Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

Filipino 6 dlp 11 pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuro

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 10 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Ähnlich wie Filipino 6 dlp 11 pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuro (20)

Anzeige

Weitere von Alice Failano (20)

Aktuellste (20)

Anzeige

Filipino 6 dlp 11 pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuro

  1. 1. 118 Module 11 6666 Filipino Pagsabi ng Sariling Palagay o Kuru-kuro A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
  2. 2. 119 Kumusta ka na? Sana’y nasa mabuti kang kalagayan at handa ka na namang matuto ng isa pang aralin. Galingan mo, ha? Bawat isa’y may karapatan at kalayaang magpahayag ng sariling palagay o kuru-kuro tungkol sa mga isyu. Ngayon, matutuhan mo ang pagsabi ng sariling palagay o kuru-kuro sa isyung pinag-uusapan. Magbigay ng iyong sariling palagay sa isyu sa ibaba. Gumamit ka ng mga ekspresyon sa pagpapahayag ng palagay o kuru-kuro. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. A. Kailangang kumilos ang mamamayan hindi lamang ang pamahalaan para sa pag-unlad ng ekonomiya ng bayan. B. Dapat ba o hindi dapat gawing legal ang sugal? Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Kung hindi katulad ang iyong sagot, maaari kang sumangguni sa iyong guro. Magpatuloy ka. Subukin Natin Sa Mag-aaral Mga Dapat Matutuhan
  3. 3. 120 Nasubukan mo na bang magpahayag ng inyong opinyon o kuru- kuro tungkol sa isang isyu o bagay na pinag-uusapan? Paano mo ito ginawa? Basahin mo ang kuwento. Pansinin kung paano ipinahahayag ng mga tauhan ang kanilang opinyon o kuru-kuro. Pag-aralan Natin
  4. 4. 121 Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Saan ang punta ng magkakaibigan? 2. Ano ang kanilang usapan? 3. Sinu-sino ang mga unang dumating sa kanilang tipanan? 4. Bakit hindi agad nakarating sa takdang oras si Flor? 5. Kung ikaw ay si Cora o si Josie, magagalit ka ba kay Flor? Bakit? Nakumbida ang magkaibigang Cora, Josie, Lina, at Flor sa pista sa Pateros. Napagkayarian ng magkakaibigan na sa panaderya na lang ni Lina sa Pasig sila magkikita-kita sa ganap na ikaapat ng hapon. Bago mag-ikaapat ay dumating na sina Cora at Josie. Mag- iikalima na ng hapon ay wala pa si Flor. “Baka na-trapik lang ‘yon, pahayag ni Cora nang mainip na ang mga kaibigan, “Marami rin sigurong mamimista tulad natin.” “Ang sabihin mo, siguro’y mag-iikaapat na nang umalis sa kanila. Alam mo naman iyon. Kung anong oras ang usapan ng pagkikita, siyang oras ng pag-alis pa lang niya sa bahay,” ang nayayamot namang sabi ni Josie. “O, siya na yata ‘yung bumaba sa dyip,” sabi naman ni Lina na nakatanaw sa labas. “Nabangga ang sinasakyan kong dyip,” pagbabalita ni Flor nang dumating. “Nasaktan ‘yung sakay sa kotse at isinugod kaagad sa ospital ng tsuper ng dyip. Pinasakay na lamang kami sa ibang dyip. E, ang hirap namang sumakay at puno lahat ang dyip. Tila mahihirapan din tayong sumakay mula rito.
  5. 5. 122 Habang naghintay sina Cora at Josie kay Flor, kaniya-kaniya sila sa pagpahayag ng kanilang opinyon o kuru-kuro tungkol sa isyu kung bakit hindi nakarating si Flor sa takdang oras. Narito ang kanilang sinabi sa pagpapahayag ng kanilang palagay o kuru-kuro. Cora: “Baka na-trapik lang iyon.” “Marami rin sigurong mamimista tulad natin.” Josie: “Ang sabihin mo, siguro’y mag-iikaapat na nang umalis sa kanila. Alam mo naman iyon. Kung anong oras ang usapan ng pagkikita, siyang oras ng pag-alis pa lang niya sa bahay.” Anu-ano ang salitang may salungguhit? - baka, siguro • Ang mga salitang ito ay mga ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag ng opinyon o kuru-kuro. Narito pa ang ibang ekspresyon na maaaring gamitin sa pagpapahayag ng palagay o kuru-kuro sa: sa palagay ko, para sa akin, at sa tingin ko. Paano kaya nakapagbigay ng palagay o kuru-kuro sina Cora at Josie? - batay sa kanilang karanasan o sa katotohanang naganap • Magagawa ng isang mag-aaral ang magbigay ng palagay o kuru- kuro kung siya ay nalantad sa paksa o isyung pinag-uusapan batay sa kanyang dating kaalaman. Ang kaalamang ito ay mula sa kanyang karanasan, pagmamasid, pagbabasa o pakikinig kaya makabubuo siya ng sariling paniniwala tungkol sa isyu.
  6. 6. 123 Gawain 1 Ibigay ang iyong opinyon sa sumusunod na isyu. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Dapat ba o hindi dapat matutuhan ng mga babae ang mga gawaing lalaki? 2. Dapat ba o hindi dapat matutuhan ng mga lalaki ang mga gawaing babae. Kung tapos ka na, ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Kung naiiba ang iyong sagot sa nasa Gabay sa Pagwawasto, huwag mag-alala. Maaari mong isangguni sa iyong guro ang iyong kasagutan. Gawain I-A Magbigay ka pa ng iyong palagay ukol sa sumusunod na isyu. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Dapat ba o hindi dapat magtrabaho ang mga ina? 2. Dapat bang ipagmalaki o hindi ng isang lalaki ang pagtatrabaho ng kanyang mises? Tapos ka na? Muling ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Maaari mo pa ring isangguni sa iyong guro ang iyong mga sagot kapag naiba ang mga ito sa mga nasa gabay. Magpatuloy ka pa. Gawin Natin
  7. 7. 124 Ang palagay o kuru-kuro ay sariling paniniwala tungkol sa isang isyu. Makapagbibigay ng matalinong palagay o kuru-kuro ang isang mag-aaral kung siya ay nalantad sa isyung pinag- uusapan batay sa karanasan, pagbabasa, pagmamasid, o pakikinig. Magbigay ka ng sariling palagay tungkol sa sumusunod na pahayag. Isulat sa papel ang iyong sagot. 1. Sama-samang pagdarasal ng pamilya, tanda ng pagkakaisa. 2. Wastong edukasyon, yamang hindi mananakaw. Muli mong ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto at maaari mo pa ring isangguni sa iyong guro kung wasto ba ang iyong sagot kahit naiiba ang mga ito sa nasa Gabay sa Pagwawasto. Sagutin: - Ano ang palagay o kuru-kuro? - Paano ka makapagbibigay ng matalinong palagay o kuru-kuro? Tandaan Natin Mga Dagdag na Gawain
  8. 8. 125 Magbigay ng sariling palagay tungkol sa sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Dapat bang mag-aaral ang isang batang gaya mo? 2. Alin ang makahuhubog sa magandang kaasalan ng mga bata, ang tahanan o paaralan? 3. Ang turo sa paaralan ba ay panay teorya lamang? 4. Ang paggalang sa magulang ay higit pa kaysa ginto. Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Maaari mo pa ring isangguni ang iyong sagot sa iyong guro. Magbigay ng sariling palagay tungkol sa sumusunod na isyu. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Dapat ba o hindi dapat maglayas ang isang anak kapag napapagalitan ng magulang? 2. Pamahalaan ang dapat lumutas sa mga suliraning pampamilya. Tingnan mo ang wastong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Maaari mo pa ring isangguni sa iyong guro ang iyong mga sagot. Ngayon, magpatuloy ka na sa susunod na modyul. Binabati kita. Pagyamanin Natin Sariling Pagsusulit
  9. 9. 126 Subukin Natin A. Sa aking palagay, ang mamamayan ay dapat katuwang ng pamahalaan. Sila ay may tungkuling tumulong sa pamahalaan sa pagsulong sa kaunlaran ng bansa. B. Para sa akin, ang sugal ay hindi dapat gawing legal dahil hindi lang ito nagpapasadlak sa kabataan sa masamang bisyo, dahilan din ito sa kahirapan ng mas nakararaming pamilyang Pilipino. Gawin I 1. Dapat ding matutuhan ng mga babae ang mga gawaing lalaki dahil hindi sa lahat ng panahon at pagkakataon na kakailanganin ang serbisyo ng mga lalaki ay nandiyan sila. Isa pa mas maging independente ang kababaihan kung mas marami silang kayang gawin. 2. Sa tingin ko dapat ding matutuhan ng mga lalaki ang mga gawaing babae dahil mas maging makatutulong sila sa pamilya kung marunong sila sa mga gawaing bahay gaya ng mga babae. Gawain I-A 1. Sa palagay ko, dapat ding magtrabaho ang mga ina dahil sa panahon ngayon na mahirap kumita ng pera mas makabubuti na makatutulong sila upang guminhawa ang pamumuhay ng mga mag-anak. 2. Dapat ipagmalaki ng lalaki ang pagtatrabaho ng kanyang mises sa kadahilanang nakatutulong ito ng malaki sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Gabay sa Pagwawasto
  10. 10. 127 Mga Dagdag na Gawain 1. Sa tingin ko, talagang tanda ng pagkakaisa ang sama-samang pagdarasal ng pamilya. Sa panahon ngayon na ang bawat kasapi ng pamilya ay parang laging abala sa kani-kanilang gawain kahit sa ganitong sitwasyon nagkasama-sama pa rin sila sa pagdarasal, masasabi ko talagang nagkakaisa sila. 2. Sa pananaw ko, wala talagang ibang kayamanan na hindi mananakaw kundi ang karunungan lang dahil hindi ito makukuha ng isang tao mula ninuman. Sariling Pagsusulit 1. Para sa akin dapat talagang mag-aaral ang batang katulad ko dahil ito lang ang paraan upang magkaroon ako ng kamalayan sa mga bagay-bagay at ito rin ang makapagbibigay sa akin ng magandang kinabukasan. 2. Sa tingin ko ang tahanan ang makahuhubog sa kaasalan ng bata dahil ang mga unang taon niya sa pagkatuto ay ginugol niya sa tahanan. Sa pagpasok niya sa paaralan, mayroon na siyang angking asal na nagmula sa tahanan at hanggang sa paglaki niya patuloy siyang matututo mula rito. 3. Ang turo ng paaralan ay hindi panay teorya lamang. Sa katunayan marami itong itinuturo na naghahanda sa mag-aaral upang mabuhay sa mundo katulad ng pagtatanim, pagkakarpintero, at marami pang iba. 4. Ang paggalang sa magulang ay kayamanang higit pa sa ginto dahil ito ang tunay na nagbibigay ng sigla at tuwa sa mga magulang. Hindi nila ito ipagpapalit kahit sa ano pang yamang kumikinang. Pagyamanin Natin 1. Sa tingin ko hindi dapat maglayas ang isang anak kapag napapagalitan ng magulang dahil baka mapahamak siya. 2. Sa palagay ko, ang mga suliraning pampamilya ay kaya ng lutasin ng mga mag-asawa dahil sila ang higit na nakakaalam nito.

×