SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 16
Pagsulat ng Balita
PAMAMAHAYAG: PAGSULAT NG BALITA
Balita – ito’y maaaring pasulat o pasalita sa mga pangyayaring naganap na, nagaganap o
magaganap pa. Lamang.
Salik na Mahalaga sa Balita – mga pangyayari, kawilihan at mambabasa.
Katangian
1. May ganap na kawastuhan- dapat tumpak, paktual, maayos ang mga detalye na
inilahad, tamang pagbibigay diin, hindi magulo ang diwa.
2. walang kinikilingan
3. Kaiklian
4. Kalinawan
5. Kasariwaan
6. timbang-kaukulang diin sa bawat katotohanan
Anyo ng Balita
1, Tuwirang Balita – sinusulat ito batay sa baligtad na piramide mula sa pinakamahalaga
hanggang sa pinakamaliit na kahalagahan ng balita. Hindi maligoy at maikli ang mga
pangungusap na madaling maunawaan ng mga mambabasa.
2. Balitang Lathalain – nababatay sa tuny na pangyayari ng katulad ng tuwirang balita.
Ang karaniwang ayos nito ay ang pinagpalibang pinakamahalagang pangyayari (susupended
interest structure), kagaya ng ayos ng isang kuwento. Ito ay nasa pagitan ng pagbabalita,
editorial o lathalain batay sa paksa at pamamaraan.
3. Balitang Iisang Paksa – iisang pangyayari o paksa ang taglay ng pamatnubay. Sa
katawan ng balita ipinaliliwanag ang mga detalye.
4. Balitang Maraming Itinatampok – Maraming bagay o paksa ang itinatampok sa
pamatnubay. Nakahanay sa pahupang kahalagahan (according to decreasing importance).
Ang pagpapaliwanag sa mga paksa ay nakahanay sa katawanng balita na ayon din sa
pagkakaayos ng mga ito sa pamatnubay.
Hakbang sa Pagsulat ng Balita
1. Isulat ng buod
2. Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o paliit na kahalagahan.
3. Hanapin ang impormasyong itatampok sa pamatnubay. Unahin ang pinakatampok.
4. Isulat ang balita ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa pababang
kahalagahan.
Mungkahing Paraan sa Pagsulat ng Balita
1. Isulat kaagad ang balita.
2. Bigyang diin at palawakin ang nangingibabaw na pangyayari.
3. Maging tumpak.
4. Iwasan ang magbigay ng opinion.
5. Banggitin ang awtoridan o pinagmulan ng balita lalo na kung a. nangingibabaw ang
opinion, 2. ang balita ay kontrobersyal, 3. ito ay nagpapatalastas ng bagong
regulasyon.
6. Ibigay ang buong pangalan ng tao sa unang pagbanggit pagkatapos ng G. Bb. O
Gng.
7. Ilahad ang pangyayari na walang kinikilingan.
8. ipakilala ang pangalang binanggit.
9. Iwasan ang paggamit ng kulay sa paggamit ng salita o pariralang maaarinf
makapinsala sa paniniwala at asal ng mambabasa o ng ibinabalita.
10. Simulan sa kawili-wiling pangyayari.
11. Sumulat ng maikling pangungusap gamit ang payak at tiyak na salita.
12. Ilagay ang tuwiran at di-tuwirang sabi sa magkakahiwalay na talata.
13. Iwasan ang pampakapal o pampahabang pangungusap.
14. Sumulat ng mabisang pamatnubay gamit ang ASSaKaBa.
15. Gamitin ang tinig na tukuyan (active voice) kaysa balintiyak (passive voice) maliban
kung layon ang higit na mahalaga kaysa gumaganap.
Kasukdulan Pababang Kahalagahan
Ang ASSaKaBa ay lagging nasa
pamatnubay ng balita. Kung minsan
ang ibang ASSaKABa ay nasa
ikalawang parapo na kilala sa tawag na
supported lead. Ang pamatnubay ang
siyang puso ng balita, sapagkat narito
ang Ano, Sino, Saan, Kailan at Bakit.
Kahalagahan
Datos
Ang mga Uri ng Pamatnubay
1. Pamatnubay ( summary lead) na nakapaloob lahat ang mga bumubuo ng
ASSaKaBa at paano na siyang buod ng balita.
Hal.
Tinanghal na kampeon ang Mataas na Paaralan ng Rizal, Pasig City laban sa 49 na
pangkat mula sa 25 na paaralang pribado at publiko sa Tagisan ng kaalaman sa Kalikasan
’03 nang makapagtala ng 39 na puntos ang deligado ng MPR laban sa kanilang katunggali
na ginanap sa UP College of Geological Science noong Pebrero 22.
2. Pamatnubay na nakakagulat (punch lead) Maaari ito ay isang salita o maikling
pangungusap.
Hal.
Katarungan!
Ito ang sigaw ng mga Overseas Contract Workers na siyang tinaguriang bagong
bayani ng bansa sa ginanap na Press Conference na idinaos sa National Press club dahil sa
pagkamatay nina Delia Maga at Flor Contemplacion.
3. Naglalarawan pamatnubay ( descriptive lead ) naglalarawan ng mga
pangyayaring mahalaga na may kaugnayan sa isang natatanging okasyon o
pangyayaring may kaugnayan sa napakahalagang pangyayari.
Hal.
Mula sa itaas ng Bundok ng Samat at natanaw niya sa kanyang kinatatayuan ang
maputing ulap na tila bulak na puting-puti nakakumot pa sa kagubatang iyon. Alam niya,
limang kilometro mula sa kanilang kinaroroonan paakyat na ang pulutong ng mga kawal-
Hapones. Sila’y tila langgam, pero siya ay hindi natitinag. Hawak niya ang kanyang baril
katulad ng kaniyang mga kasamahang kawal ng digmaan.
4. Pamatnubay na naghahambing ng dalawang pangyayari (contras lead )
Hal.
Binuhay ng Edsa 1986 ang natutulog na damdaming makabayan ng mga Pilipino,
pinukaw naman ng pagdiriwang ng 10th
World Youth Day ang nanghihinang
pananampalataya ng buong sambayanan.
5. Pamatnubay na patanong (question lead) Patanong ang simula ng pamatnubay.
Hal.
Maunlad na kaya ang Pilipinas sa taong 2008?
6. Pamatnubay na masidhi ang paglalarawan (picture lead ) halos kauri ito ng
descriptive lead, ang natatanging pagkakaiba nito sa huli higit na nakakaakit ito dahil
sa emosyon, sa panahong nagsusulat ang reporter ay sumsanib sa kanya ang
lungkot ng damdamin at emosyon ng kanyang paksa.
Hal.
Hindi na nila muling maririnig ang iyak ni Nene. Si Nene ay isang musmos na
larawan ng kawalang malay. Maitim siya, bilugan ang mukha, kulot ang buhok at malimit
siyang tuksuhin ng kanyang kapwa bata na negra. Pero sa kanyang bagong ina’t ama na
kumalinga sa kanya, nang magsara ang Base Militar si Nene ay isang munting anghel. Di na
nila muling narinig ang halakhak at iyak ni Nene. Kasama siya sa nagging biktima sa
trahedya sa Bocaue, Bulacan.
7. Siniping pamatnubay (quotation lead) Maaari ito ay mula sa kasabihang Pilipino,
sa mga salawikain na inuugnay sa isang pangyayari. Kalimitan ang mga balitang
galling sa interview, talumpati, forum, seminar ay ginagamitan ng siniping
pangungusap.
Hal.
‘Kami ay di nagtapos ng PH degree. Wala kaming MA sa Journalism. Sabi ng iba ay
wala kaming K – Karapatan, pero kami namay nagtapos sa unibersidad ng H.K. Hard
Knock, karanasan ang nagging guro naming sa pagsusulat.’
Ang mga salitang maaaring gamitin sa pagsulat ng pamatnubay bilang simula ng
pangungusap.
1. Hinirang 31. nakiramay
2. Pinili 32. Sinimulan
3. Kinondena 33. Nanalo
4. Nakamit 34. Binuksan
5. Binalaan 35. Napili
6. Nanumpa 36. Naragdagan
7. Nagwagi 37. Nahalal
8. Nanawagan 38. Isinasaayos
9. Pinangunahan 39. Natamo
10. Tinutugis 40. Hindi nasiyahan
11. Muling nagkaisa 41. Bumisita
12. Inilunsad 42. Itinanghal
13. Ipinagdiwang 43. Sisikapin
14. Nanguna 44. Inihayag
15. Itinaguyod 45. Nangako
16. Kinoronahan 46. Pinamahalaan
17. Idinaos 47. Tinaguyod
18. Pinarangalan 48. Inalayan
19. Tumanggap 49. Napili
20. Hiniling 50. Naisakatuparan
21. Napagwagian 51. Nagbigay
22. Sinimulan 52. Inaasahan
23. Ginawaran 53. Ipinahayag
24. Nasakote 54. Nagkaroon
25. Nasabat 55. Naglaan
26. Isiniwalat 56. Itinatag
27. Nag-uwi 57. Binatikos
28. Naghandog 58. Napag-alaman
29. Namahagi 59. Nagtapos
30. Binigyang-diin 60. Nakuha
Mga Katangian ng Mahusay na Balita
1. Ganap na Kawastuhan
Dead on arrival sa ospital ng Makati ang 64 anyos na si Dulce Quintan Saguisag
sanhi ng pagkabasag ng bungo at pinsala sa katawan matapos na salpukin ng
dump truck ang kanilang van kahapon ng madaling araw sa Makati City.
2. Timbang- Kaukulang diin sa bawat katotohanan
Ayon sa ulat dakong alas- 12:30 ng madaling araw kahapon nang maganap ang
insidente sa gate ng bahay ng biktima ng naturang lugar.
Nabatid na naglalakadpauwi ang biktima matapos na makipag-inuman sa ilang
kapitbahay at nang papasok sa kanilang gate ng bahay ay biglang sumulpot ang
suspek mul sa isng madilim na bahagi hawak ang di-mabatid na kalibre ng baril.
3. Walang Kinikilingan
Inamin ni Geronimo na siya mismo ang may kasalanan dahil nagulat siya nang
biglang sumulpot ang van. Iginiiit din niya na naka-green light kaya tuloy-tuloy
siya.
Sinalungat naman ng isang taxi driver na si Joeffrey Olmagiz, 28, ng Holy
Spirit, Quezon City, ang pahayag ng driver ng dump truck. Sinabi niya na kasunod
siya ng sasakyan ni Saguisag at naka-green light sila.
Kahalagahan ng Balita
1. Nagbibigay Impormasyon
Ang kakabaihang regular na natutulog nang mas kokonti pa sa pitong oras gabi-
gabi ay may mas mataas na panganib sa pagtaas ng presyon ng dugo, ayon s isang
bagong pag-aaral.
Natuklasan ng mga mananaliksik na Briton na sa mahigit 10,000 adults na
isinailalim sa pag-aaral sa loob ng limang taon, ang kababaihang gabi-gabing
natutulog ng anim na oras o mas konti pa ay may mas malaking posibilidad na
tumaas ang presyon ng dugo kaysa sa mga babaeng natutulog nang maayos.
2. Nagtuturo
Ang relaxation techniques ay isang mabuting paraan para labanan ang strees at
mapanatili ang magandang kalusugan.
Subukin ang mga sumusunod na para tulungan kang magrelaks:
· Pasiglahin ang kalamnan sa pamamagitan ng masahe.
3. Lumilibang
Siyempre naman, nag-aalala ako nang malaman ko na kinagat ng pusa si Gladys
Reyes sa presscon ng My Only Love. Nakakaloka ang pusa dahil gumawa ito ng
sariling eksena para mapansin siya.
4. Nakapagpapabago
Matapos na masangkot sa anomalya ang mga pulis ng Manila Police District-
Station Anti Illegal Drugs, iniutos ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbalasa sa 11
police station ng Manila police District ( MPD)
Sangkap ng Balita
1. Aksyon o pakikihamok
Hindi sa dating labanang super feather weigth division maaring magkitang muli
sina Filipino boxing hero Manny Pacquiao at Mexican world champion Juan Manuel
Marquez.
2. Nakagaganyak sa mga Tao
Ayon kay Duque, kailangang pag-aralan kung ano ang nagtulak sa 12-
anyos na bata na kitlin ang kanyang buhay. Si Mariannet Amper ay nagbigti nang
di maibigay ng kanyang ama na si Isabelo ang Php 100 na gagamitin sa school
project.
3. Kakaiba
Inilabas na kahapo sa ICU ng pasay City General Hospital ang isang buwang
sanggol na pinapak ng mga naglalakihang daga, kamakailan sa nabanggit na
lungsod upang isalang naman sa surgical operation.
4. Nagaganap sa Kasalukuyan
Nanindigan kahapon sina Sens. Panfilo Lacson at Richard Gordon na hindi na
maaring tumakbo sa 2001 presidential eletions si Dating Pangulong Joseph
Estrada.
5. Naganap sa malapit na pook
Patay ang apat katao, marami pa ang nasugatan, habang anim namang
kabahayan ang nawasak matapos ang isang malakas na pagsabog sa isang
umano’y pagawaan ng bomba sa siyang sub-divisin sa Bacoor,Cavite kahapon ng
hapon.
6. Pagsulong
Isinusulong ng Dangerous Drugs Board sa Kongreso ang pagpapasa ng
batas upang payagan ang mga law enforcement agencies na magsagawa ng
wiretapping sa paglaban sa illegal na droga sa Pilipinas.
7. Romansa o Pakikipagsapalaran
Isang 18-anyos na dalaga ang nagpatiwala sa pamamagitan ng pag-inom ng lason
matapos nitong malaman na nakabuntis ng ibang babae ang kanyang nobyo
kahapon ng umaga sa Malabon City.
8. Bilang o Estadistika
Natuklasan ng isang grupo ng Tufts University na ang mga taong may
normal blood zinc concentrations ay halos 50% malayong magkaroon ng
pneumona kaysa sa mga may mababang concntratins.
Pamatnubay - pangunahing bahagi ng isang balita na natatagpuan sa unang
talata. Ito ay naglalaman ng pinakatampok o pinakamahalagang pangyayari sa
balita.
Dalawang Uri ng Pamatnubay:
1. Kombensyonal – Nilalaman nito ang kasagutan sa mga tanong na ano, sino,
bakit, Kailan at paano.
1.
1. Binibigyan- diin ang tao - ( Sino )
Bumuo kahapon si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Anti Kotong at Anti-
Colorum task force bilang tugon sa panawagan ng transport section na magtaas
ng pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
1.
2. Binibigyang-diin ang pamamaraan ( Paano )
Malaking tulong ang computer sa ating mga anak sa pagri-research. Pero minsan,
naabuso rin ito kapag masyado na silang nalilibang lalo na sa paggamit ng
Internet.
1.
3. Binibigyang – diin ang sanhi o dahilan – ( Bakit )
Binabantayan umanong mabuti ng Philippine National Police ang ilang lugar sa
Mindanao na posibleng gamitin ng kontrobersyal na dating election supervisor na
si Lintang Bedol na labasan patungo sa ibang bansa.
1.
4. Binibigyang- diin ang pangyayari – ( Ano )
Isang nakagigimbal na opresa ang ibinigay kagabi ng papasikat na cue artist na si
Joven Bustamante ng Pilipinas kay dating world pool champion Wu-Chia-Ching ng
taipei matapos itakas ang 10-8 tagumpay at isulong sa round – of-16 ang laban sa
prestihiyosong 2007 World Pool Championship sa Big Dome.
1.
5. Binibigyan diin- ang lugar o pook na pinaganapan ( Saan )
Bacoor, Cavite- Tatlo katao ang namatay , 12 sugatan at 14 na bahay ang nasira
nang sumbog ang mga dinamitng ina-aassemble sa isang bahay dito.
1.
6. Binibigyan diin- ang araw o petsa - ( Kailan )
Lilipad ngayong linggo patungong Beijing, China ang national Wushsu Squad
upang magpartisipa sa prestihiyosong 9th
World Wusshu Championship mula
Nobyembre 11-15.
2. Di- Kombensyonal na Pamatnubay- Nagsisimula ito sa payak na pahayag o
sanligan nang nangyari nang balita na may karugtong sa kasalukuyang
balita.
1. Payak na Pahayag
2.
1. Payak na Pahayag
Hiniling ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Business leaders na
tumutulong para maibsan ang kahirapan at dami ng mga nagugutom.
2.
2. Nakaraang balita na karugtong ng bagong balita.
Agad na nakiramay si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa sinapit na trahedya ni
dating Sen. Rene Saguisag at may bahay nitong si Dulce na naaksidente
sa Makati City kahapon ng madaling araw.
2.
3. Siniping sabi ( siniping pahayag )
“ Gov’t wag sisihin sa suicide “
Ayon kay Pangulong Arroyo, di dapat sisihin ang gobyerno sa pagpapakamatay
ni Mariannet Amper dahil ang Davao City ay highly –urbanized at di kabilang sa
priority area.ang lalawigan ay dir in kabilang sa 10 pinakamahirap sa bansa.
2.
4. Pagtatanong na sinasagot kaagad ng sumulat upang linawin sa
mambabasa ang tinatalakay.
Kung mataas ang LPG dama mo ba ang malakas na piso?
Umabot na sa $ 100 kada bariles ang presyo ng petrolyo sa world market!
Nangangahulugan na lolobo sa Pph3 hanggang Pph5 ang presyo kada litro ng
petrolyo. Kaya lahit bumaba ang dolyar kontra piso ay patuloy pa ring magiging
kawawa ang mga obrerong apektado ng pagtaas ng langis.
2.
5. ,Paglalahad ng kaibahan
Higit na mataas ang populasyon ng mag-aaral sa Pilipinas na umabot sa 18 Milyon
lamang kumpara nang nagdaang tatlong taon na may 15 Milyon lamang na
nagpatalang mag-aaral.
2.
6. Hindi hayagang sinbi ng nagsasalita.
Malaki ang paniniwala ng Philippine National police ( PNP ) na posibleng
nakatakas na palabas ng bansa ang wanted na election supervisor na si Lintang
Bedol sa pamamagiatn ng pagdaan nito sa “ southern backdoor’ bago pa man
magpalabas ng kauusan ang Comelec na hulihin siya.
Sanggunian: Gabay sa Pag-aaral ng Pamamahayag sa Elementarya at Sekondarya Ni Alex M. Magsino
Pamamahayag Pangkampus ni Ceciliano Cruzlick to add text, images, and other content

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Elemento ng maikling kuwento
Elemento ng maikling kuwentoElemento ng maikling kuwento
Elemento ng maikling kuwento
eijrem
 
Elemento Ng Tula
Elemento Ng TulaElemento Ng Tula
Elemento Ng Tula
rosemelyn
 
Uri ng panitikan
Uri ng panitikanUri ng panitikan
Uri ng panitikan
SCPS
 

Was ist angesagt? (20)

Pagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalainPagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalain
 
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salitaIba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
 
Halimbawa ng mga Lathalain
Halimbawa ng mga LathalainHalimbawa ng mga Lathalain
Halimbawa ng mga Lathalain
 
Pahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusPahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampus
 
Editoryal
EditoryalEditoryal
Editoryal
 
Pagwawasto ng Kopya at Pag uulo ng Balita (CRHW)
Pagwawasto ng Kopya at Pag uulo ng Balita (CRHW)Pagwawasto ng Kopya at Pag uulo ng Balita (CRHW)
Pagwawasto ng Kopya at Pag uulo ng Balita (CRHW)
 
Talata
TalataTalata
Talata
 
Pangatnig
PangatnigPangatnig
Pangatnig
 
Pagwawasto ng sipi at pag uulo ng balita
Pagwawasto ng sipi at pag uulo ng balitaPagwawasto ng sipi at pag uulo ng balita
Pagwawasto ng sipi at pag uulo ng balita
 
Elemento ng maikling kuwento
Elemento ng maikling kuwentoElemento ng maikling kuwento
Elemento ng maikling kuwento
 
Editoryal o pangulong tudling
Editoryal o pangulong tudlingEditoryal o pangulong tudling
Editoryal o pangulong tudling
 
Uri ng pang abay
Uri ng pang abayUri ng pang abay
Uri ng pang abay
 
Copy Reading (Campus Journalism)
Copy Reading (Campus Journalism)Copy Reading (Campus Journalism)
Copy Reading (Campus Journalism)
 
Ang sugnay
Ang sugnayAng sugnay
Ang sugnay
 
Buwan ng wika quiz bee
Buwan ng wika quiz beeBuwan ng wika quiz bee
Buwan ng wika quiz bee
 
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationPonemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
 
Elemento Ng Tula
Elemento Ng TulaElemento Ng Tula
Elemento Ng Tula
 
Uri ng panitikan
Uri ng panitikanUri ng panitikan
Uri ng panitikan
 
BALITA
BALITABALITA
BALITA
 
Tayutay
TayutayTayutay
Tayutay
 

Ähnlich wie Pagsulat ng balita at pamamahayag

Ähnlich wie Pagsulat ng balita at pamamahayag (20)

pagsulat ng balita.pptx
pagsulat ng balita.pptxpagsulat ng balita.pptx
pagsulat ng balita.pptx
 
Balita
BalitaBalita
Balita
 
Tamang Pagsulat ng Balita Heheheheheheheheh
Tamang Pagsulat ng Balita HehehehehehehehehTamang Pagsulat ng Balita Heheheheheheheheh
Tamang Pagsulat ng Balita Heheheheheheheheh
 
Elemento ng Maikling Kwento.pdf
Elemento ng Maikling Kwento.pdfElemento ng Maikling Kwento.pdf
Elemento ng Maikling Kwento.pdf
 
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
 
ARALIN 3.6 TALUMPATI Mula sa Bansang South Africa Grade 10
ARALIN 3.6 TALUMPATI Mula sa Bansang South Africa Grade 10ARALIN 3.6 TALUMPATI Mula sa Bansang South Africa Grade 10
ARALIN 3.6 TALUMPATI Mula sa Bansang South Africa Grade 10
 
Popular-na-Babasahin.pptx filipino 8 quarter 2
Popular-na-Babasahin.pptx filipino 8 quarter 2Popular-na-Babasahin.pptx filipino 8 quarter 2
Popular-na-Babasahin.pptx filipino 8 quarter 2
 
Sypnosis JHON REPORT.pptx
Sypnosis JHON REPORT.pptxSypnosis JHON REPORT.pptx
Sypnosis JHON REPORT.pptx
 
Unang araw balita, isports, editoryal, lathalain
Unang araw balita, isports, editoryal, lathalainUnang araw balita, isports, editoryal, lathalain
Unang araw balita, isports, editoryal, lathalain
 
Mga teknik at kagamitang pampanitikan
Mga teknik at kagamitang pampanitikanMga teknik at kagamitang pampanitikan
Mga teknik at kagamitang pampanitikan
 
Paglalahad ng katuwiran at pagbuo ng makabuluhang tanong.pptx
Paglalahad ng katuwiran at pagbuo ng makabuluhang tanong.pptxPaglalahad ng katuwiran at pagbuo ng makabuluhang tanong.pptx
Paglalahad ng katuwiran at pagbuo ng makabuluhang tanong.pptx
 
Filipino 10 Q2 MODULE 6.pptx
Filipino 10 Q2 MODULE 6.pptxFilipino 10 Q2 MODULE 6.pptx
Filipino 10 Q2 MODULE 6.pptx
 
Talakayan.pptx
Talakayan.pptxTalakayan.pptx
Talakayan.pptx
 
KAUGNAYANG RETORIKAL Q1-W5.pptx
KAUGNAYANG RETORIKAL Q1-W5.pptxKAUGNAYANG RETORIKAL Q1-W5.pptx
KAUGNAYANG RETORIKAL Q1-W5.pptx
 
TEKSTONG IMPORMATIBO.pptx
TEKSTONG IMPORMATIBO.pptxTEKSTONG IMPORMATIBO.pptx
TEKSTONG IMPORMATIBO.pptx
 
Balita sa Pamamahayag
Balita sa PamamahayagBalita sa Pamamahayag
Balita sa Pamamahayag
 
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptxAng Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
 
Fili 7 Q1 Ppt #2.pptx
Fili 7 Q1 Ppt #2.pptxFili 7 Q1 Ppt #2.pptx
Fili 7 Q1 Ppt #2.pptx
 
Pagsasalaysay o Naratibo
Pagsasalaysay o NaratiboPagsasalaysay o Naratibo
Pagsasalaysay o Naratibo
 
Paglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptx
Paglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptx
Paglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptx
 

Mehr von Allan Ortiz

Liham pangangalakal
Liham pangangalakalLiham pangangalakal
Liham pangangalakal
Allan Ortiz
 

Mehr von Allan Ortiz (20)

Pagsasaling wika new
Pagsasaling wika newPagsasaling wika new
Pagsasaling wika new
 
Followership understanding the basic of teamwork
Followership understanding the basic of teamworkFollowership understanding the basic of teamwork
Followership understanding the basic of teamwork
 
10 commandments boogie
10 commandments boogie10 commandments boogie
10 commandments boogie
 
Pagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysayPagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysay
 
Pananda sa pagwawasto ng Sulatin
Pananda sa pagwawasto ng SulatinPananda sa pagwawasto ng Sulatin
Pananda sa pagwawasto ng Sulatin
 
Suring pelikula format
Suring pelikula formatSuring pelikula format
Suring pelikula format
 
Radio broadcast 2
Radio broadcast 2Radio broadcast 2
Radio broadcast 2
 
Antas ng wika 2
Antas ng  wika 2Antas ng  wika 2
Antas ng wika 2
 
Antas ng Wika ppt
Antas ng Wika pptAntas ng Wika ppt
Antas ng Wika ppt
 
Tula Handout
Tula HandoutTula Handout
Tula Handout
 
Filipino wika ng karunungan
Filipino   wika ng karununganFilipino   wika ng karunungan
Filipino wika ng karunungan
 
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
 
Sino ang dapat iboto sa halalan?
Sino ang dapat iboto sa halalan?Sino ang dapat iboto sa halalan?
Sino ang dapat iboto sa halalan?
 
Pananaliksik unang hakbang Updated File
Pananaliksik unang hakbang Updated FilePananaliksik unang hakbang Updated File
Pananaliksik unang hakbang Updated File
 
Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1
 
Tula updated Handout
Tula updated HandoutTula updated Handout
Tula updated Handout
 
Maikling kuwento Handout
Maikling kuwento HandoutMaikling kuwento Handout
Maikling kuwento Handout
 
Gabay sa Pag uulat
Gabay sa Pag uulat  Gabay sa Pag uulat
Gabay sa Pag uulat
 
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismoModyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
 
Liham pangangalakal
Liham pangangalakalLiham pangangalakal
Liham pangangalakal
 

Pagsulat ng balita at pamamahayag

  • 1. Pagsulat ng Balita PAMAMAHAYAG: PAGSULAT NG BALITA Balita – ito’y maaaring pasulat o pasalita sa mga pangyayaring naganap na, nagaganap o magaganap pa. Lamang. Salik na Mahalaga sa Balita – mga pangyayari, kawilihan at mambabasa. Katangian 1. May ganap na kawastuhan- dapat tumpak, paktual, maayos ang mga detalye na inilahad, tamang pagbibigay diin, hindi magulo ang diwa. 2. walang kinikilingan 3. Kaiklian 4. Kalinawan 5. Kasariwaan 6. timbang-kaukulang diin sa bawat katotohanan Anyo ng Balita 1, Tuwirang Balita – sinusulat ito batay sa baligtad na piramide mula sa pinakamahalaga hanggang sa pinakamaliit na kahalagahan ng balita. Hindi maligoy at maikli ang mga pangungusap na madaling maunawaan ng mga mambabasa. 2. Balitang Lathalain – nababatay sa tuny na pangyayari ng katulad ng tuwirang balita.
  • 2. Ang karaniwang ayos nito ay ang pinagpalibang pinakamahalagang pangyayari (susupended interest structure), kagaya ng ayos ng isang kuwento. Ito ay nasa pagitan ng pagbabalita, editorial o lathalain batay sa paksa at pamamaraan. 3. Balitang Iisang Paksa – iisang pangyayari o paksa ang taglay ng pamatnubay. Sa katawan ng balita ipinaliliwanag ang mga detalye. 4. Balitang Maraming Itinatampok – Maraming bagay o paksa ang itinatampok sa pamatnubay. Nakahanay sa pahupang kahalagahan (according to decreasing importance). Ang pagpapaliwanag sa mga paksa ay nakahanay sa katawanng balita na ayon din sa pagkakaayos ng mga ito sa pamatnubay. Hakbang sa Pagsulat ng Balita 1. Isulat ng buod 2. Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o paliit na kahalagahan. 3. Hanapin ang impormasyong itatampok sa pamatnubay. Unahin ang pinakatampok. 4. Isulat ang balita ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa pababang kahalagahan. Mungkahing Paraan sa Pagsulat ng Balita 1. Isulat kaagad ang balita. 2. Bigyang diin at palawakin ang nangingibabaw na pangyayari. 3. Maging tumpak. 4. Iwasan ang magbigay ng opinion.
  • 3. 5. Banggitin ang awtoridan o pinagmulan ng balita lalo na kung a. nangingibabaw ang opinion, 2. ang balita ay kontrobersyal, 3. ito ay nagpapatalastas ng bagong regulasyon. 6. Ibigay ang buong pangalan ng tao sa unang pagbanggit pagkatapos ng G. Bb. O Gng. 7. Ilahad ang pangyayari na walang kinikilingan. 8. ipakilala ang pangalang binanggit. 9. Iwasan ang paggamit ng kulay sa paggamit ng salita o pariralang maaarinf makapinsala sa paniniwala at asal ng mambabasa o ng ibinabalita. 10. Simulan sa kawili-wiling pangyayari. 11. Sumulat ng maikling pangungusap gamit ang payak at tiyak na salita. 12. Ilagay ang tuwiran at di-tuwirang sabi sa magkakahiwalay na talata. 13. Iwasan ang pampakapal o pampahabang pangungusap. 14. Sumulat ng mabisang pamatnubay gamit ang ASSaKaBa. 15. Gamitin ang tinig na tukuyan (active voice) kaysa balintiyak (passive voice) maliban kung layon ang higit na mahalaga kaysa gumaganap. Kasukdulan Pababang Kahalagahan
  • 4. Ang ASSaKaBa ay lagging nasa pamatnubay ng balita. Kung minsan ang ibang ASSaKABa ay nasa ikalawang parapo na kilala sa tawag na supported lead. Ang pamatnubay ang siyang puso ng balita, sapagkat narito ang Ano, Sino, Saan, Kailan at Bakit. Kahalagahan Datos Ang mga Uri ng Pamatnubay 1. Pamatnubay ( summary lead) na nakapaloob lahat ang mga bumubuo ng ASSaKaBa at paano na siyang buod ng balita. Hal. Tinanghal na kampeon ang Mataas na Paaralan ng Rizal, Pasig City laban sa 49 na pangkat mula sa 25 na paaralang pribado at publiko sa Tagisan ng kaalaman sa Kalikasan
  • 5. ’03 nang makapagtala ng 39 na puntos ang deligado ng MPR laban sa kanilang katunggali na ginanap sa UP College of Geological Science noong Pebrero 22. 2. Pamatnubay na nakakagulat (punch lead) Maaari ito ay isang salita o maikling pangungusap. Hal. Katarungan! Ito ang sigaw ng mga Overseas Contract Workers na siyang tinaguriang bagong bayani ng bansa sa ginanap na Press Conference na idinaos sa National Press club dahil sa pagkamatay nina Delia Maga at Flor Contemplacion. 3. Naglalarawan pamatnubay ( descriptive lead ) naglalarawan ng mga pangyayaring mahalaga na may kaugnayan sa isang natatanging okasyon o pangyayaring may kaugnayan sa napakahalagang pangyayari. Hal. Mula sa itaas ng Bundok ng Samat at natanaw niya sa kanyang kinatatayuan ang maputing ulap na tila bulak na puting-puti nakakumot pa sa kagubatang iyon. Alam niya, limang kilometro mula sa kanilang kinaroroonan paakyat na ang pulutong ng mga kawal- Hapones. Sila’y tila langgam, pero siya ay hindi natitinag. Hawak niya ang kanyang baril katulad ng kaniyang mga kasamahang kawal ng digmaan. 4. Pamatnubay na naghahambing ng dalawang pangyayari (contras lead ) Hal. Binuhay ng Edsa 1986 ang natutulog na damdaming makabayan ng mga Pilipino, pinukaw naman ng pagdiriwang ng 10th World Youth Day ang nanghihinang pananampalataya ng buong sambayanan.
  • 6. 5. Pamatnubay na patanong (question lead) Patanong ang simula ng pamatnubay. Hal. Maunlad na kaya ang Pilipinas sa taong 2008? 6. Pamatnubay na masidhi ang paglalarawan (picture lead ) halos kauri ito ng descriptive lead, ang natatanging pagkakaiba nito sa huli higit na nakakaakit ito dahil sa emosyon, sa panahong nagsusulat ang reporter ay sumsanib sa kanya ang lungkot ng damdamin at emosyon ng kanyang paksa. Hal. Hindi na nila muling maririnig ang iyak ni Nene. Si Nene ay isang musmos na larawan ng kawalang malay. Maitim siya, bilugan ang mukha, kulot ang buhok at malimit siyang tuksuhin ng kanyang kapwa bata na negra. Pero sa kanyang bagong ina’t ama na kumalinga sa kanya, nang magsara ang Base Militar si Nene ay isang munting anghel. Di na nila muling narinig ang halakhak at iyak ni Nene. Kasama siya sa nagging biktima sa trahedya sa Bocaue, Bulacan. 7. Siniping pamatnubay (quotation lead) Maaari ito ay mula sa kasabihang Pilipino, sa mga salawikain na inuugnay sa isang pangyayari. Kalimitan ang mga balitang galling sa interview, talumpati, forum, seminar ay ginagamitan ng siniping pangungusap. Hal. ‘Kami ay di nagtapos ng PH degree. Wala kaming MA sa Journalism. Sabi ng iba ay wala kaming K – Karapatan, pero kami namay nagtapos sa unibersidad ng H.K. Hard Knock, karanasan ang nagging guro naming sa pagsusulat.’ Ang mga salitang maaaring gamitin sa pagsulat ng pamatnubay bilang simula ng pangungusap.
  • 7. 1. Hinirang 31. nakiramay 2. Pinili 32. Sinimulan 3. Kinondena 33. Nanalo 4. Nakamit 34. Binuksan 5. Binalaan 35. Napili 6. Nanumpa 36. Naragdagan 7. Nagwagi 37. Nahalal 8. Nanawagan 38. Isinasaayos 9. Pinangunahan 39. Natamo 10. Tinutugis 40. Hindi nasiyahan 11. Muling nagkaisa 41. Bumisita 12. Inilunsad 42. Itinanghal 13. Ipinagdiwang 43. Sisikapin 14. Nanguna 44. Inihayag 15. Itinaguyod 45. Nangako 16. Kinoronahan 46. Pinamahalaan 17. Idinaos 47. Tinaguyod 18. Pinarangalan 48. Inalayan 19. Tumanggap 49. Napili 20. Hiniling 50. Naisakatuparan 21. Napagwagian 51. Nagbigay 22. Sinimulan 52. Inaasahan 23. Ginawaran 53. Ipinahayag 24. Nasakote 54. Nagkaroon 25. Nasabat 55. Naglaan 26. Isiniwalat 56. Itinatag 27. Nag-uwi 57. Binatikos 28. Naghandog 58. Napag-alaman 29. Namahagi 59. Nagtapos 30. Binigyang-diin 60. Nakuha Mga Katangian ng Mahusay na Balita 1. Ganap na Kawastuhan
  • 8. Dead on arrival sa ospital ng Makati ang 64 anyos na si Dulce Quintan Saguisag sanhi ng pagkabasag ng bungo at pinsala sa katawan matapos na salpukin ng dump truck ang kanilang van kahapon ng madaling araw sa Makati City. 2. Timbang- Kaukulang diin sa bawat katotohanan Ayon sa ulat dakong alas- 12:30 ng madaling araw kahapon nang maganap ang insidente sa gate ng bahay ng biktima ng naturang lugar. Nabatid na naglalakadpauwi ang biktima matapos na makipag-inuman sa ilang kapitbahay at nang papasok sa kanilang gate ng bahay ay biglang sumulpot ang suspek mul sa isng madilim na bahagi hawak ang di-mabatid na kalibre ng baril. 3. Walang Kinikilingan Inamin ni Geronimo na siya mismo ang may kasalanan dahil nagulat siya nang biglang sumulpot ang van. Iginiiit din niya na naka-green light kaya tuloy-tuloy siya. Sinalungat naman ng isang taxi driver na si Joeffrey Olmagiz, 28, ng Holy Spirit, Quezon City, ang pahayag ng driver ng dump truck. Sinabi niya na kasunod siya ng sasakyan ni Saguisag at naka-green light sila. Kahalagahan ng Balita 1. Nagbibigay Impormasyon
  • 9. Ang kakabaihang regular na natutulog nang mas kokonti pa sa pitong oras gabi- gabi ay may mas mataas na panganib sa pagtaas ng presyon ng dugo, ayon s isang bagong pag-aaral. Natuklasan ng mga mananaliksik na Briton na sa mahigit 10,000 adults na isinailalim sa pag-aaral sa loob ng limang taon, ang kababaihang gabi-gabing natutulog ng anim na oras o mas konti pa ay may mas malaking posibilidad na tumaas ang presyon ng dugo kaysa sa mga babaeng natutulog nang maayos. 2. Nagtuturo Ang relaxation techniques ay isang mabuting paraan para labanan ang strees at mapanatili ang magandang kalusugan. Subukin ang mga sumusunod na para tulungan kang magrelaks: · Pasiglahin ang kalamnan sa pamamagitan ng masahe. 3. Lumilibang Siyempre naman, nag-aalala ako nang malaman ko na kinagat ng pusa si Gladys Reyes sa presscon ng My Only Love. Nakakaloka ang pusa dahil gumawa ito ng sariling eksena para mapansin siya. 4. Nakapagpapabago
  • 10. Matapos na masangkot sa anomalya ang mga pulis ng Manila Police District- Station Anti Illegal Drugs, iniutos ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbalasa sa 11 police station ng Manila police District ( MPD) Sangkap ng Balita 1. Aksyon o pakikihamok Hindi sa dating labanang super feather weigth division maaring magkitang muli sina Filipino boxing hero Manny Pacquiao at Mexican world champion Juan Manuel Marquez. 2. Nakagaganyak sa mga Tao Ayon kay Duque, kailangang pag-aralan kung ano ang nagtulak sa 12- anyos na bata na kitlin ang kanyang buhay. Si Mariannet Amper ay nagbigti nang di maibigay ng kanyang ama na si Isabelo ang Php 100 na gagamitin sa school project. 3. Kakaiba Inilabas na kahapo sa ICU ng pasay City General Hospital ang isang buwang sanggol na pinapak ng mga naglalakihang daga, kamakailan sa nabanggit na lungsod upang isalang naman sa surgical operation.
  • 11. 4. Nagaganap sa Kasalukuyan Nanindigan kahapon sina Sens. Panfilo Lacson at Richard Gordon na hindi na maaring tumakbo sa 2001 presidential eletions si Dating Pangulong Joseph Estrada. 5. Naganap sa malapit na pook Patay ang apat katao, marami pa ang nasugatan, habang anim namang kabahayan ang nawasak matapos ang isang malakas na pagsabog sa isang umano’y pagawaan ng bomba sa siyang sub-divisin sa Bacoor,Cavite kahapon ng hapon. 6. Pagsulong Isinusulong ng Dangerous Drugs Board sa Kongreso ang pagpapasa ng batas upang payagan ang mga law enforcement agencies na magsagawa ng wiretapping sa paglaban sa illegal na droga sa Pilipinas. 7. Romansa o Pakikipagsapalaran Isang 18-anyos na dalaga ang nagpatiwala sa pamamagitan ng pag-inom ng lason matapos nitong malaman na nakabuntis ng ibang babae ang kanyang nobyo kahapon ng umaga sa Malabon City.
  • 12. 8. Bilang o Estadistika Natuklasan ng isang grupo ng Tufts University na ang mga taong may normal blood zinc concentrations ay halos 50% malayong magkaroon ng pneumona kaysa sa mga may mababang concntratins. Pamatnubay - pangunahing bahagi ng isang balita na natatagpuan sa unang talata. Ito ay naglalaman ng pinakatampok o pinakamahalagang pangyayari sa balita. Dalawang Uri ng Pamatnubay: 1. Kombensyonal – Nilalaman nito ang kasagutan sa mga tanong na ano, sino, bakit, Kailan at paano. 1. 1. Binibigyan- diin ang tao - ( Sino ) Bumuo kahapon si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Anti Kotong at Anti- Colorum task force bilang tugon sa panawagan ng transport section na magtaas ng pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. 1. 2. Binibigyang-diin ang pamamaraan ( Paano )
  • 13. Malaking tulong ang computer sa ating mga anak sa pagri-research. Pero minsan, naabuso rin ito kapag masyado na silang nalilibang lalo na sa paggamit ng Internet. 1. 3. Binibigyang – diin ang sanhi o dahilan – ( Bakit ) Binabantayan umanong mabuti ng Philippine National Police ang ilang lugar sa Mindanao na posibleng gamitin ng kontrobersyal na dating election supervisor na si Lintang Bedol na labasan patungo sa ibang bansa. 1. 4. Binibigyang- diin ang pangyayari – ( Ano ) Isang nakagigimbal na opresa ang ibinigay kagabi ng papasikat na cue artist na si Joven Bustamante ng Pilipinas kay dating world pool champion Wu-Chia-Ching ng taipei matapos itakas ang 10-8 tagumpay at isulong sa round – of-16 ang laban sa prestihiyosong 2007 World Pool Championship sa Big Dome. 1. 5. Binibigyan diin- ang lugar o pook na pinaganapan ( Saan ) Bacoor, Cavite- Tatlo katao ang namatay , 12 sugatan at 14 na bahay ang nasira nang sumbog ang mga dinamitng ina-aassemble sa isang bahay dito. 1. 6. Binibigyan diin- ang araw o petsa - ( Kailan )
  • 14. Lilipad ngayong linggo patungong Beijing, China ang national Wushsu Squad upang magpartisipa sa prestihiyosong 9th World Wusshu Championship mula Nobyembre 11-15. 2. Di- Kombensyonal na Pamatnubay- Nagsisimula ito sa payak na pahayag o sanligan nang nangyari nang balita na may karugtong sa kasalukuyang balita. 1. Payak na Pahayag 2. 1. Payak na Pahayag Hiniling ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Business leaders na tumutulong para maibsan ang kahirapan at dami ng mga nagugutom. 2. 2. Nakaraang balita na karugtong ng bagong balita. Agad na nakiramay si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa sinapit na trahedya ni dating Sen. Rene Saguisag at may bahay nitong si Dulce na naaksidente sa Makati City kahapon ng madaling araw.
  • 15. 2. 3. Siniping sabi ( siniping pahayag ) “ Gov’t wag sisihin sa suicide “ Ayon kay Pangulong Arroyo, di dapat sisihin ang gobyerno sa pagpapakamatay ni Mariannet Amper dahil ang Davao City ay highly –urbanized at di kabilang sa priority area.ang lalawigan ay dir in kabilang sa 10 pinakamahirap sa bansa. 2. 4. Pagtatanong na sinasagot kaagad ng sumulat upang linawin sa mambabasa ang tinatalakay. Kung mataas ang LPG dama mo ba ang malakas na piso? Umabot na sa $ 100 kada bariles ang presyo ng petrolyo sa world market! Nangangahulugan na lolobo sa Pph3 hanggang Pph5 ang presyo kada litro ng petrolyo. Kaya lahit bumaba ang dolyar kontra piso ay patuloy pa ring magiging kawawa ang mga obrerong apektado ng pagtaas ng langis. 2. 5. ,Paglalahad ng kaibahan Higit na mataas ang populasyon ng mag-aaral sa Pilipinas na umabot sa 18 Milyon lamang kumpara nang nagdaang tatlong taon na may 15 Milyon lamang na nagpatalang mag-aaral.
  • 16. 2. 6. Hindi hayagang sinbi ng nagsasalita. Malaki ang paniniwala ng Philippine National police ( PNP ) na posibleng nakatakas na palabas ng bansa ang wanted na election supervisor na si Lintang Bedol sa pamamagiatn ng pagdaan nito sa “ southern backdoor’ bago pa man magpalabas ng kauusan ang Comelec na hulihin siya. Sanggunian: Gabay sa Pag-aaral ng Pamamahayag sa Elementarya at Sekondarya Ni Alex M. Magsino Pamamahayag Pangkampus ni Ceciliano Cruzlick to add text, images, and other content