Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

Filipino 6 dlp 15 kilalanin ang mga pag-ugnay sa tambalan at hugnayan

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 11 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Ähnlich wie Filipino 6 dlp 15 kilalanin ang mga pag-ugnay sa tambalan at hugnayan (20)

Anzeige

Weitere von Alice Failano (20)

Aktuellste (20)

Anzeige

Filipino 6 dlp 15 kilalanin ang mga pag-ugnay sa tambalan at hugnayan

  1. 1. 160 Module 15 6666 Filipino Kilalanin ang mga Pang-ugnay sa Tambalan at Hugnayan A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
  2. 2. 161 Kumusta, maraming modyul na ba ang nasagot mo? Natutuwa ka ba at may marami ka nang alam na aralin? May iba ka namang modyul na uumpisahan. Sana ay madali mong matatapos ang pagsagot nito madagdagan ang iyong kaalaman. Ang mga salita ay may kanya-kanyang paraan sa paggamit. Mas lalo nating maintindihan ang mga salita kung alam natin ang gamit at kahulugan ng mga ito maging sa pangungusap o sa lipon ng mga salita. Sa modyul na ito ay nagagamit ang mga salitang pang-ugnay sa tambalan at hugnayang pangungusap. Piliin ang salitang pang-ugnay sa tambalan at hugnayang pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Wala akong mabiling bulaklak ________ magagalit ang mga suki ko. a. o b. na c. at 2. Mag-iiyak ba ako ________ gagawa ako ng paraan. a. at b. nang c. o 3. Nagtatagal daw ang dekorasyon ________ nakatitipid sila nang malaki. a. kaya b. kung c. upang Subukin Natin Sa Mag-aaral Mga Dapat Matutuhan
  3. 3. 162 4. Dati ay nag-aalala ako ________ masama ang panahon. a. sapagkat b. kapag c. dahil sa 5. Nakatitipid pa raw sila ________ hindi pa natutuyo ang mga bulaklak. a. dahil b. kaya c. kung Tingnan ang Gabay sa Pagwawasto para sa mga tamang sagot. Sino ang kilala mong bayani? Dapat mo ba siyang ipagmalaki? Bakit? Basahin ang maikling kwentuhan ng mag-aaral. May field trip ang mga mag-aaral. Tinitingnan nila ang mga rebulto ng mga bayani sa bansa. Nasa harapan sila ng bantayog ng Andres Bonifacio. Pag-aralan Natin Mahirap lamang si Bonifacio ngunit ang pagmamahal niya sa bayan ay higit pa sa kanyang sarili. Si Bonifacio, kahit na siya mahirap, ay nagsikap na mag-aral, bumasa, at sumulat. Sa Tondo siya ipinanganak at dito siya nagsimulang magkaisip tungkol sa pagtatanggol sa bayan.
  4. 4. 163 Ano ang pinag-uusapan ng mga mag-aaral? Ano ang napapansin mo sa mga sinabi ng mga mag-aaral? Pansinin ang mga salitang nasa kahon: A. Sa Tondo siya ipinanganak at dito siya nagsimulang magkaisip tungkol sa bayan. B. Si Bonifacio, kahit na siya mahirap, ay nagsikap na mag-aaral, bumasa at sumulat. Ang mga salitang nasa kahon ay ginagamit bilang pang-ugnay sa kayarian ng pangungusap tulad ng tambalan at hugnayan. Tambalang pangungusap – ay binubuo ng dalawa o higit pang mga payak na pangungusap. Tinatawag na mga sugnay na makapag-iisa ang mga bahagi ng tambalang pangungusap. Ginagamit ang pang- ugnay na at kung magkapareha ang ideya ng mga sugnay; ngunit ang pang-ugnay kung magkasalungat ang mga ideya at o kung may pagpipilian. Halimbawa: a. Wala akong mabiling bulaklak at magagalit ang mga suki ko. b. Marami ang may order ng sariwang bulaklak ngunit walang dumarating na bulaklak mula sa Baguio. c. Mag-iiyak ba ako o gagawa ako ng paraan? Hugnayang pangungusap – kung ang isang pangungusap ay binubuo ng payak na pangungusap o malayang sugnay at isang sugnay na hindi makapag-iisa. Ginagamitan ng mga pang-ugnay na kaya, upang, dahil sa, kung, kapag, pati, saka, ngunit, at subalit ang hugnayang pangungusap. Ang mga pang-ugnay na ito na ginagamit sa tambalan at hugnayang pangungusap ay tinatawag ding mga pangatnig. Halimbawa: - Ang bansa ay uunlad kung magsisikap tayo. sugnay na makapag- iisa o malayang sugnay pangatnig sugnay na di makapag-iisa
  5. 5. 164 - Kinuha ko ang mga kabataang hindi nag-aaral upang paaralin sila. Piliin ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang hugnayan o tambalang pangungusap. Isulat sa papel ang sagot. 1. Walang nakararating na sariwang bulaklak mula sa Davao _________ kanselado ang lipad ng eroplano. 2. Sundin mo ang payo ng iyong mga magulang __________ maging maganda ang iyong kinabukasan. 3. Madaling natatapos ang mahirap na gawain __________ bawat isa ay nagtutulung-tulong. 4. Matagal na siyang naghihintay __________ hindi pa dumarating ang kaibigan. 5. Nagdidilig siya sa umaga __________ nagluluto siya sa hapon. Gawin Natin sugnay na makapag-iisa o malayang sugnay pangatnig di-malayang sugnay dahil sa at ngunit kapag sapagkat kaya kung upang
  6. 6. 165 Ano ang iskor mo? Iskor Bumuo ng tambalan o hugnayang pangungusap. Hanapin sa hanay B ang kaugnay na kaisipan ng nasa hanay A. Gamitin ang angkop na pang-ugnay at isulat sa patlang. A B 1. Sumilip siya sa siwang na kanyang pinagtaguan ___________. a. may katahimikan at kapayapaan sa ating damdamin. 2. Naiiba na ang henerasyon ngayon ng mga Pilipino __________. b. ang bayan ay nangulila. 3. Si Del Pilar ay namatay __________. c. bawasan ng kalahating dosena? 4. Masarap ang mabuhay __________. d. nakita niya ang isang kawan ng maiitim na hayop. 5. Limang dosenang itlog ang dadalhin mo __________. e. sa iba-ibang kabihasnang dala ng mga dayuhan. Tingnan ang Gabay sa Pagwawasto at iwasto ang iyong papel. Mga Dagdag na Gawain
  7. 7. 166 • Tambalang pangungusap – ay binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa at ginagamit ang mga pangatnig na at, ngunit, at o bilang pang-ugnay sa mga pangungusap. At kung magkapareho ang ideya ng mga sugnay; ngunit kung magkasalungat ang mga ideya at o kung may pagpipilian. Halimbawa: Si Jose Rizal ay magaling sa Kastila ngunit si Marcelo H. del Pilar ay sanay naman sa Tagalog. • Hugnayang pangungusap – binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di-makapag-iisa na may ginagamit ding mga pangatnig bilang pang-ugnay sa pangungusap tulad ng kung, nang, bago, upang, kapag, kaya, dahil, sapagkat, datapwat. Halimbawa: Lahat ng mga empleyado ko ay mahuhusay sugnay na makapag-iisa kaya maunlad ang negosyo ko. pangatnig sugnay na di makapag-iisa Tandaan Natin
  8. 8. 167 Piliin ang tamang pang-ugnay at isulat sa sagutang papel. 1. Nagluto ng maraming pagkain ang nanay ngunit kaunti ang dumating na bisita. a. kaya b. upang c. ngunit 2. Sasama siya sa sayawan kung papayagan siya ng mga magulang. a. kung b. o c. subalit 3. Dinilig nila ang mga halaman nilagyan ng pataba ang puno. a. kaya b. ngunit c. at 4. Aalis ka ba __________ maghihintay ka sa akin? a. at b. ngunit c. o 5. Nagtatanim sa bukid ang mga tao __________ panahon ng tag- ulan. a. kaya b. kung c. ngunit Isulat sa kahon ang marka mo. Iskor Sariling Pagsusulit
  9. 9. 168 Ikahon ang mga pang-ugnay o pangatnig sa bawat pangungusap: 1. Napilayan si Gene dahil malikot siya. 2. Nagmamadali si Keempee sa pag-uwi kaya naiwanan ang aklat. 3. Ikaw ang magluluto at ako ang mag-aalaga kay Roxy. 4. Dapat pitasin ang kaymito kapag ito ay hinog na. 5. Gusto niyang sumali sa paligsahan ngunit mahiyain naman siya. Ano ang iskor mo? Iskor Kung tama lahat ang sagot mo, binabati kita! Pagyamanin Natin
  10. 10. 169 Subukin Natin 1. c 2. c 3. a 4. b 5. a Gawin Natin 1. dahil sa 2. upang 3. kung 4. ngunit 5. at Mga Dagdag na Gawain 1. at – D. nakita niya ang isang kawan ng maiitim na hayop. 2. dahil – E. sa iba-ibang kabihasnang dala ng mga dayuhan. 3. kaya – B. ang bayan ay nangulila. 4. kung – A. may katahimikan at kapayapaan sa ating damdamin. 5. o – C. bawasan ng kalahating dosena. Sariling Pagsusulit 1. c 2. a 3. c 4. c 5. b Pagyamanin Natin 1. dahil 2. kaya 3. at 4. kapag Gabay sa Pagwawasto
  11. 11. 170 5. ngunit

×