Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

Ang kuwento ni Felipe

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Nächste SlideShare
Fray botod
Fray botod
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 2 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Weitere von Alice Failano (20)

Anzeige

Aktuellste (20)

Ang kuwento ni Felipe

  1. 1. Ang Kuwento Ni Felipe Ito ang kuwento ng buhay ng isang batang nagngangalang Felipe. Bata pa lamang si Felipe nang naulila sa magulang. Panganay siya sa tatlong magkakapatid, at sa pagkamatay ng magulang, sa kanya napataw ang responsibilidad ng pagtataguyod sa kanilang pamilya. Labindalawang taon pa lamang siya, tatlong trabaho na ang kaniyang ginagampanan upang makaraos sa buhay. Sa umaga ay naglalako siya ng pandesal sa kanilang lugar. Sa tanghali naman ay naglilinis siya ng kotse sa parke sa may likod ng simbahan, at sa gabi ay nagtitinda siya ng balot at tsitsaron. Mahirap ang kaniyang trabaho dahil madaling araw pa lamang ay kailangan na niyang gumising upang magtinda ng tinapay. Sa pagtitinda naman ng balot at tsitsaron ay ginagabi na siyang umuwi ng bahay. Ang laat ng ito ay nakakaya niya dahil sa pagmamahal sa kapatid. Suki niyang nagpapalinis ng kotse ang pari sa parokya nila. Madalas silang nag-uusap ng pari lalo na kapag nililinis ni Felipe ang kotse. Sa paguusap nila ay napag-alaman ng pari na siya lamang ang bumubuhay sa pamilya at ulila na silang magkakapatid. Naawa ang mabait na pari, at inalok niya si Felipe na papag- aralin niya ng libre. Hindi naman nagdalawang isip si Felipe, pumayag ito at nagpasalamat sa pari.
  2. 2. Nag-aral nga si Felipe habang nagtatrabaho na lamang sa umaga at gabi. Mas lalo siyang maagang gumising at mas malayo ang nilalakad upang makapagtinda ng mas maraming pandesal. Ganito rin ang ginagawa niya sa gabi. Pinag-igihan din niya ang pag-aaral. Hindi rin niya pinabayaan ang kaniyang dalawang nakababatang kapatid. Ilang buwan pa ay nakahanap na siya ng mas magandang trabaho na hindi kakain ng mahabang oras. Napag-aral niya sa elementarya ang dalawang kapatid habang nag-aaral siya. Lumipas ang taon ay nakapagtapos ng pag- aaral si Felipe. Nakahanap siya ng permanenteng trabaho at nakapagtabi ng naipong pera upang makapagtayo ng maliit na negosyo. Napagtapos niya ang dalawang kapatid. Bilang ganti sa kabaitan ng paring unang nagtiwala at nagbigay ng oportunidad sa kanya, siya rin ay kumuha ng mga papag-araling bata. Tumulong din siya sa simbahan at sa mga kapuspalad. Lumago ang maliit na negosyo, nakapagpatayo siya ng magarang bahay at ng iba pang kagamitan. Nagtagumpay si Felipe sa kaniyang mga mithiin sa buhay, at napagtagumpayan niya ito dahil siya ay masipag, masikap, mapagmahal at mabuting tao. Sagutin ang mga tanong: 1. Sino ang taong tumulong kay Felipe? 2. Ano ang trabaho niya sa umaga, tanghali at gabi? 3. Ilang taon siya unang naghanapbuhay? 4. Sino ang panganay sa magkakapatid 5. Ano ang ginawa niya upang maibahagi ang kayaman sa iba? 6. Ano ang naging inspirasyon ni Felipe upang magsikap sa buhay? 7. Ano ang itinulong ng pari na nagmagandang loob sa bata? 8. Sa iyong palagay, anu-anong mga damdamin ang naramdaman ni Felipe? Ibigay kung saang talata natagpuan ito,

×