NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
Teoryang pampanitikan handout 2
1. Teoryang Pampanitikan
1.Teoryang Realismo
Sa teoryang realismo, higit na mahalaga ang katotohanan
kaysa kagandahan. Hangad ng Realismo ang makatotohanang
paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan, at alin
pa mang pwedeng mapatunayan sa pamamagitan ng pag-iisip ng
tao.
Higit na binibigyang-pansin ng Realismo ang paraan ng
paglalarawan at hindi ang uri ng paksa ng isang akda. Kahit na ang
paksa ay buhay ng mababa o pangkaraniwang tao at hindi ng
mayayamang tao (gaya ng Klasismo), tanggap pa rin ito sa panitikan.
Ang tunay na mahalaga ay ang pagiging obhetibo ng awtor.
Para sa realista, walang tigil ang pagbabago. Ang tauhan ng
isang akda ay dapat na maipakitang nagbabago nang walang tigil,
kung hindi man sa kanyang pisikal na anyo, ay sa kanyang
sikolohikal, intelektwal, ispiritwal,o emosyonal na katauhan. Ang
kalikasan at ang ugnayan ng mga tao sa isa’t isa ay mahahalagang
salik sa pagbabago at pag-unlad ng tao mismo.
Isa sa mga simulain ng mga realista ay maipakita ang
mahahalagang papel ng kapaligiran, hindi lamang ang mga detalye
ng pook at panahon, kundi maging ang mga pwersang panlipunan na
nagtatakda sa kilos, gawi, at pag-iisip ng tao.
2. Teoryang Dekonstruksyon
Sa teoryang Dekonstruksyon, binibigyang-diin ang kamalayan
ng manunulat at ng mambabasa bilang mga produkto ng social
discourse na nakasulat. Ang akda ay nagsisilbing produkto ng isang
may-akda na tagapagdala o kaya tagapag-ingat ng isang tradisyong
pang-intelektwal at pampanitikan.
Ang dekonstruksyon ay tinatawag ding Post-istrakturalismo.
Ibig sabihin nito, hindi lamang wika ang binubusisi, kundi pati na rin
ang teorya ng realidad o pilosopiya at kung paanong hinuhubog nito
ang kamalayang panlipunan. Sinasabing ang maingat na paggamit
ng Istrukturalismo ay halos walang pinagkaibahan sa Dekontruksyon
dahil sa wika rin pinapanday ang kamalayang pansarili at panlipunan.
Iba pang simulain ng teoryang Dekonstruksyon:
a) Ang kahulugan ng akda ay nasa kamalayan ng
gumagamit nito at wala sa akda mismo. Habang
isinusulat ang akda, ang kahulugan nito ay nasa
kamalayan ng may-akda o manunulat. Ngunit oras na
ang akda ay nasa kamay na ng mababasa, ang
kahulugan ng akda ay nasa mambabasa na.
2. b) Maaring maraming maging kahulugan ang isang akda.
c) Ang akda ay may tiyak na kahulugan dahil sa
katiyakang likha ito ng tao.
3. Pananaw Arketipal
Ang arketipal o mitolohikal na pagdulog ay nahahawig sa
pananaw Sikolohikal, na nakatuon ang atensyon sa paraan ng
paglikha at ang epekto nito sa mambabasa. Ngunit higit na malawak
ang sinasaklaw ng pananaw Arketipal, dahil ang buong kalipunan ng
mga sagisag o simbolo at imahen na lumilitaw sa teksto ng
pandaigdigang kultura ang masusing pinagtutuunan nito ng pansin.
Sa pananaw Arkitipal, matatagpuan sa akda ang mga huwaran
o pardon at kaayusan ng buhay na makikita rin sa halos lahat ng uri
ng tao sa daigdig. Halimbawa ng arketipong tauhan ay ang bayani
sa mga epiko, na matipunong lalaki at may pambihirang
kapangyarihan na kayang iligtas ang sambayanan sa kapahamakan.
At bilang gantimpala sa kanyang katapangan, mapapangasawa niya
ang pinakamagandang dilag sa kanilang lugar.
Hindi lamang ang proseso ng paglikha ang sinusuri sa
pananaw Arketipal, kundi maging ang mismong ugat ng panitikan
hanggang sa kailaliman ng kamalayan.
Mapapansin sa mga akdang kababakasan ng pananaw
Arketipal ang sumusunod ayon kay Soledad S. Reyes(kinikilalang
kritiko sa panitikan):
a) Ang tauhan na humahamon sa kapangyarihan ng
makapangyarihang mga diyos ay pundamental na elemento
ng maraming akda.
b) Ang konsepto ng isang escape goat bilang sakripisyo para
sa kapakanan ng iba o nakararami.
4. Pananaw Sosyolohikal
Sa pananaw Sosyolohikal, hindi ang akda o teksto ang
pinagtutuunan ng pansin kundi ang konteksto nito at ang
impluwensya na nagbibigay hugis dito – halimbawa, ang talambuhay
ng may-akda, ang kalagayang politikal nang maisulat ang akda,
maging ang mga tradisyon na maaring nakaimpluwensya dito, at iba
pa.
Sa pag-aanalisa ng isang akdang pampanitkan, ang mga kritiko
ay gumagamit ng mga kategorya mula sa sosyolohiya tulad ng uri ng
kinabibilangan, sekswalidad, istrukturang panlipunan, sosyalisasyon,
at iba pa. May kalayaan ang kritiko na sakupin ang lalong malawak
na larangang kontekswal ng akda. Maisasangkot niya ang buong
lipunan – politika, etika, kultura, ekonomiya, pilosopiya, at iba pa
upang lubos na maunawaan ang akda, dahil ang mga ito rin naman
ang nagbibigay hugis sa kabuuan ng akda.
3. 5. Pananaw Feminsmo
Pinagtutuunan ng pananaw Feminismo ang kalagayan o
representasyon ng kababaihan sa isang akda. Layunin nito na
baguhin ang mga de-kahong imahen o paglalarawan sa kababaihan
sa anumang uri ng panitikan.
Layunin ng pananaw na ito na masuri ang mga akdang
pampanitikan sa paningin o perspektiba ng babae. Dahil sa matagal
na panahon, halos mga lalaki ang nagsusuri kung kaya hindi man
maka-lalaki ang pananaw, ay nagtatanghal lamang ng mga nagawa
ng kalalakihan.
Kapansin-pansin sa mga akdang mulat sa Feminismo, na ang
tauhang babae ay aktibong nakikilahok sa mahahalagang pangyayari
sa kwento, may sariling pananaw, at higit sa lahat, may paninindigan
bilang tao. Hindi tagasunod lamang, kundi tagapanguna ng isang
pagbabago.
6. Pananaw Sikolohikal
Sa pananaw Sikolohikal, ang pinagtutuunan ng pansin ng
kritiko ay ang proseso ng paglikha at ang ugnayan ng may-akda at ng
kanyang akda. Sinisikap masagot ng pananaw Sikolohikal ang mga
tanong na: Paano nagsisimula ang sining? Sino ang
pinanggagalingan nito? Ano ang papel at katangian ng may-akda.
Maraming aspekto ang pananaw Sikolohikal. Ang mismong
akda ay maaring suriin ng isang kritiko, maging ang mga tauhan sa
loob ng akda, ang mga motibasyon nito, ang epekto ng nakaraan sa
kanila, at maging ang relasyon nila sa isa’t isa. Bukod dito, maari rin
namang maging tuon ng isang kritiko sa pagsusuri – na may sapat na
kaalaman sa siyensya ng sikolohiya at psychiatry – ang mga
simbolismo, sagisag, o imahen na matatagpuan sa mismong akda.
7. Pananaw Marxismo (Karl Marx at Freidrich Engels)
Sa pananaw Marxismo, binibigyang-diin ang tunggalian at ang
labis na pagkakaiba ng mga uri sa lipunan. Nagbibigay rin ito ng
malawakang solusyon sa kawalan ng katarungan sa pamamagitan ng
paglulunsad ng mga programang magpapalaya sa mga
manggagawa. Ang panitikan sa ganitong pananaw ay instrumento
ng pagbabago o behikulo upang gisingin ang kamalayan ng tao sa
kanilang kalagayang api.
Mga Katangian ng Akdang Kababakasan ng Pananaw
Marxismo:
a) Hindi maihihwalay ng kritiko ang akda sa konteksto nito sa
lipunan at sa panahong naisulat ito.
b) Maaring maihiwalay ang laman (content) at anyo (form) ng
akda sa pagsusuri.
4. c) Mahalagang kilalanin ang manunulat ng akda, ang uring
kanyang kinabibilangan, at ang mga impluwensya sa
kamalayan niya.
8. Pananaw Eksistensiyalismo
Sa pananaw Eksistensiyalismo, dapat igalang ang kalayaan,
pagka-responsable, at indibidwalismo ng bawat tao – ng
manunulat o ng mambabasa. Walang maaaring magsabi kung
alin ang tama o mali, ang totoo o malikmaata, importante o walang
silbi, maliban lamang sa mismong taong nakaranas nito.
Sa madaling-salita, ang pananaw Eksistensiyalismo, bilang
isang teorya ng panitikan ay hindi teorya kundi isang paniniwala –
paniniwalang hindi tunay o totoo ang buhay kung ito ay
nakakulong sa isang sistema ng paniniwala.
Sa teoryang Eksistensiyalismo, ang bawat tao ay may
kalayaang pumili sa kanyang sarili. Dahil sa kalayaang ito, ang
tao ay responsible sa anumang maaaring kahinatnan o maging
resulta ng kanyang ginawang pagpili.
Sa mga akdang pampanitikan, tulad ng nobela, ang
Eksistensiyalismo ay nakikita sa mga tauhan o karakter na may
kalayaang pumili para sa kanilang sarili. Taglay ng mga tauhang
ito ang katatagan o kung minsan ay kahinaan, upang hamunin o
tanggapin ang resulta ng kanilang kalayaang pinili.
9. Pagdulog na Moralistiko
Sa akdang pampanitikan nakapaloob ang pagtalakay sa
kaasalan, kaisipan at damdamin ng tao. Ayon kay Ruskin
(1965) “itaas an gating pagpapasya o panlasa upang makaabot
sa kinikilalang matapat at tumpak sa tunay na buhay,bigyan
tayo ng pagkakataong makisalamuha ng mga lalong marunong
na kapwa diwa natin sa lahat ng panahon at sa lahat ng bayan,
bagamat tayo’y dukha at di-kilala at tumulong sa pagpapahatid
ng malinaw na layunin sa lalong nalalayong pook…”
Tinatalakay ang immoral at moral na isyo sa akda. Ngunit
bigyang pansin ang kultura, pamumuhay, paniniwala,
pamantayan ng isang bansa.
10. Pagdulog na Istaylistiko o Pangkaanyuan
Ito ay pagsusuri sa istilo at pamamaraang ginamit ng
may-akda. Maaring suriin ang wikang ginamit, paningin, paraan ng
paglalarawan ng tauhan at pangyayari. Ang istilo ba ay tradisyunal o
di-kumbensyunal na ginagamitan ng flashback, dialogue o stream of
consciousness at foreshadowing.
Karagdagang Teorya at Impormasyon
5. Mga Teoryang Pampanitikan
Teoryang Klasismo/Klasisismo
v Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng
estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari,
matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
Teoryang Humanismo
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon
ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
Teoryang Imahismo
v Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga
damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na
madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na
paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong
kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
Teoryang Realismo
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa
kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi
tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo
ng kanyang sinulat.
Teoryang Feminismo
v Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at
iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang
panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay
ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
Teoryang Arkitaypal
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo
sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan
sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang
lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa
mga mambabasa.
Teoryang Formalismo/Formalistiko
v Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa
kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at
walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t
pang-unawa.
Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
v Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig
(factor) sa pagbuo ng naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa
isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o
nagkakaroon ng panibagong behaviordahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.
Teoryang Eksistensyalismo
6. v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon
para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human
existence).
Teoryang Romantisismo
v Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa
tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang
maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
Teoryang Markismo/Marxismo
v Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling
kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at
suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan
sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
Teoryang Sosyolohikal
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang
kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo
sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa
magpuksa sa mga katulad na suliranin.
Teoryang Moralistiko
v Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad
ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o
proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay
napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
Teoryang Bayograpikal
v Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-
akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-
akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga
“pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa
mundo.
Teoryang Queer
v Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa
mga homosexual. Kung ang mga babae ay mayfeminismo ang mga homosexual naman
ay queer.
Teoryang Historikal
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita
na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
Teoryang Kultural
v Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam.
Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa
mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.
Teoryang Feminismo-Markismo
7. v Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa
suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon
bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng
lipunan.
Teoryang Dekonstruksyon
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-
udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay
ang kabuuan ng pagtao at mundo.
P O ST E D B Y K A D I P A N
Mga Sanggunian
Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular: piling sanaysay, 1976-1996
Soledad S. Reyes
ADMU Press, Quezon City, Philippines, 1997
Panunuring Pampanitikan (Teorya at Pagsasanay)
Patronicio V. Villafuerte
Mutya Publishing House, Valenzuela City, Philippines, 2000
PLUMA III: Wika at panitikan para sa mataas na paaralan
Ailene G. Basa, Mary Grace C. del Mundo, Nestor S. Lontoc at Alona M. Dayag
Phoenix Publishing House, Inc., Quezon City, Philippines, 2004
http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-pampanitikan.html