1. I. Ang Paggamit ng Tayutay
A. Hiwatig ng pananalita
Kung minsan ang makata ay may nais ipahayag nang hindi lantad sa mga mambabasa. Sa
pamamagitan ng pamamagitan ng pagbibigay ng mga pahiwatig, maaring mga tanda o
matatalinhagang pananalita, ay nasasabi niya nang mahusay ang nais niyang sabihin.
B. Ang mga Tayutay
Ang tayutay ay mga pahayag na ginagamit ng makata o manunulat man upang
sadyang ilayo sa karaniwang paggamit ang mga salita nang sa gayon ay nagkakaroon ito ng
hindi lantad o nakatagong kahulugan. Natutulungan nitong maging masining, maganda at
malalim ang kahulugan ng isang akda.
MATATALINHAGANG PANANALITA O TAYUTAY
GAMIT SA PAG-UUGNAY O PAGHAHAMBING
1. Simili o Pagtutulad (Simile) Ito ay simple at lantad na paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay (tao sa hayop, tao sa bagay, kalagayan sa bagay. atbp. Ginagamitan ito ng
mga salitang pantulad tulad ng mga sumusunod:
a. tulad ng mistulang kamukha ng
b. tila parang tulad ng
c. anaki’y gaya ng kawangis
d. mala
- Halimbawa: Mala-porselana ang kutis ng mga gumagamit ng sabon na ito. (porselana at kutis)
2. Metapora o Pagwawangis (Metaphor) Naghahambing ng dalawang magkaibang bagay sa
tuwirang paraan paraan. Hindi na ito gumagamit ng mga salitang pantulad.
- Halimbawa: Ang galit ay ang apoy na sumusunog sa aking puso. (galit at apoy)
3. Alusyon Ito ay ang paggamit ng mga sanggunian mula sa kasaysayan, panitikan, pulitika,
bibliya at iba pang aspekto ng buhay ng tao.
- Halimbawa: Ikaw ang aking Romeo at ako naman ang Julieta mo. (Romeo at Julieta – mga
tanyag na tauhan sa isang dula ni Shakespeare tungkol sa kapwa nasawing magsing-irog.)
4. Analohiya o Paghahalintulad (Analogy) Ito ay tambalang paghahambing at nagpapakita
ng ugnayan ng kaisipan sa kapwa kaisipan.
- Halimbawa: Ang mga dalaga ay bulaklak at ang mga binata naman ay bubuyog.
5. Metonomiya o Pagpapalit-tawag (Metonymy) Gumagamit ito ng salita o mga salitang sa
pagtawag o pagtukoy sa bagay o tao na pinatutungkulan.
- Halimbawa: Nagdiwang ang Malacañang sanhi ng pagpapalaya ng mga Pilipinong bihag ng
mga pirata sa Somalia. (Malacañang – Pangulo at kanyang mga opisyal)
6. Sinekdoke o Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) Bumabanggit ito ng isang bahagi upang
sakupin o tukuyin ang kabuuan o ng kabuuan upang tukuyin ang isang bahagi.
- Halimbawa: Handa kong ibigay ang puso ko upang makasal na tayo. (puso - buong katauhan)
GAMIT SA PAGLALARAWAN
7. Hayperbole o Pagmamalabis (Hyperbole) Ito ay lampas-lampasang pagpapasidhi ng
kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang
katangian, kalagayan o katayuan.
- Halimbawa: Bumaha ng dugo at umulan ng pera noong panahon ng eleksyon.
2. 8. Apostrope o Panawagan (Apostrophe) Ito ay isang madamdaming pakikipag-usap sa
isang tauhan na malayo o patay na na tila ba parang kaharap lamang. Maaari ring gamitin
ito para sa mga konseptong abstrakto.
- Halimbawa: O, Pag-ibig na makapangyarihan, pag ikaw ay nasok sa puso ninuman.
Hahamaking lahat masunod ka lamang.
9. Ekslamasyon o Padamdam - Isang pagpapahayag ng masidhing damdamin o hinaing ng
puso.
- Halimbawa: Ibig kong sumigaw, ibig kong umimik!
Ngunit ang Puso ko’y masakit, masakit!
GAMIT SA PAGSASALUNGATAN
10. Ironya o Balintunay – Gumagamit ito ng pag-uyam sa pamamagitan ng mga salitang
parang pumupuri o dumadakila. Subalit ang tunay na layunin nito ay mangutya ayon sa
himig o paraan ng pagkakasabi. Maaaring ang ironya ay sa isang pahayag o sa kabuuan ng
tula.
- Halimbawa: Pagkat bakit di kakain ang nagtanim?
Ang naglitson ng malutong patay-gutom.
Ang nagbihis sa makisig walang damit.
11. Paradoks o Salantunay – pahayag na nagsasabi ng katotohanan sa pamamagitan ng
paggamit ng mga salitang akala mo’y hindi totoo sa biglang dinig o basa.
- Halimbawa: Ang kalakasan ng isang babae ay nasa kanyang kahinaan. (Sino nga bang lalaki
mababagbag ang puso kapag umiiyak na ang isang babae?)
12. Oksimoron – Ito ay pagsasama ng isang salita o lipon ng mga salita na nagsasalungatan.
- Halimbawa: tunay na peke, batang matanda
13. Eupemismo o Paglumanay – Pumipili ito ng piling-piling mga salita na ginangamit sa
pagsasabi ng mahinahon. Ang mga salitang masakit sa damdamin ay naiiwasan.
- Halimbawa:
nasa piling na ng Diyos, kumain na ng alikabok, (namatay na)
kulang sa lambing (malupit)
14. Pagtanggi (Litotes) – Gumagamit ito ng salitang hindi o di upang magpahayag ng hindi
pagsang-ayon sa sinasabi. Nagbibigay-diin din ito sa makahulugang pagpanig sa
katotohanan ng sinasabi.
- Halimbawa: Hindi ko sinasabing madamot, ayaw mo lang talagang mamigay ng nakuha mong
biyaya.
GAMIT SA PAGSASALIN NG KATANGIAN
15. Personipikasyon o Padiwan-tao (Personification) Ito ay nagsasalin ng katangian ng tao
sa mga bagay na abstrakto o mga walang buhay. Gumagamit ito ng pandiwa.
- Halimbawa: Nagngitngit ang langit at naghagis ng matatalim na kidlat.
16. Paglilipat-wika (Transferred Epithets) Ito ay nagsasalin ng katangian ng tao sa mga bagay
na abstrakto o mga walang buhay subalit sa halip na pandiwa ay gumagamit ng pang-uri.
- Halimbawa: Mukhang hindi na magtatagal ang aking nakangiting sapatos.
GAMIT SA PAGSASATUNOG
3. 17. Onomatopeya o Pasintunog – Ito ay ang paggamit ng mga salitang ang tunog ay taglay
ang kaisipan at kahulugan nito.
- Halimbawa: pakpak na pumapagaspas, ulang lumalagaslas, manok na tumitilaok
18. Aliterasyon - paggamit ng mga salitang magkakatulad ang mga katinig sa unahan ng salita.
- Halimbawa: Gumagalang gutay-gutay na gagamba
19. Asonansya – ito ay ang pag-uulit ng magkakatulad na tunog ng patinig na magkakasunod
at magkakalapit na salita.
- Halimbawa: Bababa ka ba? Oo, bababa.
IBA PANG TAYUTAY
20. Tanong Retorikal o Pasagusay Nagpapahayag ito ng katanungan na pumupukas ng isip
at umaantig ng damdamin. Hindi ito naghihintay ng katugunan.
- Halimbawa: Malilimutan ba ng ina ang anak na galing sa kanya?
21. Pagsusukdol o Klaymaks Pinagsusunud-sunod nito ang mga mahahalagang kaisipan mula
sa pinamababang antas hangang sa pinakamataas o pinakamasidhi.
- Halimbawa: (Aklasan ni Amado V. Hernandez)
Pagkat ito ay simbuyong sumusubo.
Pagkat ningas na nagliyab at sumiklab
Pagbabangon ng ginutom at inulol.
Himagsikan ng nilinlang at pinatay.
22. Antiklaymaks Kabaligtaran ito ng klaymaks. Sa halip na papataas ay pababa naman ang
pagpapasidhi. O kaya ay mula sa panlahat hanggang sa tiyak.
Ang mga Idyomatikong Pahayag o Salitang Matalinghaga, ay parirala o pangungusap na ang
kahulugan ay kumpletong magkaiba ang literal na kahulugan ng salitang gawa sa matalinghagang
salita. Gayunman ang Idyomatikong Pahayag ay naging pangmalawakang gamit dahil ito'y
Makahulugang Mensahe.
HALIMBAWA:
1. nagasgasang bulsa-nakagastos ng malaki
2. matalim ang dila-masakit magsalita
3. agaw buhay-naghihingalo
4. anak pawis-magsasaka o mangagawa
5. anak dalita-mahirap
6. bungang tulog-panaginip
7. butot balat-payat na payat
8. makapal ang bulsa-maraming pera
9. butas ang bulsa-walang pera
10. dilang angel-nagsasabi ng totoo
11. tengang kawali-nagbibingbingihan
12. gintong kutsara-mayaman
13. matandang tinali-matandang binata
14. dilang pilipit-bulol magsalita
Ang Talata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang
bahagi ng isang buong pagkukuro, palagay, o paksang-diwa.
Anu-ano ang mga tuntunin sa pagsulat ng talata? ito ay laging nakapasok sa
unahan ng talata.lagi itong sisimulan sa mga malalaking leter: