2. Si John Locke ay kilala
bilang Ama ng Liberalismo.
Isa siyang Ingles na
pilosopo at doktor ng
medisina.
3. Si John Locke ay ipinanganak
noong ika-29 ng
Agosto, 1632. Siya ay mula
sa Warington, isang bayan
sa Somerset, England.
4. Ang kaniyang ama na tinatawag
din sa pangalang John ay isang
country lawyer, at nagsilbing
kapitan ng mga kabalyero
noong English Civil War. Ang
kaniyang ina naman ay si
Agnes Kenee.
5. Noong 1646 nag-aral siya sa
Westminister School at
noong 1659 ay sa Christ
Church Oxford. Naging guro
ni John Locke si Robert
Boyle, pinuno ng Oxford
scientific group.
6. Ayaw niya sa undergraduate
curriculum noong panahong
iyon. Mas napukaw ang
kaniyang atensyon ng mga
gawa ni Descartes kaysa sa
mga tinuturo sa mga
unibersidad.
7. Nakuha niya ang kaniyang
bachelor’s degree noong
1656, master’s degree noong
1658, at bachelor of
medicine noong 1674.
8. Ang mga ideya ni Locke tungkol
sa kalayaaan sa relihiyon at
karapatan ng mga mamamayan
ay itinuring na paglaban sa
otoridad ng hari. Kaya noong
1682 si Locke ay ipinatapon sa
Holland.
9. Sa kaniyang pananatili sa Holland
ay natapos niya ang An Essay
Concerning Human Understanding,
ngunit ito ay nailathala lamang
noong 1690. Sa librong ito ay
itinatag ni Locke ang prinsipyo ng
modernong Empiricism, at tinuligsa
ang rasyonalistang konsepto ng
katutubong ideya.
10. Sinulat din niya ang Two
Treatises of Civil
Government. Nilalaman nito
ang kaniyang teorya sa
natural na batas at
karapatan ng mga tao.
11. Mga Pangunahing Gawa ni
Locke
• A Letter Concerning Toleration
(1689)
• Two Treaties of Government (1689)
• An Essay Concerning Human
Understandings (1690)
• Thoughts Concerning Education
(1693)
• The Reasonableness of Christianity
(1695)
12. Pumanaw si Locke noong ika-28
ng Oktubre,1704 at inilibing sa
bakuran ng simbahan sa bayan
ng High Laver. Si John Locke ay
hindi nagkaroon ng asawa at
anak.
14. Si John Locke ay isang
matinding impluwensya kay
Voltaire, na isa ring
enlightenment thinker, at
tinawag pa siya nitong “le
sage locke”
15. Ang kanyang mga argumento
patungkol sa kalayaan at
ang tinawag niya na sosyal
contract ay nakaimpluwensya
sa mga Founding Fathers of the
United States at ginamit pa ito
sa Declaration of
Independence.
16. Theories of Religious
Tolerance
Tatlong Argumento:
1. Makamundong hukom, estado sa
partikular, at mga tao sa
pangkalahatan, ay hindi maaring
dumepende sa mga katotohanang
sinasabi ng mga magkakalabang
relihiyon.
17. 2. Ang pagpapatupad ng isang relihiyon
lamang ay hindi isang solusyon, dahil
ang paniniwala ay hindi napipilit
palitan gamit ang karahasan.
3. Ang pagkakapareho ng relihiyon ay
hahantong lamang sa mas malalang
kaguluhan, kaysa sa pagpapahintulot
sa pagkakaiba-iba.
18. Teorya ng Halaga at Ari-
arian
Ginamit ni Locke ang salitang ari-arian
sa malawak at makitid na pagtingin. Sa
malawak na pagtingin ito ay interes ng
mga tao, sa makitid naman ito ay mga
bagay na materyal. Sinabi niya na ang
pagkakaroon ng ari-arian ay isang
karapatan at nakukuha sa
pamamagitan ng paggawa
19. Teoryang Politikal
Naniniwala si Locke na ang
katauhan ay binubuo ng rason at
pagpapaubaya. Gaya ni Hobbes
naniniwala si Locke na ang tao ay
sadyang makasarili. Ayon din
sakanya ang rebolusyon ay hindi
lamang isang karapatan kundi isa
ding obligasyon.
20. On Price Theory
Ang teorya ni Locke sa halaga at presyo
ay isang teorya sa suplay at demand.
Ayon sakanya ang suplay ay ang dami
at ang demand ay ang upa. Sinabi din
niya na kung pera ang pinag-uusapan
ang pangangailangan nito ay
kinokontrol ng dami nito.
21.
22. References
• Internet
– Egs.edu/library/john-
locke/biography
• Book
– Perry, A History of the World: Revised
Edition