMagandang laruan pula, puti, asul,Na may pangalan mong gitna naroon.Ang hiling ko lang bago paliparinAng guryon mong ito ay pakatimbangin;Ang dulo't paulo'y sukating magalingNang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.Saka, pag humihip ang hangin, ilabasAt sa papawiri'y bayaang lumipadDapatwat ang pisi'y tibayan mo, Anak,At baka lagutin ng hanging malakas.Ibigin ma't hindi balang araw, ikaway mapapabuyong, makipagdagitanMakipaglabanan ka, subalit tandaanna ang nagwawagi'y ang pusong marangal.At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,Matangay ng iba o kaya'y mapatidKung saka-sakali di na mapabalikmaawaing kama'y nawa ang magkamit.Ang Buhay ay guryon marupok, malikot.Dagiti't dumagit saan man sumuot....O palirarin mo't ihalik sa Diyos,Bago patuluyan sa lupa'y sumubsob!
Sandosenang Sapatos ni Luis P. Gatmaitan, M.D.
Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming bayan. Marami ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang-Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga sapatos.
quot;
Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay ganda!quot;

quot;
Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas.quot;

quot;
Parang may madyik ang iyong kamay!quot;

Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao si Tatay. Bihirang magsalita.
Lumaki akong kapiling ang mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas ay kinaiinggitan ako ng mga kalaro at kaklase ko. Buti raw at sapatero ang Tatay ko. Lagi tuloy bago ang sapatos ko kapag pasukan, kapag pasko, kapag bertdey ko, o kung nakatanggap ako ng honors sa klase. Ginagawan pa niya ako ng ekstrang sapatos kapag may mga tira-tirang balat at tela.
quot;
Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng ate ko. Sa 'kin napupunta lahat ng pinagkaliitan n'ya,quot;
himutok ng isang kaklase.
Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay tagal naming hinintay na magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng Lola ko, sinagot na raw ang matagal nilang dasal na masundan ako.
quot;
Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos! Pero di bale, dalawa na kaming igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon.quot;

Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay.
quot;
Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiging anak natin!quot;

quot;
Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet . Gusto kong magkaanak ng ballet dancer ! Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga sapatos na pang- ballet .quot;

Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nang makita ang bago kong kapatid. Wala itong paa. Ipinanganak na putol ang dalawang paa!
Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko. Siguro raw ay binalak na ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang ang parte ng katawan. Nilusaw raw ng mga mapinsalang gamot ang kanyang mga paa. Isinumpa raw ng mga diwata ng sapatos si Tatay dahil mahal na itong sumingil sa mga pasadyang sapatos. O baka raw ipinaglihi si Susie sa manika.
quot;
Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?quot;

quot;
Nagkaroon kasi ako ng impeksyon anak. Nahawa ako ng German measles habang ipinagbubuntis ko pa lang ang kapatid mo. At.iyon ang naging epekto,quot;
malungkot na kuwento ni Nanay.
Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-araw, ganu'n ang naiisip ko kapag nakikita ko ang mga paa ni Susie. Kaya pinilit ko si Nanay na muling pag-aralin ako sa isang ballet school (dati kasi, ayaw kong mag-ballet). Pero.
quot;
Misis, bakit hindi n'yo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sa painting, o sa banduria class? Hindi yata talagang para sa kanya ang pagsasayaw,quot;
sabi ng titser ko sa Nanay ko.
Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie, at sa mga pangarap na masyadong mailap.

Saksi ako kung paanong minahal siya nina Tatay at Nanay. Walang puwedeng manloko kay Bunso. Minsan, habang kami ay nagpipiknik sa parke, may isang mama na nakakita kay Susie.
quot;
Tingnan n'yo o, puwedeng pang-karnabal 'yung bata!quot;
turo nito kay Susie.
Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon ko lang nakitang nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito. quot;
Ano'ng problema mo, ha?quot;

Mabuti't napigilan siya ni Nanay.
Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama , narinig kong kinakausap ni Tatay si Susie.
quot;
Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mas mahalaga sa amin ng Nanay mo na lumaki kang mabuting tao.at buo ang tiwala sa sarili.quot;
Masuyo niya itong hinalikan.
Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansin ko, kapag sinusukatan niya ang paa ko, napapabuntung-hininga siya. Pagkatapos ay titingin sa kuna.
quot;
Sayang, Bunso, di mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos na gawa ni Tatay.quot;
bulong ko sa kanya.

Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isa't isa. Hindi naging hadlang ang kawalan niya ng paa para makapaglaro kami. Marami namang laro na di nangangailangan ng paa. Lagi nga niya akong tinatalo sa sungka, jackstone , scrabble, at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya kapag may nanghaharot sa kanya. Ako ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate na alalay!
Noon ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad. Parehong magaling ang aming kamay kaysa aming mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ng mga kuwento. At oo nga pala, si Tatay, kamay rin ang magaling sa kanya!

Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isang pambihirang sapatos. Napakaganda raw nito sa kanyang mga paa.
quot;
May paa siya sa panaginip?quot;
gulat na tanong ko sa sarili.
quot;
Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap!quot;

Magbebertdey siya noon . At napansin ko, tuwing nalalapit na ang kanyang kaarawan, nananaginip siya ng mga sapatos.
quot;
Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at may malaking buckle sa tagiliran.quot;

Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri niya. Ang sapatos na puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Ang sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Ang sandalyas na parang lambat. Ang kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap.
Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya maski ang pinakamaliliit na detalye ng mga sapatos - ang disenyong bulaklak, ribbon, butones, sequins , beads , o buckle . Inaangkin niya ang mga sapatos na 'yon.
quot;
Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kuwento tungkol sa mga sapatos na napapanaginipan ko. Ikaw ang magdodrowing, ha?quot;

Paglipas pa ng ilang taon, namahinga na si Tatay sa paglikha ng mga sapatos. Gumagawa na lamang siya ng sapatos para sa mga suking di matanggihan. Noong nagdaos siya ng kaarawan, niregaluhan ko siya ng isa kong painting na may nakapintang isang pares ng maugat na kamay na lumilikha ng sapatos. Binigyan naman siya ni Susie ng isang music box na may sumasayaw na ballet dancer .
quot;
Pinasaya n'yo ang Tatay n'yo,quot;
sabi ni Nanay.
Pagkatapos noon , naging masasakitin na siya. Labindalawang taon si Susie nang pumanaw si Tatay.

Isang araw, hindi sinasadya'y napagawi ako sa bodega. Naghahalungkat ako ng mga lumang sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan Sa paghahalughog, nabuksan ko ang isang kahong mukhang matagal nang hindi nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na maingat na nakasalansan!
quot;
Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na hindi nai-deliver?quot;
tanong ko sa sarili.
Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na 'yon, nagulat ako. Taglay ng mga sapatos ang pinakamahuhusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat nito. May sapatos na pang-baby. May sapatos na pambinyag. May pang- first communion . May pangpasyal. May pamasok sa eskuwelahan. May pangsimba. May sapatos na pang-dalagita.
Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit na papel:
Para sa pinakamamahal kong si Susie,
Alay sa kanyang unang kaarawan
Inisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay Susie. Diyata't iginagawa ni Tatay si Susie ng mga sapatos?
Para kay Susie, lugod ng aking buhay
Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawan
Taon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa tuwing magdaraos ng kaarawan si Susie! Sandosenang sapatos lahat-lahat.
Handog sa mahal kong bunso
Sa kanyang ika-12 kaarawan
Napaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganu'n pala kalalim magmahal si Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakita ko kina Nanay at Susie.
quot;
H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa 'yo, Susie.quot;
Namuo ang luha sa mga mata ni Nanay. quot;
Inilihim niya sa akin ang mga sapatos.quot;

quot;
A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko.quot;
Hindi makapaniwalang sabi ni Susie habang isa-isang hinahaplos ang mga sapatos.
quot;
Ha?quot;

Noon ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni Susie.
Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap. Kulay pulang velvet na may malaking buckle sa tagiliran. Asul na sapatos na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri. Kulay puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Sandalyas na parang lambat. Kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap.
Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para maipasuot sa kanya ang mga sapatos?
Hindi ko tiyak.
Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang pagkakalikha sa kapatid ko. Pero may mga perpektong sandali. Gaya ng mga sandaling nilikha ni Tatay ang pinakamagagarang sapatos para kay Susie.
Celeste LegaspiSaranggola Ni Pepe lyrics
Matayog ang lipad ng saranggola ni PepeMatayog ang pangarap ng matandang bingiUmihip ang hangin, nawala sa paninginSigaw ng kahapon, nilamon na ng alonMalabo ang tunog ng kampanilya ni PadreMaingay ang taginting, rosaryo ng babaeNay... nay... nay... nay... Nay... nay... nay... nay... Matayog ang lipad ng saranggola ni PepeMatayog ang pangarap ng matandang bingiHinuli ang ibon, pinagsuot ng pantalonTinali ng pisi, hindi na nagsinturonDumaan ang jeepney at gumuhit pa sa kalyeMauling ang iniwang hindi na tinabiNay... nay... nay... nay... Nay... nay... nay... nay... Matayog ang lipad ng saranggola ni PepeMatayog ang pangarap ng matandang bingiLumuha ang langit at ang mundo ay nanliitPinilit umawit, ang naglaro'y isang ingitKumakaway sa bakod ang anghel na nakatanodSumusuway sa utos, puso'y sinusunodNay... nay... nay... nay... Nay... nay... nay... nay...