3. Dinala si Rizal sa Dapitan ng Barkong Cebu Dala rin nya ang sulat mula kay Padre Pablo Pastell para kay Padre Antonio Obach Nilalaman ng sulat ang mga kondisyon para maaaring manirahan si Rizal sa Kumbento
5. Babawiin ni Rizal sa harap ng madla ang mga kamalian na nauugnay sa relihyon at ang mga pananalita niya ay papanig sa mga kastila at laban naman sa himagsikan.
6. Gagawin niya ang mga nauukol sa simbahan at ikukumpisal niya
ang mga nagawang kasalanan.
7. Magmula noon siya ay magpapakita ng kagandahang loob bilang lingkod ng mga
kastila at magiging isang taong panig sa relihyon.
8. Tinanggihan ni Rizal ang lahat ng mga kondisyon at nanirahan sa bahay ni Kapitan Carnicero
at pinayagan na maging malaya siyang magpunta kahit saan.
9. Sumulat si Rizal ng isang tula para sa mabait na kumandante "A Don Ricardo Carnicero"
bilang alay niya sa kanyang kaarawan noong ikaw-26 ng agosto 1892.
11. Dumating ang barkong Butuan sa Dapitan noong Setyembre 21, 1892 Sinalo ito ni Kapitan Carnicero at inutos rin niya ang buong bayan magtipon sa dalampasigan.
12. Walang opisyal ang sakay ng barko ngunit dala nito ang magandang balita. Tiket sa Loterya blg. 9736 na pag-aari nina Kapitan Carnicero, Rizal at Francisco Equilor ay nanalo ng P20,000.
13. Napunta kay Rizal ang P6,200 Inilaan niya ang P2,000 para sa ama at P200 para kay Basa at ang natira ay ipinangbili niya ng lupang sakahan sa Talisay